You are on page 1of 1

ABSTRAK

Ang araling pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagdetermina ng Mga Paraan ng Pagkatuto

ng mga Piling Mag-aaral ng Unang Taon sa Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK” ay

isinasagawa upang malaman kung anu-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng

unang taon, partikular na sa kursong BSA at BSBAMA. Ang mga mananaliksik ay nagpamigay ng

mga questionnaire sa mga mag-aaral. Ang nilalaman nito ay base na rin sa Sistemang VARK,

isang kilalang sistema sa Internet na ginagamit ng nakararami upang madetermino ang kanilang

mga paraan ng pagkatuto. Ang mga questionnaire na ito ay idinikteyt, at ang iba naman ay

pinasagutan sa mga mag-aaral, at saka kinolekta ang mga datos. Isinaayos ito at manu-manong

ikinompyut ang mga datos. Ang mga resulta sa bawat seksyon ay sinuring mabuti at

ipinagkumpara, at ayon dito ay nadetermino ang pinakaangkop na paraan ng pagkatuto ng mga

mag-aaral. Base sa mga resulta, lumabas na ang Visual Learning Preferences ang pinakaangkop

na paraan ng pagkatuto para sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BSA at BSBA-MA. Ang

nasabing paraan ng pagkatuto ay higit na nagiging epektibo kung ang isang mag-aaral ay may

nakikitang mga visual aids at iba pang pang-edukasyunal na mga bagay. Ayon na rin sa

Sistemang VARK, napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi nagkakalayo ang mga

preperensya ng bawat mag-aaral sa mga paraan ng pagkatuto. Inirerekomenda ng mga

mananaliksik na subukang gumawa ng panibagong pananaliksik ukol sa iba pang mga paraan ng

pagkatuto, at sa mga Multiple Intelligences

You might also like