You are on page 1of 30

School Division Office

City of Mandaluyong
BONIFACIO JAVIER NATIONAL HIGH SCHOOL
BarangkaDrive,Mandaluyong City

Pamanahong Papel

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG INSTRUMENTAL, REGULATORYO


AT HEURISTIKO SA PAG-AARAL NG GRADE 10 SA
BONIFACIO JAVIER NATIONAL HIGH SCHOOL

Isinumite kay
ERNESTO L. ESPANOL JR.
MASTER TEACHER II

Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang


Filipino II
(KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO 11)

Mga Mananaliksik:

TERENCE C. DELOS REYES


JOSHUA D. BAUTISTA

Marso 2019

Page | 1
PASASALAMAT

Lubos kaming nagpapasalamat sa mga taong tumulong upang mapagtagumpayan ang

aming ginawang pananaliksik.

Una sa lahat kami ay nagpapasalamat sa panginoon sapagkat kami ay hindi niya

pinabayaan sa lahat ng pagsubok upang matapos ang pag-aaral na ito, binigyan niya din kami

ng lakas ng loob at sa lahat n gaming ginawa , nandoon ang kanyang presensya.

Pangalawa, sa aming mga magulang na walang sawa sumoporta sa aming

pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pangpinansyal at oras na binigay sa amin

upang magawa ang aming pananaliksik.

Pangatlo, sa aming guro na si G. Ernesto L. Espanol na aming professor sa

Komunikasyon at Pananalik sa Wika at Kunlturang Pilipino 11 na siyang naging daan upang

mabuo ang pananaliksik na ito.

Pang-apat, sa iba pang mananaliksaik sa mga pag-aaral na ito sapagkat na dagdagan

an gaming mga nakalap na impormasyon at kami ay nakaroon ng mga basihan sa aming

pananaliksik.

Huli, sa aming mga kamag-aral at sa mga respondent na nakiisa, tumulong at nag

bigay ng impormasyon tungkol sa aming paksa. Lubos ang aming pasasalat sapagkat kung

wala ang mga taong ito, hindi magiging epektibo, makabuluhan, kasiya-siya, maging maayos

, organisado, at kapani-paniwala an gaming pamanahong papel.

Muli maraming salamat sa inyo !

Page | 2
PAGHAHANDOG

Buong puso at pagmamahal ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong,

gumabay at naging bahagi at nagbigay inspirasyon upang

matagumpay na matuldukan ang pananaliksik na ito.

Sa Panginoon na siyang nagbigay ng katatagan, lakas, patnubay, at walang

hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan

ang pag-aaral na ito;

Sa aming magulang na walang sawang

sumoporta at umunawa;

kay G. Espanol na siyang naging gabay at isa sa mga naging daan

upang ito’y maging possible o ganap;

sa aking kasama sa pag-gawa nito na nagbuhos at namuhunan ng oras, pagod

upang ang pag-aaral na ito ay maisaganap nang matagumpay

Page | 3
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasamat……………………………………………………………………………………...2

Paghahandog…………………………………………………………………………………..3

Talaan ng Nilalaman…………………………………………………………………………..4

Abstract………………………………………………………………………………………..6

Kabanata I

Panimula……………………………………………………………………………….7

Paglalahad ng Suliranin………………………………………………………………..8

Kahala gahan ng Pananaliksik………………………………………………………....9

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral………………………………………………...10

Depinisyon ng mgaTermino………………………………………………………….10

Kabanata II

Lokal na Litenatura…………………………………………………………………..12

Dayuhang Litenatura………………………………………………………………....13

Kabanata III

Disenyo ng Pananaliksik..............................................................................................15

Paraan ng Pananaliksik.................................................................................................15

Mga Pokus ng Pag-aaral...............................................................................................15

Mga Instrumento ng pananaliksik................................................................................16

Tritment ng mga Datos

Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos..............................................................17

Page | 4
Kabanata V

Lagom...........................................................................................................................25

Konklusyon..................................................................................................................26

Rekomendasyon...........................................................................................................26

Bibliograpiya................................................................................................................27

Sarbey...........................................................................................................................28

Kurikulum bitey...........................................................................................................30

Page | 5
ABSTRACT

Tatangkain ng mananaliksik na tukuyin at hanapin ang mga kahalagahan sa paggamit

ng Instrumental, Heuristiko at Regulatoryo. Sasaliksikin ang paksang “Kahalagahan ng

Paggamit ng Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko sa Pag-aaral ng Grade 10 sa

Bonifacio Javier National High School” upang ipakita ang mga sagot sa dahilan ng

paggamit ng tungkulin ng wika.

Mahalaga ang ginawang pananaliksik na ito sapagkat malalaman dito ang tunay na

gamit sa buhay ng bawat mag-aaral, guro, at maging sa lipunan.

Makikinabang sa pananaliksik na ito ang mga mag-aaral, guro, paaralan at lipunan.

A. Mag-aaral. Mahalaga sa mga mag-aaral na malaman ang tamang gamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko, sapagkat maututulungan sila nito upang

magkaroon ng magandang pakikisalamuha sa kapwa.

B. Mamamayan. Ang pag-aaral na ito’y nagbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa

kahalagahan sng tungkulin ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng

bayan.

C. Guro. Mahalaga sa guro ang isang pananaliksik na ito upang malaman na dapat itong

ituro nang maayos sa bawat mag-aaral.

D. Paaralan. Kapag nabasa ito ng mga bumubuo sa paaralan, sila’y magka-iisip ng

interbensyon upang mas lalo pang maibahagi at maituro sa mga mag-aaral ang tamang

paggamit ng tungkulin ng wika at maipaintindi sa mga mag-aaral na napakahalaga ng

gamit nito sa pakikipagkapwa.

E. Lipunan. Malalaman ng lipunan ang kahalagahan ng tamang pakikitungo sa kapwa

gamit ang gamit nang instrumental, Regulatoryo at Heuristiko.

Page | 6
KABANATA I

SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Kung ang teknolohiya ay patuloy na umuunlad sa kasalukuyan ay gayun din ang wika

sa ngayon, sapagkat ito'y nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan, at nagbibigay

tulong sa pag-unlad ng isang bansa. Mahalaga at kinakailangan ng bawat mag-aaral ang

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at

pakikipagtalastasan ng bawat mamayan. Ang ekonomiya, patuloy na uunlad kung ang bawat

isa ay gagamitin ang tungkulin ng wika sa tama.

Mahalaga sa panahon ngayon, ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko, sapagkat

ang bawat tungkulin ng wika ay patuloy na ginagamit sa araw-araw na pamumuhay ng tao, sa

wika rin nasasalamin ang kalayaan, kamalayan at kultura ng bawat tao.

Ilan sa tungkulin ng wika ang Instrumental, ito ay naipapahayag ng isang tao ang

kanyang mga pangangailangan at gusto sabihin, halimbawa nito ay ang pagmunungkahi, pag-

uutos at paghihikayat.

Susunod na tungkulin ng wika, ang Regulatoryo, ito’y may kakayahang

makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba, halimbawa nito ay ang

pagmunungkahi, pag-uutos at paghihikayat. Ang tungkulin ng wika ay patunay na mahalaga

sa bawat dila, utak, puso sa bawat tao.

Huling tungkulin ng wika ay ang Heuristiko. Ito ay ginagamit sa paghahanap o

paghingi ng impormasyon, halimbawa nito ay ang pagtatanong tungkol sa kalikasan at ito rin

ay ginagamit sa pagbuo ng konklusyon, pagpapaliwanag at maging sa pagtuklas at iba pa.

Susunod na tungkulin ng wika ay ang instrumental.

Page | 7
Ang mga mag-aaral ng Grade 10 sa Bonifacio Javier National High School ay

gumagamit ng tungkulin ng wika at nagagawa nilang paunlarin ito, subalit nakakalimutan o

hindi nila alam ang tunay na kahulugan nito, maging ang kahalagahan sa paggamit nito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito, isinagawa upang maipakita ang mga pananaw ng mga mag-aaral

ng Grade 10 sa Bonifacio Javier National High School sa Kahalagahan ng Paggamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko. Itinanong sa kanila ang mga sumusunod.

1. Mahalaga ba ang tungkulin ng wika ?

2. Gaano kadalas gamitin ng mga mag-aaral ang tungkulin ng wika tulad ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko?

3. Alam ban g mga mag-aaral kung paano gamitin ang Instrumental, Regulatoryo at

Heuristiko ?

4. Alam ba ng mga mag-aaral ang kahulugan ng Instrumental, Regulatoryo at ng

Heuristiko ?

5. Bakit mahalaga ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko ?

6. Ano ang mga factor na nakaka-apekto sa pagbabago ng paggamit ng Instrumental,

Regulatoryo at Heuristiko ?

7. Anumang wika ba ay may tungkulin tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang

kinabibilangan nito ?

8. Sa wika ba nasasalamin ang pagtaya ng kamalayan at kultura ng tao ?

Page | 8
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko ay mahalaga at kinakailangan ng isang

bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-

ugnayan at pakikipagtalastasan sa bawat mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil

kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi gagamitin

ang tungkulin ng wika sa tamang pamamaraan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging

kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

1. Mag-aaral. Mahalaga sa mga mag-aaral na malaman ang tamang gamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko, sapagkat maututulungan sila nito upang

magkaroon ng magandang pakikisalamuha sa kapwa.

2. Mamamayan. Ang pag-aaral na ito’y nagbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa

kahalagahan sng tungkulin ng wika at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng

bayan.

3. Guro. Mahalaga sa guro ang isang pananaliksik na ito upang malaman na dapat itong

ituro nang maayos sa bawat mag-aaral.

4. Paaralan. Kapag nabasa ito ng mga bumubuo sa paaralan, sila’y magka-iisip ng

interbensyon upang mas lalo pang maibahagi at maituro sa mga mag-aaral ang tamang

paggamit ng tungkulin ng wika at maipaintindi sa mga mag-aaral na napakahalaga ng

gamit nito sa pakikipagkapwa.

5. Lipunan. Malalaman ng lipunan ang kahalagahan ng tamang pakikitungo sa kapwa

gamit ang gamit ng instrumental, regulatoryo at heuristiko.

Page | 9
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito, upang malaman ang kahalagahan sa paggamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko sa kasalukuyan maging sa susunod na henerasyon.

Sa mga tuntunin ng paggamit nito ay may limitasyon na dapat isaalang-alang. Ang dahilan

nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Ginawa ito upang malaman

ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 10 sa Bonifacio Javier National High School,

Taong Panuruan 2018-2019.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na salita

ay binibigyang kahulugan.

Ekonomiya. Ito’y organisadong sistema ng aktibidad ng tao na nasasangkot sa

produksyon, paggamit, palitan, at pamamahagi ng mga kalakal at serbisyo.

Heuristiko. Ito ang tumutukoy sa mga bagay o gawain na nakakatulong para

matutunan ng tao ang isang bagay gamit ang sariling pag-intindi. Ang heuristiko ay paraan

ng pag-aaral o paglutas ng problema na kung saan ginagamitan ng common sense.

Komunikasyon. Ito ay isang processo kung saan nagpapalitan ng ideya,

impormasyon at kaalaman ang ibat-ibang tao.

Kultura. Ang pagsalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining at

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Instrumental. Instrumental ay ang pagmumukahi, pag-uutos at paghihikayat

Regulatoryo. Ito’y pag-ayon, pagputol at pagsagot

Talastasan. Ang pakikipagtalastasan, isang uri ng komunikasyon kung saan

nagpapalitan ng ideya at kuro kuro. mahalaga ito dahil malayang nasasabi ng tao ang

kanilang saloobin o anumang iniisip na may kinalaman sa paksang tinatalakay.

Page | 10
Tungkulin ng Wika. Kabilang sa uri nito ay ang instrumental, regulatori, personal,

imahinatib, heuristic at impormatib.

Ugnayan. Ang ugnayan, may komunikasyon sa isang tao at iba pang tao. Ang

kahalagahan nito ay kung wala ito sa bawat tao hindi tayo mag kakaintindihan at walang

pagkakaisa o di kaya ay walang tutulong sayo na tao kung wala kang ugnayan sa iba.

Wika. Isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at

mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang

pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at

pagsulat.

Page | 11
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Makikita sa kabanatang ito ang pagsusuri ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral,

Nagbibigay rin ito ng higit na malinaw nakaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip

sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa sa

pamamagitan ng lokal at dayuhan na literatura maging ang mga mananaliksik na ito ay

nagbigay ng sariling literatura.

LOKAL NA LITERATURA

Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): Parang hininga ang wika, sa bawat sandal

ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo at may kakayahang umugnay sa

kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng

wika upang kamtan ang kailangan natin. Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat

indibidwal kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal, at mga simpleng mamamayan ay

nakakabit na sakanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan

upang kanilang makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan.

Sinasabi naman sa pag-aaral ni Carroll (1964) ang wika ay isang sistema ng mga

sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob

ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng

kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o

natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.

Lumalabas naman sa pag-aaral ni Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks

sa La Salle, “Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung

Page | 12
walang lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya.”Ang wika umano ay isang

paraan ng paggawa ng transaksyon. Binanggit din niya na lahat ng nangyayari sa ekonomiya

ay base sa kung paano mo ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng

malinaw sa iba ang iyong naintindihan tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang

pambansa ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng ating bansa

DAYUHANG LITERATURA

Ayon kay Halliday (1978). Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari /

maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng

tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at

maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita

lamang

Sa kabilang banda, sinasabi naman ni Malinowski, B. (1923). Ang opinyon ng

kanyang papel ay tungkol sa isang posibilidad sa paggamit ng wika, tungkol sa kung paano

ang isang karapat-dapat na tagapagsalita ay dapat magkaroon ng kamalayan sa pagsasalita

para sa pagiging perpekto o para sa pakikipagkaibigan, at may kakayahan na iwasan ang

kawalang kabuluhan. Ang mga pangunahing aspeto ng pragmatika ay maikli na ipinakilala at

pagkatapos ay idinidiin bilang mga bloke ng gusali ng wika.

Higit sa lahat sinasabi ni Firth, J. R. (1957). Pinag-aaralan niya ang mga error sa estilo

ng rehistro ng mga nag-aaral ng Cantonese bilang pangalawang wika. Ito ay isang pag-aaral

sa pag-aaral ng pagtatayo ng mga kursong nagtataglay ng mga nag-aaral na naglalaman ng

mga nag-aaral at mga sampol ng mga kuwento tungkol sa 5000 minuto. Ang lahat ng data ay

nakolekta mula sa spontaneous speeches na inihatid at pagkukuwento sa pamamagitan ng 44

Page | 13
mag-aaral ng Cantonese L2 sa iba't ibang yugto ng pag-aaral. Ang data ay nagpapakita ng

mga halimbawa na naglalaman ng mga pananalita at mga sample na may mga error sa estilo

ng rehistro na ginawa ng mga nag-aaral ng Cantonese L2. Ang mga halimbawa ay

nagpapakita ng paglabag sa mga panuntunan sa gramatika sa estilo ng pagrerehistro sa

pamamagitan ng paggamit ng hindi naaangkop na estilo ng pagrehistro o paghalo ng iba't

ibang antas ng pormalidad sa partikular na konteksto ng wika. Ang pananaliksik ay isang

paunang pagtatasa ng rehistro-estilo ng gramatika sa Cantonese at tinatalakay ang ilang mga

implikasyon at mga suhestiyon sa pagtuturo ng Cantonese bilang Pangalawang Wika pati na

rin sa pagtuturo ng Tsino bilang Pangalawang Wika.

Ayon sa mananaliksik na ito ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kahalagahan ng

heuristiko, instrumental at regulatoryo. Ang mga ito ay mahalaga sapagkat ito ang ating

ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay tulad sa pakikipagkomunikasyon,

pakikipagtalstasan at sa pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kaya’t mahalaga na mabigyan pansin

ito upang malaman ng bawat mag-aaral at maging ang mga mamayan na malaman ang

kahulugan nito at maging ang kahalagahan sa paggamit ng tungkulin nito.

Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, ang heuristiko, instrumental at

regulatoryo kinagisnang ito upang hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng

mundo. dahil itinatanag ang tungkulin ng wika upang maging ilaw tungo sa pagkakaisa,

kapayapaan, at pagkakaintindihan ng bawat mamamayan.

Page | 14
KABANATA III

METOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, ipriniprisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral,

mga instrumentong pananaliksik at tritment ng mga datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ginawa ang pag-aaral na ito ayon sa disenyo ng pamamaraang deskripto-analitik

napamamaraan. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang Kahalagahan sa

Paggamit ng Instrumental, Regulatoryo, at Heuristiko sa Pag-aaral ng Grade 10 sa Bonifacio

Javier National High School.

PARAAAN NG PANANALIKSIK

Ginawa ang pag-aaral na ito sa papamagitan ng pagsasarbey. Maghahanda ang mga

mananaliksik na ito, ng sarbey kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang

malaman ang mga salik sa pag-unlad ng wikang Filipino sa makabagong panahon.

MGA POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga pipiliing mga respondente sa pag-aaral na ito, ang mga Grade 10 sa

Bonifacio Javier National High School Taong Panuruan 2018-2019 sa Barangka Drive,

lungsod ng Mandaluyong. Sa kasalukuyan ay may limampung respondentee kaming kinuha

na kung saan ang mga mananaliksik ay gagamit ng quota sampling. Sila ay magpapamahagi

ng tatlumpung sarbey kwenstyuner .

Page | 15
MGA INSTRUMENTONG PANANALIKSIK

Ginamit ang sarbey kwestyoner upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa

pag-aaral, pinasagot sa mga mag-aaral sa Bonifacio Javier National High School ang mga

katanungan.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pagtally at pagkuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin ng mga

mananaliksik upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.

Page | 16
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INRPRESENTASYONNG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga nakalap mula sa mga mag-aaral ng Grade 10

sa Bonifacio Javier National High School tungkol sa Kahalagahan ng Paggamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko.

TALAHANAYAN 1

Mahalaga ba ang tungkulin ng wika ?

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Oo 30 100

Hindi 0 0

KABUUAN 30 100

Table 1. Malinaw na ipinapakita sa talahanayan 1 na 30 respondente o 100% ang

sumagot na Oo na nagsasabing mahalaga ang Tungkulin ng Wika, at walang respondente na

sumagot ng Hindi na nagsasabing hindi mahalaga ang Tungkulin ng Wika kaya ang resulta

nito ay 0 o 0%.

Page | 17
TALAHANAYAN 2

Gaano kadalas gamitin ang tungkulin ng wika tulad ng Instrumental, Regulatoryo at

Heuristiko?

GAANO KADALAS RESPONDENTE PORSYENTO %

Madalas 9 30

Bihira 12 40

Minsan 6 20

Hindi 3 10

KABUUAN 30 100

Table 2. Base sa resulta ng datos ipinapakita na kung gaano kadalas ito gamitin ng 30

respondente mula sa Grade 10 students sa Bonifacio Javier National High School. Base sa

datos 12 o 40% ang sumagot ng Bihira, na nagsasabing bihira lamang nila ito gamitin. 9 o

30% ang sumagot ng Madalas, na nagsasabing madalas nila ito gamitin. 6 o 10% ang

sumagot ng Bihira, na sinasabi na bihira lamang nila ito gamitin. Habang may 6 o 10%

naman na sumagot ng Hindi na sinasabi na kailan man ay hindi nila ito ginagamit.

Page | 18
TALAHANAYAN 3

Alam mo ba kung paano gamitin ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko ?

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Oo 16 53

Hindi 14 47

KABUUAN 30 100

Table 3. Ipinapakita sa talahanayan 3 na kung alam ng 30 respondente kung paano

gamitin ang Tungkulin ng Wika tulad ng Instrumental, Regulatoryo at ng Heuristiko. Ayon sa

resulta ng datos 16 o 60% ang sumagot ng Oo na nagsasabing alam nila ang gamit ng

Instrumental, Regulatoryo at ng Heuristiko. Habang may 14 o 47% ang sumagot ng Hindi na

sinasabing hindi nila alam ang gamit nito.

Page | 19
TALAHANAYAN 4

Bakit mahalaga ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko ?

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at 5 16


salamin ng lipunan.
Sa pamamagitan ng mga salita 0 0
nagkakaunawaan ang mga tao.
Ang Tungkulin ng wika ay siyang susi sa 8 27
pagkakabuklod-buklod ng damdamin at
diwa ng mga mamamayan.
Lahat ng nabanggit. 17 57

KABUUAN 30 100

Table 4. Lumilitaw sa datos na may 17 o 57% na sumagot ng Lahat na nabanggit na

sinasabing (1) Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan. (2) Sa

pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao. (3) Ang Tungkulin ng wika ay

siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan. na kung

bakit mahalaga ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko. Mayroong 8 o 27% ang sumagot

ng Ang Tungkulin ng wika ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa

ng mga mamamayan. Habang may 5 o 16% ang sumagot na Ang wika ay kaluluwa ng isang

bansa at salamin ng lipunan at 0 o 0% na sinasabi ay Sa pamamagitan ng mga salita

nagkakaunawaan ang mga tao.

Page | 20
TALAHANAYAN 5

Ano ang mga factor na nakaka-apekto sa pagbabago ng paggamit ng Instrumental,

Regulatoryo at Heuristiko ?

MGA FACTOR RESPONDENTE PORSYENTO %

Teknolohiya 12 40

Paglipas ng panahon 14 47

Pagsakop ng ibang bansa 4 13

KABUUAN 30 100

Table 5. Ipinapakita sa talahanayan 5 na ang Paglipas ng panahon ang pangunahing

factor na nakaka-apekto sa paggamit ng Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko na may

resulta na 14 o 17%. Sinundan ito ng Teknolohiya na may 12 o 40%. Habang 4 o 13% ang

nagsagot na Pagsakop ng ibang bansa ang factor na nakaka-apekto sa tatlong tungkulin ng

wika.

TALAHANAYAN 6

Naipa

pahayag ng isang tao ang kanyang mga pangangailangan at gusto. Anong tungkulin na

wika ito ? SAGOT: Instrumental

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Tama 16 53

Mali 14 47

KABUUAN 30 100

Page | 21
Table 6. Ipinapakita sa talahanayan 6 ang bilang ng Tama at Mali sa kanilang pag

sagot sa tanong na Anong tungkulin ng wika ang naipapahayag ng isang tao ang kanyang

mga pangangailangan at gusto. Mula sa 30 respondente, 16 o 53% ang nakakuha Tama at 14

o 47% ang nakakuha ng Mali sa kanilang pagsagot.

TALAHANAYAN 7

May kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng tao. Anong

tungkulin na wika ito ? SAGOT: Regulatoryo

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Tama 14 47

Mali 16 53

KABUUAN 30 100

Table 7. Ipinapakita sa talahanayan 7 ang bilang ng Tama at Mali sa kanilang

pagsagot sa tanong na Anong tungkulin ng wika ang may kakayahang makaimpluwensya at

mag control sa pag-uugali ng tao. Mula sa 30 respondente, 16 o 53% ang Mali sa kanilang

pagsagot habang 14 o 47% ang Tama ang pagsagot.

Page | 22
TALAHANAYAN 8

Ito ay pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran. Anong

tungkulin na wika ito ? SAGOT: Heuristiko

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Tama 9 30

Mali 21 70

KABUUAN 30 100

Table 8. Ipinapakita sa talahanayan 8 ang bilang ng Tama at Mali sa kanilang

pagsagot sa tanong na Anong tungkulin ng wika ang nagtutuklas upang makapagtamo ng

kaalaman ukol sa kapaligiran. Mula sa 30 respondente, 21 o 70% ang Mali habang 9 o 30%

ang Tama sa kanilang pagsagot.

TALAHANAYAN 9

Anumang wika ba ay may tungkulin tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang

kinabibilangan nito ?

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Lubos na sumang-ayon 9 30

Sang-ayon 12 60

Di lubos na sumang-ayon 3 10

Di Sang-Ayon 0 0

KABUUAN 30 100

Page | 23
Table 9. Malinaw na ipinapakita sa talahanayan 9 na may 12 o 60% ang nagsabing

silay Sang-ayon. Mayroong 9 o 30% ang nagsasabing na sila ay Lubos na sumang-ayon na

ang anumang wika ay may tungkulin tumutugon sa pangangailangan ng tao at lipunan.

Habang may 3 o 10% ang Di lubos na sumang-ayon at O o 0% ang Di Sang-ayon.

TALAHANAYAN 10

Sa wika ba nasasalamin ang pagtaya ng kamalayan at kultura ng tao ?

SAGOT RESPONDENTE PORSYENTO %

Lubos na sumang-ayon 12 40

Sang-ayon 17 57

Di lubos na sumang-ayon 1 3

Di Sang-Ayon 0 0

KABUUAN 30 100

Table 10. Lumilitaw sa talahanayan 10 na may 17 o 57% ang nagsabing silay Sang-

ayon. Mayroong 12 o 40% ang nagsasabing na sila ay Lubos na sumang-ayon na sa wika

nasasalamin ang pagtaya ng kamalayan at kultura ng tao. Habang may 1 o 3% ang Di lubos

na sumang-ayon at O o 0% ang Di Sang-ayon.

Page | 24
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ipinapakita sa Kabanatang ito ang lagom ng pag-aaral at ang konklusyon maging ang

rekomendasyon upang magbigay solusyon sa problemang naitala sa pag-aaral na ito.

LAGOM

Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa Kahalagahan ng Paggamit ng Instrumental,

Regulatoryo at Heuristiko sa Pag-aaral ng Grade-10 sa Bonifacio Javier National High school

ay naganap. Tatlumpung respondente ang sumagot sa mga tanong na aming ipinamigay. Ang

resulta ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Malinaw na halos lahat ng 30 respondente ang nagsabing mahalaga ang Tungkulin ng

Wika tulad ng Instrumental, Regulatoryo at ng Heuristiko. Ito ay sinang-ayunan ng

100 %.

2. Karamihan sa mga respondente ay naniniwala na ang Paglipas ng panahon ang

pangunahing factor na nakaka-apekto sa paggamit ng Instrumental, Regulatoryo at ng

Heuristiko na sinang-ayunan ng 47% na respondente at sinundan ito ng Teknolohiya

na may sumang-ayon na 40%.

3. Subalit maraming respondente ng Grade 10 sa Bonifacio Javier National High School

ang hindi alam ang kahulugan at gamit ng Instrumental, Regulatoryo at ng Heuristiko.

Sapagkat 53% lamang ang nakakuha ng tamang sagot na kung ano ang Instrumental.

Tila bumababa ang bilang na nakakuha ng tamang sa sagot kung ano ang Regulatoryo

na may bilang na 47%. Mas lalong bumaba ang bilang ng tamang sagot kung ano ang

Heuristiko na may bilang na 30%.

Page | 25
KONKLUSYON

Ayon sa lagom ng pag-aaral ay nakita ang mga sumusunod:

1. Malinaw na ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko ay mahalaga

para sa ating pakikipag komunikasyon.

2. Naniniwala ang mga respondente na ang Pagsakop ng ibang bansa at

Teknolohiya ang pangunahing factor na nakaka-apekto sa paggamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko.

3. Pagtu-unan, bigyan halaga at ng pansin ng mga mag-aaral ang paggamit

ng Instrumental, Regulatoryo at ng Heuristiko ang kahulugan nito

sapagkat ito ang kanilang pangunahing ginagamit sa araw-araw.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga

mananaliksik ang rekomendasyong ito.

1. Magiging maayos at magkaka-intindihan ang bawat tao kung ang tatlong tungkulin ng

wika ay gagamitin sa tama at ang ekonomiya ay mas mapapa-unlad pa nito.

2. Tangkilikin ng mga mag-aaral, at maging ang tao sa lipunan ang paggamit ng

Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko, sapagkat dito nasasalamin ang ating kultura

at maging ang ating pagkatao.

3. Kahit anong tungkulin wika ay may kakayahang tumugon sa pangangailangan ng

bawat tao at lipunanang kinakailangan nito.

Page | 26
BIBLIOGRAPIYA

Michael A.K. Halliday. (1978). Tungkulin ng Wika. Retrived from

https://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/ang-tungkulin-ng-wika

Malinowski, B. (1923). The Problem of Meaning in Primitive Languages. In C. K. Ogden,

& I. A. Richards (Eds.), The Meaning of Meaning (pp. 296-336). London: K. Paul,

Trend, Trubner.

Firth, J. R. (1957). Papers in Linguistics 1934-1951. London: Oxford.

Bienvenido L. Lumbrera (2007). WIKANG FILIPINO: HININGA,

KAPANGYARIHAN AT PUWERSA. Retrived from

http://panulatnirom.blogspot.com/2012/10/wikang-filipino-hininga-

kapangyarihan.html

John B. Carroll. (1964). Wika at Panitikan. Retrived from

http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html

Christopher Cabuhay.(nd). Kaugnayan ng wikang filipino bilang pambansang wika. Retrived

from

https://www.coursehero.com/file/pa35bc/Kaugnayan-ng-Wikang-Filipino-bilang-

pambansang-wika-sa-unlad-pang-ekonomiya-Ang/

Page | 27
SARBEY

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG INSTRUMENTAL, REGULATORYO


AT HEURISTIKO SA PAG-AARAL NG GRADE 10 SA
BONIFACIO JAVIER NATIONAL HIGH SCHOOL

Name:____________________ Date:______________________
Section:___________________ Gender:____________________

Panuto: Pumili at lagyan ng tsek ang iyong sagot.

Mahalaga ba ang tungkulin ng wika ? Oo Hindi

Gaano mo kadalas gamitin ang tungkulin ng wika tulad ng Instrumental, Regulatoryo at


Heuristiko ?

Madalas Bihira Minsan Hindi

Alam mo ba kung ano ang gamit at paano gamitin ang Instrumental, Regulatoryo at
Heuristiko ?

Oo Hindi

Bakit mahalaga ang Instrumental, Regulatoryo at Heuristiko ?

Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan

Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao

Ang Tungkulin ng wika ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at


diwa ng mga mamamayan

Lahat ng nabanggit

Ano ang mga factor na nakaka-apekto sa pagbabago ng paggamit ng Instrumental,


Regulatoryo at Heuristiko ?

Teknolohiya Paglipas ng panahon Pagsakop ng ibang bansa

Page | 28
Naipapahayag ng isang tao ang kanyang mga pangangailangan at gusto. Anong tungkulin na
wika ito ?

Instrumental Regulatoryo Heuristiko

May kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng tao. Anong tungkulin na


wika ito ?

Instrumental Regulatoryo Heuristiko

Ito ay pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran. Anong tungkulin na


wika ito ?

Instrumental Regulatoryo Heuristiko

Anumang wika ay may tungkulin tumugon sa pangangailangan ng tao at lipunang


kinabibilangn nito.

lubos na sumang-ayon Sang-ayon Di lubos na sumang-ayon Di


Sang-Ayon

Sa wika nasasalamin ang pagtaya ng kamalayan at kultura ng tao.

lubos na sumang-ayon Sang-ayon Di lubos na sumang-ayon Di


Sang-Ayon

Page | 29
KURIKULUM BITEY

Name: Joshua Bautista

Address: Mandaluyong

Contact No.: 09055346386

Email Address: bautistajoshua0025@gmail.com

Birthdate: June 25, 2000

Age: 18

Gender: Male

Course: Computer System Technology (CSS)

Name: Terence Delos Reyes

Address: Mandaluyong

Contact No.: 09052546755

Email Address: juliusdelosreyes0981@gmail.com

Birthdate: October 10, 2001

Age: 17

Gender: Male

Course: Computer System Technology (CSS)

Page | 30

You might also like