You are on page 1of 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pagpili ng track na kukunin ay para na ring pumipili ng kursong pag-aaralan sa kolehiyo. Dapat
itong pag-isipang mabuti bago gumawa ng desisyon, sapagkat maaari itong makaapekto sa buhay ng
isang tao sa hinaharap.

Ang mga espirituwal na bagay ang dapat na nangunguna sa ating mga desisyon dahil ito ay walang
hanggan. Ngunit ang mga materyal na bagay ay parte ng ating buhay kaya dapat timbangin natin itong
mabuti. (Tess, 2013)

Ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay ayon sa iyong: talento, kasanayan (skills), Hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansiyal at
mithiin. Ang talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang
magsisilbing batayan sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay pagtatapos ng Junior High School (Baitang 10). Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang
mga bagay kung saan ang isang tao ay mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang
abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency). Ang hilig o hobbies ay ang mga paboritong
gawain na nagpapasaya sa isang tao dahil gusto at buo ang puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang
hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Dapat sukatin ang sarili pagdating sa kasalukuyang
katayuang pinansyal na kakayahan ng magulang sa pagpapaaral. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa
buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. (Peralta, Andaya, &
Tuguinayo Jr., 2014)

Ang hilig o passion sa ginagawa ng isang tao ang mananatiling magtutulak para magtrabaho, sa
puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang pangunahin layunin ay ang kumita ng pera
kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng tao na gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho
kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi. (Rivera, 2008)

Isipin kung ano ang interes mo, alamin kung saan ka magaling, mga pinahahalagahan, trabahong
makukuha, panahon, nilalaman, haba at mga pangangailangan ng kurso, pinansiyal na abilidad at kalidad
ng Unibersidad. Ito lamang ang ilang bagay na dapat tandaan bago tuluyang magdesisyon. (WikiHow,
2014)

Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Kahit ang taong ayaw pumili o magpasya o
makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumipili pa rin sa isang aksyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi
pakikialam. Dahil ang tao ay malaya at may kakayahang pumili, siya ay inaasahang maging mapanagutan
sa piniling pasya at maging masaya para dito. (Peralta, Andaya, & Tuguinayo Jr., 2014) Ang Pilipinas ang
huling bansa sa Asya at isa sa mga lamang tatlong bansa sa buong mundo na may 10-taong pre-service
university cycle at ang dalawa pang bansa ay ang Angola at Djibouti. Ang kurikulum ng pangkalahatang
edukasyon sa kolehiyo ay magkakaroon ng mas kaunting bilang ng yunit. Ang mga paksa na dinala sa
batayang edukasyon ay tatanggalin mula sa kurikulum ng kolehiyo. Matatagpuan ang mga detalye
tungkol sa bagong kurikulum sa CHED Memorandum Order blg. 20, serye ng 2013. Ang 12-taong
programa ay natagpuan na ang pinakamainam na panahon para sa pagkatuto sa ilalim ng pangunahing
edukasyon. Ito rin ay ang kinikilala na pamantayan para sa mga estudyante at mga propesyonal sa buong
mundo. Mahalaga ang pag-unawa sa proseso ng K-12 kurikulum na pag-unlad para sa pagdedesisyon ng
mga mag-aaral sa pagpili ng strand (Henderson, 2014).

Ang mga magulang ay ang pinakaunang guro ng mga bata, na kung sa gayon sila ay unang tagapayo at
tagagabay,Ayon kay Bladeless (2013) ang mga magulang ay kumukontrol ng kanilang mga anak tungkol
sa kanilang pinipiling kurso. Karamihan, hindi iniisp ang kagustuhan ng kanilang anak. Ang sosyo
ekonomikong estado ay isa sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng kukuning strand (Cabrera
& Nasa, 2000).Ayon kay Rivera (2008), ang hilig ng isang tao ang mananatiling magtutulak para
magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang pangunahin layunin ay ang
kumita ng pera kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng tao na gawin sa buhay at lumalabas na hindi na
ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

MGA KAUGNAY NA PAG–AARAL

Pangunahing paksa ng pag-aaral na ito ang pagpili ng strand sa Senior High School (SHS). At base
sa pagsusuri ng mga mananaliksik, mayroon dalawang pangunahing kadahilanan upang isaalang-alang
ang pagpili ng SHS Track at Strand sa K-12 kurikulum. Ang una rito ay nakasaad na hindi lahat ng mga
Track at Strand ay inaalok sa pamamagitan ng mga paaralan na malapit. Dapat na suriin ang mahusay na
mga kagamitan sa paaralan na papasukan.

Magtanong kung ang mga paaralan ay may mahusay at sapat na kagamitan na kakailanganin sa Track at
Strand na pipillin sa SHS. Ang ilang Unibersidad o kolehiyo ay nag-aalok din ng SHS. Ang mga ito ay halos
pribadong kolehiyo ngunit maaring gamitin ang programa na garantiya ng Kagawaran ng Edukasyon
upang makakuha ng diskuwento sa matrikula at iba pang gasto sa paaralan. Ang pangalawang
pangunahing sa pag-sasaalang sa pagpili ng Track at Strand sa SHS ay ang kursong piillin sa kolehiyo.
Dapat na siguraduhing tama ang pagplano upang maipagpatuloy ang natutunan sa SHS patungong
kolehiyo. Kung hindi pa sigurado sa kursong kukunin, ito ay magsisilbing sagot sa mga tanong. Magiging
mas madali ito upang pumili sa pagitan ng iba’t ibang mga Track at Strand (Nual, J. M. at Elogario, G.,
wp)

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang “Factors Affecting Career Preferences Among Senior High
School Students In Tacloban City” at isinulat nina Penedilla at Rosaldo ay nagtatalakay sa mga salik na
nakakapekto sa pipiliing kurso ng mga Senior High School Students Ng Leyte National High School.
Napagalaman sa pananaliksik na ito na dahil karamihan ng mga napagdesisyon na kurso ay mula sa
kanilang kagustuhan, kaya masasabi na ang mga mag-aaral ay sabik sa paggagawa ng desisyon.

Maslow’s theory of one’s needs of good and decent meals, shelter for safety, recognitions and
belongingness to the family, intrinsic motivation of self-discovery and actualization; Skinner’s Operant
Conditioning that make one behaves or does (or refrains from doing) things because of rewards and
punishments; and Piaget's theory of cognitive development as a process which occurs due to biological
maturation and interaction with the environment.

Ayon din sa pag-aaral na isinagawa, isa pang salik ay ang neuropsycholgical framework about Executive
function and self-regulation skills na siyang tumutulong sa pagplano,pagpokus, umaalala ng mga
tagabilin, magmulti-task at iba pa.(Penedilla &Rosaldo,2017).

Sa isang pag–aaral sa isinagawa sa 340 na kalahok at pinamagatang “Influence of culture, family and
individual differences on choice of gender‐dominated occupations among female students in tertiary
institutions” na naglalayong suriin ang impluwensiya ng pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at kultura sa
pagpili sa mga kursong gender dominated napagalaman na ang pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at
kultura ay epektibong salik sa pagkakaroon ng teorya sa pipiliing kurso. Ang pagaaral na ito ay
makakatulong sa mga babaeng magaaral upang makapili ng praktikal na kurso.(Salami, 2007)

Naglalayong suriin ang mga salik na naghihikayat sa pagpili ng accountancy ng mga mag-aaral na galing
sa iba’t ibang etniko (Asian, African at Western).Sa pananaliksik na isinagawa lumabas na sa mga African
na mag-aaral, ang gastos ang nangungunang salik sa pagpili nila sa kurso, sa mga Asian at Western na
mag-aaral ang pangunahing salik ay kung gaano kahirap makapasok sa kurso. Ang Kahalagahan ng pag-
aaral nito ay importante upang maintindihan ang saloobin at pag-unawa ng mga mag-aaral at upang ang
course administrators o curriculum designers upang mas mapabuti nila ang kanilang stratehiya sa pag-
endorso sa iba’t ibang etniko. (Myburgh, 2005)

Ayon naman sa isang pag-aaral na isinagawa ni Templo (2017) na tumatalakay tungkol sa mga salik
o factors sa pagpili ng Track ng mga estuyante ng ika–10 baitang sa Catanduanes National High School
(CHS), Virac, Catanduanes na isang pagsusuri na gumagamit ng deskriptibo-analitikong disenyo. Ang mga
Tracks na pinagkunan ng responante ay galing sa Academic Track, Technical and Vocational Livelihood
Track, Sports Track at Arts and Design Track. Ang layunin ng pananaliksik ay magbigay kaalaman at
impormasyon sa mga salik na nakaapekto sa pagpili ng mga track ng mga estudyante. Ang mananaliksik
ay gumamit ng talatanungan para makalikom ng datos. Ang mananaliksik ay nagsarbey ng 222 na mga
estudyante. Gumawa ng istatistik ang mananaliksik, sinabayan niya ito ng paggawa ng bar graph upang
makuha ng malinaw ang kanya-kanyang porsyento o bahagdan ng mga nakalap na impormasyon. Ang
naging resulta ng mag-aaral na isinagawa ay 90% ng mga estudyante ang nagsabing nakatulong ito sa
kanilang pagpili at 29% ng mga estudyanteng iyon ay ang dahilan ay nahahasa ang talento, 14% dahil
ang mga estudyanteng ito ay ang dahilan ay dito magaling, parehong 13% naman ang nagdahilan na
madali ang mga tinuturo, mga aktibidad at mag-aral. 10% naman ang nagdahilan na napasaya ang
pamilya, 7% ang dahilan ay ang kaibigan o kasintahan at ang dahilan na hindi magastos na mayroong 4%.
Positibo naman ang naging dulot ng mga salik na nakaapekto sa pagpili ng track na nakakuha ng 90% at
negatibo naman sa ibang estudyante na nakakuha ng 10%. Napag-pasyahan ng mananaliksik na ang
pagpili ng track ay dapat binabase kung saan magaling o bihasa ang isang tao o estudyante sapagkat mas
magiging madali sa estudyante gawin ang mga aktibidad na pinapagawa at tinuturo ng mga guro.

Ang asal at gawi ng mga mag-aaral ay nakaaapekto so pagpili ng karera para sa nais na trabaho.
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kaugalian sa panamagitan ng List of Values (LOV) scale sa
mataas na kalidad ng edukasyon na may kaugnayan sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa karera na
nais tahakin. Ayon sa resulta ng pagsusuri, ang panloob at panlabas na kaugalian ay importante bilang
salik sa pagpili ng karera. Subalit mayroon namang ibang estudyante na mas pinili ang panloob na
kaugalian bilang basehan ng pagpili ng kukunin na kurso.

KABANATA III

-Pamamaraang Ginamit

Ang pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay deskriptibo kung saan ipinakita ng mga mananaliksik
ang paglalarawan at pagbibigay linaw ng mga datos mula sa mga mag-aaral ng ika–10 baitang ng Bagbag
Solsona National High School.Sa deskriptibong pamamaraan mailalahad ng mga mananaliksik ang
persepsyon ukol sa orihinal at pekeng mga bag Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos mula
sa mga naisagawang pag-aaral at literatura sa mga websayt at aklat na nakatulong sa pagpapalawak
nang naisagawang pananaliksik tungkol sa persepsyon ukol sa orihinal at pekeng mga bagay.

-Disenyo ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay isang deskriptibo-analitikong disenyo na nangangalap ng mga datos
at impormasyon tungkol sa mga salik o factors sa pagpili ng track ng mga estuyante ng ika–10 baitang sa
Bagbag Solsona National High School. Gumagamit ito ng talatanungan para makalikom ng datos. Ito ang
pinakaangkop na disenyo dahil mas madali ang pagkuha ng mga impormasyon o datos mula sa
maraming respondente.

-Pangongolekta ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng kwestyuner kung saan nakasulat lahat ng mga tanong na
kailangang sagutin ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey upang
makakalakap ng datos na magagamit sa pananaliksik na ito.

-Gamit ng Pananaliksik

-Paglikom ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng survey questionaire upang kilalanin kung anong mga salik ang
higit na nakaaapekto sa pagpili ng mga nasa ika–10 baitang ng Bagbag Solsona National High School sa
kanilang Senior High School strand o track. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng convenience
sampling/simple random sampling sa pagpili ng mga magiging respondante na galing sa iba't ibang
seksyon. Pagkatapos makuha ang mga natipong datos, gagamit ng Microsoft Excel upang gawing
grapiko ang mga resultang malilikom.
-Etikal na Konsiderasyon

Isinasaalang-alang ng mga mananaliksik ang mga kinakailangang etikal na pagsasaalang-alang sa


paggawa ng pananaliksik na ito, kasama na ang katapatan, kalidad, legalidad, integridad, kaalaman na
pahintulot, kusang pakikilahok, benepisyo, pagiging kompidensiyal, pagiging hindi nagpapakilala,
privacy, objectivity at salungatan ng interes, intelektuwal na pag-aari at iba pa. Ang pag-aaral sa
pananaliksik na ito ay dinisenyo, susuriin at isasagawa upang matiyak ang sukdulang integridad at
kalidad. Ito ay tapat na iniulat ang mga pamamaraan at datos ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay
sumusunod din sa iba't ibang mga batas at regulasyon kung saan tinitiyak nito na naaayon ang pag–aaral
sa mga respondents.

You might also like