You are on page 1of 19

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN

PANIMULA

Sa panahon ngayon, marami pa rin ang naguguluhan sa bagong Sistema ng

edukasyon, ang k-12 kurikulum. Ang k-12 kurikulum sa Pilipinas ay ang karagdagang

dalawang taon na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high shool kung

nais nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o ang mas maging handa

para sa kolehiyo. Kapansin pansin ang mga nakapagtapos sa mga paaralang

nagpapatupad nito ng mga kadalasang nakakakuha ng mas marami at mas magandang

oportunidad hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad dahil ang K-12 ay ang

kinikilalang International education standard na sinusunod ng halos lahat ng mga bansa.

Ang K-12 ay ang kinikilalang pandaigdigang pamantayan ng edukasyon na

sinusunod ng halos lahat ng mga maunlad at papaunlad pa lamang na mga bansa.

Nangangahulugan lamang ito na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay napag-iwanan

na ngunit patuloy pa rin itong sumusugal upang agarang matugunan at bigyang solusyon

ang malala na kalagayan ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Mataas ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho at isa sa mga dahilan nito ay

ang hindi tugmang kakayahan ng tao sa kanilang trabaho kung kaya ay nararapat lamang

na pagtuunan ng pansin ang pagpili ng strand bilang paghahanda sa kolehiyo. Nararapat

na ayon sa kagustuhan at kakayahan ng mag-aaral ang pagpili ng kukuning strand upang

tiyak na maging mataas ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral at ito’y makatutulong

o konektado kursong kanilang kukunin pagdating sa kolehiyo o sa kurso bago sila mag
kolehiyo, masasabi nating mayroon na silang mga napagisip-isipang mga gusto o interes

sa isang kurso kaya sila nandiyan sa kanilang mga sariling strand mapa : Science,

Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Accountancy, Business Management

(ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic Strand (GAS) ,

Sports Track (ST). Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang napiling kurso sa

kolehiyo at isa din ito sa mga bagay na makakabigay ng malaking impak, di lang sa buhay

ng kanilang mga pamilya kundi kasali sa buong bansa. Ngunit, minsan talagang mayroong

mga mag-aaral na nalilito parin kung ano ba talaga ang kanilang gustong kurso, at dahil

marami ang nakakaapekto sa mag-aaral sa pag-pili ng ninanais na kurso. Ang pananaliksik

na napili ng grupo ay para sa mga mag-aaral sa Senior High School na nalilito parin sa

kanilang mga desisyon na gagawin pagdating sa pagpili ng kurso nila para sa kolehiyo.

Maraming mga negatibong epekto kapag ang isang mag-aaral ay mapupunta sa kursong

labag sa kanyang kalooban o hindi niya masyadong tanggap, dahil ang kolehiyo ay tungkol

sa kung gaano mo kamahal ang iyong pinag-aaralan o kung gaano ka kadeterminado na

tapusin ito.

Ang bisa ng impluwensya sa piling mag-aaral na nasa Academic track sa pagpili

ng strand sa Camarines Sur National High School ay walang katiyakan at nangangailangan

ng masuring pagsusuri, kung kaya isinagawa ang pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito

ay naglalayong suriin at siyasatin kung paano nakakaapekto ang impluwensya sa pagpili

ng strand ng mga mag-aaral na nasa Academic Track sa Camarines Sur National High

School. Kung saan may hangaring siyasatin at tukuyin ang mga impluwensiyang

nakakaapekto sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng Academic Track,

suriin at alamin kung gaano lubos na nakakaapekto ang mga impluwensyang ito sa pagpili

ng mga mag-aaral ng strand na kanilang kukunin, at magbigay impormasyon hingil sa


kung ano ang nakakaimpluwensiya sa mga mag-aaral ng HUMSS, STEM, ABM, at GAS

upang kunin ang kanilang strand na kanilang kinabibilangan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito ay naglalayong alamin ang antas ng bisa ng impluwensya sa

piling mag-aaral na nasa Academic Track sa pagpili ng Strand sa nasa ika labing isang

baitang sa Camarines Sur National High School.

1. Ano ang nakaimpluwensya sa mga sumusunod na mag-aaral sa pagpili ng strand:

a.STEM

b.HUMSS

c.ABM

d.GAS

2. Ano ang antas ng impluwensya sa pagpili ng strand ng mga mag-aaral sa pagpili ng

mga mag-aaral ng Academic Track mula sa:

a.Magulang

b.Kaibigan

c.Personal

3. Ano ang lubos na nakakaimpluwensya sa pagpili ng strand ng mga piling mag-aaral

sa pagpili ng strand na kanilang kukunin?

4. Ano ang balangkas ng gawain na isinasagawa bilang gabay sa pagpili ng strand sa

Academic Track?
SAKLAW AT LIMITASYON

Upang makamit ang inaasahang kakalabasan ng pananaliksik, may mga tiyak na

saklaw at limitasyon ang tinukoy. Nakatuon lamang ang pananaliksik na ito sa antas ng

bisa ng impluwensya sa mga piling mag-aaral na nasa Academic Track sa pagpili ng

strand sa Camarines Sur National High School. Ang pag-aaral na ito ay magaganap sa

loob ng Camarines Sur National High School, Naga City na kung saan ang mga mag-

aaral na nasa ika labing isang baitang ang kalahok galling sa strand na STEM, HUMSS,

ABM, at GAS. Isasagawa ang pag-aaral sa loob ng school year 2019-2020 at lahat ng

malilikom na datos ay gagamitin lamang para sa pananaliksik na ito.

TEORYANG SANLINGAN NG PAG AARAL

Ayon kay Laistich (2006), naapektuhan ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral

maaring sa negatibo o positibong paraan.

Ayon kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa pag gawa ng desisyon ng kabataan

ang kanyang mga kaibigan.

Ayon kay Reynolds, madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso sa

personal na interes.

Ayon kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa pag gawa ng desisyon ng kabataan ang

kanyang mga kaibigan. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2475802/

Casey, BJ. (2008)


Ayon kay Laistich (2006), naapektuhan ng mga kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral maaring sa negatibo

o positibong paraan. http://www.ascd.org/publications/researchbrief/v4n11/toc.aspx

Ayon kay Reynolds, madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso sa personal na interes.

BALANGKAS KONSEPTUWAL

Input Proseso Awtput

•Nais ng mga • Pag babasa ng mga • Matukoy ang salik na


mananaliksik na alamin nakalap na pag-aaral higit na nakakaapekto
ang antas ng bisa ng at literatura na sa pagpili ng strand at
impluwensiya sa mga maaaring pagbasehan kung ano ang antas ng
piliing mag-aaral na nsa
ng pananaliksik. ng bisa ng
Academic track sa
pagpili ng strand sa • Paggawa ng mga impluwensya sa mga
Camarines Sur National kwestyuner o mag-aaral.
High School. katanungan. • Batayan ng mga
• Pagtitipon ng mga susunod pang
impormasyon na mananaliksik na
nakalap. maaaring makatulong
• Pagsusuri ng sa gagawin nilang
kinalabasan pananaliksik.

Ipinapakita rito na bago magkaroon ng awtput ay mayroon kang input na

magsisilbing simula ng iyong pananaliksik at proseso na paraan mo kung papaano mo

makukuha o makakamit ang gusto ng mga mananaliksik na awtput. Sa prosesong

gagawin ay maaaring makakuha ng datos ang mananaliksik na makaktutukoy kung ano

ang lubos na nakakaimpluwensya sakanila sa pagpili ng strand na kanilang kinuha.

Magulang, kaibigan at personal na kagustuhan ang madalas na nakaaapekto sa

pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand na kanilang kinuha. Sa pag gamit

ng mga talatanungan malalaman naming kung ano ang lubos na nakakaapekto sa


pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa pagpili ng strand, kung ano ang antas ng bisa ng

impluwensya sa mga mag-aaral at kung gaano ang mga iyon nakakaapekto sa

pagdedesisyon nila. Ang kakalabasan ng pananaliksik na ito ay magiging batayan ng

mga susunod pang mananaliksik at magiging gabay din ito sa mga mag-aaral na

magbabasa sa pagpili ng kanilang magiging strand na makatutulong sa pagdedesisyon

nila.

HIPOTESIS

Ang antas ng bisa ng impluwensya ng magulang, kaibigan at sariling

kagustuhan ay lubos na nakakaapekto sa pagdedesisyon ng mga mag-aaral sa pagpili

ng kanilang strand sapagkat ito ang kanilang nagiging batayan sa pagpili o

pagdedesisyon.

Ang impluwensiya ng magulang, personal o kaibigan sa mga piling mag-aaral sa pag pili

ng kanilang strand sa Academic track ay maaring naging gabay sa kanilang kagustuhan

at maari ding nag dulot ng hindi magandang epekto sa kanila ngayon.

KATUTURAN NG PAG AARAL

Strand. Ito ay tumutukoy sa mga sangkap na nakapailalim sa mga track.

Mayroong strand mula sa Akademik track Science, Technology, Engineering and

Mathematics (STEM), Accountancy, Business Management (ABM), Humanities and Social

Sciences (HUMSS) at General Academic Strand (GAS)


Track. Ito ay tumutukoy at ipinapatupad sa bagong kurikulum, o kilala bilang K

to 12 Curriculum. Mayroong apat na track: Academic Track, Arts and Design track,

Sports Track, Technical-Vocational Livelihood Track (TVL).

Senior High School. Ito ay tumutukoy sa huling dalawang taon sa high school

ng K to 12 program na tinatawag na Grade 11 at 12.

Talatanungan. Ito ay naglalaman ng mga katanungan na kung saan ay may

makukuhang sagot sa sino mag-aaral na bibigyan nito.

MGA TALA

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang Pilipinas ang huling bansa sa Asya at isa sa mga lamang tatlong bansa sa buong

mundo na may 10-taong pre-service university cycle at ang dalawa pang bansa ay ang Angola at

Djibouti. Ang kurikulum ng pangkalahatang edukasyon sa kolehiyo ay magkakaroon ng mas

kaunting bilang ng yunit. Ang mga paksa na dinala sa batayang edukasyon ay tatanggalin mula

sa kurikulum ng kolehiyo. Matatagpuan ang mga detalye tungkol sa bagong kurikulum sa CHED

Memorandum Order blg. 20, serye ng 2013. Ang 12-taong programa ay natagpuan na ang
pinakamainam na panahon para sa pagkatuto sa ilalim ng pangunahing edukasyon. Ito rin ay ang

kinikilala na pamantayan para sa mga estudyante at mga propesyonal sa buong mundo. Mahalaga

ang pag-unawa sa proseso ng K-12 kurikulum na pag-unlad para sa pagdedesisyon ng mga mag-

aaral sa pagpili ng strand (Henderson, 2014).

Ang mga magulang ay ang pinakaunang guro ng mga bata, na kung sa gayon sila ay unang

tagapayo at tagagabay, Ayon kay Bladeless (2013) ang mga magulang ay kumukontrol ng

kanilang mga anak tungkol sa kanilang pinipiling kurso. Karamihan, hindi iniisp ang kagustuhan

ng kanilang anak.

Ang sosyo ekonomikong estado ay isa sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng

kukuning strand (Cabrera & Nasa, 2000).

Ayon kay Rivera (2008), ang hilig ng isang tao ang mananatiling magtutulak para

magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ang isang tao hindi dahil ang pangunahin layunin

ay ang kumita ng pera kundi ginagawa ito dahil ito ang gusto ng tao na gawin sa buhay at

lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng

salapi.

Maraming mga salik ang nakakaapekto sa pagpili ng karera ng mga mag-aaral sa sekondarya.

Ang mga pagtukoy sa mga salik ay makakapaghandog sa mga magulang, tagapagturo, at

industriya ng ideya kung saan nakatiwala ang proseso sa pagpili ng karera ng mga estudyante

(Super, 1990).

Ang pagpili ng pagkuha ng strand ng mga magaaral, ay karamihan mula sa sariling desisyon,

ay hindi malaya sa impluwensiya. Ang kanilang desisyon, maging personal man ito, pinilit o

pinayuhan, ay apektado sa iba’t ibang salik, mula sa Academic Qualifications hanggang sosyal at

ekonomikal. (Penedilla & Rosaldo,2017).


One important factor of students’ decision-making process is the neuropsycholgical

framework about Executive function and self-regulation skills which are the mental processes that

enable the people to plan, focus attention, remember instructions, and juggle multiple tasks

successfully…the brain needs this skill set to filter distractions, prioritize tasks, set and achieve

goals, and control impulses. When children have opportunities to develop executive function and

self-regulation skills, individuals and society experience lifelong benefits, these skills are crucial

for learning and development. They also enable positive behavior and allow us to make healthy

choices for ourselves and our families. (Penedilla & Rosaldo,2017)

Ayon kay Sierra (2017) Isa sa mga pinakaimportanteng salik na pinagiisipan sa pagpili ng

kurso ay ang personal na interes, mas nahihikayat na magkaroon ng mabuting “performance”.

Malaki talaga ang impluwensiya ng peer pressure at ang sinasabi ng mga magulang. Karamihan

ng mga mag-aaral hindi sigurado o kaya hindi alam kung ano ang gusto nilang kurso sa kolehiyo

kaya umaasa sila sa payo ng mga magulang, kaibigan at mga tao na nasa paligid. May mga

sitwasyon na ang pamaraan na ito ay nagiging maatagumpay ngunit mayroon din nagsisisi

sapagkat mahirap at hiindi nagustuhan ang pinasukang kurso at sa huli ay lumilipat ng kurso.

Dapat pinagiisipan ng mabuti ang kukuning strand kung kayat hindi masasayang ang oras at

pagsisikap.

Napagalaman sa pananaliksik na kapag hindi sapat ang kaalaman tungkol sa Senior High

School marahil ay mas mataas ang posibilidad na hindi katugma ang pinasukang strand at

kukuning kurso.

Isa sa mga importanteng responsibilidad ng lipunan ay ang pagbibigay ng sapat na

pagtataguyod ng mga kasanayan at kakayahan.


Growth-promoting environments provide children with “scaffolding” that helps them practice

necessary skills before they must perform them alone (Harvard, 2017) Rendering to the National

Centre for Education Statistics’ Descriptive Summary of 2003-2004 Beginning Postsecondary

Students: Thirty percent of dependent start postsecondary students at 4-year organizations came

from peoples with annual incomes of 92,000 or more, matched with 17 percent of those at two-

year foundations and 4 percent of those at less than two year associations.

Napansin ni Paulsen (1990) na kapag ang mga gastos sa pag-aaral, gastos sa kuwarto at

board, at ang distansya mula sa bahay ay nadagdagan; ang opsyon sa kolehiyo ay naging mas

kaakit-akit sa mga mag-aaral. Ang pagtaas ng mga gastosin sa matrikula, pagkain, pagrenta na

dormitoryo, at distansiya mula sa pamilya, bumababa ang bilang ng posibilidad na pagpasok sa

kolehiyo. Ngunit ang nakapaloob sa epekto na ito ang mga magaaral na napabilang sa mas

mababang antas ng kinikita (Paulsen, 1990).

It requires a balance between the freedom given to the pupil to make an independent

decision, and counselling on behalf of the parents and teachers, to share their insight and

experience. Exerting pressure and dictatorial attitude may demotivate the students and also lower

their performance. The types of jobs that might be relevant to their interests, skills or aspirations

should be discussed in a democratic way to avoid problems. Students should choose the career

which is according to their capabilities and of their interest. Student interest should never be

undermined in choosing a career path. (Kazi & Akhlaq, 2017)

Marami ang mga salik na maaaring makaapekto sa desisyon ng pagpili ng nais na karera sa

mga mag-aaral sa sekundarya. Ang pagtukoy sa mga salik na ito ay makatutulong sa mga

magulang, mga guro, at sa industriya upang mabigyang ideya at kaalaman na pagkatiwalaan ang

desisyon ng mga mag-aaral at sila ay magabayan sa proseso ng pagpili ng karera sa buhay

(Supaer, 1990). Ang bawat mag-aaral sa Senior High School (SHS) ay may pagkakataong pumili
sa tatlong Tracks. Ito ay ang Academic Track,Technical-Vicational-Livelihood, at Sports and Arts.

Ang Academic Track ay saklaw ang Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities

and Social Sciences (Humss), Science, Technology, Engineerong and Mathematics (STEM) at and

General Academic Strand (GAS). Mahalaga na tukuyin at isaalang-alang ang kagustuhan at

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpili ng Track na tatahakin na magiging gabay at paghahanda

sa kukuning kurso sa kolehiyo (Official Gazette, 2012).

Ang pagili ng nais na karera ay mahalaga sapagkat ito ang magsisilbing daan upang makamit

ang minimithing tagumpay at dito nakabatay ang kalagayan ng isang tao sa susunod pang yugto

ng kaniyang buhay (PAMS, n. d.).

Naglalayong maiulat ang ang isang patuloy na proyekto na sinusuri ang mga dahilan sa

pakikilahok ng mga mag-aaral sa information workat kung ano ang naghikayat sa kanila. Sa

pananaliksik ay isinagawa sa mga mga mag-aaral sa Information and Library

Studies programmes sa Department of Information Studies, Aberystwyth University.

Kwalitatibong pag-aaral at focus groups angg ginamit sa paraan ng paglikom at pagsusuri

ng mga datos.

Many students followed a circuitous path into the library and information field, indicating

that caution needs to be exercised when making assumptions regarding “typical” library and

information workers. Similarly, motivations for attaining a qualification are a complexity of

both personal and professional aspirations. Although motivations remain cons istent, in line

with previous studies, it is argued that “either/or” attitudes to traditional and modern aspects

of information work are being replaced by a flexible understanding of the modern

profession. (Anoush & Taylor, 2011)

KAUGNAY NA PAG-AARAL
Pangunahing paksa ng pag-aaral na ito ang pagpili ng strand sa Senior High School (SHS).

At base sa pagsusuri ng mga mananaliksik, mayroon dalawang pangunahing kadahilanan upang

isaalang-alang ang pagpili ng SHS Track at Strand sa K-12 kurikulum. Ang una rito ay nakasaad

na hindi lahat ng mga Track at Strand ay inaalok sa pamamagitan ng mga paaralan na malapit.

Dapat na suriin ang mahusay na mga kagamitan sa paaralan na papasukan.

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatan na “Factors Affecting Career Preferences Among

Senior High School Students In Tacloban City” at isinulat nina Penedilla at Rosaldo ay nagtatalakay

sa mga salik na nakakapekto sa pipiliing kurso ng mga Senior High School Students Ng Leyte

National High School. Napagalaman sa pananaliksik na ito na dahil karamihan ng mga

napagdesisyon na kurso ay mula sa kanilang kagustuhan, kaya masasabi na ang mga mag-aaral

ay sabik sa paggagawa ng desisyon.

Ayon din sa pag-aaral na isinagawa, isa pang salik ay ang neuropsycholgical framework about

Executive function and self-regulation skills na siyang tumutulong sa pagplano,pagpokus,

umaalala ng mga tagabilin, magmulti-task at iba pa.(Penedilla & Rosaldo,2017).

Sa isang pagaaral sa isinagawa sa 340 na kalahok at pinamagatang “Influence of culture,

family and individual differences on choice of gender‐dominated occupations among female

students in tertiary institutions” na naglalayong suriin ang impluwensiya ng pamilya, indibidwal

na pagkakaiba, at kultura sa pagpili sa mga kursong gender dominated napagalaman na ang

pamilya, indibidwal na pagkakaiba, at kultura ay epektibong salik sa pagkakaroon ng teorya sa

pipiliing kurso. Ang pagaaral na ito ay makakatulong sa mga babaeng magaaral upang makapili

ng praktikal na kurso. (Salami, 2007)

Naglalayong suriin ang mga salik na naghihikayat sa pagaccountancy ng mga mag-aaral na

galing sa iba’t ibang etniko (Asian, African at Western).Sa pananaliksik na isinagawa lumabas na
sa mga African na mag-aaral, ang gastos ang nangungunang salik sa pagpili nila sa kurso, sa

mga Asian at Western na mag-aaral ang pangunahing salik ay kung gaano kahirap makapasok

sa kurso. Ang Kahalagahan ng pag-aaral nito ay importante upang maintindihan ang saloobin at

pag-unawa ng mga mag-aaral at upang ang course administrators o curriculum designers

upang mas mapabuti nila ang kanilang stratehiya sa pag-endorso sa iba’t ibang etniko.

(Myburgh, 2005)

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Templo (2017) na tumatalakay tungkol sa mga salik

o factors sa pagpili ng Track ng mga estuyante ng Baitang 11 sa Catanduanes National High

School (CHS), Virac, Catanduanes na isang pagsusuri na gumagamit ng deskriptibo-analitikong

disenyo. Ang mga Tracks na pinagkunan ng responante ay galing sa Academic Track, Technical

and Vocational Livelihood Track, Sports Track at Arts and Design Track. Ang layunin ng

pananaliksik ay magbigay kaalaman at impormasyon sa mga salik na nakaapekto sa pagpili ng

mga track ng mga estudyante. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para makalikom

ng datos. Ang mananaliksik ay nagsarbey ng 222 na mga estudyante. Gumawa ng istatistik ang

mananaliksik, sinabayan niya ito ng paggawa ng bar graph upang makuha ng malinaw ang kanya-

kanyang porsyento o bahagdan ng mga nakalap na impormasyon. Ang naging resulta ng mag-

aaral na isinagawa ay 90% ng mga estudyante ang nagsabing nakatulong ito sa kanilang pagpili

at 29% ng mga estudyanteng iyon ay ang dahilan ay nahahasa ang talento, 14% dahil ang mga

estudyanteng ito ay ang dahilan ay dito magaling, parehong 13% naman ang nagdahilan na

madali ang mga tinuturo, mga aktibidad at mag-aral. 10% naman ang nagdahilan na napasaya

ang pamilya, 7% ang dahilan ay ang kaibigan o kasintahan at ang dahilan na hindi magastos na

mayroong 4%. Positibo naman ang naging dulot ng mga salik na nakaapekto sa pagpili ng track

na nakakuha ng 90% at negatibo naman sa ibang estudyante na nakakuha ng 10%. Napag-

pasyahan ng mananaliksik na ang pagpili ng track ay dapat binabase kung saan magaling o bihasa
ang isang tao o estudyante sapagkat mas magiging madali sa estudyante gawin ang mga

aktibidad na pinapagawa at tinuturo ng mga guro.

Ang asal at gawi ng mga mag-aaral ay nakaaapekto so pagpili ng karera para sa nais na

trabaho. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kaugalian sa panamagitan ng List of Values

(LOV) scale sa mataas na kalidad ng edukasyon na may kaugnayan sa pagdedesisyon ng mga

mag-aaral sa karera na nais tahakin. Ayon sa resulta ng pagsusuri, ang panloob at panlabas na

kaugalian ay importante bilang salik sa pagpili ng karera. Subalit mayroon namang ibang

estudyante na mas pinili ang panloob na kaugalian bilang basehan ng pagpili ng kukunin na kurso.

Ang pananaliksik na ito ay nagbigay ng bagong kaisipan ukol sa ugali bilang isa sa mga salik na

naka-impluwensiya sa desisyon ng mga mag-aaral at sa pagtutugma ng kanilang nais na karera

sa buhay (Kopanidis at Shaw, 2014).

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa India na ipinamagatang “Factors influencing career

choice of management students in India” ay naglalayong galugarin ang impluwensiya ng isang

hanay ng mga kadahilanan sa pagpili ng kurso ng mga mag-aaral sa India. Ayon sa pananaliksik,

mula sa 93 na respondante, ang kasanayan, kakayahan at ang ama ay ang pinakaimportanteng

salik, ito ay dahil sa kanilang kultura at tradisyon. (Agarwala, 2008)

Sa isang pag-aaral na pinamagatang Factors Influencing Student's Choice for a Senior

High School Academic Track. Layunin ng pagsusuri ay matukoy kung ano ang mga

nakakaimpluwensiya sa pagpili ng strand na nasa ilalim ng Academic Track. Ang nabanggit na

mga salik ay Academic Experience, Educational Aspiration/ Expectation, Advice of others, friends;

Peer Influence at Family Background. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang 107 na mga

Senior High school students ng Bukidnon, National High School. Tinukoy ng mga mananaliksik

ang may pinakamataas na salik na nakakaimpluwensiya sa pagpili sa paraan ng paggamit ng


Mean at Standard deviation. Ang naging resulta sa ginawang pag-aaral ay ang pinakamalaking

salik na nakakaimpluwensiya ay ang Educational Aspiration/ Expectation habang ang hindi

gaanong nakakaimpluwenisya ay ang Advice of others. Sa pangkalahatan, inimungkahi ng mga

mananaliksik na ang higit na nakakaimpluwensiya sa pagpili ng strand. (Valente, Albia, Gayosa,

Dalloga, at Noblesa, 2015).

KALAGAYANG PANSINING

MGA TALA

KAUGNAY NA LITERATURA

Bladeless, C. (2013). Self efficacy beliefs as shapers of children's aspirations and career

trajectories. Child development, 72(1), 187-

206.https://www.uky.edu/~eushe2/Bandura/Bandura2001CD.pdf

Cabrera J.P. & Nasa D.,(2000) Factors influencing students’ choice in Higher Education. New
York:Agathon Press. Nakuha sa: www.macrothink.org › journal › index.php › ijld › article ›
download

Center for Child Development. (2017). Harvard University. USA: Harvard.edu. Nakuha

sa:https://developingchild.harvard.edu/
Henderson, L. (2014) "The K to 12 Program An understanding of the development PROCESS of

the K to 12 curriculum is important for decision-making of actors on the ground" Nakuha sa:

https://slideplayer.com/slide/4884397/

Kazi, A.S., Akhlaq, A.(2017)Factors Affecting Students’ Career Choice. Nakuha sa:

https://pdfs.semanticscholar.org/61ca/7b4309f709a3af55aaef8da483fafa6328bf.pdf

Paulsen, S.J.(1990) The role of financial aid in enrollment management. San Francisco: Bass

Publishers R Nakuha sa:

https://www.uccs.edu/Documents/retention/2000%20The%20Role%20of%20Financial%20Aid

%20in%20Enrollment%20Management.pdf

Penedilla, J.,& Rosaldo, L.,(2017)Factors Affecting Career Preferences Among Senior High School

Students In Tacloban City Nakuha sa:

https://www.academia.edu/34876760/FACTORS_AFFECTING_CAREER_PREFERENCES_AMONG_

SENIOR_HIGH_SCHOOL_STUDENTS_IN_TACLOBAN_CITY

Rivera, A., (2008). In search of common threads: Linking multicultural, feminist, and social justice

counseling paradigms. Wiley Online Library. Nakuha sa:

https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/j.1556-6678.2008.tb00509.x

Sierra, A., (2017) An Inquiry to the Influence of Choosing the Strands among the Students

Nakuha sa:
https://www.academia.edu/31785389/An_Inquiry_to_the_Influence_of_Choosing_the_Strands_

among_the_Students

Super, D. E. (1990). A life-span, life-space approach to career development. In D. Brown & L.

Brooks, The Jossey-Bass management series and The Jossey-Bass social and behavioral science

series. Career choice and development: Applying contemporary theories to practice. San

Francisco, CA, US: Jossey-Bass. Retrieved from:

http://www.borbelytiborbors.extra.hu/ZSKF/CareerDevelopment.pdf

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Agarwala, T., (2008) "Factors influencing career choice of management students in

India", Career Development International, Vol. 13 Issue: 4, pp.362-376, Nakuha sa:

https://doi.org/10.1108/13620430810880844

Ayodele, T. O., (2018) "Career choice of real estate students in Nigeria: The explaining

influences in comparative perspective", Property Management. Nakuha sa:

https://doi.org/10.1108/PM-02-2018-0013

Kopanidis, F. Z., Shaw, M. J., (2014) "Courses and careers: measuring how students’

personalvalues matter", Education + Training, Vol. 56 Issue: 5, pp.397-413, Nakuha sa:

https://doi.org/10.1108/ET-05-2013-0065
Myburgh, J.E., (2005) "An empirical analysis of career choice factors that influence first ‐year

Accounting students at the University of Pretoria: A cross‐racial study", Meditari Accountancy

Research, Vol. 13 Issue: 2, pp.35-48, Nakuha sa:

https://doi.org/10.1108/10222529200500011

Nual, J. M. at Elagorio, G. (n. d.) "Isang Pag-aaral sa Paraan ng Pagpilk ng Strand para sa Senior

High School ng mga Mag-aaral sa Informatics" Nakuha sa:

https://www.academia.edu/31632892/_ISANG_PAG-

AARAL_SA_PARAAN_NG_PAGPILI_NG_STRAND_PARA_SA_SENIOR_HIGH_SCHOOL_NG_MGA_

MAG-AARAL_SA_INFORMATICS

Penedilla, J.,& Rosaldo, L.,(2017)Factors Affecting Career Preferences Among Senior High School

Students In Tacloban City Nakuha sa:

https://www.academia.edu/34876760/FACTORS_AFFECTING_CAREER_PREFERENCES_AMONG_

SENIOR_HIGH_SCHOOL_STUDENTS_IN_TACLOBAN_CIY

Salami, S.O., (2007) "Influence of culture, family and individual differences on choice of gender‐

dominated occupations among female students in tertiary institutions", Women in Management

Review, Vol. 22 Issue: 8, pp.650-665, nakuha sa https://doi.org/10.1108/09649420710836326

Simon, A., Taylor, M., (2011) "Career history and motivations for choosing LIS: a case

study at Aberystwyth University", Library Review, Vol. 60 Issue: 9,pp.803-815, Nakuha

sa https://doi.org/10.1108/00242531111176817
Templo, F. (2017). Mga Salik na Nakaapekto sa Pagpili ng Track ng mga Estudyante ng Baitang

11 ng Catanduanes National High School. Nakuha sa https://fatimatemplo.wordpress.com.

Valente, C., Albia, I., Gayosa, J., Dalloga, K., at Noblesa, M. (2015). Factors Influencing Student's

Choice for a Senior High School Academic Track. Nakuha sa www.academia.edu.

You might also like