You are on page 1of 25

First Asia Institute of Technology and Humanities

FIDELIS SENIOR HIGH SCHOOL


PANANALIKSIK

Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga

Piling Mag-aaral sa Ikalabing Isang Baitang sa FAITH Fidelis

Senior High

Ipinasa nina:
Lalap, Christy Jane S.
Linatoc, Portia M.
Miranda, Crizelle Ann N.
Paduhilao, Catherine Joyce O.
Quiatchon, Angelika B.

Ipinasa kay:
Bb. Sharmaine Esquivel

Seksyon ABM 11-E


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Dedikasyon

Isinagawa ang pananaliksik na ito para sa mga mag – aaral na nais kumuha ng strand na

ABM upang maging batayan at gabay itong pananaliksik na papel sa pagpili ng strand na

kanilang kukuhanin pagdating sa senior high. Sa tulong ng pananaliksik na ito, maaaring

makatulong ito upang makapili ng wasto ang mga mag – aaral na tutungtong sa ika – 11 baitang.

Inihahandog ang pananaliksik na ito sa mga taong hindi tumigil sa pagsuporta sa mga

mananaliksik upang maging matagumpay ang isinagawang pag – aaral dahil malaki ang

naiambag nila sa magiging batayan sa pagpili ng strand na ABM.

Inaalay ng mga mananaliksik ang papel na ito para sa mga magulang na lagging

nagbibigay inspirasyon sa mga mag – aaral na magsikap at maging determindo sa pagharap sa

mga pagsubok sa buhay lalo na sa aspetong pang – akademiko. Bukod doon, para rin ito sa

paaralan at mga kaguruan na walang sawang umagapay sa mga mag – aaral na unawain ang lahat

ng bagay sa positibong paraan.

At higit sa lahat, para ito sa mga susunod na mananaliksik kung saan ang papel na ito ang

tutulong sa kanila bilang gabay sa pag – aaral na may kaugnayan sa paksang pagpili sa strand na

ABM.
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Pasasalamat

Taos pusong pasasalamat ang nais ipabatid ng mga mananaliksik sa mga taong tumulong

at nagbigay ng kanilang panahon, oras at kaalaman upang maging maayos at epektibo ang

pananaliksik.

Para sa Poong Maykapal na pumatnubay sa bawat hakbang na isinagawa ng mga

mananaliksik, mula sa pangangalap ng mga datos hanggang sa ito ay matapos. Sa pagdinig sa

mga kahilingan lalo na sa sandaling pinanghihinaan ng loob;

Para sa aming mga magulang na walang sawang sumuporta, magbigay gabay,

magmalasakit at magmahal na nagsilbing inspirasyon para sa aming lahat na harapin ang

positibo ang lahat ng pagsubok;

Para kay Bb. Sharmaine Esquivel na siyang gumabay sa mga mananaliksik sa pagbuo ng

bawat hakbang at proseso sa isinagawang pananaliksik. Lubos kaming nagpapasalamat sa kaniya

sa pagbibigay karanasan sa mga mananaliksik na magasagaw ng isang pananaliksik;

Para kay G. Jojo L. Francisco na walang sawang pagtulong at pagwawasto ng statistical

treatment at weighted mean ng mga datos;

Para sa aming mga kaklase, ABM 11 –E, na namahagi ng kanilang oras para sa kanilang

kooperasyon at pagtulong sa maliit na paraan upang maging matagumpay ang pananaliksik na

ito;

Para sa mga mag – aaral ng ABM na tumayong kalahok sa pananaliksik, sa kanilang

kooperasyon at matapat na pagsagot sa mga talatanungang ginawa sa pagsasarbey.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Mga Mananaliksik

Abstrak

Tumatalakay sa mga batayan na nakakaapekto sa pagpili sa Accountancy, Business and

Mnagement strand ng mga mag – aaral sa ika – 11 baitang sa First Asia Institute of Technology

anad Humanities, Fidelis Senior High ang pananaliksik na ito. Mithiin nitong sagutin kung

nakaaapekto ang iba’t ibang batayan sa pagpili ng strand na ABM sa mga mag- aaral sa ika – 11

baitang. Para bigyang sagot ang katanungan, gumawa ng pagsasarbey ang mga mananaliksik. Sa

tulong ng Slovin’s formula, nakuha ng mga mananaliksik ang kabuuang bilang na 156 at sa

pamamagitan ng Stratified sampling nalaman ang bilang ng nagging respondent kada seksyon sa

sangay na ABM (Accountancy, Business and Mnagement strand) ng Fidelis Senior High sa

FAITH. Gumamit ang mga manananliksik ng deskriptibong disenyo ng pananaliksik dahil

mayroon itong kaalaman sa mga epektong lilinang sa pagpili ng strand na ABM. Sa kabuuan ng

pag – aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na nakabase sa sariling desisyon at kagustuhan ang

pagpili ng strand ng mga mag – aaral sa ika – 11 baitang ng Fidelis Senior High. Ginamit ng mga

mananaliksik ang likert scale, weighted mean at composite mean na nagging basehan sa pagsagot

ng inaasahang bunga. Nadiskubre ng pag – aaral na ito na nakabase sa sariling kagustuhan ang

pagpili ng strand ng mga mag – aaral sa ika – 11 baitang. Iminumungkahi ng mga mananaliksik

sa mga mag – aaral ng ABM na marapat lamang piliin ang kurso na naaayon sa sariling

kagustuhan ng sa gayon ay mapanindigan ang napiling kurso.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Ang Suliranin at mga Kaugnay na Literatura

Introduksyon

Ang ABM o Accountancy, Business, Management ay isa sa mga strand na inaalok sa

Academic Track ng Senior High School. Ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at sa

accounting. Ang ABM strand ay para sa mga taong nagpaplano na kumuha ng Economics,

Business Administration, Accountancy at Marketing sa kolehiyo. Ito ay perpekto para sa mga

may hilig sa matematika at para sa mga taong nais makipagsapalaran sa mundo ng negosyo,

marketing at enterprise. Mayroon mga espesyal na asignatura ang strand na ito gaya ng

Fundamentals of Accounting, Business Mathematics, Principles of Marketing, Organization and

Management, at iba pa na makakatulong sa mga mag – aaral na malaman ang iba’t ibang mga

kakailangan kung sakaling magpapatuloy sa kolehiyo. Sa panahon ngayon, isa sa pinaka

kailangang trabahante ay nasa mundo ng pagnenegosyo upang mapaunlad ang ekonomiya ng

isang bansa. Dahil sa bagong labas pa lamang ang programang K to 12, maraming kabataan ang

nasa Senior High School ang hindi alam ang pinasok na strand sa kadahilanang walang sapat na

impormasyon o gabay na makakakatulong sa mga mag – aaral upang mapili ang tamang strand

na angkop sa kakayahan ng bawat mag – aaral.

Ang pagpili ng tamang strand ay hindi madali. Ang pagpili ng strand ay isang seryosong

desisyon para sa mga mag – aaral dahil kailangang ay tugma ang strand na kanilang pipiliin sa

kanilang sariling kagalingan nang sa gayon ay magamit nila ang kahusayang ito lalo at higit

kung gugustuhing magtrabaho na agad pagkatapos ng SHS. Marapat lamang din na tugma ang

strand na pipiliin sapagkat dito nakalaan ang tatahaking landas kung magpapatuloy ng kolehiyo.
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Ayon sa AMA Education System (2018), tulad ng sinasabi ng mga nasa larangan ng pagtuturo,

ang hindi tugmang strand at kagustuhan ng mag – aaral ay maaring humantong sa hindi sapat na

kaalaman na hahantong sa kahirapang makahanap ng trabaho o hindi makakasabay sa leksyon sa

kolehiyo.

Upang mas lubos na maunawaan ng bawat mag – aaral ang kahalagahan ng pagpili ng

kursong ABM bilang sariling kagustuhan at desisyon, minabuti ng mga mananaliksik na gawan

ng pag – aaral ang mga batayan sa pagpili sa ABM strand ng mga mag – aaral sa ika – 11 baitang

sa Fidelis Senior High.

Nilalayon ng mga mananaliksik na malaman ang iba’t ibang batayan sa pagpili ng mga

mag-aaral sa baitang 11 sa strand na ABM. Layunin din nitong makatulong sa ibang mag-aaral

na pipili sa strand na ABM at upang makatulong sa ibang mag-aaral na tatahak sa senior high

school sa maayos na pagpili ng kanilang strand na aangkop sa kanilang tunay na hilig.

Layunin ng pag – aaral na: 1) matiyak kung sariling desisyon ng mga mag – aaral ang

pagpili ng ABM strand; 2) malaman kung naging batayan ang pamilya sa pagpili ng mga mga

mag-aaral sa pagpili sa ABM strand; at 3) malaman kung nakaapekto ang impluwensya ng

kaibigan sa pagpili ng mga mag-aaral sa ABM strand.

Sa papel na ito, inaasahan ng mga mananaliksik na makaapekto ang mga batayang ito sa

pagpili ng strand na ABM sa mga susunod pang mga mag – aaral. Sa gayon, ang tamang pagpili

ng strand ay may mataas na pagkatuto sapagkat tugma ang napiling kurso sa kakayahan at

kagustuhan na magpapaunlad pa higit sa sarili.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag - aaral


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga talakayang patungkol sa mga kaugnay na

literatura at pag-aaral na susuporta sa mga batayan na nakakaapekto sa pagpili sa ABM Strand ng

mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School na makakatulong sa mga

mananaliksik na pagtibayin ang kanilang pananaliksik na papel.

Kahalagahan ng Pagpili ng Kurso at Pagdedesisyon

Ang pagpili ng tamang strand ay hindi madali. Ang pagpili ng strand ay isang seryosong

desisyon para sa mga mag-aaral. Mahalaga ito upang maging gabay ng mga mag-aaral sa

kanilang tatahaking trabaho kapag nakapagtapos sa pag-aaral. Ngunit kadalasan ay hindi alam ng

mga kabataan o mag-aaral ang pagdedesisyon para sa sarili.

Ayon kay Templo (2017), ang pagpili ng track na kukunin ay para na ring pumipili ng

kursong pag-aaralan sa kolehiyo. Dapat itong pag-isipang mabuti bago gumawa ng desisyon,

sapagkat maaari itong makaapekto sa buhay ng isang tao sa hinaharap.

ayon kay Patricia Vizarra (2015) na nakasaad sa pananaliksik nina Duque et al., (2017),

may mga mag-aaral din na humahantong sa puntong hindi nila matukoy kung ano ba talaga ang

kanilang gustong kuning kurso kaya naman nagkakaroon ng problema dahil hindi sigurado ang

mga mag-aaral sa ginawang desisyon.

Sa bawat pagdedesisyon ng mag-aaral tungkol sa pipiliing kurso ay hindi nawawala ang

kalituhan dahil ang iba ay hindi makapili ng maayos sa kung ano ba talaga ang dapat tahaking

kurso.

Ayon kina Duque et al., (2017), marami sa atin ang nahihirapan sa pipiliin nating kurso.

Maraming bagay ang ating isinasaalang-alang o binibigyang katuturan at kahulugan kaya tayo

hindi makapamili nang maayos. Mayroon din naming ilang mga gabay na lubusang
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

makakatulong sa atin sa pagpili ng kurso. Madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang

pipiliing kurso sa personal na interes.

Ayon kay Mari Tess (2013), ang pagpili ng kurso ay isa sa mahahalagang desisyon na

dapat isaalang – alang ng mga kabataan ngayon. Ito ay mahalagang usapin dahil ito ang umpisa

ng kanilang buhay sa hinaharap.

Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa inyo na

makamit ang kabuuan at iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga

bagay at sitwasyon, mas malinaw itong makikita. Mas malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng

solusyon, mas malaki rin ang pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili

o ninais (Duque et al., 2017).

Samantala, nakasaad sa pananaliksik nina Esguerra et al., (2015), tinutukoy na ang pag-

aaral ay sadyang hindi biro. Dapat isipin ng bawat estudyante ang tunay na dahilan kung bakit

siya nasa paaralan.

Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili ng Strand na ABM

Sa bawat desisyon na ginagawa ng isang tao o mag-aaral hindi nawawala ang

impluwensya ng mga magulang tungkol sa pagdedesisyon nito lalo na kung tungkol ito sa

larangan ng pag-aaral.

Ayon kay George-Jackson (2012) na nakasaad sa pananaliksik nina Duque et al., (2017),

pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling kagustuhan na nakakaimpluwensya

sa mag-aaral sa kanyang pipiliing kurso.

Ayon kina Esguerra et al., (2015), ang mga magulang ay may mahahalagang papel sa

pagdedesisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung anong
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at kaniyang magulang.

Ang mga magulang ay siyang gabay sa usaping ito. Mahalagang isaalang-alang ang interes ng

anak dahil ito ang nagbibigay sa kaniyang pag-aaral at kaniyang pagganyak. Sa kabilang banda,

piliin ang kursong konektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig (Rivera, 2010).

Sa panahon ngayon, ang ilan sa mga kabataan o mag-aral ay nakabatay sa magulang,

kung nasaan ang kabarkada, o kaya naman ay base sa sariling interes ang pagpili ng kurso o

strand na tatahakin sa hinaharap.

Ayon kay Olarte (2014), sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang hindi makapili

ng kursong gusto niyang kunin bilang isang estudyante. Mayroong mga estudyanteng ang kurso

ay pili lamang ng kaniyang mga magulang, mayroon ding estudyanteng sumabay lamang sa

kaniyang mga kaibigan. Mayroon ding mga estudyanteng kinuha ang kurso dahil sa sariling

interes niya lamang.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Pamamaraan

Ang mga pamamarang gagamitin sa pananaliksik upang makakalap ng mga datos o

impormasyon na may kaugnayan sa isinasagawang pag – aaral ay makikita sa kabanatang ito.

Binubuo ito ng disensyo ng pananaliksik, kalahok sa pananaliksik instrumento ng pangangalap

ng datos, hakbang sa pangangalap ng datos at analisis ng datos.

Disenyo

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng palarawan o deskriptibong disenyo ng

pananaliksik kung saan ito ay idinesenyo para sa mananaliksik para magsaayos, mag – analisa o

magsiyasat, magbigay kahulugan o interpretasyon at magtanghal ng mga datos. Ginamit ng mga

mananaliksik ang paglalarawan o deskriptibong pananaliksik sa kanilang papel dahil mayroon

itong kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga epektong nararamdaman o

mga kalakarang nilinang upang makakalap ng mga dokumento na makakapag bigay suporta sa

pagpili ng strand ng mga respondente.

Mga Kalahok

Ang mga kalahok na ginamit ng mga mananaliksik ay mga piling mag – aaral ng

Accountancy, Business and Management (ABM) ng Fidelis Senior High sa First Asia Institute of

Technology and Humanities (FAITH) sapagkat nais matukoy ng mga mananaliksik kung ano ang

mga naging batayan nila sa pagpili ng strand na ABM. Ang kabuuang bilang ng mga mag – aaral

ay dalawang daan at limampu’t anim (256). Sa pamamagitan ng Slovins’s formula na may magin

of erron na 0.05, 156 lamang na estudyante ang kakailanging respondente sa pag - aaral. Ginamit

ng mga mananaliksik ang pamamaraang Stratified sampling upang malaman ang bilang ng

magiging respondente kada seksyon sa sangay ng ABM ng Fidelis Senior High.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Talahanayan A

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Seksyon

Distribusyon ng Bilang ng Respondente


Seksyon Porsyento
Populasyon kada Seksyon

ABM – A 41 16.02 % 25
ABM – B 43 16.80 % 26
ABM – C 43 16.80 % 26
ABM – D 44 17.19 % 27
ABM – E 43 16.80 % 26
ABM – F 42 16.41 % 26
Kabuuan: 256 100.02 % 156

Instrumento ng Pangangalap ng Datos

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-

kwestyuner na naglalaman ng mga katanungan na posibleng mapagkunan ng mga sagot at

pananaw ng mga respondent patungkol sa mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM

strand ng mga mag-aaral na nasa Ika-11 na Baitang sa Fidelis Senior High School. Ang mga

libro, internet, at mga respondente ay malaking tulong para sa pananaliksik na isasagawa. Ang

mga nakuhang impormasyon ay ibabase sa Likert Scale kung saan sa pamamagitan nito

malalaman ang karampatang ugnayan ng paksang inaaral.

Hakbang sa Pangangalap ng Datos

Sa pananaliksik na ito, nilayon ng mananaliksik na sundin ang mga hakbang upang

maging organisado at maayos ang paraan ng pananaliksik. Ang unang hakbang na ginawa ng

mga mananaliksik ay bumuo ng paksang tatalakayin at kumuha ng mga impormasyong susuporta

sa suliraning kakaharapin ng napiling paksa. Pangalawa, gumawa ng konseptong papel ang mga

mananaliksik upang malaman ang pagkakasunod - sunod ng gagawing hakbang sa pagbuo ng


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

pananaliksik na papel. Ito ang tumatayong gabay sa pananaliksik. Pangatlo, nagsagawa ng sarbey

ang mga mananaliksik sa mga mag – aaral ng ABM upang makakalap ng mga impormasyong

kinakailangan sa pananaliksik. Sa paggawa ng talatanungan, inilahad ng mga mananaliksik ang

panuto sa ginawang sarbey – kwestuneyr na nagsisilbing gabay sa mga respondente kung paano

sasagutin ng maayos at tama ang sarbey.

Analisis ng Datos

Ang nakolektang datos ay sinuri at sumailalim sa pag – aanalisa. Sa paglalahad ng

resulta, ang mga sumusunod na statistical tools na ito ang gagamitin:

Weighted Mean. Ipinapakita nito ang pinakamatimbang na aytem na nakalahad sa kwestuneyr

upang makita kung gaano kalaki o kaliit ang isang iskor kung ikukumpara sa ibang iskor sa ibang

kategorya. Sa pagkuha ng weighted mean, ginamit ng mga mananaliksik ang pormula na:

N
∑ x w
X́ = i=1 1 1
N

Kung saan:

w =Batayang bilang

x = Bilang ng tumugon sa kada batayang bilang

N= Kabuuang bilang ng mga tumugon

Composite Mean. Ginamit ito upang malaman kung mayroong epekto ang iba’tibang mga

batayan na nakakaapekto sa pagpili ng strand na ABM ng mga mag – aaral sa ika – 11 baitang ng

Fidelis Senior High School.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Ang ginamit na pormula ay:

∑ x́
x= i=1
N

Kung saan:

x = Composite Mean

x́ = Weighted mean

N = Bilang ng weighted mean

Likert Scale. Ginamit ito panukat sa batayan sa pagpili ng kurso base sasagot ng mga

respondente.

Talahanayan B
Likert Scale

Arbitraryong Puntos Natimbang na Puntos Berbal na Deskripsyon


4 3.26 – 4.00 Lubos na Sumasang – ayon
3 2.51 – 3.25 Sumasang – ayon
2 1.76 – 2.50 Hindi Sumasang – ayon
1 1.00 – 1.75 Lubos na hindi sumasang – ayon
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Resulta at Diskusyon

Resulta

Nakuha ng mga mananaliksik ang resulta sa pamamagitan ngpagkalkula ng average

gamit ang mga nakalap na datos mula sa respondente upang makita ang naging batayan na

nakakaapekto sa pagpili ng strand na ABM ng mga mag – aaral sa ika – 11 baitang sa Fidelis

Senior High School.

Talahanayan 1.1
Sarili Bilang Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand

Berbal na
Mga pahayag Weighted Mean
Interpretasyon
1.1 Nakabatay sa aking sariling kagustuhan ang
3.50 Lubos na sumasang-ayon
pagpili ng strand na tinahak.
1.2 Walang nagimpluwensya sa pagpili ng
3.00 Sumasang-ayon
strand na tinahak.
1.3 Nakahanay sa strand na ABM ang aking
3.29 Lubos na sumasang-ayon
mga hilig at kakayahan.
1.4 Matagal ng plano ang pumasok sa kursong
may kinalaman sa pagnenegosyo at 3.13 Sumasang-ayon
pamamahala.
1.5 Alam sa sarili na mas mahuhubog pa ang
3.28 Lubos na sumasang-ayon
kaniyang kakayahan sa ABM strand
Composite Mean 3.24 Sumasang-ayon

Makikita sa unang hanay ng talahanayan ang mga pahayag na patungkol sa sariling

kagustuhan ng mga mag-aaral sa strand na ABM. Mula sa isang-daan limampu’t anim (156) na

respondente na tumugon, ang pahayag sa bilang 1.1 ang nakakuha ng may pinakamataas na

weighted mean na 3.50. Ipinapakita nito na lubos na sumasang-ayon ang mga respondente

pagdating sa pagbatay sa sariling kagustuhan ang pagpili ng strand na tatahakin. Ang pahayag sa

bilang 1.3 naman ang pangalawa na mayroong pinakamataas na weighted mean na 3.29 na kung

saan lubos na sumasang-ayon ang mga respondente na nakahanay sa strand na ABM ang
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

kanilang mga hilig at kakayahan. Sumunod ang pahayag sa bilang 1.5 na mayroong weighted

mean na 3.28, nangangahuluhan ito na lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na alam nila

sa kanilang sarili na mas mahuhubog pa ang kanilang kakayahan sa ABM strand. Sa tulong ng

weighted mean na 3.13 sa pahayag bilang 1.4, sumasang-ayon ang mga mag-aaral na matagal na

nilang plano na pumasok sa kursong may kinalaman sa pagnenegosyo at pamamahala.

Ipinapakita naman sa pahayag bilang 1.2 na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na walang nag-

impluwensya sa kanila sa pagpili ng strand na tatahakin.

Base sa datos na nakalap ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pagkalkula sa

composite mean nagresulta ito ng 3.24 na nangangahulugang ang mga mag-aaral sa ABM strand

ay sumasang-ayon sa kanilang sariling kagustuhan bilang isang batayan na nakakaapekto sa

pagpili ng strand na ABM ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School.

Ayon kina Peralta et al., (2014), ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong

akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa: talento, kasanayan (skills),

hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansiyal at mithiin. Ang talento ay isang pambihirang biyaya

at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbing batayan sa pagpili ng

tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay pagtatapos ng Junior

High School (Baitang 10). Ang mga kasanayang tinutukoy ay ang mga bagay kung saan ang

isang tao ay mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan

(competency) o kahusayan (proficiency). Ang hilig o hobbies ay ang mga paboritong gawain na

nagpapasaya sa isang tao dahil gusto at buo ang puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang

hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Dapat sukatin ang sarili pagdating sa kasalukuyang

katayuang pinansyal na kakayahan ng magulang sa pagpapaaral. Kalakip ng pagkamit ng mithiin

sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Talahanayan 1.2
Pamilya Bilang Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand

Berbal na
Mga pahayag Weighted Mean
Interpretasyon
2.1 Nakabatay sa kagustuhan ng pamilya ang
2.57 Sumasang-ayon
napiling strand.
2.2 Nakadepende sa mga magulang ang aking
2.35 Di sumasang-ayon
desisyon.
2.3 Walang tiyak na desisyon kaya magulang
2.31 Di sumasang-ayon
ang hiningian ng desisyon.
2.4 Hindi pamilyar sa mga strand kaya
2.21 Di sumasang-ayon
magulang ang nag-desisyon.
2.5 Hindi pa alam ang pinaka-kukunin na kurso
sa kolehiyo kaya magulang ang pinag-desisyon 2.46 Di sumasang-ayon
sa strand na kukunin.
Composite Mean 2.38 Di sumasang-ayon

Sa limang katanungan na tumutukoy sa mga batayan na nakakaapekto sa pagpili ng

strand na ABM ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School na patungkol

sa pamilya, nakakalap ang mga mananaliksik ng weighted mean na 2.57 sa pahayag bilang 2.1 na

kung saan sumasang-ayon ang mga mag-aaral na nakabatay sa kagustuhan ng pamilya ang

napiling strand. Sa weighted mean na 2.46 sa pahayag bilang 2.5 pinapakita dito na di-sumasang-

ayon ang mga mag-aaral na hindi pa nila alam ang pinaka-kukuning kurso sa kolehiyo kaya

magulang ang pinag-desisyon sa strand na kukunin. Sa pahayag bilang 2.2 na mayroong

weighted mean na 2.35 lumalabas na di-sumasang-ayon ang mga mag-aaral na nakadepende sa

mga magulang ang kanilang desisyon. Di-sumasang-ayon din ang makikita sa pahayag bilang 2.3

na may weighted mean na 2.31 dahil sa pahayag na walang tiyak na desisyon ang mga mag-aaral

kaya magulang ang hiningan ng desisyon. Sa weighted mean naman na 2.21 sa pahayag bilang

2.4 lumalabas dito na di-sumasang-ayon ang mga mag-aaral na hindi sila pamilyar sa mga strand

kaya magulang ang hiningan ng desisyon.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Di-sang-ayon ang mga respondente na isa ang pamilya sa mga batayan na nakaka-apekto

sa pagpili ng strand na ABM ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School

sa kadahilanang ang resulta na nakalap ng mga mananaliksik ay may composite mean na 2.38.

Ang interpretasyon nito na di-sumasang-ayon ay base sa berbal na deskripsyon ng talatanungan.

Ayon kina Esguerra et al., (2015), ang mga magulang ay may mahahalagang papel sa

pagdedesisyon ng anak lalo na kung ang kinabukasan ng anak ang pag-uusapan. Kung anong

kurso ang pipiliin ay dapat masinsinan itong pinag-uusapan ng isang anak at kaniyang magulang.

Ang mga magulang ay siyang gabay sa usaping ito. Mahalagang isaalang-alang ang interes ng

anak dahil ito ang nagbibigay sa kaniyang pag-aaral at kaniyang pagganyak. Sa kabilang banda,

piliin ang kursong konektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig (Rivera, 2010).

Talahanayan 1.3
Kaibigan Bilang Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand

Berbal na
Mga pahayag Weighted Mean
Interpretasyon
3.1 Nakabatay sa aking kaibigan ang napiling
2.19 Di sumasang-ayon
strand.
3.2 Napili ang strand na ABM sa impluwensya
2.8 Di sumasang-ayon
ng kaibigan.
3.3 Nasa hanay ng ABM strand ang mga
2.06 Di sumasang-ayon
kaibigan kaya ito na lang din ang napili.
3.4 Napagdesisyunan ng magkakaibigan na
2.20 Di sumasang-ayon
kunin ang ABM strand.
3.5 Nagustuhan ng kaibigan ang ABM strand
2.38 Di sumasang-ayon
kaya iyon na rin ang piniling strand.
Composite Mean 2.18 Di sumasang-ayon

Sa isang-daan limampu’t anim (156) na respondente na sumagot sa mga talatanungan at

pagseserbey na ginawa ng mga mananaliksik, nakalap ang mga kinakailangang sagot na

magpapatunay kung nakakaapekto nga ba ang mga kaibigan sa pagpili ng strand na ABM ng

mga mag-aaral sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School. Sa weighted mean na 2.38 sa
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

pahayag bilang 3.5 sinasabi dito na di-sumasang-ayon ang nga mag-aaral na nagustuhan ng

kanilang kaibigan ang ABM strand kaya ito na rin ang kanilang pipiliing strand. Sumunod na

weighted mean naman ay 2.20 sa pahayag bilang 3.4 nagpapahayag na di-sumasang-ayon ang

mga mag-aaral na napagdesisyunan nilang magkakaibigan na kunin ang ABM strand. Sa

weighted mean naman na 2.19 sa pahayag bilang 3.1, ipinapakita dito na di-sumasang-ayon ang

mga mag-aaral na nakabatay sa kaibigan ang kanilang napiling strand. Hindi din sinang-ayunan

ng mga mag-aaral ang pahayag bilang 3.2 na may weighted mean na 2.08 na kung saan

nakapahayag dito na napili ang strand na ABM dahil sa impluwensya ng mga kaibigan. Sa

pahayag bilang 3.3 naman na mayroong weighted mean na 2.06 nakikita na di-sumasang-ayon

ang mga mag-aaral sa pahayag na nasa hanay ng ABM strand ang mga kaibigan kaya ito na din

ang kanilang pinili.

Samakatuwid, ang composite mean na nakalap ng mga mananaliksik ay 2.18. Ayon sa

berbal na interpretasyon ng mga mananaliksik isinasaad dito na di-sumasang-ayon ang mga

respondente na kaibigan ang isa sa mga batayan na nakakaapekto sa pagpili ng mga mag-aaral ng

strand na ABM sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School.

Ayon kay Dr. Casey (2008), malaking impluwensya sa pag gawa ng desisyon ng mga

kabataan ang kanyang mga kaibigan. Ayon naman kay Laitsch (2006), naapaketuhan ng mga

kaibigan ang ugali ng isang mag-aaral maaring sa negetibo o positibong paraan.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Talahanayan 1.4

Composite Mean ng Iba’t Ibang Batayan na Nakaka-apekto sa Pagpili ng Strand na ABM ng


mga Mag-aaral sa ika-11 Baitang sa Fidelis Senior High School.

3.5

2.5

2
3.24
1.5 2.38
2.18
1

0.5
0
0
Sarili Kaibigan Pamilya

Base sa tatlong batayan na pinanggalingan sa pagpili ng strand na ABM ng mga mag-

aaral sa ika-11 baitang sa Fidelis Senior High School, sarili ang mayroong pinakamalaking

epekto sa pagpili ng ABM strand ng isang mag-aaral na may composite mean na 3.24 dahil sila

ang mga taong may tiwala sa kanilang sariling kakayahan. Sinundan ito ng composite mean na

2.38 na nakuha ng pamilya kung saan sila ang mga taong kaakibat ng mga mag-aaral sa mga

desisyon na gagawin. Nakakuha ng composite mean na 2.18 ang kaibigan dahil sila ang madalas

na kasama ng isang indibidwal na maaaring maka-apekto sa pag-iisip ng mag-aaral pagdating sa

pagsasagawa ng mga bagay na may kaugnayan sa pag-aaral.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod

na konklusyon:

Ayon sa resulta ng pag-aaral na ito, sariling desisyon ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang

ang naging dahilan ng pagpili nila sa kursong ito. Karamihan ng mga respondente ang lubos na

sumang-ayon sa mga pahayag na nagsasaad ng sariling pagdedesisyon sa pagkuha sa ABM

strand. Mayroon din namang mangilan ngilan ang sumang-ayon sa pagpili ng ABM strand base

sa kanilang desisyon.

Sa kabilang banda, karamihan sa mga pahayag na nagpapakita ng pagpili sa ABM strand

dahil sa pamilya ang hindi sinang-ayunan ng mga respondente. Samantala, sinang-ayunan naman

ng mga respondente ang unang pahayag sa pamilya bilang batayan sa pagpili ng strand na

tatahakin. Samakatwid, may ilang porsiyento ng dahilan ng pagkakapili sa ABM strand ang

nanggaling sa desisyon ng kanilang magulang.

Lumalabas namang hindi ang impluwensya ng kaibigan ang naging batayan ng mga

respondente sa pagpili sa ABM strand. Ayon sa resulta ng pagaaral, di sumangayon ang mga

respondente sa mga pahayag na tumutukoy sa kaibigan bilang batayan ng pagpili sa ABM

strand.
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Rekomendasyon

Ang bahaging ito ay makakatulong upang ang mga susunod na mananaliksik ay

magkaroon ng batayan sa kanilang gagawing pananaliksik na mayroong kaugnay na pag – aaral.

Para sa mga mag – aaral, hindi madali ang pagpili sa mga kursong kukuhanin ngunit

marapat na piliin ang kursong ninananais ng sarili na nakabatay sa sariling kagustuhan at

kakayahan ng sa gayon ay mapaunlad ang sariling kakayahan at pag – iisip.

Para sa paaralan at mga guro, minumungkahi ng mga mananaliksik na magsagawa ng

pagpupulong o programa patungkol sa pagpapaliwanag ng mga strand na mayroon ang K to 12

sa kadahilanang magpasa hanggang ngayon ay marami pa ring mag – aaral ang nalilito sa mga

kursong kanilang tinahak.

Para sa mga magulang, kinakailangan na mapanatiling gabayan at suportahan ang mga

anak lalo na sa pagpili sa mga kagustuhan ng mga – anak.

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na sa mga susunod na mag – aaral na may

kaugnayan sa paksang ito na marapat na magkaroon ng malalim na pagsisisyasat upang malaman

pa ang iba’t ibang batayan na maaaring nakakaapekto sa pagpili ng strand.


Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Sanggunian

Duque et al., (2017). Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong Abm ng mga Magaaral
sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima. Retrieved from
https://www.academia.edu/34673648/MGA_SALIK_NA_NAKAAAPEKTO_SA_PAGPI
LI_NG_KURSONG_ABM_NG_MGA_MAGAARAL_SA_UNIBERSIDAD_NG_OUR
_LADY_OF_FATIMA

Mari Tess (2013). Batayan sa pagpili ng Kurso.


Retrieved from http://batayan-sa-pagpili-ng-kurso.blogspot.com/

Templo, F. (2017). Mga Salik na Nakaapekto sa Pagpili ng Track ng mga Estudyante ng Baitang
11 ng Catanduanes National High School. Retrieved from
https://fatimatemplo.wordpress.com/2017/02/18/pampanahong-papel/

Esguerra et al., (2015). Salik sa Pagkakaroon ng Motibasyon at Determinasyon sa Napiling


Kurso ng mga Mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar. Retrieved from
https://www.slideshare.net/JMEsguerra/salik-sa-pagkakaroon-ng-motibasyon-at-
determinasyon-sa-napiling-kurso-ng-mga-magaaral-ng-pamantasang-centro-escolar

Rivera, R. (2010). Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?
Retrieved from https://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-
gawing-basehan-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/

Olarte, P. (2014). Filipino Thesis. Retrieved from


https://prezi.com/vb4fmduzhubm/filipino
thesis/

Vizarra, Patricia. (2015). Pagtukoy sa Batayan sa Pagpili ng Kurso ng mga Piling Kolehiyo.
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

Retrieved from https://fatimatemplo.wordpress.com/2017/02/18/pampanahong-papel/

APENDIKS A

Mahal na respondente,

Magandang araw!

Kami ay mga mag – aaral mula sa ABM 11 – E na nagsasagawa ng pag – aaral na may
paksang Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Mag – aaral sa
ika – 11 Baitang sa Fidelis Senior High School, taong panuruan 2017 – 2018. Kaugnay po nito,
magsasagawa kami ng sarbey para makakalap ng mga datos na magagamit sa aming pag – aaral.
Hinihiling po naming na basahin ninyong mabuti ang mga panuto at matapat na sagutin ang mga
tanong na nakatala. Ang sagot na aming makukuha mula sa inyo ay lubos na kapaki - pakinabang
sa aming pag - aaral. Aasahan po ninyo na aming iingatan ang anumang impormasyong na
ipagkakatiwala ninyo sa amin.

Lubos na gumagalang,

Mga mananaliksik
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

APENDIKS B

Pangalan (Opsyunal): __________________ Taon at Pangkat: ________

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang nakalaang espasyo para sa inyong mga kasagutan.

4 – Lubos na sumasang – ayon 2 – Di sumasang – ayon

3 – Sumasang – ayon 1 – Lubos na di sumasang – ayon

Mga pahayag 4 3 2 1
1. Sarili
1.1 Nakabatay sa aking sariling kagustuhan ang pagpili
ng strand na tinahak.
1.2 Walang nagimpluwensya sa pagpili ng strand na
tinahak.
1.3 Nakahanay sa strand na ABM ang aking mga hilig at
kakayahan.
1.4 Matagal ng plano ang pumasok sa kursong may
kinalaman sa pagnenegosyo at pamamahala.
1.5 Alam sa sarili na mas mahuhubog pa ang kaniyang
kakayahan sa ABM strand
1. Kaibigan
2.1 Nakabatay sa aking kaibigan ang napiling strand.
2.2 Napili ang strand na ABM sa impluwensya ng
kaibigan.
2.3 Nasa hanay ng ABM strand ang mga kaibigan kaya
ito na lang din ang napili.
2.4 Napagdesisyunan ng magkakaibigan na kunin ang
ABM strand.
2.5 Nagustuhan ng kaibigan ang ABM strand kaya iyon
na rin ang piniling strand.

2. Pamilya
Mga Batayan na Nakakaapekto sa Pagpili sa ABM Strand ng mga Piling Mag-aaral sa Ikalabing
Isang Baitang sa FAITH Fidelis Senior High School

3.1 Nakabatay sa kagustuhan ng pamilya ang napiling


strand.
3.2 Nakadepende sa mga magulang ang aking desisyon.
3.3 Walang tiyak na desisyon kaya magulang ang
hiningian ng desisyon.
3.4 Hindi pamilyar sa mga strand kaya magulang ang
nag-desisyon.
3.5 Hindi pa alam ang pinaka-kukunin na kurso sa
kolehiyo kaya magulang ang pinag-desisyon sa strand na
kukunin.

You might also like