You are on page 1of 32

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Mababang Marka at Epekto nito sa mga Mag-aaral ng

Science Technology Engineering Mathematics Baitang-11

sa Saint Benilde International School

Taon ng Panuruan 2019-2020

Unang Tatlong Kabanata ng Isang Pananaliksik na iniharap

sa mga Kaguruan ng Asignaturang Filipino sa Paaralang

Saint Benilde International School (Calamba) Inc.

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailanagn sa Asignaturang Filipino 1,

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Alacarsada, Ahlex

Benito, Clyde

Bool, Jasmin Leila

Gonzales, Angelica

Nebreja , Ashley

Pabelonia, Angelica

Rafer, Jan Kurt

Setyembre 28, 2019

1|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 1,


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, ang pananaliksik na ito na
pinamagatang Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Mababang Marka at Epekto nito sa Mag-aaral ng
Science Technology, Engineering Mathematics Baiting-11 sa Saint Benilde International School
Taon ng Panuruan 2019-2020 ay inihanda at ihinarap ng pangkat ng mga mananaliksik na nasa
baitang 11, mula istrand na Accountancy, Business and Management sa paaralang Saint Benilde
International School (Calamba) Inc. na binubuo nina Alacarsada Ahlex, Benito Clyde, Bool
Jasmin Leila, Gonzales Angelica, Nebreja Ashley, Pabelonia Angelica, Rafer Jan Kurt.

G. AXL ROSS B. ARAGON, LPT


Guro sa Filipino 1

Pinagtibay para sa pagtupad ng mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 1. Komunikasyon


at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino ng pangkat ng tagasuri na may markang _____
Noong ika-______ ng Oktubre, taong 2019.

Markgil H. Menguita, LPT


Punong Tagasuri

2|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Lupon ng Tagasuri Lupon ng Tagasuri

3|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

DAHON NG PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay naisakatuparan sa tulong ng mga sumusunod:

Una nagpapasalamat kami sa Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat at sa kanyang bugtong na

anak na si Hesus sa pagbibigay sa amin ng sapat na karunungan, mababang pasensya at mabuting

kalusugan upang maisagawa naming mga mananaliksik ang pag-aaral na ito.

Sa aming mga magulang na hindi napapagod na suportahan kami sa ano mang bagay na aming

ginagawa. Nais din naming ipaabot ang pasasalamat sa lahat ng magaaral sa Science Technology

Engineering Mathematics (STEM) sa taong panuruan 2019-2020 sa pagkakaloob ng kanilang

panahon at pagbigay ng dagdag impormasyon na lubos na kailangan upang maisagawa namin

ang pag-aaral na ito.

Kay Ginoong Axl Aragon, sa walang sawang pagtitiyaga, sa pagbibigay ng dagdag palugit sa

panahon ng pagpasa at sa pagbibigay sa amin ng dagdag kaalaman sa araw-araw.

Maraming salamat din sa mga may akda ng pag-aaral na bahagi ng pananalik na ito, dahil kung

hindi dahil sa kanila hindi pa madadagdagan ang aming mga kaalaman at blangko na sa aming

mga isip kung ano pa ang pede idagdag upang mas maging makabuluhan ang aming isinagawang

4|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

pag-aaral at sa aking mga kapwa kamag-aral, kaklase at kaibigan na nag-amba at tumulong

magbigay ng sari saring komento ukol sa aming isinagawang pag-aaral.

Maraming salamat at natapos namin ito ng may pagkakaisa. Huli sa lahat, gusto kong

pasalamatan ang aming mga sarili, mula sa gabing walang tulugan, sa mga panahong

nakatunganga nalang kame sa laptop at nag-iisip kung ano pang taktika ang maaari naming

gawin upang mas mapalawak pa ang aming mga imahinasyon sa paggawa nitong pag-aaral, at

salamat at nakaraos na din kami. Salamat Panginoon!

PAGHAHANDOG

Buong pusong inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga taong

naglaan ng ilang oras at panahon upang mapagtagumpayan ang pag-aaral na ito.

Sa Poong May Kapal, inihahandog ito ng may taos pusong pasasalamat, bilang kapalit sa

buhay, lakas at talino na ipinagkaloob nito. Pangalawa, sa mga magulang ng manananaliksik at

pati narin kay Ginoong Axl Aragon.

Inihahandong din ito para sa mga mag-aaral ng Saint Benilde International School (SBIS)

na nakararanas ng iba’t ibang klase ng suliranin o mga salik na nagreresulta ng pagbaba ng

kanilang marka. Taos pusong inahahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito.

5|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

TALAAN NG NILALALAMAN

Dahon ng Pagpapatibay…………………………………………………………………………….

Dahon ng Pagpapasalamat………………………………………………………………………….

Paghahandog………………………………………………………………………………………..

Kabanata I

Introduksyon

A. Paglalahad ng Suluranin

B. Layunin ng Pag-aarals

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

D. Pahayag ng Tesis

E. Saklaw at Limitasyon

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

6|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Kaugnay na Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Kabanata III

A. Disenyo ng Pananaliksik

1. Teoretikal na Pananaw

2. Konseptwal na Pananaw

B. Tagatugon

C. Mga Instrumentong Pampananaliksik

D. Tritment ng Datos

Sanggunian

Apendiks

Talatanungan

7|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
INTRODUKSYON
Bilang isang mag-aaral isa sa pinagsisikapan natin ay ang makasama sa mga nakakamit
ng may mataas na karangalan. Pagkakaroon ng mataas na marka ang isa sa ating kailangan upang
makapasok tayo sa may mga karangalan. Pagpasok palang nila ng eskwelahan dapat na natin
seryosohin upang masuklian natin ang paghihirap na diradanas ng ating mga magulang
matustusan lang ang ating mga pangangailangan pang-edukasyon man ito o sa pangaraw-araw
nating pangangailangan.
Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at kalidad ng
pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong upang maging maunlad at progresibo
ang isang bansa. Ngunit ang ating bansa ay maraming kinakaharap na suliranin, at isa dito ang
problema sa edukasyon. Mga problema na nararanasan ng mga mag-aaral at ilang kabataan sa
panahon ngayon ay madalas na tayong makakita ng mga kabataan na hindi nakapagtapos ng pag-
aaral at ang pangunahing dahilan nito ay ang kahirapan na isa pang malaking problema na
kinakaharap ng ating bansa. Maaaring nakakaimpluwensya sa mga kabataan ngayon ang
problemang pampamilya, pang pinansyal at ang iba’y napapabarkada.
Ayon kay Kohn (1999) ang pagkakaroon ng mababang marka ay maaaring makabawas
ng interes ng mga mag-aaral sa pagkatuto gayundin sa kagustuhan nila sa mga bagay na
humahamon sa kanilang mental na kapasidad. Ayon sa pag-aaral ng La Consolacion College
Tanauan ang marka ang pinakamabisang batayan ng performans ng isang estudyante sa klase.
Iba’t iba ang pananaw ng mga mananaliksik hinggil sa epekto ng markang nakukuha ng
mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Ayon sa ibang mananaliksik ang pagkakaroon ng
mababang marka ay nagdudulot sa mga estudyante ng kawalan nila ng gana sa pag-aaral ng
kanilang mga leksyon. Ngunit maaari din naman itong magdulot ng kagustuhan nila na
pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

8|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Nadadagdagan nito ang kanilang motibasyon sa pag-aaral. Maaaring pareho din naman
ang epekto sa kanila ng matataas na marka bukod pa dito, maaari ding maging madali sa kanila
ang matanggap sa mga “graduate schools” para sa kanilang pagpapakadalubhasa.
Maraming mga mananaliksik ang nagsagawa din ng pag-aaral ukol sa koneksyon sa
pagitan ng gradong nakukua ng mga mag-aaral ng kanilang ebalwasyon sa kanilang guro. Ayon
sa ilang mananaliksik, ang gradong nakukuha ng mga estudyante at ang standard ng pagmamarka
ang lubos na nakakaapekto sa balwasyon nila sa kanilang mga propesor. Ang mga estudyante na
may palagay na hindi pantay ang naging pagmamarka sa kanila ng kanilang mga guro ay
nagkakaroon ng negatibong reaksyon at opinyon sa kanilang propesor.
Ayon sa pagaaral ng National College of Science and Technology sa panahon ngayon,
iilan na lang sa ka kabataan ang nagpapahalaga sa pagaaral, at ang karamihan ay binabalewala na
lamang ito. Sa kadahilanang sila ay napapasama sa mga barkadang nagdudulot ng masamang
impluwensiya. Ngunit minsan ay may mga katanggap-tanggap na dahilan naman ang kanilang
pagliban sa klase tulad ng kakulangan sa pinansyal o dahil sa trabaho.
Sabi nga ni Dr. Jose Rizal nasa mga kabataan ang pag-asa ng bayan, paano magiging
pag-asa ng bayan ang kabataan kung maling landas ang tinatahak nila kadalasan. Paano
magsisimula ang pag-asenso ng ating bayan kung ang mga kabataan mismo ang naglulugmok sa
sarili nila.
Isa sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang mga estudyante ay ang paggamit ng mapanganib
na gamot o paggamit ng bawal na gamot na nakaaapekto sa isip at sa katawan ng tao, bisyo isa
din itong kinahihiligan ng mga estudyante kaugnay na rin dito ang pagsama sa mga kaibigan na
nagdudulot ng kasamaan o kabutihan sa kapwa mag-aaral at isa pang dahilan ay ang sitwasyon
sa loob ng tahanan kung saan nakatira ang isang mag-aaral,maaari rin itong makaapekto sa isang
mag-aaral kung ano man ang klase ng pamilyang kanyang pinapalooban.
Alam ng lahat na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa kinabukasan
.Marami silang nalilibanang mga paksa sa klase at dahil dito, makakaapekto ito sa kanilang mga
grado at maaari rin itong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit sa asignaturang iyon.
Ilang dahilan pa ng pagbagsak ng isang estudyante na nagdudulot ng mababang marka
nito ay ang mga temptasyon sa pag-aaral, halimbawa nito ay ang internet, telebisyon, cellphone
at iba pang mga nakakatuwang bagay na nakakasira ng ating pag-aaral. Nakakatulong nga ang
internet sa ating mga research ngunit may ibang sites na hindi naman nakakatulong sa ating pag-
aaral na madalas pang pinagtutuunan ng pansin ng mga estudyante katulad ng facebook, twitter,
mobile legends at iba pa. Ang cellphone ay ginagamit sa pakikipag-komunikasyon na minsang

9|Page
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

naaabuso ng ilang estudyante, kahit pa sa loob ng silid habang nagtuturo ang guro ay kadalasan
pa rin nilang ginagamit sa pakikinig ng musika at ibang hindi malamang dahilan.
Kawalan ng interes sa pag-aaral, may ibang mga paaralan na panggigipit sa mga mag-
aaral at dahil dito ay nahihirapan silang magbalanse ng kanilang pag-aaral sa bawat asignatura na
nagiging dahilan ng unti-unting pagkawala ng interes ng isang estudyante sa pag-aaral lalo na
kung ang pagsusumikap niyang ito ay napunta lang sa wala.
Isa ring dahilan ay ang maagang pagpasok sa isang relasyon, hindi natin maitatanggi na
sa panahon ngayon marami nang mag-aaral ang maagang nakikipag-relasyon sa kapwa nila
estudyante at dahil dito naguguluhan sila sa kanilang pag-aaral lalo na kung ang kanilang
nakarelasyon ay humihingi ng sobra-sobrang oras na sila ay magkasama.
Mga problema din ang isa sa dahilan nito, mga problemang kinakaharap ng estudyante na
nagpapagulo sa kanyang isip. Mga personal na problema, katulad ng kakulangan sa pinansyal at
kung minsan problema sa kanyang nakarelasyon na nagdudulot sa kaguluhan sa kanyang pag-
iisip.
Pagiging iresponsable ng estudyante, kapabayaan ng mga magulang o ng gardyan ng
bata, pagkakaroon ng maling barkada o mas kilala sa tawag na “bad influence” na barkada,
pagkawala ng interes sa leksyon o diskusyon sa loob klase ay ilan pang mga dahilan ng
pagkakaroon ng mababang marka ng isang estudyante.
Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral kung ano nga ba ang mga dahilan
kung bakit nagkakaroon ng mababang marka at kung paano ito nakakaapekto sa mga mag-aaral
sa araw araw nilang pagpasok sa eskwelahan.
Nais iparating ng mga mananaliksik sa mga mambabasa ang kahalagahan ng paksang ito
hindi lamang sa mga estudyante kundi rin sa ating mga guro kung ano ba ang magiging epekto
ng pagbibigay nila ng mababang grado sa kanilang mga estudyante.

10 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga salik na nakaka-apekto sa

pagpili ng strand ng mga mag-aaral na nasa Senior High School sa paaralang Saint

Benilde International School, taong panuruang 2019-2020.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon ding sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang mas pinipili ng mga estudyante gawin kaysa sa magaral?

2. Anong pamamaraan ng pagtuturo ang ginagamit ng mga guro at paano ito

makakaapekto sa pagkatuto ng mga estudyante?

3. Ano ang maaaring epekto ng pagkakaroon ng mababang marka ng mga

magaaaral?

11 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

4. Nakakaapekto ba ang pagkakaroon ng mababang marka sa kinabukasan ng

mga magaaral?

5. Paano matutulungan ang mga estudyanteng nagkakaroon ng mababang

marka?

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layunin na talakayin

ang mga salik na nakaaapekto sa marka ng mga mag-aaral sa Saint Benilde

International School (SBIS).

Ang mga Ispisipikong layunin ng pag-aaaral na ito ay ang mga sumusunod:

1. Upang maiwasan ng mga estudyante ang mga sitwasyon o mga dahilan na

maaaring magtulak sa kanila upang makakuha ng mababang marka.

2. Upang mamulat ang mga estudyante sa mga bagay bagay na nasa paligid nila

na maaaring makaimpluwensiya sa kanilang pag-aaral.

3. Upang maging gabay ito sa mga estudyanteng di alam ang pasikot-sikot na

daan sa ating mundo ng realidad

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

12 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Mahalaga ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa paksang Mga

Dahilan ng Pagkakaroon ng Mababang Marka at Epekto nito sa mga Mag-aaral ng

Science Technology Engineering Mathematics Baitang-11 sa Saint Benilde International

School Taon ng Panuruan 2019-2020 sapagkat ito ay mag-aalay ng detalyadong

impormasyon at kaalaman na makakatulong sa mga estudyante para maiwasan nito ang

mga gawain na nakakaapekto at nagdudulot ng pagbaba ng kanilang marka na kanilang

nakukuha.Ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng reyalisasyon na ang kanilang mga

ginagawa ay makaaapekto sa kanilang grado.

Malaki ang kapakinabangan ng pananaliksik na ito sa mga sumusunod na aspeto:

Sa Mga Mag-aaral – Sila ang Senior Highschool mula sa Science Technology

Engineering Mathematics (STEM) mula sa Saint Benilde International School. Ang mga

datos at impormasyon dito ay magsisilbing gabay ng mga estudyante na nagsisibabaan na

ang mga marka dahil sa mga bagay na nakahahadlang sa kanilang pagaaral at mabigyan

sila ng kaalaman o ideya kung ano ang dapat nilang gawin upang maiwasan at makapag-

aral sila ng mabuti.

Sa Mga Magulang – Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga magulang dahil makatutulong

ito upang gawin ang responsibilidad na unawain ang sitwasasyong dinaranas ng kanilang

anak at kung bakit ganon ang nakukuhang grado o marka nito.

13 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Sa Mga Kaguruan – Ito ang magiging gabay ng guro upang matukoy nila kung ano ang

dapat isaalang-alang sa pagtuturo upang mas maging epektibo pa ang pagtuturo nito sa

kanyang mga estudyante.

Sa Mga Susunod na Mananaliksik – Malaki ang matutulong nito sa mga susunod na

magsasaliksik ukol sa paksa, ang pag-aaral na ito’y maaari nilang magamit bilang

pagkukunang ideya

D. PAHAYAG NG TESIS
Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na napakahalaga dahil sa mga posibleng

solusyon at maari din itong maging basehan sa kaalaman para sa mga estudyante. Gamit ang

pananaliksik na ito, maaari ding malaman ng mambabasa ang kadahilanan at epekto sa

pagbagsak ng mga estudyante at ang solusyon na dapat pang paunlarin sa pag-aaral na ito.

Ang pananaliksik na ito ay gagamamit ng “survey forms” na pasasasagutan ng mananaliksik sa

mga piling mag-aaral mula sa Science Technology Engineering Mathematics (STEM) na

nagkaroon na ng mababang marka, upang ma tally ang karaniwang dahilan kung bakit

nagkakaroon ng mababang marka ang mga estudyante at kung ano rin ang solusyon o aksyon na

kanilang ginawa upang pumasa ng tuluyan sa assignatura kung saan sila bagsak, at batay sa

14 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

resulta ng sarbey ay bumuo ng konklusyon at payo sa mga susunod na gagawa ng sarili nilang

pananaliksik sa parehong paksa.

E. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa opinyon at damdamin ng magaaral sa Science


Technology Engineering Mathematics sa paaralan ng Saint Benilde International School hinggil
sa sanhi at epekto ng pagkakaroon ng mababang marka ng isang estudyante.

Nilimitahan ito batay sa sariling pananaw o pang-unawa ng mga mag-aaral mula sa Science
Technology Engineering Mathematics Baitang-11 na napili upang sumagot, gagamitan ito ng
kwestyuneyr bilang instrumento. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon
mas mabuting pag-aralan ang mga sanhi at epekto ng pagkakaroon ng mababang marka ng sa
ganon ay magkaroon ng kamalayan ang mga kabataang mag-aaral ngayon.

F. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Estudyante – taong nag-aaral at tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskubre ng mga


bagong kaalaman
Kapasidad – abilidad o kakayanan ng isang estudyante
Marka – iskor na ibinibigay ng guro sa mga gawain ng isang mag-aaral
Paaralan – isang institusyon na kung saan mayroong interaksyon ng estudyante at guro
kung saan nakakakuha ng mga impormasyon na di kayang maibigay sa obserbasyon
Propesor – ito ang mga guro na may pinakamataas na ranggong akademiko sa kolehiyo o
unibersidad, karaniwang sa isang tanging sangay ng karunungan
Saint Benilde International School – dito kinuha ang mga responde at dito rin isinagawa
ang pag-aaral
Salik – nakakaapekto o nakakaimpluwensya sa iba pang bagay
Sinasaklaw – bahagi ng, o napapaloob sa kabuuan

15 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ayon sa pag-aaral ng Pambansang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Cavite isa sa
maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng mababang grado ay ang pagsali sa mga
organisasyon, hindi mawawala sa buhay ng isang estudyante ang pagsali sa iba’t ibang
organisasyon lalo na kung ang mga ito ay parte ng kanilang gawaing pampaaralan. Mayroong
mga samahan sa paaralan na tumutukoy sa mga akademikong paksa at mayroon din namang ukol
lamang sa mga pansariling interes gaya ng pag-awit o pagsayaw.
Dapat na maging handa ang mga mag-aaral sa pagsali sa mga organisasyon. Kailangang
may nailalaan silang panahon upang maging parte sa mga aktibidad ng organisasyon. Dahil dito,
nadadagdagan din ang kanilang mga responsibilidad lalo na kung sila ay nahalal ng ibang
miyembro sa mga matataas na posisyon. Sa pagtaas ng posisyon ay siya ring pagbigat ng
kanilang tugkulin na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral lalo na kung kadalasan may
mga gawaing dapat ihanda o tapusin.

16 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Isa sa mga may malawak na epekto sa mga mag-aaral ay ang patuloy na paglawak ng
teknoloiya. Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil sa
hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan
bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga
makabagong kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan
ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito ang gaming o ang paglalaro sacomputer na
piniling pagtuunan ng pansin sa kadahilanang kapansin-pansin lalo na sa klase, na imbes libro at
bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga dala nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone.
 Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito malalaman ang mga
makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang magasin na ito ay may buwanang
sipi na may titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan
ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin,
maraming kabataan ngayon ang bumibili ng K-Zone dahil na rin sa “What’s Hot?”
naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa kung anung bagong kagamitan ngayon.

Ang mga naunang pag-aaral patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga
grado na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa
pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, at iba pa. Ngunit
dahil ngayong lumabas na ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, may mga ilang pang pag-aaral
ang nag layong alamin ang mga epekto ng mga makabagong kagamitang ito sa mga mag-aaral.
Ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ng makabagong kagamitan imbis sa pag-
aaral. Dati ay sinasabing ang edukasyon lamang ang hindi mananakaw sa isang tao. Ngunit
sa pagsulpot ng mga makabagong kagamitan ngayon, hindi ba’t ninanakaw na nito ang oras na
dapat sana’y sa edukasyon nakalaan? 

Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang
pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila.
Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y
makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatid ng teknolohiya ay
maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot
ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga
mag-aaral.

Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari
itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na
lamang sila buong hapon imbis na mag-aral. Sa pag-aaral na ito, may mga mananaliksik na
nagsagawa ng sarbey sa tatlong institusyon sa Metro Manila. Sa Mataas na Paaralan ng Ramon

17 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Magsaysay, Espaňa. Dahil ito ay pampublikong paaralan, nais malaman ng mga mananaliksik sa
pag-aaral na ito kung naaapektuhan ba ang pag-aaral nila ng mga makabagong kagamitan.

Isa sa mga patok na ginagamit na teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito ang isa sa
mga maraming bagay na nagpapabilis sa mga gawain kapag ginagamit. Marami rin itong modelo
na mas lalong naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng
cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilis na
komunikasyon. Naipapadala sa pamamagitan nito ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyong
kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay mayroon na ngayong Multimedia. Na
kung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami
nang magagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang
mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong modelo nito. Nandyan na ang TV
phone na kung saan live mong mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na
kung saan all in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa iisang
modelo at video phone na kung saan magagamit mo ito na parang video camera. Ito ang mga
ilang positibong bagay na naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din namang
negatibo itong dala sa bawat isa sa atin lalo na sa mga mag-aaral, isa dito ay ang radiation na
nagdudulot ng masamang epekto sa mga tao lalo na sa mga kabataan, isa rin ito sa mga dahilan
kung bakit bumababa ang mga markang nakukuha ng mga mag-aaral. Isa pa sa mga negatibong
bagay ay ang pagkasira ng kinabukasan ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang
halos lahat ng oras nila na sana’y sa pag-aaral na lang ginagamit kasi ang cellphone sa hindi
mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madali kasi na paraan ang naidudulot nang
paggamit ng cellphone. Ang pangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos
lahat ata ng mga tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter
lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Alam
naman nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa
mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ng impormasyon.
Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word, Powerpoint, Excel at marami pang iba
na tumutulong sa paggawa ng mga research work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas
napapabilis kasi ang paggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter din
ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patok lalo na sa mga
kabataan. Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming
kabataan ang nahihikayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng
kompyuter. May mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay puro
laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din naman ay masyado na ring
dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sa internet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot minsan
ng plagiarism o pagkopya ng ibang gawain.

Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauusosa mga kabataan
ngayon. Malamang ay maraming kabataang katulad ko napilit kinukulit ang mga magulang na

18 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

bilhin ito. Marahil isang dahilan kung bakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil sa
marami itong “features” na nakakaakit sa mga kabataan. Ang ilang “features” nito ay ang
Multimedia Playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga pelikula.Audio Player kung
saan ay may maaaring makinig ng mga musika. Camera kung saan ay maaaring makakuha ng
litrato. Wireless Networking dahil ang PSP ay nakakakonekta sa “wireless network” sa
pamamagitan ng WIFI na kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang
“multiplayer gameplay”. Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato mula sa isang PSP
papunta pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity na kung saan ay nagagawa nitong makagamit
ng internet sa pamamagitan ng wireless connection at maaaring makapanood ng live television
broadcast.At Games kung saan maaaring makapaglaro ng iba’t-ibang klase ng laro. Ito rin ay
nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito at nakakatangal ngpagkabagot. Halimbawa nalamang
kung ikaw ay isinama ng magulang mosa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay
maaari mo itong gamitin. Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly
nito kaya madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na may mga magaganda at masasamang
dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mga mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at
maingat ang may-arisa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal ang
kagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid para makabili nito. Sa ngayon ay hindi natin
maikakaila na maraming kabataan ang mayroon ng PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan at
unibersidad. Dahil sa madalas na paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito.
Tulad ngpagpapatalas ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upang matapos ang
laro. Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games.Magandang tulong din ng PSP ay nakakabuo
ng  pagkakaibigan dahil sa kaalaman sa gadget na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta
opelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa impluwensiya ng droga
dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kung mayroong magandang dulot… Malamang ay
may masama rin ito. Tulad ng dahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang
mga ito.Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaring kalabasan nito ay
magkaroon ng malaking posibilidad ng maging obese ang mga kabataan. Nakakasira sa
kalusuagan lalo na sa mata. Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na
magkaroon nito…Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat sa
kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ng pagnanakaw. At higit sa
lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral.Halimbawa nalamang na mas inuuna nila itong
gawin kesa sa paggawa ngkanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa mga
pagsusulit. Isapang gadget na patok sa mga kabataan ay ang iPod na tila ay hindi nila maiwan
iwan sa bahay kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay may magagandang “features” ito
kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan. Ang mga “features” nito ay Games na kung saan
ay nakakapaglaro ng iba’t-ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang
mga numero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mga importanteng gawain.

At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photos kung saan ay makikita ang mga
ilang larawan na inilagay at Stopwatch. At ang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito

19 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

nakalagay angmadaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natin


matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang
sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon nito. Nakakaalis din ito ng
pagkabagot at nagsisilbing libangan.Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay
ginagamit ito upang magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng
oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataangmayroon nito ay
naaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at silaay lubusang nahihilig sa musika kaya
nakakatulong sa  pagangat at pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga
magandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magiponang mga kabataan
upang makabili ng ganitong kagamitan o nagigingdahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at
nagiging maingat at responsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ng
pagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba’t-ibang tao. Ang mga masamang dulot
naman ng iPod sa mga kabataan ay nagdudulot itong pagkabingi sa dahil sa malakas na volume.
Nagiging adik din ang mga ito sa sobrang paggamit. Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa
paggamit ng iPod ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes nabumili ng
orihinal na album o cd’s ay nagdadownload nalang ang mga kabataan sa limewire o itunes.

KAUGNAY NA LITERATURA
Ayon kay Sarah Moore sa kanyang Magazine na “How To Be A Student” nalaman ng
mga mananaliksik ang mga salik ng Study Habits – ang Time Management, ang Study Skills, at
ang Learning Skills – ay talagang may malaking epekto sa academic performance ng isang mag-
aaral. Ang mga estudyanteng napakalaki ng ginugol na oras sa pag-aaral ang siyang mga
estudyanteng nakakakuha ng matataas na marka sa kanilang mga asignaturang pinag-aaralan sa
paaralan. Ito ang mga estudyanteng huwaran sa pagsisikap at pagtitiyaga para mapasaya ang
kanilang mga magulang.
Ang mga estudyanteng nakilala dahil sa kanilang karangalan ay natutong magkaroon ng
time management. Naglalaan sila ng tamang oras para magpakasaya, para sa pamilya, sa
kaibigan, sa paaralan, at lalong lalo na sa pag-aaral. Dahil sa study habits na mayroon sila, lalong
nahuhulma ang study skills na mayroon din sila. Mas nahahasa ang kanilang mga isipan, at mas
lumalawak ang kanilang kaalaman. Di na tayo magtataka kung madali nilang naiintindihan ang
mga leksyon na itinuturo sakanila sa paaralan. Nagkakaroon sila ng lakas ng loob para itaas ang

20 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

kanilang mga kamay at ibahagi ang kanilang nalalaman sa buong klase ng walang kaba dahil sa
kasanayan nila sa pagsasalita. Nahasa sila ng mabuti sa pamamagitan ng paulit ulit nilang
pagbasa at pagbigkas muli ng mga salita sa kanilang aklat. Dahil nga madalas na silang aktibo sa
klase, dulot nito ang magandang academic performance na mayroon sila. Sa pamamagitan ng
Time Management, di na mahihirapan ang isang estudyante sa pagbalanse ng kanyang pag-aaral
ng iba pa niyang gawain o pinagkakaabalahan. Sa pagkasanay niya sa pagtakda ng gawain sa
isang particular na oras, di na siya mahihirapan pa at mag-aalala sa kung anong paraan ang
gagamitin niya sa pag-aaral. Mahahasa ang kanyang isipan, at madali na para sa kanya ang
umintindi ng mga bagay-bagay sa paligid niya.
Ayon kay Dr, Bernadette Arcena ng St. Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang quality
time ng mga bata, lumalawak din umano ang communication gap sa kanila at nawawala ang
tutok nila sa pag-aaral. Dahil may maganda rin naman naidudulot ang internet sa kaalaman ng
mga kabataan, sinabi ni Arcena na kailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata.
Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick 12-anyos, inamin ng bata
na nahumaling siya noon sa internet particular sa Facebook kaya bumagsak ang kanyang marka
ng hanggang 65. Pero kung dati ay nagbababad si Nick sa mga internet shop ng mula hapon
hanggang hatinggabi araw-araw, ngayon ay dalawang oras na lang umano para makabawi sa
kanyang pag-aaral.
Ayon naman kay Captain Bob Web, may akda ng “How At-Risk Youth Can Develop a
Career and Be Productive?”, hindi kailangang maging matalino ang estudyante sa pagsagot sa
klase upang maging matagumpay. Nabanggit sa akda ang mga elemento sa pagtatagumpay ng
mga estudyanteng mahihina sa klase. Sa artikulo ni Daniel Leonov na “Famous College
Dropouts Who Became Successful Businessman”, binanggit niyang iba-iba ang mga tao sa
paraan ng pagtagumpay. Isa pa ang artikulong “Success Without A Career?” ni Kate Lorenz.
Ayon sa kanya, ang kakulangan ng mga tao sa mga pangakademikong bagay ay mababawi sa
utak, impluwensiya, lakas ng loob, at kagalingan sa pagnenegosyo. Sa akda namang “Fifteen
Successful Entrepreneurs Who didn’t Need College” na matatagpuan sa www.college-
startup.com, tinalakay na hindi nagtagumpay ang ibang kulang sa edukasyon. Sa mga
nakapagtapos naman at nagtagumpay, nagsisilbing gabay at back-up niya na lamang ang
kanyang degree.
Ang libro ni Joey Concepcion na “Negosyo” ay tungkol naman sa mga matatagumpay na
limampung negosyante ngayon. Doon ay tinalakay ang kanilang nakaraan at kasalukuyang
buhay. Ibinahagi doon kung paano nila nakamit ang tagumpay na kanilang nilalasap ngayon.

21 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

Ang artikulong “No Grades for Juan” ni Potenciano D. Conte Jr. ay tumatalakay sa mga
hindi magandang epekto ng kompetisyon sa loob ng silid-aralan. Ang artikulo naman ni Ramon
Tulfo na ang pamagat ay “Bar flunkers before, successful lawyers now” ay tumalakay sa
pagiging matagumpay sa kinabukasan kahit pa mababa ang ranko sa eskwelahan. Sa librong
“Psychology and Business” ni Jove Jim S. Aguas ay binanggit ang teorya ni Robert Sternberg na
nagsasabing may tatlong aspekto ng talino ang tao.
Tinalakay sa bahaging ito ang literatura at pag-aaral ng ibang mananaliksik na may
kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral. Nilalahad sa mga sumusunod na dahon ang ilang kaisipang
kaugnay at kahawig sa kasalukuyang pag-aaral na hinugutan ng ilang kaisipang kaugnay at
kahawig sa kasalukuyang pag-aaral na hinugutan ng ilang ideyang nagging lundayan at batayan
sa pag-aaral na ito. Tatlo maaring dahilan kung bakit bumabagsak o mababa ang grado ang mga
mag-aaral sa kanilang mga asignatura.
Ayon kay Paula Gail I. Torres base sa kanyang pasisiyasat,tatlo ang kanyang nakita
dahilan sa pagbaba ng marka sa akademiko ng mga mag-aaral
.Ang kakulangan sa preparasyon,kawalan ng gana at katamaran, ito ang mga maaaring salik na
nakakaapekto sa mga mag-aaral.
Ayon kay Torres ang tagumpay sa paaralan ay hindi nakakamit sa pawang katalinuhan
lamang. Ano ang gamit ng isang magaling na isip kung hindi natin ito ipalalago? Tandaan, sa
patuloy na pagdami ng ating mga nakakalap na impormasyon, mas lalo lamang natin idinidiin
ang katotohanang isang maliit na bahagi lamang iyon ng isang malawak na mundo ng kaalaman.
Kailanman ay hindi naging sapat ang sapat. Iyan ay nasa kalikasan na natin bilang tao.
Ayon kay Edna Wells Handy, hindi sapat ang katalinuhan upang makapasa sa isang
pagsusulit. Ang katalinuhan, kapag ipinares sa sipag at tiyaga, ay maaaring makapagdulot ng
mga dakilang bagay. Hindi dapat mawalan ng saysay ang pag-aaral at pagbabalik-aral dahil dito
tayo tunay na natututo.
Ayon kay Ellan Langer et.al (1987), kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa
kakayahang umunlad ng isang indibidwal sa klase ang emosyonal na nararamdaman. Mas
nakakapag-isip ng maayos ang isang indibidwal kung walang bumabagabag sa kanya.
Sinuportahan naman ito nina Tetlock, Skitka at Boettger (1989), mas napapadali at gumagana
ang utak sa mga gawaing ginagamitan ng pag-iisip kung ang mga taongnakapaligid sa isang
indibidwal ay nakapagbibigay ng mabuting impluwensya at maypositibong pananaw na maaari
nitong mapaghugutan ng inspirasyon.
Sang-ayon naman kina Kaplan at Miller (1987); Forsyth (1990) lumalabas na
nakakaapekto ang emosyonal na aspeto sa kakayahang mag-isip ng isang indibidwal. Ayon din
sa kanila kapag ang isang indibidwal ay kulang o may panlabas na salik na nakakaapekto sa

22 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

kaisipan nito ay mas napipilitan ang utak na mag-isip na nagbubunga sa paglabas ng Hormone
kung saan ay naiinis ang isang indibidwal sa mga gawaing hindi niya magawa na nagdudulot sa
pagkasawa o dili kaya’y kawalan ng ganang mag-isip. (Social Psychology. Forms of Emotional
Thinking)

Pinabulaanan naman ito nina Campbell, Tesser at Fairey (1986) may kakayahan ang utak
na labanan ang mga panlabas na aspetong nakakaapekto sa pag- iisip depende sa kung paano
tingnan ng indibidwal ang isang problema (positibo o negatibo). (Social Psychology. Identities,
Attitudes and Behavior)
Sa pag-aaral naman nina Higgins at Bargh (1987), Zarate at Smith (1990, 1992),
nakakaapekto ang tao at lugar na ginagalawan ng isang indibidwal sa pag-iisip. Maaaring
kasarian at pinagmulan ng indibidwal, ugali, o ang mismong tahanan o pamayanan na
kinabibilangan nito sa pagresolba ng problema
Nakakaapekto sa pag-aaral ang impluwensya ng mga taong nakapaligid sa
isang indibidwal pagkat may iba’t ibang aspeto o gawaing nakakakuha ng atensyon
nito. Nalilipat ang atensyon ng isang indibidwal sa gawain o bagay na ito na nagiging sanhi ng
pagkawala ng interes nito sa pag-iisip.
Dinagdagan ito nina Elizabeth Lottus et.al (1979, 1984), nakakaapekto rin ang bisyo sa
pag-iisip ng maayos. Ilan sa maituturing na bisyo ay ang kaadikan sa internet o mga sugal
kabilang rin ang paninigarilyo at paggamit ng droga. (Social Psychology. The Influence of the
Environment)
Ayon naman sa artikulo ni Berbano (2014) isa sa maraming problema na kinakaharap ng
mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa, ang pinanggalingang
paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya. Ikatlong maaaring maging
suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang estudyante. Ayon pa sa kanya, minsan
ay napipilitan lamang kunin ng mga estudyante ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang
o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwa kamag-aral. Ito ay nagdudulot
naman sa ikaapat na problema – ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang
pagpili ng kurso ay napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang
magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda.

23 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. DISENYON NG PANANALIKSIK
1. Teoretikal na Pananaw

Marami ngayon ang tumitingin sa kinabukasan ng mga estudyante base sa


kanilang grado sa eskwela na hindi naman tama sapagkat marami ang nagtatagumpay
kahit kulang sa edukasyon. Ang maling pananaw na ito ay nagbibigay ng pressure sa
mga estudyante. Ayon sa artikulo na “The At-Risk Student May Be A Genius” ni
Captain Bob Web, ang mga estudyanteng may mabababang grado ay nasasabihang
bigo limang beses sa isang araw at limang araw sa isang linggo. Dahil sa laging
pagpapaalala na sila ay mga bigo, lumiliit ang tingin nila sa kanilang mga sarili na
mas nagbibigay ng negatibong resulta kaysa sa mabuting naidudulot ng diploma.
Ano nga ba ang edukasyon? Ayon sa Encarta Dictionaries, ang edukasyon ay ang
24 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

proseso kung saan ang bawat estudyante ay nakakalikom ng mga kaalaman sa


pamamagitan ng pagtuturo at pag-aaral lalo na sa eskwela o sa kahit anong parehong
institusyon. Ayon sa isang artikulo na galing sa Pcma.org, isang nangungunang
organisasyon para sa pagtititpon at event ng mga Professionals na naglalayon na
makapagbigay ng edukasyong may mataas na standard, ang sistema ng pagtuturo sa
silid aralan ay nagbibigay-pansin lamang sa mga grado. Kulang ang sistemang ito sa
pagbibigay ng motibasyon sa mga estudyante dahil nakatuon na lamang ang pansin
nila sa gradong kanilang dapat makuha para makapasa. Ang mga estudyante ngayon
ay nahahamon sa akademikong paraan ngunit wala naman silang motibasyon.
Sinasabi na ang estudyante ay nakakuha ng mababang grado kapag ang kanyang
grado ay hindi umabot sa standard grading system (zero-based) ng paaralan.
Base ulit sa Encarta Dictionaries, ang tagumpay ay ang pagkamit ng mga plano o mga
pangyayaring nais mangyari. Isa pang kahulugan ay ang pagkakaroon ng
accomplishments sa buhay lalo na kung ito ay patungkol sa pera, kasikatan, o
kapangyarihan.

Ayon sa artikulo na ‘What is Education?’, karamihan sa mga eskwelahan


ngayon ay ginagawang basehan ang nakukuhang grado sa mga pagsusulit na
nakasulat sa papel at kapag mababa ang nakuha ng estudyante ay sinasabing siya ay
bigo. Ang natural na abilidad ng isang tao ay hindi masusukat sa isang pagsusulit na
nakasulat lamang sa papel. Ang pagsusulit sa papel at ang pagsasaulo ng mga salita
ay nakakabawas lamang sa kagustuhan ng mga estudyante na matuto dahil wala
naman ang kanilang puso sa mga gawaing ito. Wala ang kanilang inspirasyon na
matuto. Ang edukasyon ay hindi natatapos sa pagkuha ng diploma, ito ay habang
buhay. Gawin nating halimbawa ang isang magulang na hindi marunong gumamit ng
makabagong teknolohiya katulad ng computer. Hindi niya kakayanin na matutong
mag-isa. Dumating ang kanyang anak na hindi pa naman talaga ganoon na mahusay
sa akademiko. Kanyang sinuri ang computer at pinilit alamin ang paraan ng paggamit
nito. Mayroon siyang limitadong kaalaman ngunit marunong siya na isipin kung ano
ang maaari niyang gawin. Marunong na rin siyang magproseso ng mga impormasyon
kahit na hindi pa ganoon karami ang kanyang nalalaman sa mga akademikong bagay.
Ito ang natural na solusyon ng bata sa sitwasyon. Kahit bata pa lang ay mayroon nang
natural na abilidad upang makapagproseso ng mga impormasyon. Kapag dumating na
sa pagdadalaga o pagbibinata ang batang ito ay kinakailangan na niyang bumagay sa
sukatan ng abilidad at ito nga ay ang grado. Dahil dito ay nakatuon na lamang siya sa

25 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

pagmememorya ng mga salita kahit na hindi na niya ito naproproseso. Inaalis nito ang
pagiging malikhain niya sa pag-iisip. Ayon ulit sa nabanggit na artikulo, hindi lahat
ng matatagumpay ay nakakuha ng matataas na grado. Mayroon lamang silang
magandang pananaw sa kinabukasan, nagsasaliksik sila ng bagong kaalaman,
isinasabuhay at prinoproseso ang mga kaalamang ito, at naghahanap ng magandang
solusyon sa mga problema.Sa artikulo ni Potenciano D. Conte Jr. na ang pamagat ay
“No Grades for Juan”, binanggit niya ang tungkol sa karanasan ng kanyang pinsan na
si Zylia. Si Zylia ay isa sa mga nakaranas ng pagkakaroon ng mababang grado. Dahil
dito ay hindi niya natapos ang ikalawang baitan. Siya ay tinukso at tuluy-tuloy nang
napapahiya. Dahil dito, naisip niya na siya ay walang alam at napakahina ng utak
hanggang sa siya ay nawalan na ng tiwala sa sarili. Nakapagtapos naman siya sa
sekondaryang paaralan ngunit baon niya ang kanyang kabiguan. Ang kanyang
karanasan ay naging dahilan sa kanyang hindi pagpasok sa kolehiyo. Natakot siyang
sumubok sa kolehiyo at hindi na niya nalaman pa ang kanyang maaaring potensiyal.
Isa na lamang siyang maybahay ngayon na mayroong anim na anak. Naniniwala si
Potenciano D. Conte Jr. na ang kompetisyon sa loob ng klase ay hindi na
nakakatulong sa pagkatuto ng mga estudyante. Dahil sa kompetisyon, maraming
pagkakaibigan ang nasisira. Ang iba pa nga ay kumokopya para lamang magkaroon
ng mataas na marka. Ang iba pa nga na magulang ay nagbibigay ng suhol sa mga
guro upang magkaroon ang kanilang anak ng honor. Ilan lamang ito sa maling
naidudulot ng kompetisyon para sa mataas na grado sa klase. Sinabi niya na kung ang
mga paaralan lamang ngayon ay lumipat sa pagkakaroon ng non-graded sytem,
sigurado siyang magugulat sila sa magiging resulta nito.

2. Konseptwal na Pananaw
Ang pananaliksik na ito na may paksang “Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng
Mababang Marka at Epekto nito sa mga Mag-aaral ng Science Technology Engineering
Mathematics Baitang-11 sa Saint Benilde International School Taon ng Panuruan 2019-2020”
ay binigyang ng konseptong konseptwal upang higit na maunawaan ang pag-aaral na ito.
INPUT PROCESS OUTPUT

Ang mga mananaliksik ay Ang mga mananaliksik ay Inaasahan ng mga


gagamit ng sagutang mamamahagi ng mga mananaliksik na sa
papel at kwestyuner na nasabing kwestyuner sa mga pag-aaral na ito,
naglalaman ng mga mag-aaral ng STEM upang matukoy ang pinaka

26 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

katanungan hinggil sa makakalap ng mga mabisang estratehiya sa


dahilan ng pagkakaroon impormasyon o datos hinggil pagtuturo upang sa
ng mababang marka at sa dahilan ng pagkakaroon ganon mapabilis na ang
epekto nito sakanila. ng mababang marka at ang pagkatuto at mas
epekto nito. makapagpokus na ito
sa kanyang pag-aaral.

B. MGA TAGATUGON

Ang napiling mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Saint
Benilde International School sa strand na Science Technology Engineering Mathematics
baiting-11 sa kasalukuyang taon ng 2019-2020. Ang mga estudyanteng napili ay ang
mga taong madalas nakakaranas ng mga nasabing suliranin.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Sa pagnanais ng mga mananaliksik na mabatid kung ano ang mga salik na


nakakaapekto sa mga mag-aaral at epekto ng pagkakaroon ng mababang grado nito ang
mga mananaliksik ay gagamit ng sagutang papel at kwestyuner na gagamitin sa gagawing
pag-aaral para mapadali sa mga mananaliksik ang pagkakalap ng mga kakailanganing
impormasyon. Ang sagutang papel rin ay pamilyar na sa mga estudyante.Ginawa nila ang
pagkakalap ng impormasyon sa mga estudyante ng Saint Benilde International School.
Ang sagutang papel ay dapat sagutan ng mga respondente ayon sa kanilang pananaw.

Nagsagawa din ang mga mananaliksik ng pangangalap ng impormasyon sa


internet upang makakuha ng iba pang mahahalagang impormasyon ukol sa paksa. Inusisa
at pinag-aralan ng mabuti ang mga nakuhang datos upang maisagawa ang pananaliksik
na ito.

27 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pananaliksik na ito ay isa lamang paglalahad ng epekto kung bakit mababa o
bagsak ang mga grado ng estudyante sa iba’t-ibang asignatura, kaya naman hindi ito ito
nangangailangan ng mga numerical na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang
ang pananaliksik na ito ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na
sinagutan ng mga respondente. Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente,
pipiliin lamang ang mga sagot na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik o sa
ginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay
mabubuo ang konklusyon at maaaring mga maging rekomendasyon.

SANGGUNIAN

https://prezi.com/xebcb1hbh4qo/sanhi-ng-pagkakaroon-ng-mababang-marka-ang-mga-
estudyante/?
fbclid=IwAR0VMsNYzYgzgxO_ZNnhf9e6rYwB1OnJ0IcWhOHmU4SOdFJzzgehEfmJowk

https://www.slideshare.net/jaszh12/pananaliksik-sa-filipino-11-final?
fbclid=IwAR0ZV6yJHJnOZe6BexgBxy4DpbOD0qCA5ToK6ia2cEA-jsoES_YE9rlVkGE

28 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

https://tomasinongpinoy.blogspot.com/2009/03/i.html?
fbclid=IwAR2h902LNPke6ZwFvlipNCVWhD7Ms7vn5FEo_t25DiD6tyGVkKAdCEEFQWo

https://filipinothesis.blogspot.com/2011/02/kabanata-iii-disenyo-at-paraan-ng.html?
fbclid=IwAR3b3iHq2d7xY7Hp8z-7fMThXZnAZjxR-jC5BfHxXRsD8NnquXA_6IYYmlg

https://www.academia.edu/36921494/Bakit_Karamihan_sa_mga_Estudyante_ay_Mayroong_Ma
baba_at_Bagsak_na_Marka_sa_Eskwelahan.docx?
fbclid=IwAR0psjvdG9a9lsjnXgeOHNKBim718cEp2Ge-
https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Suliranin-Ng-Mga-Mag-Aaral-Hingil-Sa-
Pagkakaroon-Ng-Mga-Mababang-Marka-Sa-Kanilang-Akademiko/182462

https://www.wattpad.com/3757611-study-habits-kaugnay-na-pag-aaral

https://www.academia.edu/36129226/Bakit_mababa_ang_marka_ng_mga_estudyante_sa_paaral
an

https://tomasinongpinoy.blogspot.com/

https://www.academia.edu/36921494/Bakit_Karamihan_sa_mga_Estudyante_ay_Mayroong_Ma
baba_at_Bagsak_na_Marka_sa_Eskwelahan.docx

APENDIKS

(Mga dokumentong ginamit sa pagsasagawa ng pananaliksik)

29 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

TALATANUNGAN

Name: Strand:

Age: Year:

1.Sumasang-ayon ka ba na matalino ang isang mag-aaral kung siya ay may mataas na marka?

Oo o Hindi

30 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

2.Sumasang-ayon kaba na walang alam ang isang mag-aaral kung siya ay may mababang marka?

Oo o Hindi

3.Nakararanas ka bang pagalitan dahil sa mababa ang iyong nakuhang marka o grado?

Oo o Hindi

4.Sapat ba sa iyong magulang ang iyong markang nakukuha?

Oo o Hindi

5.Natutukso ka bang walang alam ng iyong mga kamag-aral dahil sa mababa ang iyong marka ?

Oo o Hindi

6.Nahihirapan ka bang intindihin ang inyong literature kapag may kinakaharap kang pagsubok
maliban sa pag-aaral?

Oo o Hindi

7.Madalas kabang tinatamad sa klase?

Oo o Hindi

8.Ano ang hadlang sayo sa pag-aaral ng mabuti?

__________________________________________
9.Ano ang iyong dapat gawin upang malagpasan ang ganitong pagsubok?

__________________________________________
10.Tama nga ban a gawing basehan ang marka ng isang mag-aaral sa kaniyang katalinuhan at
kakayahan?

Oo o Hindi….at bakit?

31 | P a g e
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Saint BeNIlde
INTERNATIONAL SCHOOL (CALAMBA) INc.
S.Y. 2019 – 2020

ACCOUNTANCY, BUSINESS AND MANAGEMENT STRAND

32 | P a g e

You might also like