You are on page 1of 19

ANG PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA ABM TUNGO SA

KANILANG STRAND

Claret School of Zamboanga City


LEVEL II-PAASCU ACCREDITED
Senior High School

Mga Mananaliksik:

Sheena Mae O. Deogracias


Justyne Kate M. About

Bb. Angelica M. Luhit


Tagapayo sa Pananaliksik

Marso 2019
ABSTRAK

ANG PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA ABM TUNGO SA


KANILANG STRAND

Nina:

Sheena Mae O. Deogracias

Justyne Kate M. About

Bb. Angelica M. Luhit


Tagapayo

Ang pag-aaral na ito ay descriptive-qualitative kasama ng mga tanong na gabay sa


panayam na ginawa ng mananaliksik bilang instrumento ng pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay may layong matuklasan ang mga pananaw ng mga mag-aaral ng
ABM sa Senior High School tungo sa kanilang strand sa Paaralang Claret Lungsod, Zamboanga.

Natuklasan ang mga iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral at ang
iba’t ibang benepisyong makukuha nila sa ABM strand na makatutulong sa kanilang hinaharap
kaakibat sa kanilang sariling mga pananaw.

Ang pakikipanayam ay isinagawa sa 10 kalahok sa mga mag-aaral na nasa labing isa at


labindalawang baitang ng Senior High School. Ito ay isinagawa sa Paaralang Claret Lungsod,
Zamboanga para sa taong panuruan 2018-2019. Upang mapadali ang pagtatasa at pagtatala ng
panayam, gumamit ng camera ang mga mananaliksik.

Natuklasan na ang mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral ng ABM sa


Senior High School tungo sa kanilang strand ay ang pagkakaroon ng hindi sapat na kaalaman, mga

2
impluwensiya ng kaibigan at kakilala, feedbacks ng mga mag-aaral na nagtapos sa ABM Senior
High School, personalidad at linya ng interes ng mga mag-aaral.

Natuklasan din na ang mga benepisyong makukuha sa strand na ito na makatutulong sa


mga mag-aaral sa kanilang kinabukasan kaakibat ng sarili nilang mga pananaw ay ang
pagkakaroon ng maraming posibleng trabahong makukuha, pagkakaroon ng kaalaman paano
mamahala at humawak ng isang negosyo at pagiging globally competitive ng mga mag-aaral gamit
ng iba’t ibang kakayahan, liksi at galing na taglay ng Accountancy, Business and Management
Strand.

3
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pahina ng titulo……………………………………………………………………………. i
Abstrak…………………………………………………………………………………….. ii
Talaan ng nilalaman…………………………………………………………...................... iii

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL……………


1.1 Panimula…………………………………………………………………... 5
1.2 Sanligan ng Pag-aaral………………………….………………………….. 6
1.3 Paglalahad ng Suliranin…………………………………………................ 7
1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………….…... 7
1.5 Saklaw at Delimitasyon………………………………………………….... 7
1.6 Kahulugan ng mga Katawagan…………………………………………..... 8

KABANATA II: METODO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK…………


2.1 Disenyo ng pananaliksik………………………………………………….. 9
2.2 Mga Pinagkukunan ng mga Datos………………………………………... 9
2.3 Instrumentong ginamit ang pangangalap ng mga Datos………………….. 9
2.4 Gamit sa pagsusuri ng mga Datos………………………………………… 10
2.5 Etikal na pagsaalang-alang………………………………………………... 10

KABANATA III: MGA PAGSUSURI AT MGA TALAKAYAN……………………. 11

KABANATA IV: BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON……………....


4.1 Buod………………………………………………………………………………. 17
4.2 Pagsusuri…………………………………………………………………….......... 17
4.3 Konklusyon………………………………………………………………….......... 18
4.4 Rekomendasyon…………………………………………………………………... 18
Bibliyograpiya…………………………………………………………………….. 19

4
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL
1.1 Panimula
Ang Accountancy, Business at Management (ABM) Strand sa ilalim ng
kategoryang akademikong track ng Senior High School ng Claret School of
Zamboanga City ay mayroong asignaturang dapat kunin sa bawat semestre. Business
Mathematics para sa unang semestre at Fundamentals of Accountancy, Business and
Management naman para sa ikalawang semestre. Kinakailangang alalahanin na ang
mga paksang ito ay may iba’t ibang nilalaman na dapat matutunan. Ang pagkuha sa
strand na ito ay marahil madali lamang. Ang mga mananaliksik ay may kaalaman na
ang pagpili sa isang kurso ay mahirap kung alam natin sa ating sarili na hindi ito
angkop sa ating pagkahilig. Para hindi nila ito maranasan, kinakailangang sigurado
sila sa kanilang napiling strand.

Maraming pagkakataon at nadagdagan ang asignaturang inaalok ng mga Senior


High School sapagkat ang pangunahing dahilan na pagdaragdag ng dalawang taon sa
sistemang edukasyon ay para ihanda ang mga mag-aaral para sa kanilang
kinabukasan. Kung ang mag-aaral ay may ibang interes, kailangang mabilang siya sa
kurikulum ng nasa linya ng kanyang interes. At saka sa pagkuha ng business track,
maaari itong makatulong sa mga mag-aaral na magtatapos sa K to 12 Program sa
ilalim ng ABM Strand at maaaring ipursigi upang madatnan ang isang matagumpay
na buhay. Sa ganitong paraan, matutupad na ang pinapangarap ng kanilang mga
magulang na sila’y mapabuti at tumayo sa sarili nilang mga paa at mabuhay ng mag-
isa.

Ang mga mananaliksik ay may kaalaman na maraming salik ang kailangang


isaalang-alang sa pagpili ng paaralan at antas sa kalidad ng edukasyon, mga tao sa
kapaligiran, sariling kagustuhan at ang layo ng paaralan sa tahanan ng mga mag-aaral.
Mayroong mga pananaw na gusto pang malaman ng mga mananaliksik. Kabilang
kung paano nila pangasiwaan ang akademiko sa ibang mga extra-curricular na
gawain, mga impluwensya ng kaibigan, at ang dahilan ng pagpili nila sa kanilang

5
strand partikular sa Accountancy, Business and Management. Bukod dito,
pinaniniwalaan na ang mga mag-aaral ay madaling pakitunguhan ang mga bagay at
sila ay talagang kabilang doon. Kung dumating ang oras na ang mga mag-aaral ay
hindi kayang magdesisyong mag-isa, ang kanilang mga magulang ang nagdedesisyon
kung anong kurso ang kukunin. Makikita rin nila na ang strand ay may kakayahang
mapalakas at ipayabong ang kanilang mga kakayahan. Panghuli, nabibilang ang puso
nila rito. Iniisip ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga
mag-aaral para malaman nila na sila ay nasa tamang landas at kung makatutulong ba
ito sa kanila sa hinaharap bago pumili ng kurso.

Matutulungan ang mga mag-aaral pumili ng tungkulin na angkop sa kanila sa


paraan ng pagbuo ng plano sa buhay kasama ng kurikulum para ang mga mag-aaral
ay makabuo ng tamang desisyon kung anong kurso ang kukunin sa kolehiyo.
Tulungang pagsisikap ng pagpangasiwa ng paaralaan at ng mga magulang upang
makabuo ng plano para matulungan ang bawat mag-aaral. Maraming salik ang
kailangang isaalang-alang ng paaralan maliban sa kurikulum nito o ang akademiko
para mataguyod ang tagumpay ng isang mag-aaral.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang interes at pananaw ng mga mag-
aaral ng ABM tungo sa kanilang strand at ang mga napiling salik na nag
impluwensiya sa kanilang desisyon at interes. Ang pag-aaral na ito ay sinusuri ang
mga naimpluwensiyahang mungkahi na maaaring palakihin ang mga pananaw ng
mga mag-aaral sa pagpatuloy sa ABM Strand taliwas sa pananaw ng iba’t ibang
tracks at strands. Hangga’t sila ay konektado sa kanilang strand, magiging madali ito
para sa kanila na pakisamahan ang mga simpleng bagay katulad ng akademik at extra-
curricular na gawaing kasangkot. Para sa mga guro, mas magiging madali ito para sa
kanila para turuan ang mga mag-aaral dahil ang mga interes nila ay nasa loob nito.

1.2 Sanligan ng Pag-aaral


Natutungkol ang pag-aaral na ito sa MGA PANANAW NG MGA MAG-AARAL
SA ABM TUNGO SA KANILANG STRAND.

6
1.3 Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga pananaw ng mga mag-aaral sa ABM
tungo sa kanilang strand. Upang matamo ang binanggit na layunin, ang mga
mananaliksik ay bumuo ng mga tiyak na suliranin/layunin:
1. Ano-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa ABM tungo sa kanilang
strand?
2. Ano-ano ang mga makabuluhang implikasyon batay sa mga natuklasan?

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang kakalabasan ng magsisilbing batayang datos sa mga sumusunod:

Guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro na sangkot sa Accountancy,


Business at Management Strand. Ang mga guro ay magiging komportable sa pagtuturo
sa mga mag-aaral dahil alam nila na ang interes ng mga mag-aaral ay pumapaloob sa
napiling strand.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na kukuha ng


Accountancy, Business and Management Strand sa hinaharap at maging gabay ito sa
kanila upang magkaroon ng kaalaman sa strand. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong
para ipaintindi at ipaalam ang napiling strand partikular sa ABM katulad ng akademiks
at extra-curricular na gawain.

1.5 Saklaw at Delimitasyon


Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa tulong ng sampung mag-aaral ng ABM mula
sa labing-isa at labindalawang baiting ng Senior High School ng Paaralang Claret
Lungsod, Zamboanga.

7
1.6 Kahulugan ng mga Katawagan
Upang mas lalong maintindihan ang pag-aaral, ang sumusunod ay mga
depinsyong operasyonal:

Pananaw- Ang mga iniisip, mga pag-unawa at personal na perspektibo ng isang


tao sa mga bagay.

ABM- Ang strand na pagkukuhanan ng mga kalahok

Strand- Ito ay nabibilang sa ilalim ng iba’t ibang tracks.

8
KABANATA II

METODO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay kumakatawan sa disenyo ng pananaliksik, mga


pinagkukuhan ng datos, pagsusuri sa datos, mga bahagi ng plano sa pagkilos at etikal na
pagsasaalang-alang.

2.1 Disenyo ng pananaliksik

Ang paglalarawan/salaysay na paraan ng pagsusuri ang ginamit sa pag-aaral na


ito. Ang disenyo na ito ay angkop sa pag-aaral dahil ito ay naglalayong makalikom ng
mga datos para malaman ang mga pananaw ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito
ay kuwalitatibo sa kalikasan at tumututok sa mga pananaw ng mga mag-aaral sa ika-
labing-isa at ika-labindalawang baitang sa ilalim ng Accountancy, Business and
Management Strand sa Senior High School tungo sa kanilang strand. Ito rin ay
naglalayong kilalanin ang mga salik na nag iimpluwensiya sa kanilang napiling strand.

2.2 Mga pinagkukunan ng Datos


Lokasyon at Populasyon ng pag-aaral

Ang populasyon ng pag-aaral ay binubuo ng mga mag-aaral ng Accountancy,


Business and Management Strand na sa ika-labing-isa at labindalawang baitang ng Senior
High School na nag-aaral sa Paaralang Claret Lungsod, Zamboanga.

2.3 Instrumentong ginamit ang pangangalap ng mga Datos

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng purposive sampling sa pagpili ng mga


kalahok. Ito ay non-probability sampling. Ang sample size ay nalaman pagkatapos
isinagawa ang pag-papanayam. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mga katanungan na
maaaring sagutin ng mga kalahok at upang makuha ang lahat ng mga impormasyon,
irerecord ng mga mananaliksik ang panayam.

9
Bisa ng tanong sa panayam. Upang masigurado na katotohanan ang mga tanong
sa panayam, ito ay ipinakita sa mga dalubhasang tao sa mundo ng Accountancy, Business
and Management.

2.4 Gamit sa pagsusuri ng mga Datos

Ang mga nakalap na datos ay isinailalim sa pagsusuri at interpretasyon. Ang


pagtatasa ng panayam ay ginamit para alamin ang mga sagot ng mga mag-aaral na
nakipagpanayam.

2.5 Etikal na pagsaalang-alang

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, kinakailangang isaalang-alang ang mga


sumusunod na etika:

Ang pangalan ng mag-aaral ay hindi dapat ipaalam at hindi dapat ito ipakita kahit
kanino. Walang damdamin ang dapat na masaktan, pisikal man o sa kahit anong paraan
at kailangang sigurado na makatutulong sa seguridad ng mga personal na impormasyon
ng mga mag-aaral. Maayos na dokumentong pinanggalingan o sanggunian ng kagamitan
ay isinagawa upang masigurado at maitaguyod ang karapatang sipi. Ang sulat ng
pagsang-ayon ay ibibigay sa mga kalahok bago isasagawa ang panayam.

10
KABANATA III

MGA PAGSUSURI AT MGA TALAKAYAN

Ang kabanata na ito ay naglalahad ng pagtatasa ng panayam sa mga salik na


nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa senior high tungo sa kanilang strand at ano
ang mga benepisyong makukuha sa strand na ito na makatutulong sa kanila para sa
kanilang kinabukasan hinggil sa iba’t ibang pananaw na mayroon sila.

Mga Salik na Nakaaapekto sa mga Pananaw ng mga Senior High Tungo sa ABM
Strand

Ang unang problema na isinasaalang-alang sa pag-aaral na ito ay ang mga salik


na nakaaapekto sa mga pananaw ng mga senior high patungo sa ABM Strand.

Isang salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral ay ang pagkaroon ng


hindi sapat na kaalaman tungkol sa Accountancy, Business and Management Strand. Ang
sabi ng isang kalahok ay, “Gusto ko mag-ABM kaso hindi ako sigurado sa kukunin ko
dahil wala ako masyadong alam tungkol dito at baka mahirapan ako ng mag-adjust.”
Masasabi natin na ang mga mag-aaral ay mas lalong nalilito sa kanilang pananaw tungo
sa ABM strand kung hindi sapat ang kaalaman nila tungkol dito. Mas nakatutuon sila sa
kanilang strand kung mayroon silang sapat na kaalaman at ito ay makatutulong sa mga
mag-aaral ng senior high para bigyan sila ng dunong ukol sa ABM upang mas lalo sila
maging handa at determinado para kunin ang strand.

Ang pagsusuri ng pag-aaral na ito ay konektado sa pag-aaral ni Marzano (2004).


Bagaman na totoo na ang lawak ng mga mag-aaral para matutuhan ang bagong nilalaman
ay nakadipende sa iba’t ibang salik gaya sa kakayahan ng guro, interes ng mga mag-aaral
at kaguluhan ng nilalaman. Ang panitikan sa pananaliksik ay sumusporta sa isang
nakatutulong na katotohanan: ang mga alam ng mga mag-aaral tungkol sa isang paksa ay
isa sa mga matibay na pahiwatig kung paano sila matututo ng mga bagong impormasyon
na konektado sa paksa. Karaniwan, mga mananaliksik at theorists ay sumasangguni kung
anong alam ng isang tao tungkol sa paksa bilang “background knowledge” Maraming
pag-aaral na ang nakumpirma sa relasyon sa pagitan ng background knowledge at

11
tagumpay. (Nagy, Anderson, & Herman, 1987; Bloom, 1976; Dochy, Segers, & Buehl,
1999; Tobias, 1994; Alexander, Kulikowich, & Schulze, 1994; Schiefele & Krapp, 1996;
Tamir, 1996; Boulanger, 1981). Sa mga pag-aaral na ito ang mga iniulat na average na
kaugnayan sa pagitan ng isang taong background knowledge sa isang paksa at sa lawak
ng kanyang pag-unawa sa paksang napili ay talagang makatutulong para makamit ang
matagumpay na pag-aaral.

Isa pang salik na makaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral ay ang mga sabi-
sabi ng mga kaibigan at kakilala. Ito ay mapapalagay natin na makaiimpluwensiya sa
pananaw ng mga mag-aaral tungo sa ABM Strand. Isang kalahok ang nagsabi na,
“Kukunin ko ang ABM Strand kasi sabi ng mga kaibigan ko na madali lang dito pati
makakatulong talaga ito sa akin.” Ang pahayag na ito, ay malinaw na nailalahad na ang
mga pananaw ng mga mag-aaral sa Senior High tungo sa kanilang strand ay dahil sa
impluwensiya ng mga kaibigan at mga kakilala.

Ang pagsusuri na ito ay nauugnay sa pag-aaral ni (Mathay, 1989; Carnegie


Foundation for the Advancement of Teaching, 1986). “Ang mga tao sa kapaligiran natin
ay mas mayroong kaalaman kaysa sa atin, ito ay nagreresulta na humingi ng payo sa
kanila, at gawin itong batayan.” Natuklasan niya na ang mga kaibigan at mga kakilala at
lahat ng tao nakapaligid sa atin ay nakaiimpluwensiya sa pagpili ng ating strand.

Isa pang salik ay ang mga komento ng mga nagtapos ng Senior High School tungo
sa ABM stand na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa senior high. Ang pahayag
ni kalahok C ay, “Natatakot ako kunin ang ABM Strand kahit iyon ang gusto ko dahil
sabi ng mga senior high students sa ABM ay hindi raw ito madali pero worth it naman
ito sa dulo.” Ito ay nagsasabi na ang mga feedbacks o komento ng mga nagtapos na mag-
aaral sa ilalim ng ABM Strand ay makaaapekto rin sa papanaw nila tungkol dito. Marahil
ito ay makatutulong sa kanila para pumili ng mabuting strand kung sila ba talaga ay
pursigido dito o ito ang magtutulak sa kanila upang kumuha ng ibang strand na hindi
angkop sa linya ng kanilang interes.

Personalidad ay isa rin sa mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-


aaral sa senior high tungo sa kanilang strand. Ito ay binigyang-diin ng isang kalahok sa

12
isang pahayag na, “Kukunin ko ang ABM strand dahil nababagay ito sa aking
personalidad at mahilig ako sa numero.” Nagkaroon ng maraming usapan kung ang
passion ay ang tanging paraan para sa pagpili sa landas ng career ng isang indibidwal.
Ngunit marami pang ibang salik ang makaiimpluwensiya sa landas ng career, hindi lang
passion. Iilang pag-aaral na ang nagpakita na ang pag-unawa sa personalidad, sa
katangian ng isang indibidwal, sa halip na passion ay susi sa matagumpay na career.

Ang pagsusuri na ito ay konektado sa pag-aaral ni (Holland, 1973). Maraming


mga pamamaraan para sa pagtatasa ng uri ng pagkatao, at ang pinakakaraniwan ay ang
RIASEC modelo na kung saan binubuo mula sa kanyang teorya na postulates na
ipanukala ng mga tao sa pananaw sa sarili at world-of-work views at gumawa ng mga
pagpapasya sa career na nagbibigay-kasiyahan sa kanilang ginustong mga personal na
oryentasyon batay sa saligan na mga salik ng personalidad. Ang modelo ni Holland ay
binubuo ng anim na pangunahing uri ng pagkatao: makatotohanan, mausisa, masining,
sosyal, handa sa hirap, at maginoo. Mula sa anim, ang modelo ay nagbibigay ng
posibilidad ng 720 pagkaiiba na personalidad. Ang resulta ay ipinapakita ang ugali ng tao
patungo sa tiyak na pagkatao, kung saan nagbibigay ng mga lista ng mga trabaho na
maaaring bagay sa tao.

Isa pa ang pag-aaral na nagtatatag na impluwensiya ng personalidad ng career na


napili ay ang pag-aaral ni Dr, Claudia Harzer at ang mga kasama ng universidad ng Zurich
(Hazer, et.al, 2012), kung saan naka tuon sa mga katangian at lakas ng nga indibidwal at
paano ito makaaapekto sa kanilang mga trabaho. Mula sa pakikipagpanayan sa halos
1,000 na mga empleyado, ang kanilang pag-aaral ay nagpapakita ng lalim ng positibong
karanasan na tumataas kasama ng lakas ng personal na karakter, o tinatawag itong
signature strengths, nagagamit sa trabaho. Ito ay puwedeng gamiting pagpapahiwatig na
pag-unawa kung ano ang ginagampanan ng tao.

Isa rin sa mga salik na nakaaapekto tungo sa pananaw ng mga mag-aaral sa senior
high ay ang pagkaroroon nila rito ng interes. Isa nga sa mga nakapanayam namin ay
nagsaad na, "kukunin ko ang ABM Strand kasi interesado ako rito at marami pa akong
gustong matutuhan." Kadalasan sa mga mag-aaral pagdating sa pagpili ng karerang

13
tatahakin ay sasabihing "gusto ko ang isang bagay na interesado ako." Ang interes na ito
ay naimpluwensyahan na ang pagpili ng karamihan sa kanilang mga desisyon, magmula
sa pagpili ng pagkain sa agahan tungo sa panunuod ng mga palabas bago matulog at iyon
ay maaaring magkaroon ng pagkatutulad sa pagkakaroon ng impluwensya sa pagpili ng
karerang tatahakin, ang pinakasentro ng pagpili ng kukunin.

Ang pag-aaral na ito ay kasama sa naging pag-aaral din ni Bandura’s (1986)


Sosyal na kognetibong teorya. Nilalakbay nito kung papaano mas natututuhan ang karera
at akademikong interes kung paano umunlad sa piniling career at kung paano
maisagagawa sa aktuwal ang mga napili. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng
pagbibigay ng buong pansin sa tatlong pangunahing pamamaraan: sariling kaluluwa (ang
paniniwala ng tao tungo sa kanyang kakayahan upang mapagtagumpayan ang mga
hakbang na kinakailangan sa ibinigay na pagsubok), pag-asa sa kinalabasan
(paniniwalang may kaugnayan sa mga kaakibat na pagganap ng tiyak na karakter) At
ambisyon (ang pagdedesisyon na simulan ang isang bagay o plano para sa hinaharap).

Ano-ano ang mga benepisyo ng strand na makatutulong sa kanilang hinaharap na


kaakibat sa kanilang mga pananaw

Ang pangalawang problema sa pag-aaral na ito ay kung paano ang strand ay


maka-benepisyo sa mga mag-aaral ng ABM sa Senior High School na makatutulong sa
kanilang hinaharap alinsunod na roon ang pagkakaroon ng iba't ibang pananaw na nasa
kanilang mga isipan.

Sabi nga ng isa naming nakapanayam na, “Makatutulong ang ABM sa akin dahil
alam ko maraming job opportunities ang puwede kong makuha kung in line ako sa
business strand.” Sa pamamagitan sa pagtahak ng landas sa ABM Strand, inaasahan natin
na maraming oportunidad ang naghihintay sa atin kung magpupursigi tayo sa mga
kursong may kinalaman sa negosyo pagtungtong natin ng kolehiyo.

Maraming oportunidad ang magbubukas at maghihintay sa kahit ano mang karera


ang gustong ipursigi. Mayroong mga taong maaaring makakuha ng magagandang
oportunidad sa mga trabaho na dapat ipagpasalamat sa mga hakbang na kanilang sinunod.

14
Ang pag-iimbestiga sa tatahaking oportunidad ay makabubuti kung paglalaanan ng oras
at panahon (Mind Tools, 2014). Sa pamamagitan ng paggawa nito, malay natin ay may
isang makadiskubre ng mga oportunidad na perpektong maitatambal sa kanyang interes
o kakayahan, makamit ang pagkalipat sa mas mataas na sektor at pagbubukas ng mga
trabaho at matuklasan ang iba't ibang pamamaraan ng pagpalalawak ng kaalaman at
kakayahan na kinakailangan sa larangan na iyon.

Isa sa mga kalahok ay may pahiwatig na, “Makakatulong ang ABM strand sa
akin dahil matututuhan ko ang pag handle ng business.” Lahat tayo ay nagtataglay ng
kaisipang pag-sumugal tayo na kunin ang strand na ABM ay magkakaroon tayo ng
lamang sapagkat ito ay may kaugnayan sa pagnenegosyo na maaring makatulong sa atin
sa hinaharap.

Ayon kay Elkan (2017), ang pagiging mag-aaral ng ABM ay kailangan


magkaroon ng karunungan sa mga bagay gaya ng pamamahala sa oras, pagkakaroon ng
mahabang pasensya at pagiging pokus at tuon sa pag-aaral. Sa ABM, maaari nating
tuklasin ng higit pa at mas marami pa tayong matututuhan sa kung paano mamahala sa
isang negosyo. Magkakaroon tayo ng kaalaman kung anong klaseng negosyo ang
uumpisahan natin at kung paano natin ito patatakbuhin. Ang ABM strand ay hindi lamang
nakatuon sa pamamahala ng negosyo, ito rin ay tumutuklas tungkol sa mga bayarin na
kailangang bayaran, ang mga panganib sa pamamahala ng isang negosyo at kung paano
magiging matagumpay ang isang trabaho.

Isa pang paraan sa pagbenepisyo sa mga mag-aaral sa tulong ng strand na ito ay


ang pagiging globally competitive. Isang kalahok ang nagsabi na, “Ang ABM Strand ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang maging globally competitive dahil sa karunungan
nila katulad ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa agos ng ekonomiya ng ating
bansa.” Kaugnay ng ABM strand, makatutulong ito sa mga mag-aaral na maging
mapagkumpitensiya gamit ng iba’t ibang kakayahan, liksi at kagalingang mayroon ang
strand na ito.

Ang kaalaman o ebidensiyang nakuha sa pag-aaral na ito ay batay sa pag-aaral ni


Abatay (2016), Ipinapahiwatig dito na ang ABM strand ay ibinuo upang bigyang

15
kaalaman ang mga mag-aaral sa pagbuo ng negosyo, binibigyan sila ng sapat na kaalaman
tungkol kung anong mabisang gawin upang maging maunlad at matagumpay ang isang
negosyo. Ang mga kursong mayroon dito ay ang accounting, finance, marketing
management at marami pang mga oportunidad na maaring gamitin para sa magandang
kinabukasan. Ang mga mag-aaral na kabilang sa ABM ay kailangang magkaroon ng
plano sa negosyo lalo na ang mga magtatapos ay kinakailangan sumubok sa isang work
immersion upang makita nila ang proseso sa kung paano ginagawa ang kanilang magiging
trabaho pagdating ng panahon.

16
KABANATA IV

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanata na ito ay naglalahad ng buod, konklusyon at rekomendasyon sa


pag-aaral.

4.1 Buod

Ang pag-aaral na ito ay may layong matuklasan ang mga pananaw ng mga mag-
aaral ng ABM sa senior high school tungo sa kanilang strand sa Paaralang Claret
Lungsod, Zamboanga. Natuklasan ang mga iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pananaw
ng mga mag-aaral at ang iba’t ibang benepisyong makukuha nila sa ABM strand na
makatutulong sa kanilang hinaharap kaakibat sa kanilang sariling mga pananaw.

Ang pag-aaral na ito ay descriptive-qualitative kasama ng mga tanong na gabay


sa panayam na ginawa ng mananaliksik bilang instrumento ng pag-aaral. Ang
pakikipanayam ay isinagawa sa 10 kalahok sa mga mag-aaral na nasa labing isa at
labindalawang baitang ng Senior High School. Ito ay isinagawa sa Paaralang Claret
Lungsod, Zamboanga para sa taong panuruan 2018-2019. Upang mapadali ang pagtatasa
at pagtatala ng panayam, gumamit ng camera ang mga mananaliksik.

4.2 Pagsusuri

Natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Ang mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral ng ABM sa senior high
school tungo sa kanilang strand ay ang pagkakaroon ng hindi sapat na kaalaman, mga
impluwensiya ng kaibigan at kakilala, feedbacks ng mga mag-aaral na nagtapos sa ABM
senior high school, personalidad at linya ng interes ng mga mag-aaral.

Ang mga benepisyong makukuha sa strand na ito na makatutulong sa mga mag-aaral


sa kanilang kinabukasan kaakibat ng sarili nilang mga pananaw ay ang pagkakaroon ng
maraming posibleng trabaho na makakuha, pagkakaroon ng kaalaman paano mamahala
at humawak ng isang negosyo at pagiging globally competitive ng mga mag-aaral gamit

17
ng iba’t ibang kakayahan, liksi at galing na taglay ng Accountancy, Business and
Management Strand.

4.3 Konklusyon

Batay sa mga napag-alaman, napagpasyahan ang mga sumusunod:

Maraming salik na maaaring makaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa ABM


tungo sa kanilang strand at maaari itong maging sanhi upang maging mas makatuon,
determinado at handa upang ipursigi ang ABM Strand o pumili pa ng isang strand dahil
sa kanilang iba’t ibang pananaw.

Maraming mga benepisyo ang mga mag-aaral sa Accountancy, Business and


Management Strand ay maaaring makuha kung ito ay kanilang ipagpapatuloy na may
ganitong trabaho at kung sila ay nakikipag-ugnayan sa negosyo na may kaugnayan sa
kurso sa kanilang mga hinaharap.

4.4 Rekomendasyon

Kailangang isipin nang mabuti ng mga mag-aaral kung ano ang pipiliin nilang kurso.
Kailangan nilang matuklasan kung ang kanilang interes at karunungan ay pasok sa
kanilang strand at dapat alam nila kung passion ba nila ito sa kurso para sa kanilang
hinaharap.

Kinakailangang magbigay ng mga ideya at payo ang mga guro para sa bawat mag-
aaral upang tulungan sila para maging gabay sa pagpili ng kanilang strand at matulungan
sila para mapagtanto kung ano man ang pipiliin nilang strand, kailangan ay nasa linya ito
ng antas ng kanilang interes.

Ang mga magulang ay kailangang magbigay ng suporta at kumuha ng buong


responsibilidad sa lahat ng desisyon ng mag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Ang punongguro ay dapat magkaroon ng kamalayan sa mga kakayahan at


accessibility ng paaralan upang magawang pumili ng mga mag-aaral sa kanilang strand.

18
BIBLIYOGRAPIYA

Electronic Sources

Marzano, R. J. (2004). Building Background Knowledge for Academic Achievement.


Retrieved March 10, 2019 from: http://www.ascd.org/publications/books/
104017/chapters/The-Importance-of Background- Knowledge.aspx.

Nucum, K. (2018). Career paths ABM students can choose from. Retrieved March 20,
2019 from: https://blog.edukasyon.ph/job-hunting/career-paths-abm-students-
can-choose-from/.

Enderun Colleges, Inc. The Definitive Guide to the ABM Strand. Retrieved March 20,
2019 from: https://www.enderuncolleges.com/abm-strand/.

Usoff, C. & Feldmann, D. (2010). Accounting Students' Perceptions of Important Skills


for Career Success. Retrieved March 20, 2019 from:
https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/08832329809601633

19

You might also like