You are on page 1of 31

AKADEMIKO AT DI-

AKADEMIKONG GAWAIN.
Aralin 1
AKADEMIYA

Ang Kahulugan ng Akademiya ay isang


institusyon o lipunan para sa pagsulong
ng panitikan, sining, o agham.
Akademiko at Di-Akademikong gawain
Akademikong gawain  - Paghusga o pag-analisa sa mga kumplikadong ideya at
impormasyon
• pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase
• pakikinig ng lektyur
• panonood ng dokumentaryo
• pakikipag balitaktakan sa loob ng klase o isang simposyum
• pag gawa ng sulatin o pananaliksik  
Di-Akademikong gawain - nagpapahayag ng emosyon, kaisipan o opinyon ng isang tao .
• panonood ng pelikula para magpalipas oras.
• pag gawa ng liham para sa kaibigan
• pakikinig sa radyo
• pagbasa ng dyaryo, komiks, o magasin.
MAPANURING PAGBASA
SA AKADEMIYA
Aralin 2
MAPANURING PAGBASA: MGA
ESTRATIHIYA
PREVIEWING O PRE-READING
Bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng
artikulo.
Kung libro puweding tignan ang pabalat, sa likod
ng pabalat na kung minsa’y may paliwanag ang
may-akda tungkol sa libro o kaya’y mga pahayag
ng ilang personalidad tungkol dito.
SKIMMING

Hindi binabasa ang kabuuan ng teksto sa


prosesong ito ngunit titignan ang mga
pangunahing bahagi upang magkaroon ng
pangkalahatang kaalaman sa tekstong
binasa
BRAINSTORMING
ito ay talakayan ng grupo upang
makapagbigay ng input ang bawat
miyembro at magkaroon ng
pangkalahatang ideya kaugnay sa teksto.
PROSESO NG METAKOGNITIBONG
1. Estratehiya
PAGBASA
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap
3. Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang binabasa ang
teksto.
4. Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensya
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat
6. Alamin ang gamit ng wika.
7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksyon.
8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto
9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon.
MGA RESPONSIBILIDAD AT GAWAIN SA
MAPANURING MAMBABASA
1. Bago gumawa ng obserbasyon at reaksyon sa
teksto, masusi itong binabasa at hindi pahapyaw
lamang.
2. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng
may akda o ng teksto.
3. Tumanggap ng bagong ideya at iniuugnay ito sa
sariling ideya.
MAPANURING PAGSULAT
AT TEKSTONG AKADEMIKO
Aralin 3
ESTRUKTURA AT PROSESO NG
MAPANURING PAGSULAT
1. INTRODUKSYON – ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o
paksa.

2. KATAWAN- pinapaunlad ang ideya ng paksa. Mahalaga rito ang


tulo-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya.

3. KONKLUSYON- huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa


pamamagitan ng pabubuod. Pagrebyu ng mga tinalakay,
paghahawig, o kaya’y paghamon, pagmungkahi, o resolusyon.
MAPANURING PAGSULAT
AT TEKSTONG AKADEMIKO
ARALIN 4
ETIKA
PAGPAPAHALAGA
PAGBUO, PAG-UUGNAY,
AT PAGBUBUOD NG
MGA IDEYA.
ARALIN 4
BUOD
• Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa
kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapa, at iba pa.
• Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng
orihinal na teksto
• Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at
naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa
SYNOPSIS
• pinakamaikli pero pinaka importanteng impormasyon galing sa
isang kwento o pangyayari.
• Hindi ito isang panibagong kwento ngunit ang pinakaikling
pagsasadula ng mga importanteng ganap sa isang kwento.
Taglay nito ang sagot sa mga importanteng tanong katulog ng
“Sino, ano, paano, saan, at kailan” na ganap ang mga
pangyayari.
• Ito rin ay ginagamit sa panloob at panlabas ng balat ng isang
nobela na tinatawag na jacket blurb.
HAWIG
• tinatawag itong Paraphrase sa Ingles. Galing ito sa
salitang Griyego(Latin) na paraphrasis na ang ibig
sabihin ay dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag. Katulad ito ng buod kung saan
ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga
pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito sa
pinipiling pahayag.
PRESI
• Galing sa salitang presi(precis) sa lumang Pranses na
ibig sabihin ay pinaikli. - Ito ang buod ng buod. - Kung
baga sa katas ng niyog ito ang kakang gata. Higit itong
maikli kaysa sa buod at halos ang pinaka tesis ng buong
akda ang tinatalakay.
• Katangian ng Presi Malinaw ang paglalahad Kompleto
ang mga ideya May kaisahan ng mga ideya May
pagkakaugna y-ugay ang mga ideya Siksik sa dalawa
hanggang tatlong pangungusap ang pangkalahatang
puntos
BUOD PREZI
SINTESIS
• Mula sa Griyego na syntithenai ◦ - Syn = kasama, magkasama ◦ -tithenai =
ilagay, sama-samang ilagay.
• Sa larangan ng pag susulat - ang sintesis ay isang anyo ng pag- uulat ng
mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos
mula sa iba’t-ibang pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik) ay
mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o
identidad.
•  Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling
ang mga ito saiba’t-ibang batis ng impormasyon 
ABSTRAK
• ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at
mga report.Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman din ito ngpinakabuod ng boung akdang
akademiko o ulat.

You might also like