You are on page 1of 4

MGA BAHAGI NG

TEKSTO
PANIMULA: PAKSA AT TISIS
• Ang panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto sapagkat
nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.
• Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto.
(Bernales, et al. 2001), maihahalintulad ito sa display window ng mga
tindahan na hindi lamang nagsisilbingpang-akit sa mga mamimili kundi
nagpapakita rin ng ilang mga abeylabol na paninda o haylayt na paninda.
• Kung epektib ang ang pagkakasulat ng panimula, makakabuo agad ng
hinuha ang mambabasa tungkol sa teksto at hindi sila malilihis sa tunay na
nilalaman niyon.
KATAWAN: ISTRAKTURA, NILALAMAN AT
ORDER

• Sa pagsulat ng katawan ng isang teksto, mahalagangmaisa-alang-alang


ang istraktura, nilalaman, at kaayusan nito. Tandaan na ang katawan ay
hindi lamang ang kalakhan at pinakamahabang bahagi. Ito rin ang
pinakamahalagang bahagi ng isang teksto.
• Nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto.
• Samantala ang istraktura at order ang pinakakalansay ng isang teksto.
WAKAS: PAGLALAGOM AT
KONGKLUSYON

• Wakas ang pinakahuling bahagi ng isang teksto.


• Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto.
• Samantala, inilalahad naman sa kongklusyon ang inferences, proposisyon
o deductions na mahahango sa pagtalakay sa teksto.
• Hindi dapat maging mahaba at maligoy ang pagwawakas ng teksto.

You might also like