You are on page 1of 2

Reaksyon ng mga Unang Discussant ukol sa mga Babasahin

Bilang mga mag-aaral sa masterado isang malaking hamon sa atin ang pagprodyus ng
isang makabuluhan at pulidong pananaliksik. Magagawa lamang natin ito kung magiging malay
tayo sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng sulating pananaliksik magmula sa
pamagat hanggang sa kahuli-hulihang bahagi nito.

Mahalaga na sa pagbubuo ng introduksyon o panimula sapagkat ito ang magtatakda ng


direksyon ng pag-aaral ng isang mananaliksik. Maliban dito, kagaya ng iba pang akademikong
sulatin, ay kinakailangan na makuha ang atensyon ng mga mambabasa at mabigyang ideya ukol
sa paksa ng pag-aaral.

Para maging epektibo ang ating panimula ay nararapat lamang na alam natin ang mga
bahagi nito, ang tinatawag na Hook, Gap at Thesis. Sa Hook, dapat na matalakay ang
kahalagahan ng paksa gayundin ang namamayaning kaalaman hinggil sa paksa. Ito ay maaaring
tawagin din Kaligiran ng Pag-aaral na maglalatag ng konteksto ng paksa. Maaari din na lamanin
nito ang kahalagahan ng pag-aaral ng iba pang mananaliksik ukol sa paksa at hikayatin ang
mambabasa. Samantala, sa Gap naman, o Paglalahad ng Suliranin (Statement of the Problem)
ay kinakailangan na palabasin na mayroon pang dapat talakayin ukol sa paksa at magagawa
lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay-diin na may puwang pa sa kaalam ukol sa paksa, o
maaari din gamiting paraan ang pagbibigay ng ibang anggulo o pananaw ukol dito.
Nakatutulong ang Paglalahad ng Suliranin upang maipabatid ang kahalagahan ng pag-aaral sa
puwang na ito, at kung paano mapupunuan ang puwang na nabanggit. Sa bahagi din na ito ay
babalangkasin ang mga katanungan na maglalarawan/makatutulong sa pagsagot ng suliraning
inilahad. At sa huling bahagi, ang tesis, ay ang bahaging maglalahad ng kahalagahan at kung
paano makakaagapay ang pag-aaral sa puwang na tinukoy, gayundin ang paglalahad ng
magiging pokus sa papel.

Pagdating naman sa Kahalagahan ng Pag-aaral kinakailangan na mabanggit ang mga


makikinabang sa pag-aaral, mga bentahe ng pag-aaral gayundin ang pangangailangan na
maisagawa ito. Sa pagbuo ng bahaging ito, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan, nariyan
ang pagpapakilala ng bagong perspektiba, makabagong pamamaraan ng pag-aaral sa paksa o
dili kaya ay pag-aaral na makatutulong sa isang tiyak na beneficiaries (maaaring makabagong
aplikasyon o pagbabago).

Sa mga giyang nabanggit ay masasabi namin na ang pagbuo ng isang pananaliksik ay


magiging kasiya-siyang gawain at tiyak na may ambag sa sangkatauhan lalo’t higit sa
intelektwalisasyon ng ating wika.

You might also like