You are on page 1of 4

Pagsulat ng panukalang proyekto

Ano ang Panukalang Proyekto?


Sa klase, ang panukalang proyekto ay inihahanda upang mabigyan ang guro ng pagkakataong
masukat at pakinabang ng ihahandang proyekto ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral. Ang proyekto
ay maaarin isang pananaliksik na may kaugnayan sa agham, humanidades (gaya ng sining at malikhang
paglikha), o agham panlipunan (tulad ng kasaysayan at antropolohiya). Sa pagtatapos ng kolehiyo o sa
buhay-propesyonal, mapakikinabangan ang kasanayan sa paghahanda ng panukalang proyekto hindi
lamang sa pananaliksik kundi sa pangangalap ng pondo o isponsor sa isasagawang proyekto.

Kahalagahan ng Panukalang Proyekto

1. Ayon sa Business Dictionary “binabalangkas sa panukalang proyekto ang proseso (ng pag-aaral)
mula simula hanggang katapusan”.
2. Inihahanda ito upang maging maayos at sistematiko ang pagsisimula ng isang proyekto.
3. Maaaring magpatuloy ng isang pag-aaral o maaaring lumikha ng bagong pag-aaral.
4. Ngunit hindi mainam na mag-ulit ng isang pag-aaral o pananaliksik.
5. Kadalasang inihahanda ang panukalang proyekto bilang kahingian ng guro o propesor.
6. Kaialangan palaanan ito ng panahon ng mag-aaral bago pa man siya magsagawa ng masigasig
nap ag-aaral o pananaliksik.
7. Mahalagang magsaliksik muna tungkol sa isasagawang panukala bago pa man ipagpatuloy ang
isang seryosong pag-aaral.
8. Ang paghahanda ng isang panukalang proyekto ay maiuugnay sa mga akademikong kahingian
tulad ng tesis at desertasyon.

Mga bahagi ng Panukalang Proyekto

 Tentatibong pamagat
 Mga layunin ng pag-aaral
 Halaga ng pag-aaral o kung ano ang pakinabang ng lipunan sa isasagawang pag-aaral.
 Ang suliraning tutugunan ng pag-aaral
 Ang rebyu ng kaugnayan ng pag-aaral
 Metodoliya o pamamaraan ng pag-aaral
 Talaan ng gawain
 Tentatibong sanggunian o bibliyograpiya

Tentatibong Pamagat – sa pamamagitan ng pamagat ng proyekto, nagkakaroon ng pokus ang


pananaliksik. Gayundin, nababanggit nito ang limitasyon ng pag-aaral.

Ang Epekto ng Polusyon

Mga Layunin sa Pag-aaral – ang mga layunin ang magsisilbing pangako ng mananaliksik sa kaniyang guro
at sa kaniyang mambabasa na kapwa mag-aaral o iskolar. Tandang huwag magtatala ng mga layuning
hindi maisasakatuparan. Pagkaraan kasing maisagawa ang unang borador, muling babalikan ng mag-
aaral ang kaniyang mga layunin upang masigurong natupad niya ang mga ito.

Halaga ng Pag-aaral – ang paghahanda ng bahaging ito ay nangangailangan ng malawakang pagbabasa


at pagsisiyasat sa napiling paksa. Kailangan magbasa ng mga balita, naunang apag-aaral, at mga
pananaliksik na naisagawa ng ibang akademiko. Kailangang maipahayag ang pangangailangang
maisagawa ang isang bagong proyekto. Pinakamalaking konsiderasyon ay kung paano makikinabang ang
lipunang Pilipino sa isasagawang proyekto. Ang pag-aaral at pananaliksik ay kailangang isagawa hindi
lamang para makapag-ambag ng bagong tuklas na kaalaman o bagong pananaw sa isang paksa.

Ang Suliranin sa Pag-aaral – ayon kay Alan Bryman (2007), ang suliranin sap ag-aaral ay “ang maliwanag
na pahayag kaugnay sa tuon ng pag-aaral, ang kondisyon na kailangang isaaayos o tugunan, ang sagabal
na kailangang alisin o ang katanungan na kailangang maunawaan at masusing maimbestigahan.” Dagdag
pa niya, ang suliranin sa pag-aaral ay hindi nagsasaad ng mga dapat isagawa o kaya’y magbibigay ng
isang Malabo at malawak na proposisyon. “
Sa paglalalhad ng suliranin sa pag-aaral, maipapakilala sa mga mambabasa ang halaga ng
paksang pag-aaralan. Nakapagbibigay din ito ng konteksto sa pag-aaral, na tulad ng mapapansin sa
tentatibong pamagat, na maglalaan ng limitasyon ng isang pagsisiyasat.

Ang Rebyu ng Kaugnay sa Pag-aaral – habang nagsasagawa ng pangunang pag-aaral ang isang
mananaliksik tungo sa kaniyang panukalang proyento, masusumpungan niya ang mga kaugnay na pag-
aaral sa kaniyang napiling paksa. Maaaring ang mga kaugnay na pag-aaral ay mga tesis, disertasyon,
artikulo sa magasin at pahayagan, mga pananaliksik sa dyornal, at mga di pa nalalathalang pananaliksik
na matatagpuan sa aklatan. Mahalagang magsagawa ng anotasyon, pagtatala, at bibliyograpiya kaugnay
ng mga ito. Sa pamamagitan ng tinatawag na rebuy, mapag-aalaman ng mananaliksik ang estado ng
kaalaman sa napili niyang paksa.

Ang Balangkas ng Pag-aaral – Pakaraang maisagawa ang rebuy ng kaugnay na pag-aaral, kailangan nang
gawin ng mananaliksik. Upang maisagawa ito, dapat balikan ang mga itinalang layunin sa proyekto.
Kailangan lumitaw sa balangkas ang mga tugon sa bawat layunin.

Metodolohiya o Paraan ng Pagtalakay – Isa sa pinakamahalagang element ng panukalang proyekto ang


pagtukoy at pagdetalye sa metodolohiya ng pag-aaral. Sa bahaging ito ng panukala, lilinawin ng
mananaliksik ang mga teoryang gagamitin sa pagsusuri. Aplikasyon na ng mga natutuhan ng mag-aaral
sa kaniyang larangan ang bahaging ito ng panukala. Dapat niyang ipamalas sa guro ang malawak niyang
kaalaman kaugnay sa pagsusuri at pag-aaral. Maaaring ang metodolohiya ang gagamitin ng mag-aaral ay
batay sa isang teorya.

Talaan ng Gawain – Dapat isaisip ng mga-aaral na nililikha ang talaan ng mga gawain upang maging
organisado at sistematiko ang isasakatuparang pananaliksik. Paraan din ito upang muling masuri kung
kakayanin bas a loob ng nakalaang panahon ang ipapanukalang proyekto. Mayroon kasing mga proyekto
na isasagawa lamang nang isang semester. Mayroon naming isang taon gaya ng tesis. At mayroon
naming inaabot ng dalawa hanggang limang taon para sa mas mahabang pag-aaral gaya ng disertasyon o
pananaliksik bilang huling kahingian sa antas doktorado.
Ang talaan ay hinahati sa dalawa. Sa unang kolum, nakalista ang mga dapat isagawa at sa katabi
nitong kolum, ng panahon o petsang ilalaan sa bawat hakbang. Kailangang detelyado ang pagkakasulat
nito. Ito ang magsisilbing patnubay ng mag-aaral o mananaliksik sa kaniyang gawain.
Tentatibong Sanggunian o Bibliyograpiya – Susing salita rito ang “tentatibo”. Mahalaga maitala ng
mananaliksik ang kompletong impormasyon sa lahat ng sinangguning dokumento kaugnay sa
inihahandang panukalang proyekto. Marapat na ilista sa sanggunian ang mga nakalathala at di-
nakalathalang dokumento gaya ng balita, artikulo sa magasin, mga tesis, mga term paper, mga aklat, at
mga artikulo sa website.
Dagdag pa sa sinangguning aklat at manuskrito ay ang tentatibong listahan ng mga taong
kakapanayamin na maaaring taong kasangkot sa paksa o kaya’y mga eksperto sa nasabing paksa. Sa
pamamagitan ng paghahanda ng sanggunian, kinikilalang mag-aaral ang mga naunang mananaliksik sa
napili niyang paksa. Isa itong paraan ng paggalang na dapat lagging isapuso at isabuhay.

Mga Dapat Tandaan


 Ang panukalang proyekto ay nagpapakilala sa guro o tagapayo ng isasagawang pag-aaral.
 Makakatulong ang panukalang proyekto upang maging sistematiko ang pagsasakatuparan ng
isang pananaliksik.
 Masisipat sa pamagat ang pokus o tuon ng isasagawang pag-aaral.
 Ang mga itatalang layunin na hindi matutupad sa anumang proyekto.
 Kailangang may pakinabang sa lipunang Pilipino ang isasagawag proyekto.
 Kailangang magbasa ng maraming kaparis at kaugnay na pag-aaral upang hindi maulit ang mga
nagawa nang pag-aaral.
 Ang panukalang proyekto ay bukas sa anumang rebisyon – maaari itong kaltasan o dagdagan
sang-ayon sa payo ng isang guro.
 Taglay ng metodolohiya ang teoryang gagamitin sa isang pagsusuri.
 Kailangan ang talaan ng gawain upang maging planado at sistematiko ang isasagawang
proyekto.

Mga Tanong

1. Ano ang binabalangkas ng isang panukalang proyekto?


________________________________________________
________________________________________________
2. Ano-ano ang pakinabang sa paghahanda ng isang panukalang proyekto?
________________________________________________
________________________________________________
3. Bakit humihiling ang guro o tagapayo ng panukalang sa kaniyang mag-aaral?
________________________________________________
________________________________________________
4. Ano-ano ang bahagi ng isang panukalang proyekto?
________________________________________________
________________________________________________
5. Ano ang suliranin sa pag-aaral?
________________________________________________
________________________________________________
6. Bakit mahalagang magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral?
________________________________________________
________________________________________________
7. Ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng balangkas?
________________________________________________
________________________________________________
8. Bakit mahalaga ang paghahanda ng tentatibong sanggunian o bibliyograpiya?
________________________________________________
________________________________________________

You might also like