You are on page 1of 27

Akademikong sulatin:

Pagsulat ng Memorandum
MORANDU
ME M
Layunin

1. Upang paalalahan ang mga empleyado hinngi sa dati na


kasalukuyan, o bagong usapin o tuntunin sa trabaho

2. Magbigay ng mga anunsiyo o mag baba ng mga patakaran


na kinakailangang mabatid ng lahat.

3. Nagbibigay ng babala sa isang particular na sector o


departamento, o kaya ay sa isang individual na empleyado
kung may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.

Kahulugan

Ang memorandum o sa pagdadaglat na


Memo ay galing sa salitang Latin,
'memorandum est'. Nagangahulugan ito
sa Ingles ng
"It must be remembered"
Ano ang Memorandum?

Ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay


kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa
isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.

Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.


Sa pamamagitan nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng
pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang
ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o
proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon
sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dapat


tandaan na ang memo ay hindi isang liham.
Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay
pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat
isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o
kompanya.

Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa


isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga
polisiya.
BAKIT ISINUSULAT ANG MEMORANDUM?

Para mag bigay ng impormasyon


Maghingi ng impormasyon
Pagkompirma sa kumbersasyon
Pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa pulong
Pagbati sa katrabaho
Pagbuod ng pulong
Pagpapadala ng dokumento
Pagu-uulat sa pang araw-araw na gawain.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The


Discipline (2014) , ang mga kilala at malalaking kompanya at mga
institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para
sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:

Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o


impormasyon

Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa


purchasing department

Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na


nanggagaling sa marketing at accounting department
ANO ANG BUMUBUO SA
MEMORANDUM

ULO
ANO ANG BUMUBUO SA
MEMORANDUM

KATAWAN
Pagsulat ng Panimula

KATAWAN
Pagsulat ng Buod

KATAWAN
Tatlong uri ng memorandum ayon sa
layunin nito.

a. Memorandum para sa Kahilingan


b. Memorandum para sa Kabatiran
c. Memorandum para sa Pagtugon
Memorandum para sa Kahilingan

Ang memorandum para sa kahilingan ay


isang uri ng pormal na pagsusulat kung saan
ito'y isang hiling o pabor na gusto mo
ipaabot sa taong bumabahala ng isang
bagay.
Halimbawa ng Memorandum para sa Kahilingan
Memorandum para sa Kabatiran

Ang memorandum para sa kabatiran ay isang


liham na nilalaman ng mga detalye para sa
gaganaping pagpupulong ng mga tao, maaari rin ito
ay hinggil sa isang utos o mga gawain ng isang
grupo.
Memorandum para sa Pagtugon

Ang memorandum para sa pagtugon


ay upang bigyang kasiyahan ang mambabasa
sa isang sagot o aksyon na tumutupad sa
kahilingan ng isang pagtatanong.

Halimbawa ng Memorandum para sa Pagtugon


Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat
magtalay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong
ito ay hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace
3 (2014).

1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya,


institusyon o organisasyon gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng
telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng
pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-
uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang
buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng
memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung
ilagay rin ang pangalan ng departamento.

Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban


na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung
pormal ang ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang
pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at
tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa
maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa.

4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng


11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o
ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob.
Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang
payak, malinaw at tuwiran upang agad maunawaan ang
nais ipabatid nito.

6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang


detalyadong memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:

a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo


b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin.
Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan
ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa


ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay …
MAGANDANG UMAGA
AT
MARAMING SALAMAT

You might also like