You are on page 1of 22

1/27/2021 MODYUL BLG.

9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG


PULONG

Site: New Era University Printed by: Zuriel P. San Pedro


Course: Filipino sa Piling Larangan Date: Wednesday, 27 January 2021, 1:10 PM
MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT
Book:
KATITIKAN NG PULONG

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 1/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

Description

Ang bahaging ito ay naglalahad ng nilalaman ng isang agenda, mga hakbangin sa pagsasagawa nito gayundin ng isang pulong at ang mga
dapat na tandaan sa pasulat ng angkop na nilalaman at pormat ng  katitikan ng pulong.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 2/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

Table of contents

1. PAGSULAT NG AGENDA AT KATITIKAN NG PULONG


1.1. Panimula
1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto
1.3. ANG AGENDA
1.4. MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA
1.5. MGA HAKBANG SA PAGBUO NG AGENDA
1.6. ANG PULONG
1.7. HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PULONG
1.8. ANG KATITIKAN NG PULONG
1.9. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN
1.10. PORMAT NG KATITIKAN NG PULONG
1.11. Halimbawa ng isang agenda ng pagpupulong
1.12. Halimbawa ng isang katitikan ng pulong
1.13. Talakayan
1.14. Takdang Aralin
1.15. Rubriks
1.16. Mga katanungan
1.17. Sangguniang Ginamit:

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 3/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1. PAGSULAT NG AGENDA AT KATITIKAN NG PULONG

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 4/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.1. Panimula

                “Meeting is an event at which the minutes are kept and the hours are lost.”

                                                                                                                            - Anonymous

                Ang komunikasyon sa pagitan ng mga myembro ng isang grupo o organisasyon ay tunay na mahalaga upang matagumpay na
makamtan ang kanilang kolektibong layunin. Isa sa mga epektibong paraan ng komunikasyon ng mga kabilang sa mga grupo ay ang
pagkakaroon nila ng pagpupulong kung saan itinatala ang lahat ng napag-usapan dito.

                Sa pagsasagawa ng pagpupulong, tatlong mahalagang proseso  ang kailangang pagtuunan ng pansin. Preparasyon ng Agenda,
Pagpupulong, at Pagsulat ng Katitikan ng Pulong. Dahil ang lahat ng tao ay kabahagi ng isang grupo o organisasyon, sibil, pampamahalaan o
korporasyon man, importante, kung gayon, ang kaalaman sa mga prosesong nabanggit.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 5/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.2. Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad  ang mga katangian at nilalaman ng isang agenda at


katitikan ng  pulong

b.  Naibibigay ang ambag at kahalagahan ng araling tinalakay ng guro

c.  Nakabubuo ng makabuluhang agenda at katitikan ng pulong

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 6/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.3. ANG AGENDA

                Ang salitang agenda ay nagmula sa pandiwang Latin na “agere” na nangangahulugang gagawin. Sa pananaw na ito, mabibigyang
depinisyon ang agenda bilang isang doumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong.

                Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Verizon Business (nasa The Perfect Meeting Agenda, 2016), ang pinakamadalas na pagkasayang
ng oras sa mga korporasyon ay nagaganap dahil sa mga ginagawang pagpupulong. Ito ayon sa pag-aaral, ay nangyayari sapagkat ang mga
pagpupulong na isinasagawa ay madalas di-organisasdo at walang malinaw na layunin. Ang katotohanag ito ay maaaring maiugnay sa kawalan
preparadong agenda na siyang nagiging balangkas sa pagsasagawa ng pulong.

                Makatotohanan kung gayon, ang pahayag ng Certified General Accountants of Ontorio (nasa How to Conduct a Meeting, 2012) na
dapat matanggap ng mga kalahok sa pulong ang agenda bago ang naturang pagkikita, dahil nakatutulong iyon upang maiwasan ang pagkalito
at pagkasayang ng oras. Marapat din, ayon sa CGA, na kalakip ng matatanggap na agenda ng mga kalahok ay ang mga dokumento ng ulat na
ihaharap sa pulong. Ang ganitong hakbangin ay makatutulong upang mapag-aralan na ng mga kalahok ang mga datos at mga paksa sa
talakayan at sila’y maging handa sa mga ito. Masisiguro din ng hakbang na ito na magiging organisado ang pulong at episyenteng magamit ang
oras na inilaan para dito.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 7/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.4. MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA

                Sa artikulong How to Begin an Agenda for an Effective Meeting, nagpanukala si Swartz (2015) ng mga konsiderasyong dapat
tandaan sa pagdidisenyo ng isang agenda. Ayon sa artikulong ito, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:

                1. Saloobin ng mga kasamahan. Para maging mas proaktibo ang mga kalahok sa pagpupulong, mahalagang malaman ang kanilang
saloobin at kung ano ang mga nais din nilang matalakay sa pagpupulong. Dito, maikokonsidera ang kanilang mga hinaing at pangangailangan
na maaaring hindi nabibigyang- pansin ng namumuno sa grupo o organisasyon. Bagamat hindi palagiang ginagawa ito, mahalaga ring
mabigyan ng pagkakataong makapag-ambag ang bawat myembro sa mga paksa sa pagpupulong.

                2. Paksang mahalaga sa buong grupo. Sa mga isasamang paksa sa agenda, makabubuti kung ang mga ito ay mga paksang
mahalaga sa buong grupo o organisasyon. Ang mga paksang nakalista sa agenda ay dapat direktang may kinalaman ang mga inaasahan
kalahok sa pagpupulong. Masisiguro lamang ang aktibong pakikibahagi ng mga kalahok kung sila ay bahagi mismo ng pinag-uusapang paksa.

                3. Estrukturang patanong ng mga paksa. Hindi karaniwan na ang mga paksa sa agenda ay nasa anyong patanong. Datapwa’t
walang masama kung ito ay nasa anyong pahayag, ang isang tanong ay mas nakakapanghamon ng isipan. Dahil ang paksa ay nasa anyong
tanong, nangangahulugan din ng nangagailangan ito ng kasagutan. Nag-iimbita ang  isang tanong ng aktibong partisipasyon ng mga kalahok.

                4. Layunin ng bawat paksa. Upang maging maayos ang daloy ng pagpupulong, mahalagang matiyak ang layunin ng paksa. Dapat
maging malinaw sa mga kalahok kung ano ang layunin ng bawat paksa. Dapat maging malinaw kung ang layunin nito ay ang pagbabahagi ng
impormasyon, pagkuha ng panukala para sa gagawing desisyon, o pagdedesisyon.

                5. Oras ng ilalaan sa bawat paksa. Mahalagang pagtuunan ito ng pansin dahil kadalasang may itinatalagang oras ng pagsasagawa
ng pulong. Kung 30 minuto lamang ang nakalaan sa buong pagpupulong, dapat masagot kung gaano katagal ang pagtalakay sa bawat paksa.
Tandaan na sa pagtalakay ng mga paksa, kasama rito ang paglalahad sa paksa, pagsagot sa mga katanungan, pagresolba sa magkakaibang
pananaw ng mga kalahok, pagbuo ng resolusyon at pagsang-ayon sa mga desisyon. Kung gayon, mahalagang maplano nang mabuti ang
ilalaang oras sa bawat paksa. Minsan nakadepende rin ang haba sa halaga ng paksa.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 8/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.5. MGA HAKBANG SA PAGBUO NG AGENDA

                Kapag napagdesisyonan na ang agenda batay sa mga konsiderasyon sa pagdidisenyo nito, maaari na itong sulatin. Narito naman
ang mga mungkahing hakbang sa pagsulat ng agenda para sa isang pagpupulong.

                1. Alamin ang layunin ng pagpupulong. Magagawa lamang ang isang akmang agenda kung malinaw sa gumagawa nito ang layunin
ng pulong na gagawin. Kung ikaw ang naatasang gumawa ng agenda, linawing mabuti ang layunin sa pagsasagawa ng pagpupulong.

                2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong. Para mabigyan ng sapat na panahon para maipamahagi ang
agenda, dapat tapos at aprobado na ito ng nagpapatawag ng pulong tatlong araw bago ang pagpupulong. Mabibigyan din ng maagang
distribusyon ng agenda ang mga kalahok upang paghandaan ang mga paksang nakatala dito.

                3. Simulan sa mga simpleng detalye. Bago itala ang mga paksa, mahalagang ilahad ang mga impormasyon tulad ng petsa at oras ng
pulong, lugar ng pulong at mga inaasahang kalahok.

                4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa agenda. Itala ang di hihigit sa limang paksa upang pag-usapan sa
pulong. Ang masyadong maraming talakayin ay maaaring makapagdulot lamang ng pagkabagot o information overload. Maaaring magpatawag
na lang ng panibagong pagpupuong kung kinakailangan. Bagamat kung hinihinging mahigpit ng pagkakataon, maaaring lumagpas sa lima ang
paksa.

                5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa. Ayon sa nakaplano, ilagay ang nakalaang oras sa bawat paksa. Magagabayan
nito ang mga kalahok sa ilalaang panahon upang pag-usapan ang bawat isyu.

                6. Isama ang ibang kailanganing impormasyon para sa pagpupulong. Kung may mga ispesipikong detalye, kailangang maisama ito sa
agenda. Halimbawa kung sino ang magtatalakay sa una at sa ikalawang paksa, o kung kailanganing rebyuhin at dalhin ang kalakip na
dokumento, at iba pa.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 9/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.6. ANG PULONG

                Mula sa isang maayos na agenda, maisasagawa naman ang isang maayos na pulong o meeting. Ang pagpupulong ay pagtitipon ng
dalawa o higit pang indibidwal upang pag-usapan ang isang komon na layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng organisasyon o
grupong kinabibilangan nila. Ipinatatawag ang ganitong pagtitipon kung may sapat na dami ng mga paksa o isyung dapat pag-usapan
(Certified General Accountants, 2012).

                Para masabing balido ang isang pulong, dapat na matupad ang mga sumusunod na kondisyon.

                1. Ang nagpapatawag ng pulong ay may awtoridad para gawin ito.

                2. Ang pabatid na magkakaroon ng pulong ay nakuha ng mga inaasahang kalahok.

                3. Ang quorum ay nakadalo.

                4. Ang alituntunin o regulasyon  ng organisasyon ay nasunod.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 10/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.7. HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PULONG

                Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang pulong ayon kay Walsh (1995) batay sa kanyang aklat na The Meeting Manual:

                1. Pagbubukas ng pulong (Opening the meeting). Opisyal na idedeklara ng chairperson ang pagsisimula ng pagpupulong.

                2. Paumanhin (Apologies). Bago pa man ang pagsisimula ng pulong, kinukuha ng kalihim ang listahan ng mga nakadalo at hindi.
Inihayag ng chairperson ang pangalan ng mga opisyal na pinadalhan ng pabatid ngunit hindi nakadalo sa pulong.

                3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong (Adoption of the previous minutes). Dito binabasa ng kalihim ang katitikan ng
nakaraang pulong o binibigyan ang mga dumalo ng kopya ng naturang katitikan.

                Kapag nabasa na ang katitikan, inihahayag na ang adapsyon o pagtanggap nito. Binubuksan ang hapag upang ilatag ang mga
puntong nais talakayin ukol sa katitikan. Itinatala ang mga paksang  nais talakayin mula sa katitikan. Kapag lahat ay sumang-ayon, tinatanggap
na ito. Kung mayroong mga pagtutol o mungkahing pagbabago, tinatalakay ito at muling inihayag ang adapsyon ng katitikan.

                Kapag tinanggap na ng grupo ang katitikan, pinipirmahan ito ng chairperson at ibinibigay niya ito sa kalihim para sa opisyal  na pag-
iingat sa dokumento.

                4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong (Business arising from previous minutes). Kung may mga paksang nais pang
pag-usapan na hango sa katitikan ng nakaraang pagpupulong. Isinasama ito sa agenda. Nagkakaroon ng deliberasyon ukol dito.

                5. Pagtalakay sa mga liham (Correspondence). Kung mayroong ipinadalang mga liham para sa pagpupulong tulad ng liham sa
koreo, e-mail o fax mail at kailangang talakayin at pagdebatehan sa pulong, ito’y dapat isagawa. Maaari itong talakayin ng pabuod para
maipabatid ito sa mga kasapi ng organisasyon o grupo.

                6. Pagtalakay sa mga ulat (Reports). Sa bahaging ito tinalakay ang mga ulat, kung mayroon nang inihanda para sa pagpupulong.
Nagkakaroon ng mosyon na natanggap ang ulat para maipakita na mayroong nagawang ulat para sa pulong na isasagawa. Sa bahaging ito,
tinalakay at pinagdedebatehan ang nilalaman, interpretasyon at rekomendasyon ng ulat.

                7. Pagtalakay sa agenda (General business). Ang mga nakalistang pangunahing paksa sa agenda ay tinalakay sa bahaging ito. Ito
ang pinakasentro ng isinasagawang pulong. Base sa layunin ng bawat paksa-pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng panukala para sa
pagdedesisyon o paggawa ng desisyon, pag-uusapan ng mga kalahok ang mga nakatalang paksa sa agenda.

                8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda (Other business). Kapag  natapos na ang pagtalakay sa agenda, itinatanong ng
chairperson kung may mga isyung nais pang pag-usapan ang mga kalahok. Maaaring ilabas  ng mga kalahok ang mga isyu na sa pakiramdam
nila’y mahalagang pag-usapan. Kabilang dito ang ano mang paksa na hindi nakalista sa agenda.

                9. Pagtatapos ng pulong (Closing the meeting o adjournment). Dito na isinasara ng chairperson ang pagpupulong. Isinasagawa ito
kung lahat ng nais pag-usapan ay naiharap na at natalakay. Sa pagdeklara ng chairperson ng pagtatapos, opisyal na nagwawakas ang pulong.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 11/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.8. ANG KATITIKAN NG PULONG

                Ang katitikan ay ang  opisyal na rekord ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon o asosasyon. Ito ay tala ng mga
napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong. Bagama’t hindi ito verbatim na pagtatala sa mga nangyari o nasabi sa pulong, ang mga
itinalagang aytem ay may sapat na deskripsiyon upang madaling matukoy ang pinagmulan nito at mga naging konsiderasyon kaakibat ng tala
(Sylvester, 2015 & CGA, 2012).

                Ilang mga bagay na hindi na kailangan pang isama sa katitikan ng pulong ang sumusunod:

                1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusugan

                2. Ang mosyon para sa pagbabago na sinusugan, ngunit hindi sinang-ayunan.

                3. Ang mosyon para sa pagbabago ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala.

                4. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di-sumang-ayon sa isang mosyon.

                5. Ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang kalahok na itala ang paraan ng kanyang pagboto.

                Bagaman tila hindi mahalaga ang pagtatala ng katitikan kung ikukumpara sa mismong pagpupulong, ang katotohanan, kung hindi ito
gagawin ay malaking kawalan sa oras at resorses. Ayon kay Sylvester (2015), kung hindi gagawin ang katitikan ng pulong, makikitang hindi
pare-pereho ang rekoleksyon ng nga kalahok sa mga naganap. Maaari ring magkaiba-iba na sila ng ideya sa mga napagkasunduan.

                Kung walang katitikan, ang mga mahahalagang tungkuling naiatang at kailangang matapos ay posibleng hindi matupad dahil
nakalimutan. Ilan ito sa mga dahilan kung bakit mahalagang isagawa ang pagsulat ng katitikan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 12/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.9. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN

                Upang hindi masayang ang oras at maayos na maisulat ang katitikan ng pulong, mahalagang isaalang-alang ang mga tanong na
inihayag ni Lyn Gaertner-Johnston (2006) sa kanyang artikulong Tips for Writing Meeting Minutes. Ayon sa artikulo, dapat masagot ang mga
sumusunod na katanungan:

                1. Kailan ang pagpupulong?

                2. Sino-sino ang mga dumalo?

                3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo? (Isama ito kung kinakailangan)

                4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?

                5. Ano ang mga napagpasyahan?

                6. Ano ang mga napagkasunduan?

                7. Kanino nakatalaga ang mga tungkulin dapat matapos, at kailan ito dapat maisagawa?

                8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon, kailan, saan at bakit kailangan?

                Sa pagtatalang ito, mahalagang tandaan na (1) dapat isulat ang katitikan sa loob ng 48 na oras upang maipabatid sa mga may
nakatalang tungkulin ang kanilang mga gagawin, at upang malaman ng mga di-nakadalo ang mga naganap, (2) dapat gumamit ng mga
positibong salita, (3) huwag nang isama ang anomang impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sino mang kalahok (halimbawa: Nagsigawan
sina Akio at Karlo dahil sa di-pagkakaunawa sa isyu).

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 13/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.10. PORMAT NG KATITIKAN NG PULONG

                Walang istandard na pormat para sa pagsulat ng katitikan ng pulong, subalit mahalagang isama ang mga sumusunod na detalye:
petsa, oras at lokasyon ng pulong; aytem sa agenda; desisyon; mga napagkasunduan; pangalan ng mga dumalo; nagtaas ng mosyon at ang
sumusog; pangalan ng opisyal ng tagapamahala o chairperson; at ang pangalan ng kalihim.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 14/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.11. Halimbawa ng isang agenda ng pagpupulong

Tunghayan ang kasunod na halimbawa ng agenda para sa isang pulong ng mga direktor ng kompanyang Asia Pacific Professional
Development & Innovative Global Solutions, Inc. Layunin ng pagpupulong na ito na talakayin ang nakaraan at paparating na proyektong
seminar ng kompanya.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 15/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.12. Halimbawa ng isang katitikan ng pulong

Narito ang isang halimbawa ng pormat batay sa templeyt ng Certified General Accountants of Ontario (2012)

                ASIA PACIFIC PROFESSIONAL DEVELOPMENT &INNOVATIVE GLOBAL SOLUTIONS , INC.

                                                                               ADYENDA

                                                            PULONG NG MGA DIREKTOR

                                               Miyerkules, Pebrero 10, 2016, 6:30-7:30 n.g.

                                Conference Hall, 3rd Floor, Arizona Tower, Lungsod Quezon

     
Paksa Katitikan Gawa ng:

Aprubal ng Agenda Ang agenda ay tinanggap nang  


maayos at naipamahagi

Aprubal ng Katitikan ng Nakaraang Ang katitikan ng pulong noong  


Pulong Enero, 20, 2016 ay inilahad at
tinanggap.

Ulat sa Nakaraang Seminar Tinalakay ang naging resulta ng Komite sa Operasyon


nakaraang proyektong seminar na
may titulong Enhancing The
Teaching Skills of Literature and
Language Teachers. Ipinababatid
na  may 150 delegado at ito’y higit
sa inaasahang isang daang
attendees.

Iprinisenta ni Bb. Vinas ang ulat


pinansyal ng nasabing seminar at
ito’y may netong kita na 33, 738,75
na piso.

Nakalinyang Seminar Iniharap ni G. Arupa ang Komite sa Programa


debelopment ng nakalinyang
seminar na Writing Business Plan.
A Practitioner’sView Point na
gagamitin sa Marso 20. Binanggit
niyang handa na ang lahat maliban
sa pag-aantay sa kompirmasyon ni
Dr. Raya bilang huling ispiker ng
seminar.

Binanggit din nyang may 73 nang


nakapagpatala para sa seminar.

Inatasan ni Bb. Karin upang i-


follow up ang kompirmasyon ni Dr. 
Raya

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 16/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG
Proposal na Bagong Seminar Nagharap si G. Ariko ng dalawang Komite sa Pagpaplano
bagong proposal  na seminar na
gaganapin sa buwan ng Mayo: (1)
Research Excellence: A Must for
Higher Education Academics, (2)
Equipping the Teacher with Writing
and Oral Skills: A Must in the
Information Society. Inaprubahan
ng lupon ang unang proposal.
Dahil nawalan ng sapat na oras
upang pag-usapan nang detalyado
ang badyet ng proposal, pinasyang
magkakaroon ng follow-up na
pulong.

Petsa ng Susunod na Pulong Follow-up na pulong ng mga  


direktor, Pebrero 25, 6:00-7:00 n.g.
Conferece Hall

Pagtatapos ng Pulong Opisyal na tinapos ni Dr. Ramos  


ang pulong

Inihanda ni:                                                                               Pinagtibay ni:

    __________________                                                        __________________   
 __________________                                                         __________________

             Kalihim                                                                                     Opisyal na Tagapamahala

Tandaan lamang na ito ay isang haing pormat lamang. Maaari ring nasa anyong naratibong ulat ang isang katitikan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 17/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.13. Talakayan

Pindutin ang imahe upang masagutan ang talakayan

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 18/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.14. Takdang Aralin

Pindutin ang imahe upang masagutan ang takdang aralin

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 19/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.15. Rubriks

Pindutin ang imahe upang makita ang rubriks

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 20/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.16. Mga katanungan

May mga katanungan ba o kalituhan hinggil sa  ating aralin o gawain?

Pundutin ang imahe upang maipost ang katanungan.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 21/22
1/27/2021 MODYUL BLG. 9- PAGSULAT NG AGENDA, PULONG AT KATITIKAN NG PULONG

1.17. Sangguniang Ginamit:

Bernales, Rolando A. et al., 2016. Filipino sa larangang akademiko. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Garcia, Florante C. 2017. Filipino sa piling larang. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

https://k-12.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=3877 22/22

You might also like