mga natuklasan ng manunulat mula sa kaniyang kinalulugaran, hindi lamang paglalarawan ng kanyang paglalakbay. ANO- ANO ANG DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG LAKBAY- SANAYSAY?
1. Saliksik- Alamin mo muna ang kultura ng iyong
pupuntahan- kausotan, sa paniniwala, at iba pang salik ng lipunan. Sa pamamagitan nito, matututuhan mo ang dahilan kung bakit sila nabubuhay sa ganoong paraan. 2. Pagkamalikhain- Bilang manunulat, isaalang-alang mo ang kiliti ng mga mambabasa. Ipahayag mmo ang iyong mga naramdaman habang naglalakbay; at ang mahalaga, gumamit ng mga tayutay upang maramdaman nilang kasama sila sa iyong paglalkbay. 3. Ang ‘ikaw bilang manunulat’- Palaging tatandaan na ang manunulat ay sumusulat upang magpahayag at ang mambabsa ay nagbabsa upang maramdaman ang biinabasa, Paglalakbay Tungo sa Karunungan
Halina’t tunghayan ang natatanging paglalakbay ng mga gurong
nagnanais mapunan ang uhaw at musmos na kamalayan ng kanilang mga mag- aaral. Isang paglalakbay patungo sa karunungang maghahatid sa kanila sa inaasam-asam na pagkatuto. Isang natatanging karanasan na muling mailalathala sa panid ng kanilang mga talaarawan.
Masaya at maluwalhating natapos ang muling pagdukal ng kaalaman
mula sa gusali o pasilyong tinaguriang “the best campus”. Siya nga naman, hindi naman ito maipagkakaila dahil sa mga nak adaupang-palad na guro ay sadyang kawili-wili at pantas sa kani-kanilang larang. Nakangiti kaming lumabas sa gate ng paaralan at kagyat na sumakay sa kakaibang traysikel. Kakaiba dahil wala ito sa ibang bayan o lalawigan. Nakamamangha hindi ba? Sabi nga ng kasamahan namin, “Pak ganern! uwian na, tulog-tulog din pag may time.” Sabay-sabay naman kaming tumawa nang malakas, dahil dito ibinulalas ng drayber “aglugan kayo wenno haan?” nakakubling ngiti ang umukit na lamang sa aming mga labi.
Habang binabagtas ang kahabaan ng daan, ay nawili kaming
matunghayan ang mga mag-aaral na uuwi na sa kanilang tahanan, sabik na masilayan ang mga magulang nilang uliran at maibalita ang magandang nagawa sa paaralan. Kasabay nito ay ang pagkalembang ng kampana ng simbahan o ang Basilica Minore of Our Lady of Charity na ayon sa mga taga - Agoo, dito raw inilibing ang mga paring nagsilbi sa simbahan, lalo tuloy kaming namangha sa ganda ng lugar. Siyempre, hindi kumpleto kung hindi ka makapupunta sa kanilang plaza at palengke. Napaliligiran ng mga samu’t saring food stand o bilihan ng pagkain. Nakaka-miss kasing mag-ihaw-ihaw o tusok- tusok. Nakatatakam!
Pagkatapos ng isang nakapapagal na araw ngunit punong -puno ng
kasiyahan ay bigla kaming dinalaw ng antok kung kaya’t naisipan na n aming bumalik sa Infinity Garden Resort Hotel and Pavillion na may 1.3 kilometrong layo mula sa DMMMSU at 16 na minuto ang kailangang gugulin upang marating ito. Kagyat kaming pumunta sa iba’t ibang silid at nahilata sa malam bot na kama habang idinuduyan ng malamig na simoy ng.........aircon habang hinihintay ang hapunan. Ang tanong, anong ulam na naman, ngayon, bukas, at magpakailanman? Kung itlog muli, sabay-sabay nating isigaw, “alam ba ng DMMMSU ‘yan??????????