You are on page 1of 8

MAHAHALAGANG KONSEPTO NG AKADEMIKONG PAGSULAT AYON KAY

KAREN GOCSIK (2004)

1. Ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.

2. Nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinaguusapan ng


o interesante sa akademikong komunidad.

3. Nararapat na maglahad ng importanteng argumento.


“Bawat paksa, layunin, at kahalagahan ng
akademikong sulatin ay tinutugunan ng isang mainam na paraan kung
paano ito ‘iuulat’ o “sasabihin” sa mambabasa
Tumawag ng ilang magaaral at ilista sa pisara ang mahahalagang salita
na may kinalaman sa:
1) Paglalahad
2) Paglalarawan
3) Pagsasalaysay
4) Pangangatwiran

itanong sa mga mag-aaral ang mga partikular na katangian kapag:


1) Naglalahad
2) Naglalarawan
3) Nagsasalaysay
4) Nangangatwiran ang isang teksto?
Bumuo ng sintesis at ihambing ang mga ito base dito:

1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o


nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o anumang
paksa na nararapat na alisan ng pagaalinlangan.

2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng


isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian
nito.
3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga
magkakaugnay na pangyayari.

4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning


manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
rason at ebidensya.
“Sa inyong palagay, may malaking pagkakaiba ba ang paraan ng
pagpapahayag sa akademikong pagsulat sa malikhaing pagsulat
(halimbawa, maikling kwento, tula, nobela, na inyong binasa noong
grade 10)?

Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa


akademikong pagsulat, ito ang mga karaniwang layunin ng mismong
mga teksto:
1. Manghikayat- nagbibigay ng posibleng sagot, dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan o hindi.
2. Mag-analisa kung nagbibigay ng posibleng sagot sa pamamagitan ng
paliwanag at ebalwasyon. Ito rin ay nag-aanalisa ng iba’t ibang varyabol
at ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.

3. Magbigay ng impormasyon- kung nagpapalawak at nagpapalalim sa


kaalaman ng mambabasa.
Takdang-aralin. Magdala ng tig-iisang halimbawa ng mga teksto, at uriin
ang mga ito kung naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay, o
nangangatwiran, at humandang patunayan kung bakit. Alamin din kung
ano ang (mga) layunin ng bawat teksto: kung ito ba ay nanghihikayat,
nagaanalisa, o nagbibigay ng impormasyon.

You might also like