You are on page 1of 29

PAGSULAT NG

REPLEKTIBONG SANAYSAY
Replektibong Sanaysay
 Ang replektibong sanaysay, ayon kay
Michael Stratford, isang guro at manunulat,
ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na
may kinalaman sa pagsasanay na may
kinalaman sa pagsuri o pagarok sa isip o
damdamin (introspection).
Replektibong Sanaysay
 . Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang dyornal kung saan
nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at
nararamdamn tungkol sa isng tiyak na paksa o pangyayari
 Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga Pagbabahagi ng mga
bagay na nasa isip, nararamdaman,pananaw at damdamin
hinggil sa isang paksa academic portfolio kung saan
nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung
paaano siya umunlad bilang isang tao kaugnay ng paksa o
pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
REPLEKTIBONG SANAYSAY

 Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West


Virginia University at University of Akron, ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na
paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o
pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga
natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay na
hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang
mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspeto ng buhay.
Halimbawa ng paksa:
 Librong katatapos lamang basahin
 Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong gawain
 Praktikum tungkol sa isang kurso
 Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
 Isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
 Isyung Pambansa at pulitika
 Paglutas sa isang mabigat na suliranin
 Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral at marami pang iba
SANAYSAY
 Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli
kumpara sa ibang anyo nito tulad ng maikling kwento at
nobela
 . Isang likas na katangiang ikinatatampok ng sanaysay ay
ang tahas na paglalaman nito ng pananaw, pagsuusri at
opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na
nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello,
Garcia, Valmonte 1997).
BAELLO, GARCIA, VALMONTE (1997)

 ang replektbong sanaysay ay


pumapaksa sa mga pangkaraniwang
isyu, pangyayari, o karanasan na hindi
na nangangailangan pa ng mahabang
pag-aaral
ARROGANTE, GOLLA, HONOR-BALLENA
(2010)
 . Kaiba ito sa pagsulat ng talambuhay na
tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng
replektibong sanaysay ay naglalayong bigyang-
katwiran, ipaliwanag o suriin ang particular na
salaysay at palutangin ang halaga nito o ang
maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa
buhay ng tao, at sa lipunan
REPLEKTIBONG SANAYSAY
 ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang nakatuon
sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa
pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa
mambabasa.
 Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng pagbuo ng
bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o
paksa sa pagitan. Ito ay sa kadahilanang inaasahan na ang
mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat, at
katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay
 Panimula
 Katawan
 Kongklusyon
PANIMULA
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala
o pagpapaliwanag ng paksa o gawain.
Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran
ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay
mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi
ng buhay na pupukaw sa interes ng
mambabasa.
PANIMULA
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng panimula o
introduksiyon: siguraduhing ito ay makapupukaw sa
atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t
ibang paraan sa pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang
pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota,
karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng
paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang
magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay. Isulat
lamang ito sa loob ng isang talata.
KATAWAN
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay
binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa
pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon,
realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung
anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin
sa karanasan, kapaligiran, o sistema.
KATAWAN
 dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan
tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga
bahagi ay mga obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o
naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong
ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian
bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa
bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-
nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung
paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.
KONGKLUSYON
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat
mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na
mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw
niya rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang
ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan
at kaalaman para sa lahat.
KONGKLUSYON
 Sa pagsulat ng Konklusyon, muling banggitin ang tesis o
ang pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa
pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit
ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang
pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay
hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng
tanong na maaari nilang pag-isipan
DAPAT ISAALANG-
ALANG SA PAGSULAT
NG REPLEKTIBONG
SANAYSAY
1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng
nilalaman ng replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako,
ko, at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na
karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay
sa iyong mga naoobserbahan o katotohanang nabasa
tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit na mabisa at
epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil
kabilang ito sa akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa
pagsulat nito. Gawin itong malinaw at madaling
mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan
upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga
talata.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
1. Maglaan ng oras upang unawain ang paksa bago ito
isatitik; sa pamamagitan nito makabubuo ng isang
hinuha at matibay na konsepto. Ito ay ang unang bahagi
ng pagsulat na tinatawag na prewriting.
2. Tiyakin sa pagsulat (writing stage) na ito ay may
panimula, katawan, at konklusyon.
3. Magrebisa (revising), tiyaking ang konsepto ay tama at
nakahanay ang mga impormasyon batay sa dapat nitong
kalagyan.
4. Iwasto (editing stage) ang mga nakitang
mali at palitan ng mga impormasyon na
mas magpapatibay ng isang sulatin.
5. Maaring gawin ng paulit-ulit ang mga
hakbang na nabanggit hanggang makuha
ang nais isiwalat na impormasyon.
ISAGAWA:

 Panuto: Gamitin nang makatotohanan ang


iyong natutuhan sa araling ito. Sumulat ng
isang replektibong sanaysay batay sa
napakinggang awitin na “ Iingatan Ka”.
Isaalang-alang ang pamantayan sa
pagsulat.
PAALAM!!!
Title and Content Layout with Chart
Series 1 Series 2 Series 3
6

0
Category 1 Category 2 Category 3 Category 4
Two Content Layout with Table

Class Group A Group B  First bullet point here


Class 1 82 85  Second bullet point here
Class 2 76 88  Third bullet point here
Class 3 84 90
Two Content Layout with SmartArt

 First bullet point here Group A


 Second bullet point here • Task 1
• Task 2
 Third bullet point here
Group B

• Task 1
• Task 2

Group C

• Task 1
• Task 2

You might also like