You are on page 1of 36

Ito ay maaring isulat hinggil sa itinakdang babasahin, isang

lektyur, o karanasan kagaya ng internship, volunteer


experience, retreat o recollection o educational tour.
1. kawili-wiling introduksyon o panimula
2. Katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng
iniisip o nadarama
3. kongklusyon
Ito ay nag-aanyaya ng self-reflection o pagmumuni-muni. Ito ay
isang mahalagang kakayahang personal at propesyonal na
katangian.
REPLEKTIBONG
SANAYSAY
Ayon kay Michael Stratford, isang guro at
manunulat, ang replektibong sanaysay ay
isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay may
kinalaman sa introspeksiyon na
pagsasanay.
Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga
bagay na naiisip, nararamdaman, pananaw at
damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano
ito nakalikha ng epekto sa taong sumulat nito.
Maihahalintulad ito sa pagsusulat ng journal at
academic portfolio. Ito ay kadalasang nakabatay
sa karanasan kaya mula nilalaman nito ay
masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Ayon kay Kori Morgan, guro mula sa
West Virginia University at University of
Akron. Ito ay nagpapakita ng personal
paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.
Madalas, ibinabahagi rin ng sumusulat ang kanyang
natutuhan at kung paano ito gagamitin sa buhay sa
hinaharap o kaya naman kung paano pa pauunlarin
ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto.
Halimbawa ng mga paksa na maaaring
gawan ng replektibong sanaysay

• librong katatapos lamang basahin


• katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
• pagsali sa isang pansibikong gawain
• praktikum tungkol sa isang kurso
• paglalakbay sa isang tiyak na lugar
• isyu tungkol sa pagkagumon sa pinagbabawal na
gamot
• isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa
West Philippine Sea
• paglutas sa isang mabigat na suliranin
• isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
at marami pang iba
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na
iikutan ng nilalaman ng sanaysay.
Isulat ito gamit ang unang panauhan.
Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo
batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang
nabasa hinggil sa paksa
Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito.
Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
Sundin ang tamang estraktura o bahagi sa pagsulat
ng sanaysay.
Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
Ang replektibong
sanaysay ay dapat na
magtaglay ng
introduksiyon, katawan
at wakas o kongklusyon.
SA PAGSULAT NG SIMULA
Maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa paksa? Paano
ito makakaapekto sa aking buhay? Bakit hindi ito makakaapekto sa
aking pagkatao?

Matapos masagot ang mga tanong, lagumin ang mga sagot sa loob
ng isang pangungusap.
Dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa
Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng mahusay
na panimula.

Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa tao o quotation,


tanong, anekdota, karanasan atbp.
Pagpapakilala ng paksa o layunin.
Isulat sa loob ng isang talata.
SA PAGSULAT NG KATAWAN
Dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan
tungkol sa paksa.
Maglagay ng mga obhetibong datos batay sa naobserbahan
o nararanasan.
Makakatulong nang malaki kung gagamit ng mga
mapagkakatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos
na magpapaliwanag ng paksa.
Isulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutunan,
paano umunlad ang iyong pagkatao o mga gintong aral.
Magbigay rin ng mga patotoo kung paano nakatulong ang
mga karanasang ito.
SA PAGSULAT NG WAKAS O KONGKLUSYON

Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing


paksa.
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit
kung paano ito magagamit ang iyong mga
natutuhan sa buhay sa hinaharap.
Maaaring magbigay ng hamon sa mga
mambabasa.
Ang replektibong sanaysay isang personal na
pagtataya tungkol sa isang paksa.
1. Mga Iniisip at Reaksyon

Maaaring ipaliwanag at ilahad ang iyong mga


damdamin hinggil sa binasa o karanasan. Tukuyin
ang mga ispesipikong bahagi ng binasa o
karanasang naging inspirasyon ng damdamin.
Maari ring maglahad ng mga personal na
karanasan.
2. Buod
Hindi simpleng pagbubuod ng binasa ang
repleksyong papel. Ito ay malayang daloy ng mga
ideya at iniisip. Ang ideya ng sulating ito ay
makasulat ng sanaysay na naglalarawan ng
reaksyon at mga personal na karanasan ngunit,
higit na pormal ito kaysa dyornal entri, kaya hindi
angkop ang impormal na wika.
3. Organisasyon

Maglaan ng kawili-wiling introduksyon. Ang katawan


naman ng sulatin ay maaaring magpaliwanag sa
mga kongklusyong nabuo mo. Maaring tapusin ang
papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng iyong
mga natamo mula sa binasa o karanasan.
Ang unang hakbang ay pagpili ng paksang
may malalim na personal na kahulugan sa
manunulat.
Ang unang talata ay maaaring ilaan sa kaswal
na obserbasyon sa paksa nang wala pang
bahid ng ano mang emosyon.

www.helium.com
Pagkatapos, dalhin ang mambabasa sa emosyonal na
seting.

Maaaring buuin ito ng talatang nag-uugnay na mga


impresyon, obserbasyon, emosyon at ideya na halos
katulad ng sa panaginip.

www.helium.com
Tapusin ang repleksyon sa katulad na masining na
talatang naglalahad ng imaheng vividly graphic na nag-
aanyaya sa mambabasa sa karagdagang introspeksyon.

Bilang kongklusyon, maaaring i-shift ang pokus sa


mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
personal na inkwiri kung paanong ang paksa ay
nakaapekto sa kanyang pag-iisip o emosyonal na lebel.
www.helium.com
Maaaring magbahagi ng personal na natutunan o kaya ay
payo sa mga mambabasa na makatutulong sa personal
at propesyonal na pag-unlad.

www.helium.com
“Pundasyon
” Cristine Joy S. Cabuga
ni:
Naalala ko pa noong bata pa ako laging nandyan ang aking magulang
upang ako’y gabayan sa lahat ng aking gagawin at sila din ang nagturo
sa akin kung paano tumayo sa aking sariling mga paa. Tanda ko pa
noon kung paano nila ako tinutulungan sa aking pagpasok sa eskwela,
tulungan sa paggawa ng mga takdang aralin at mga proyekto ,
paghahanda ng baon at hinahatid sa eskwela. Ngayon, ako na ang
gumagawa ng lahat ng ito nang mag isa.
Noong bata pa ako lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko
namang mabuhay kasi andyan naman sila upang gabayan ako
ngunit, sa paglipas ng maraming panahon kung saan natuto
na akong mag isip para sa sarili ko, magdesisyon para sa
ikabubuti ko, nalaman ko ang pag kakaiba ng tama sa mali at
manindigan sa buhay. Namulat ako sa katotohanang hindi sa
lahat ng oras ay nandyan sila sa tabi ko upang gabayan ako sa
aking buhay.
Noong una hindi ko talaga lubos maisip kung bakit nila ako
pinapalo kapag nagkakamali ako. Sabi nila pag pinapalo ka
indikasyon itong mahal ka nila pero bakit baliktad ang aking
nararamdam? at mga halos araw-araw na sermon ang aking
natatanggap. Ngunit sa kabila ng mga sermon at palong aking
natatanggap, katumbas nito ay isang pagdidisplina na akala mo di
ka nila mahal dahil sinasaktan ka, ayun pala ay gusto ka nilang
matuto sa mga pag kakamaling nagagawa mo.
Ngayong malaki na ako mas lalo kong napatunayan na hinahayaan
na nila akong magdesisyon para sa sarili ko sapagkat alam nila na
matibay na ang Pundasyong kanilang ginawa sa akin. Para sa aking
pananaw, ang mga magulang ay gagawin ang lahat para sa
ikabubuti ng kanilang mga anak. Nagagawa nila ang mga bagay na
hindi nila inaasahang magagawa nila tulad ng pamamalo ngunit sa
kabila ng lahat ng ito, dito tayo natututo sa mga pag kakamaling
ating nagagawa. Binigay sila ng Diyos upang gabaya’t alagaan ang
kanilang mga anak at patibayin ang pundasyon para sa
kinabukasan at kapakanan ng kanilang mga anak.

You might also like