You are on page 1of 6

GOLDEN GATE COLLEGES

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


BATANGAS CITY

MAHABANG PAGSUSULIT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT


KULTURANG PILIPINO

Pangalan: ______________________________________ Petsa: ______________


Seksyon: _______________________________________ Iskor: _______________
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na katanungan. Pag mali ang
sagot ay mali na ito, huwag mo nang ipaglaban pa ang mali dahil sa huli masasaktan ka lang.
Sagutin mo ng maayos, huwag mong paglaruan ang test paper, dahil wala naman siyang
ginawang mali sa’yo. 

1. Ito ang pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin na nakabubuo ng


mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.
a. Wika
b. Siyensya
c. Diyalekto
d. Agham
2. Humigit-kumulang ilang wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa?
a. 250
b. 135
c. 350
d. 150
3. Opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa.
a. World Health Organization (WHO)
b. Census of Population and Housing (CPH)
c. Department of Education (DepED)
d. Social Security System (SSS)
4. Ang salitang Latin na “lingua” ay nangangahulugang
a. Mata at dila
b. Dila at wika
c. Wika at kaalaman
d. Kaalaman at mata
5. Siya ang siyentipikong naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng
serbesa o pagbe-bake ng cake o ng pagsusulat.
a. Aristotle
b. Jean Piaget
c. Galileo Gallilei
d. Charles Darwin
6. Siya ang nagmungkahi na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral
na wika sa Pilipinas.
a. Jose Rizal
b. Lope K. Santos
c. Marcelo H. Del Pilar
d. Emilio Jacinto
7. Kailan ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan at naging wikang opisyal sa
bansa ay Tagalog at Ingles?
a. Hulyo 24, 1964
b. Hunyo 4, 1946
c. Hulyo 4, 1946
d. Hunyo 24, 1964
8. Ito ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
a. Wikang opisyal
b. Wikang gobyerno
c. Wikang panturo
d. Wikang pamahalaan
9. Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon
a. Wikang opisyal
b. Wikang gobyerno
c. Wikang panturo
d. Wikang panturo
10. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ukol sa wikang pambansa.
a. Manuel L. Quezon
b. Emilio Aguinaldo
c. Manuel Roxas
d. Cory Aquino
II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, isulat ang salitang
TAMA sa linya. Kung mali naman salungguhitan ang salitang hindi angkop at isulat sa linya
ang salitang magpapatama sa pahayag.

_______________ 11. Si Jose E. Romero, ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng


kautusang pangkagawarang nagsasaad na mula Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa ating wikang
pambansa.

_______________ 12. Sa K to 12 Kurikulum, ang unang wika o kinagisnang wika ng mga mag-aaral
sa kinder hanggang ikatlong baitang ang gagamiting wikang panturo sa mga paaralan.

_______________ 13. Labinwalo ang bilang ng mga wika at diyalektong pinangalanan ng DepEd
upang gamitin sa pagtuturo ng mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 3 noong 2013.

_______________ 14. Ang ikatlong wika o L3 ay ang natututuhan ng isang tao habang lumalawak
ang kanyang ginagalawang mundo dahil ito’y isa ring wikang magagamit sa maraming pagkakataon
sa lipunan.

_______________ 15. Si Leonard Bloomfield ang nagsabing ang paggamit ng dalawang wika nang
magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng wikang ito ay bilingguwal.

_______________ 16. Ayon kay John Macnamara, ang bilingguwalismo ay ang paggamit at
pagkontrol ng tao sa dalawang wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.

_______________ 17. Si Uriel Weinreich ay may paniniwala na bilingguwal ang isang taong may
sapat na kakayahan sa isa sa apat na makro kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsusulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika.

_______________ 18. Balanced bilingual ang tawag sa taong gumagamit ng dalwang wika nang
matatas sa lahat ng pagkakataon.

_______________ 19. Idyolek ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao
mula sa partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

_______________ 20. Dayalek ang tawag sa bawat indibidwal na may sariling istilo ng
pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.

_______________ 21. Barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo ay tinatawag na


Sosyolek.

_______________ 22. Pidgin ang tawag sa barayti ng wika na kung saan naiaangkop ng isang
nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
_______________ 23. Ang barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na
lugar ay tinatawag na creole.

_______________ 24. Ang register ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na


“nobody’s native language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman.

_______________ 25. Ang personal ay gamit ng wika sa lipunan na kumokontrol sa asal ng tao.

III. Tukuyin kung anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o
sitwasyon. Isulat ang sagot sa linya.

DAYALEK
IDYOLEK PIDGIN
SOSYOLEK CREOLE

_______________ 26. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez
sa kanyang programang Rated K.

_______________ 27. Natutuhan ni Jayson ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes.

_______________ 28. Maririnig sa usapan nina Raden a.k.a. “Radaniella” at ng kaibigan niya si Allen
a.k.a. “Allena” ang mga salitang charot, chaka, bigalou at iba pa.

_______________ 29. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De


Castro lalo na pag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”.

_______________ 30. Nagta-Tagalog din ang mga taga-Morong, Rizal pero may punto silang
kakaiba sa Tagalog ng mga taga-Metro Manila.

_______________ 31. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah ha ha ha! Okey Darla! Halika”.

_______________ 32. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa
Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t
isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
_______________ 33. Habang nakasakay sa bus si Daphne ay narinig niyang nag-uusap ang
dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay at
grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.

_______________ 34. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Von at Quineth ay
maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan
at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at guro ay biglang nag-iba at naging pormal ang
paraan nila ng pagsasalita.

_______________ 35. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay
nagpakasal sa mga taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari
ninuman ay siyang naging unang wika ng kanilang mga naging anak.

IV. IDENTIPIKASYON. Basahin at unawain ng mabuti ang mga katanungan. Isulat sa patlang
ang tamang sagot. Iwasan ang pagbubura.

_______________ 36. Siya ang naglahad sa pitong tungkulin ng wika sa lipunan na mababasa sa
kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language noong 1973.

_______________ 37. Gamit ng wika sa Lipunan sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal.

_______________ 38. Gamit ng wika sa pagkontrol sa mga ugali at asal ng ibang tao.

_______________ 39. Pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal.

_______________ 40. Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman

tungkol sa mundo, sa mga akademiko at propesyunal na sitwasyon.

_______________ 41. Gamit ng wika sa Lipunang tumutulong sa tao para maisagawa ang mga
gusto niyang gawin.

_______________ 42. Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon o datos sa


paraang pasulat at pasalita.

_______________ 43. Sa pamamagitan ng wika napapagana ang imahinasyon ng tao.

_______________44. Ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang


pangkagawarang nagsasaad na mula Tagalog ay Pilipino na ang itatawag sa ating wikang
pambansa.

_______________ 45. Siya ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.


V. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Sa iyong palagay, makatutulong nga kaya sa mga batang mag-aaral kung ang wikang
kinagisnan nila ang gagamiting wikang panturo sa kanila? (5 puntos)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Ano ang iyong unang wika? Ano naman ang pangalawa? May pangatlo pa ba? Paano mo
ilalarawan ang tatas mo sa paggamit ng mga wikang ito? (5 puntos)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaring makatulong ang mga kaalaman ukol sa mga
barayti ng wika? (5 puntos)
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

Caren T. Pacomios

Guro sa Filipino

You might also like