You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO
 LINGUA FRANCA - ang tawag sa wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang
lipunan.
 FILIPINO – ang itinuturing na lingua franca sa Pilipinas.
7 TUNGKULIN NG WIKA NI M.A.K HALLIDAY
 INSTRUMENTAL – ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
 REGULATORYO - ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali
o asal ng ibang tao.
 INTER-ASYONAL – ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa tulad ng pakikipagbiruan at pagkukuwento ng malulungkot o
masasayang pangyayari sa isang kaibigan.
 PERSONAL – saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o
kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
 HEURISTIKO – tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
 IMPORMATIBO – may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang
pasulat at pasalita.
6 NA PARAAN NG PAGGAMIT NG WIKA NI ROMAN JAKOBSON
 PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (Emotive) – saklaw nito ang pagpapahayag ng
mga saloobin, damdamin at emosyon.
 PANGHIHIKAYAT (Conative) – ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
 PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (Phatic) – ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
 PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (Referential) – ipinakikita nito ang gamit ng
wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon.
 PAGGAMIT NG KURO-KURO (Metalinggual) – ito ang gamit na lumilinaw sa mga
suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
 PATALINGHAGA (Poetic) – saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
TEORYANG NAGTATANGKANG IPALIWANAG ANG PINAGMULAN NG WIKA
1. Teoryang Ding Dong – nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog ng kalikasan.
2. Teoryang Bow Wow – panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng
mga hayop.
3. Teoryang Pooh-Pooh – namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila
ng masisidhing damdamin.
4. Teoryang Ta-ta – may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw
ng dila.
5. Teoryang Yo-he-ho – wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag
nagtatrabaho nang magkakasama at nag eeksert ng pwersang pisikal.

“KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA”


Panahon ng mga Katutubo
1. Teorya ng Pandarayuhan
 Kilala at tinaguriang “wave migration theory”
 Pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer na naniniwalang may tatlong pangkat ng
taong dumating sa Pilipinas na nagpasimula ng lahing Pilipino: Negrito, Malay
at Indones.
 Dr. Robert B. Fox – sa pangunguna niya, natagpuan nila ang isang bungo at
isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan na kinalaunan ay tinawag na
Taong Tabon (Tabon Man) na tinatayang nanirahan 50,000 taon na ang
nakakaraan.
 Dr. Armand Mijares – natagpuan niya ang isang buto ng pang sinasabing mas
matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan at tinawag itong
Taong Callao (Callao Man) na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang
nakalilipas.

2. Teorya ng Pandarayuhan Mula sa Rehiyong Austronesyano


 Pinaniniwalaan na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian.
Hinango ito sa salitang Latin na
 auster – “south wind”
 nesos – “isla”
Dalawang teorya na pinaniniwalaang nagmula ang mga Austronesian:
 WILHEIM SOLHEIM II – ayon sa kanya, ang mga Austronesian ay nagmula sa mga
isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao.
 PETER BELLWOOD – ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan
na nagtungo sa Pilipinas.
 Baybayin o alibata – ang sinusunod nilang pamamaraan ng pagsulat na binubuo ng
labimpitong titik – tatlong patinig at labing-apat na katinig.

Panahon ng mga Espanyol


 Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
 MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI – kauna-unahang Kastilang gobernador heneral sa
Pilipinas.
 RUY LOPEZ DE VILLALOBOS – nagpasiya ng ngalang “Filipinas” bilang parangal
sa Haring Felipe II.
 Ang pamayanan ay pinaghati-hati sa limang ordeng misyonerong Espanyol. Ang mga
ordeng ito ay Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita at Rekoleto.
 DOCTRINA CHRISTIANA – kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas sa
pamamagitan ng silograpiko.
 GOBERNADOR FRANCISCO TELLO DE GUZMAN – Nagmungkahi na turuan ang
mga Indio ng wikang Espanyol.
 CARLOS I at FELIPE II – naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga
Pilipino.
 CARLOS I – iminungkahing ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol.
 HARING FELIPE II – muling inulit ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol
sa lahat ng katutubo subalit nabigo ang nabanggit na kautusan.
 CARLOS II – lumagda ng isang dekrito na inuulit ang probisyong nabanggit na
kautusan at nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi nasunod dito.
 CARLOS IV – lumagda ng isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang
Espanyol sa lahat ng paaralang itatag sa pamayanan.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


 ANDRES BONIFACIO – siya ang nagtatag ng KKK (Kataas-taasan Kagalang-
galangan Katipunan Anak ng Bayan)
o Ang wikang Filipino ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
o Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng wikang
Tagalog.
 Itinanghal ang Tagalog bilang opisyal na wika ayon sa pinagtibay na Konstitusyong
Biak-na-Bato noong 1899 bagama’t walang isinasaad na ito ang magiging wikang
pambansa ng Republika.

YOU’RE WAY SMARTER THAN YOU LOOK. YOU GOT THIS! I BELIEVE IN YOU, GOOD LUCK! <3 –Ma’am
Jaycel

You might also like