You are on page 1of 3

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

A. Panahon ng mga Katutubo


1. TEORYA NG PANDARAYUHAN
 Kilala sa taguring Wave Migration Theory, pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo
noong 1916.
 Naniniwala siya na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas: Negrito, Indones, at Malay.
 Dr. Robert B. Fox – miyembro ng pangkat ng arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas.
 Natagpuan nila ang harap ng isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962.
TAONG TABON
 Nanirahan sa yungib ng Tabon ng may 50,000 taon. Kasama sa nahukay ang kagamitang chertz, isang uri ng quartz,
mga buto ng ibon at paniking nagpapatunay na nabuhay ang mga taong ito sa pagkuha ng pagkain sa paligid.
 May nakuha ring bakas ng uling na katibayan ng kaalaman sa pagluluto.
 1962 – unang nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa Malaysia at Indonesia.
 Pinatunayan din nina Landa Jocano sa kanyang pag-aaral ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP Center for
Advanced Studies noong 1975 at ng mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa Pilipinas.
 Nagmula sa specie ng Taong Peking na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java na kabilang sa
Homo Erectus.
 Dr. Armand Mijares – natagpuan niya ang isang buto ng paa na sinasabing mas matanda pa sa Taong Tabon sa
kuweba ng Callao, Cagayan.
 Taong Callao – nabuhay nang 67,000 taon.
2. TEORYA NG PANDARAYUHAN MULA SA REHIYONG AUSTRONESYANO
 Pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino.
 Nagmula sa lahing Austronesian, hango sa salitang Latin na auster (southwind) at nesos (isla)
 Ayon kay WILHEIM SOLHEIM II, Ama ng Arkeolohiya ng Timog Silangang-Asya, ang mga Austronesian ay nagmula
sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao
 Ayon naman kay Peter Bellwood ng Australia National University, ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog
Tsina at Taiwan na nagtungo sa Pilipinas noong 5,000 BC.
 LAHING AUSTRONESIAN – unang nakatuklas ng bangkang may katig.
 Kumalat ang lahing ito sa iba’t ibang panig ng daigdig tulad ng Timog-Silangang-Asya, Australia, New Zealand,
Timog Africa at maging sa Timog Amerika
 LAHING AUSTRONESIAN – nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng Hagdan-hagdang
Palayan sa Banawe.
 LAHING AUSTRONESIAN – naniniwala sa mga anito na naglalakbay sa kabilang buhay gayundin ang paglilibing sa
mga patay sa isang banga tulad ng natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan.
 nagpapatunay na marunong sumulat at bumasa ang mga katutubo.
 BAYBAYIN – pamamaraan ng pagsulat ng mga katutubo.
– natagpuang nakasulat sa biyas ng kawayang matatagpuan sa Museo ng Aklatang Pambansa at ng Unibersidad
ng Santo Tomas.
– sinunog ng mga Kastila ang mga kasulatan sa paniniwalang gawa ito ng diyablo at sagabal sa pagpapalaganap
ng pananampalatayang Katoliko.
– binubuo ng labimpitong titik – tatlong patinig at labing-apat na katinig. Binibigkas ang katinig na may kasamang
tunog na /a/.
– kung ang patinig ay bibigkasin na may kasamang patinig na /e/ o /i/ nilalagyan ng tuldok sa itaas, samantalang
tuldok sa ibaba kung ang nais isama ay /o/ o /u/. Ito ay gumagamit ng dalawang guhit ng pahilis // sa hulihan ng
pangungusap.
B. Panahon ng mga Espanyol
 Layunin na ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
 Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang “barbariko, di sibilisado at pagano”.
 Naniniwala sila na mas mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan.
 Ang mga prayleng Espanyol ang siyang naging institusyon ng mga Pilipino.
 Paghahati ng mga isla ng pamayanan, sa umpisa ay apat na naging lima: Agustino, Pransiskano, Dominiko,
Heswita at Rekoleto.
 Sa loob ng maraming taon, sinikil nila ang kalayaan ng mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang
hindi na rin nila magamit ang wikang katutubo.
 Sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon mas magiging kapani-paniwala…
 At mas mabisa kung mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo.
 Ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para
sa mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.
Usapin sa wikang panturo sa mga Pilipino.
 Iniutos ng Hari na gamitin ang katutubong wika sa pagtuturo pero hindi nasunod.
 Nagmungkahi si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol.
 Sina Carlos I at Felipe II ay naniniwalang kailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino.
 Iminungkahi ni Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana.
 Napalapit ang mga katutubo sa mga prayle at napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol ang
gamit nila.
 Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo noong
ika-2 ng Marso 1634.
 Nabigo ang nabanggit na kautusan kaya si Carlos II ay lumagda ng isang dekrito na inuulit ang probisyon ng
nabanggit na kautusan.
 Noong Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang
Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio.
 Nanganib ang wikang katutubo dahil nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
 Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wika.

C. Panahon ng Rebolusyong Pilipino


 Namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinaranas.
 Naging matindi ang damdaming nasyonalismo.
 Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng karunungan.
 Nagkaroon ng kilusan ang propagandista noong 1872 – simula ng kamalayan sa paghihimagsik.
 Itinatag nina Andres Bonifacio ang Katipunan
 KATIPUNAN – wikang Tagalog ang ginamit sa mga kautusan at pahayagan. Ito ang unang hakbang tungo sa
pagtataguyod ng wikang Tagalog.
 Sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang “isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol.
 Tagalog ang ginamit sa pagsulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati ng punumpuno ng
damdaming makabayan.
 Kahit si Rizal at iba pang propagandista na sumulat na gamit ang wikang Espanyol ay nakababatid na ang wika
ay malaking bahagi upang magbuklod ang mga kababayan nila.
 Pagpapatibay sa Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899.
-wikang opisyal ang Tagalog.
 Pagtatag ng Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo.
-isinaad sa Konstitusyon na opsiyonal ang paggamit ng wikang Tagalog

You might also like