You are on page 1of 10

PANAHON NG

PAGSASARILI
HANGGANG SA
KASALUKUYAN
GROUP 6
• Hulyo 4, 1946
-Nakamit ng Pilipinas ang kanyang kasarinlan
• Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa ay 'TAGALOG at
IGNLES' sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
• Agosto 13, 1959
- pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula 'Tagalog', ito
ay naging 'Pilipino' sa bisa ng kautusang pangkagawaran
Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero.
• Kalihim Alejandro Roces
– nag utos na simulan sa taong-aralan 1963-1964 na ang mga
sertipiko at diploma sa pagtatapos ay ipalambag na sa
wikang Pilipino. Ito ay batay sa kautusang tagapagpaganap
Blg. 60's, 1963 na nilagdaan ni Pangulong Diosdado
Macapagal.
• 1967
- umupo si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas.
iniutos niya sa bisa na kautusang tagapagpaganap Blg. 96s.
1967 na ang edipisyo, gusali at tanggapan ay pangalanan ng
Pilipino.
• 1968
- mga ulong-liham ay isinulat ng Pilipino. Kalakip ang
kaukulang texto sa Ingles.
• 1969
- kautusang tagapagpaganap Blg. 187 na nag-uutos sa lahat
ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay
ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino.
• Hunyo 19, 1974
- Nagpalabas si Kalihim Juan L. Manuel ng
Kautusang Pangkagawaran at Kultura Blg. 25 s. 1974
upang mapatupad ang Patakarang Edukasyong
Bilingguwal.
• Corazon Aquino
– Unang babaeng pangulong Pilipinas , siya ay
bumuo ng batas ang Constitutional Commission.
• Saligang Batas 1987
– Nilinaw ang mga kailangang gawin upang
maitaguyod ang wikang Filipino.
SEKSIYON 6 NG ARTIKULO XIV NG SALIGANG
BATAS 1987 AY NAG SASAAD SA MGA SUMUSUNOD:
WIKA
• SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat
na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang
pang-edukasyon.
SEKSIYON 6 NG ARTIKULO XIV NG SALIGANG
BATAS 1987 AY NAG SASAAD SA MGA SUMUSUNOD:
• SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at, hangga’t walang ibang itinadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang pangturo
doon. Dapat itaguyod ng kusa at opisyonal ang
Kastila at Arabic.
SEKSIYON 6 NG ARTIKULO XIV NG SALIGANG
BATAS 1987 AY NAG SASAAD SA MGA SUMUSUNOD:

• SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa


Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.
• SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon
ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
• Pangulong Gloria Macapagal Aroyo
-Naglabas siya ng Executive Order No. 210
noong Mayo 2003na nag aatas ng pagbalik sa
isang monolinguwal na wikang panturo ang
Ingles, sa halip na ang Filipino.
• Sa kasulukuyan, masasabing marami pa ring
sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit
kung ang pagbabatayan natin ang paglaganap at
paggamit ng wikang Filipino, masasabing nating
mabilis nga ang pagsulong nito.
• Noong ika-5 ng Agosto 2013,sa pamamagitan ng
kapasiyahan Blg. 13-34 ay nagkasundo ang kalupunan ng
mga KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino.
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit ng
buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon.
• Katulad ng sinabi ng Komisyon ng Wikang
Filipino,"Napakarami pang dapat gawin upang sumulong at
magtagumpay ang wikang Filipino. Patuloy itong yayaman
sa pamamagitan ng araw-araw na paggamit ng mga
mamayan, sama-sama nating abutin ang wagas na hangaring
maging wika ng karunungan ang wikang pambansa
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like