You are on page 1of 16

Sa panahong matapos

ang mapayapang
rebolusyon hanggang
sa kasalukuyan
Saligang-Batas ng
1987, artikulo
XIV, Seksyon 6
“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ,ito ay dapat
pagyabungin at pagyamanin pa sa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang
wika ng pagtuturo ng sistemang pang-
edukasyon”
Saligang-Batas ng
1987, Artikulo XIV,
Seksiyon 7
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo ,ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas ,Ingles.
Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong sa
mga wikang opisyal sa mga rehiyon na
magsisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon.”
Saligang-Batas ng
1987, Artikulo
XIV, Seksiyon 8
“Ang Konstitusyong ito ay dapat
ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.”
Saligang-Batas
ng 1987,
Artikulo XIV,
Seksiyon 9
“Dapat magtatag ang Kongreso ng
isang komisyon ng wikang pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t
ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik
para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.”
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117

(Enero, 1987)
Nilagdaan ng Pangulong Corazon Aquino ang
paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
(LWP)
Batas Republika Blg. 7104
(Agosto 14, 1991)
Itinatag ang Komisyon sa
Wikang Filipino
(KWF)
Proklamasyon Blg. 1041 (1997)
Nilagdaan ni Pangulong Ramos
ang taunang pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa
,Agosto 1-31.
Kagawaran ng Edukasyon –
Ordinansa Blg. 74
(Hulyo 14, 2009)
Isinainstitusyon ang gamit ng
Inang Wika sa elementarya o
Mother Tongue-Based Multilingual
Language Education (MTBMLFE)
Kautusan ng Kagawaran ng
Edukasyon blg, s. 2012

Tiniyak ang labindalawang wika


na paghahandaan ng material
para sa implementasyon ng
MTBMLE.
Kautusan ng Kagawaran ng
Edukasyon blg. 34, s.2013

Hinihiling ang pagpapakalat at


paggamit ng Ortograpiyang
Pambansa.
Proclamation Blg. 968 (2015)

Pinagtibay ng Pangulong
Aquino na ang Abril ay
itinuturing na Buwan ng
Panitikang Pambansa.

You might also like