You are on page 1of 13

WIKA SA PANAHON NG

KOMONWELT
Ni: KRISALVE T. CHIN
“Ang kalayaan ay hindi sa paggawa ng gusto
natin, ngunit sa pagkakaroon ng karapatang
gawin ang nararapat." - Pope John Paul II
Philippine Independence Act ( Batas Tydings-
McDuffie)
-napapaloob dito ang ganap na kalayaang pampulitika at mapamahalaan ang sarili
-ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos at pinagtibay noong ika-24 ng Marso 1984
-ito ay pinamagatang “An Act to provide for the complete Independence of the
Philippine Islands, and for other purposes,” pinahintulutan ang Pambansang
Asamblea ng Pilipinas na maghalal ng mga kintawan sa isang kumbensiyong
konstitusyunal na magtatakda ng Saligang batas ng bansa.

Pamahalaang Komonwelt- tawag sa pamahalaang pamumunuan ng mga Pilipino


habang nasa transisyon ng pagiging ganap na malayang bansa.
• Sec.  10. (a)  On the 4th, day of July immediately following the expiration of
a period of ten years from the date of the inauguration of the new
government under the constitution provided for in this Act the President of
the United States shall by proclamation withdraw and surrender all right of
possession, supervision, jurisdiction, control, or sovereignty then existing
and exercised by the United States in and over the territory and people of
the Philippine Islands, including all military and other reservations of the
Government of the United States in the Philippines (except such naval
reservations and fueling stations as are reserved under section 5), and, on
behalf of the United States, shall recognize the independence of the
Philippine Islands as a separate and self-governing nation and
acknowledge the authority and control over the same of the government
instituted by the people thereof, under the constitution then in force
• Pebrero 8, 1935- ipinasa ng Pambansang Asamblea ang kahingian ng
batasa Tydings-McDuffie na pinagtibay ng mga mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng plebisito noong Mayo 14, 1935

• Manuel L. Quezon- itinalagang pinuno ng Pamahalaang Komonwelt.

• Sergio Osmeña- pangalawang pangulo

Seksiyon2(a) ng Batas Tydings-McDuffie-


• isinasaad dito na “provision shall be made for the establishment and
maintenance of an adequate system of public schools, primary
conducted in the English language.
• Ayon kay Isidro (1949) na sinipi nina Constantino, et al (2002) ang mga sumusunod ay argumentong
pabor sa paggamit ng Ingles:

1. Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang pagtuturo dahil sa iba-iba ang
mga wikang gagamitin sa bawat lalawigan-magiging isang suliranin kapag lumipat na sa paaralang nasa ibang
lalawigan ang mga estudyante.
2. Magbubunsod ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga katutubong wika.
3. Magtutulak ng code-switching sa mga estudyante ang sabay na pagtuturo ng dalawang wika(unang wika at
Ingles) na hindi kaaya-ayang pakinggan.
4. Malaki na ang pinamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo ng Ingles na umabot na sa 500 milyong piso.
5. Itinuturing na Ingles ang susi sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa na maaring hindi matamo kung
bibigyang-diin ang iba’t ibang wika.
6. Makakatulong ang pagkatuto ng Ingles kung nais ng Pilipinas na lumahok sa globalisasyon dahil ito ang
gamit sa pandaigdigang kalakalan.
7. Mayaman ang Ingles sa mga katawagang pang-agham at pansining na magpapaunlad sa kalinangan ng
Pilipinas.
8. Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga ng pagkatuto sa Ingles dahil ayon sa mga mag-aaral
maging ang Estados Unidos ay natagalan din sa pagtatamo ng bunga sa pag-aaral ng Ingles.
Mga Argumentong pabor sa katutubong wika sa Pilipinas
(Isidro, 1949 na sinipi nina Constantino
• 1. Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil hanggang mababang
paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante.
• 2. Walang laman (content) ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang konsepto
kaya upang maituro ito, kailangan pang ituro muna ang wika(Ingles); kung sa katutubong wika
na magtuturo, nasa kamalayan na agad ng bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto.
• 3. Kung kailangan talaga ng iisang wikang gagamitin sa buong bansa na binubuo ng iba’t ibang
pulo na may iba’t ibang pangkat at iba’’t ibang wika, mas madaling linangin ang Tagalog kaysa
Ingles dahil sa 1 % lang ng mga Pilipino ang gumagamit ng Ingles sa kanilang mga tahanan.
• 4. Hindi natutulungan ng Ingles ang mga estudyanteng Pilipino na matutuhang harapin
ang pang-araw-araw na realidad na kanilang nararanasan: ang Ingles ay mapapakinabangan
sa hinaharap lamang kung tutuloy ang mga estudyante sa unibersidad o mangiingibang bansa.
Habang binubuo ang Saligang Batas ng 1935, ang mga
sumusunod ang naging panukala ukol sa probisyong
pangwika ayon kina Catacata at espiritu(2005)
• 1. Ingles ang dapat na maging wikang opisyal.
• 2. Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal.
• 3. Ingles at espanyol ang dapatbna maging wikang pambansa.
• 4. Tagalog ang dapat na maging wikang pambansa.
• 5. Dapat itatag ang isang Akdemya ng Wikang Pambansa na may mandatong
pangunahan ang pag-aaral at pagrerekomenda ng isang wikang pambansa.
• 6. Dapat magmula ang wikang pambansa sa mga umiiral na katutubong wika sa
Pilipinas na pipiliin sa pamamagitan ng referendum.
• 7.Dapat bumuo ng isang wikang pambansa na nakabatay sa Tagalog
Komite sa Opisyal na Wika
• -napagpasyahan na ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga katutubong
wika sa Pilipinas at hindi sa isang dayuhang wika,ngunit pananatilihin ang Ingles at
Espanyol bilang mga opisyal na wika.
• - naisatitik ang resolusyong ito sa huling bersiyon ng Saligang Batas ng 1935 sa
Artikulo XIV, Seksiyon 3 na nagsasaad:
• The Congress shall take steps toward the development and adoptation of a common
national language based on one of the existing native languages. Until otherwise
provided by law, English and Spanish shall continue as official language
Roberto Añonuevo (2011)
• -ayon sa kanya na ang nasabing probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay
ipinaglaban sa kumbensiyong konstitusyunal ng mga sumusunod na delegadong di-
Tagalog
• Felipe R. Jose (Mountain Province)
• Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte)
• Tomas Confesor (Iloilo)
• Hermenigildo Villanueva (Negros Oriental) at
• Norberto Romualdez (Leyte)
Batas Komonwelt Blg. 184
(An Act to Establish a National Language Institute and Define Its
Powers and Duties)
• Ayon sa Seksiyon 5 ng batas, ang pangunahing magiging tungkulin ng National language(NLI) o Surian ng
Wikang Pambansa (SWP) ay magsagawa ng pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito
ang pauunlarin at kikilalaning wikang pambansa.
• Ilan lamang sa mga tungkulin ng SWP ay;
• 1. Suriin ang mga pangunahing wika sa Pilipinas sa sinasalita ng kahit kalahating milyong Pilipino man lamang.
• 2. Tukuyin at ayusin mula sa mga nasabing mga wika ang mga sumusunod: mga salita o pahayag na
magkakatulad ng tunog at kahulugan, mga salitang magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba ang kahulugan at
salitang magkakalapit ng tunog ngunit magkakatulad o magkakaiba ang kahulugan.
• 3. Pag-aralan at tukuyin ang Sistema ng ponetika at ortograpiyang Pilipino.
• 4. Magsagawa ng komparatibong pagsusuri ng mga panlaping Pilipino.
• 5. Piliing batayan ng wikang pambansa ang wikang may pinakamaunlad na estruktura, mekanismo, at literatura
na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino sa panahong iyon.
Seksiyon 7 ng Batas
• Ayon dito, dapat na ipahayag ng Surian ng wikang napili nitong pagbatayan ng
wikang pambansa at iharap ang rekomendasyon sa pangulo ng bansa na siyang
magpoproklama sa pamamagitan ng batas na magkakabisa dalawang taon matapos
ang proklamasyon.
• Mga Kasapi ng SWP
• Jaime De Veyra (pangulo) Hadji Butu(namatay kaya pinalitan ni Gulamo Rasul
• Santiago A. Fonacier
• Cecilio Lopez
• Casimiro F. Perfecto
• Filemon Sotto (may karamdaman kaya pinalitan ni Isidro Abad)
• Felix Salas Rodriguez
Kautusang tagapagpalaganap blg. 134,S.
1937
• -nagbigay ng bisa sa rekomendasyon ng SWP na ang wikang Tagalog ang magiging batayan
ng wikang pambansa.
• -pinamagatang “Proclaiming the National Language of the Philippines Based on the
Tagalog Language at nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937.
• Batas Blg. 263,s. 1940
• -ayon sa batas, na ito pinahihintulutan ng pangulo ang paglimbag ng dalawang publikasyon na
nagsisilbing kodipikasyon ng wikang pambansa- Ang Tagalog- English Vocabulary at Ang
Balarila ng Wikang Pambansa.
• Hunyo 1940- nagsimula na ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng paaralang publiko at
pribado
• sa bansa.

You might also like