You are on page 1of 7

PANAHON NG KOMONWELT

Pagkalipas ng mahigit tatlong dekada (1901-1935), gumawa ng malaking hakbang ang Estados
Unidos upang mapagkaloob ang ganap na kalayaang pampolitika. Pinatunayan ito ng Philippine
Independence Act, mas kilala sa tawag na Batas TydingsMcDuffie (sunod sa pangalan ng mga may-
akda sina Senador Millard Tydings at Kinatawan John McDuffie ng Estados Unidos) na ipinasa ng
kongreso ng Estados Unidos at pinagtibay noong Ika-24 ng Marso 1934.

Ayon sa nasabing batas na pinamagatang “ An Act to Provide for the Complete Independence
of the Philippine Islands, to Provide for the Adoption of a Constitution and a Form of Government for
the Philippine Islands, and for Other Purposes” pinahalintulutan ang Pambansang Asemblea ng
Pilipinas na maghalal ng mga kinatawan sa isang kumbensyong konstitusyonal ng saligang batas ng
bansa. Sampung taon ang nakaraan ng aprobahan ng Pangulo ng Estados Unidos ang nasabing
konstitusyon, lilisanin na ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Pilipinas at isasalin ang pamahalaan
sa mga halal na opisyal ng bayan. Tatawaging “ Pamahalaang Komonwelt” ang pamumuno sa bansa
nasa transisyon ng pagiging ganap na Malaya.

Ayon sa Seksyon 10 ng Batas:

On the 4th day of July immediately following the expiration of a period of ten years from the date
of the inauguration of the new government under the constitution provided for in this Act. the President
of the United States shall by proclamation withdraw and surrender all rights of possession, supervision,
jurisdiction, control, or sovereignty then existing and exercised by the United States in and over the
territory and people of the Philippine Islands, including all military and other reservations of the
Government of the United States in the Philippines , and on behalf of the United States, shall recognize
the independence of the Philippine Islands as separate and self-governing nation and acknowledge the
authority and control over the same of the government instituted by people thereof, under the
constitution then in force.”

Saligang Batas na pinabuo ng Batas Tydings-McDuffie, ipinasa ng pambansang Asamblea


noong ika-8 ng pebrero 1935, pinagtibay naman ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng isang
plebisito noong ika-14 ng Mayo 1935. Anim na buwan pagkaraang mapagtibay ang saligangbatas
1935, inihalal ang mga pinuno ng Pamahalaang Komonwelt at nanungkulan ng 10 taon na sina
Pangulong Manuel L. Quezon at Pangalawang Pangulo na si Sergio Osmena na kapuwa mula sa
Partido Nacionalista.
Ayun sa Seksyon 2 ng batas TYdings-McDuffie, “Provision shall be made for the establishment and
maintenance of an adequate system of the public schools, primarily conducted in the English language.”

 naging punto ng mainit na pag tatalo ang probisyong ito dahil isinara na nito ang usapin tungkol
sa patakarang pangwika.
 lalo pa lumalakas ang argumento tungkol sa paggamit ng unang wika bilang wikang panturo.
 nagkasundo ang mga delegado ng kumbensiyon na ituloy pa rin ang debate tungkol sa pagpili
ng pambanang wika dahil ito ang tamang lugar upang matalakay ang isyu.

Ayon kay Isidro (1949) na sinipi nina Constantino. et al. (2002). ang mga sumusunod ay mga
argumentong pabor sa paggamit ng Ingles:

1. Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang pagtuturo dahil iba-
iba ang wikang gagamitin sa bawat lalawigan—magiging isang suliranin kapag lumipat na sa
paaralang nasa ibang lalawigan ang isang estudyante.
2. Magbubunsod ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga
katutubong wika at magdudulot din ng sentimentalismo ang paggigit sa mga pangkat sa bansa
na pangingibawan sila ng wika ng ibang pangkat.
3. Magtutlak ng code-switching sa mga estudyante ang sabay na pagtuturo ng dalwang wika
(unang wika at ingles) na hindi kaaya-ayang pakinggan.
4. Malaki na ang naipamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo ng Ingles na umaabot na sa 500
milyong piso.
5. itinuturing na Ingles ang susi sa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa na maaaring hindi
matamo kung bibigyang-diin ang iba’t ibang wika.
6. Makatutulong ang pakatuto ng Ingles kung nais ng Pilipinas na lumahok sa globalisasyon dahil
ito ang gamit sa pandaigdigang kalakalan.
7. Mayaman ang Ingles sa mga katawagang pang-agham at pansining na magpapaunlad sa
kalinangan ng Pilipinas.
8. Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga ng pagkatuto sa Ingles ayon sa mga pag-
aaral dahil ang Estados Unidos man ay natagalan din sa pagtatamo ng bunga sap ag-aaral ng
Ingles.

Ang mga sumusunod naman ang mga argumento pabor sa mga katutubong wika sa Pilipinas
(Isidro, 1949 na sinipi nina Constantino, 2002):
1. Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil hanggang mababang
paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante; 80% sa kanila ang tumitigil na sa pag-aaral
bago sumapit ng baiting 5 kaya dapat ibuhos na ang lahat ng dapat matutuhan sa katutubong
wika sa sandaling panahong nasa paaralan ang mga estudyante kaysa gugulin pa sa Ingles.
2. Walang laman ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang konsepto kaya upang
maituro ito, kailangan pang ituro muna ang wika (Ingles); kung sa katutubong wika na
magtuturo, nasa kamalayan na agad ng bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto.
3. Kung kailangan talaga ng iisang wikang gagamitin sa buong bansa na binubuo ng iba’t ibang
wika, mas madaling linangin ang Tagalog kaysa Ingles; 1% lang ng mga Pilipino ang
gumagamit ng ingles sa kanilang mga tahanan.
4. Hindi natutulungan ng Ingles ang mga estudyanteng Pilpino na matutuhang harapin ang pang-
araw-araw na realidad na kanilang nararanasan; ang Ingles ay mapapakinabangan sa
hinahanap lamang kung tutuloy ang mga estudyante sa unibersidad o mangingibang bansa.

Habang binubuo pa lamang ang Saligang Batas ng 1935, ang mga sumusunod ang naging mga
panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kina Catacataca at Espiritu (2005):

1. Ingles ang dapatna maging wikang opisyal.


2. Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal.
3. Ingles at Espanyol ang dapat na maging pambansang wika.
4. Tagalog ang dapat na maging pambansang wika.
5. Dapat itatag ang isang Akademya ng Wikang Pambansa na may mandating pangunahan ang
pag-aaral at pagrerekomenda ng isamg pambansang wika.
6. Dapat magmula ang pambansang wika sa mga umiiral na katutubong wika sa pilipinas na
pipiliin sa pamamagitan ng referendum.
7. Dapat bumuo ng isang pambansang wika na nakabatay sa Tagalog.

Matapos mapakinggan ang opinyon ng bawat panig na may kinalaman sa usapin, npagpasiyahan
ng KOmite sa Opisyal na wika na ibatay ang pambanasang wika sa isa sa mga katutubong wika sa
Pilipinas at hindi sa isamg dayuhang wika, ngunit panatilihin ang Ingles ata Espanyol bilangmga
wikang opisyal. Naisatitik ang resolsyong ito sa huling bersiyon ng Saligang Batas ng 1935 sa
Artikulo XIV, Seksyiyon 3 na nagsasaad:

The Congress shall take steps toward the development and adaption of a common national language
based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by law, English and Spanish
shall continue as official languages.
Ayon kay Roberto Añonnuevo (2011), ang nagsasabing probisyon sa Saligang Batas ng
1935 ay ipinaglaban ng mga sumusunod na delegadong di-Tagalog sa kumbensiyong
konstitusyunal: Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte),
Tomas Confessor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez
(Leyte).

Sa kaniyang mensahe sa pagbubukas ng unang sesyon ng Pambansa Asamblea noong


ika-16 ng Hunyo 1936, muling binigyang-diin ni Pangulong Quezon ang probisyong pangwika sa
Saligang Batas at hinihiling sa mga mambabatas sa isaalang-alang ito. Aniya:

While it is my hope and conviction that the English language will remain one of the
most generally spoken languages in the Philippines even after independence,
nevertheless, we cannot ignore the injunction of the Constitution that we take steps for the
information of a national language based on one of the existing native languages... Perhaps
a committee may be created to study the question and make recommendations (Official
Gazette, 16 Hun 1936).

Mabilis naman ang naging pagtugon ng Pambansang Asamblea. Limang buwan lamang
pagkatapos ng mensahe ng pangulo, ipinasa agad nito noong ika-13 ng Nobyembre 1936 ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na pinamagatang "An Act to Establish a National Language Institute and Define
Its Powers and Duties." Ayon sa Seksiyon 5 ng batas, ang pangunahing magiging tungkulin ng
National Language Institute (NLI) o Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay magsasawa ng pag-
aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang pauunlarin at kikilalaning
pambansang wika. Ilan pa sa mga tiyak na tungkulin nito ang mga sumusunod:

1. Suriin ang mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng kahit kalahating milyong Pilipino
man lamang.

2. Tukuyin at ayusin mula sa nasabing mga wika ang mga sumusunod: (a) mga salita o pahayag
na magkakatulad ng tunog at kahulugan, (b) mga salitang magkakatulad ng tunog ngunit
magkakaiba ng kahulugan, at (c) mga salitang magkakalapit ng tunog ngunit magkakatulad o
magkakaiba ng kahulugan.

3. Pag-aralan at tukuyin ang sistema ng ponetika at ortograpiyang Pilipino.

4. Magsagawa ng komparatibong pagsusuri ng mga panlaping Pilipino (unlapi, gitlapi, hulapi).

5. Piliing batayan ng pambansang wika ang wikang may pinakamaunlad sa estruktura,


mekanismo, at literatura na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino sa panahong iyon.
Ayon pa sa Seksiyon 7 ng batas, dapat ihayag ng Surian ng wikang napili nitong pagbatayan
ng pambansang wika at iharap ang rekomendasyon sa pangulo ng bansa na siyang magpoproklama
naman nito sa pamamagitan ng atas na magkakabisa dalawang taon matapos ang proklamasyon.

Ang SWP ay binuo ng mga kinatawan mula sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Naging
pangulo nito si Jaime C. De Veyra (Bisaya-Samar-Leyte) samantalang ang mga orihinal na kasapi
ay sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Cecilio Lopez (Tagalog), Casimiro F. Perfecto (Bikol),
Filemon Sotto (Bisaya Cebu), Felis S. Rodriguez (Bisaya-Panay), at Hadji Butu (Muslim). Si Sotto
na noon ay may karamdaman ay pinalitan ni Isidro Abad samantalang si Butu na namatay nang hindi
inaasahan ay pinalitan ng kaniyang anak na si Gulamo Rasul. Nadagdag namang mga kasapi sina
Lope K. Santos (Tagalog) at Jose L. Zulueta(Pangasinan) sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 333 na
ginawang siyam ang orihinal na pitong kasapi ng Surian.

Pagkaraan nang mahigit isang taon ng masusing pag-aaral, inirekomenda ng SWP ang
Tagalog bipang batayan ng pambansang wika na nagkabisa salig sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134, s. 1937 na pinamagatang "Proclaiming the National Language of the Philippines Based on
the Tagalog Language" na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre 1937.

Ayon sa kautusan, batay sa pagsusuri ng mga espertong bumuo sa SWP, ang Tagalog ang
wikang pinakamalapit na nakatutugon sa mga kahingian ng Batas Komonwelt Blg. 184. Sinasabing
nagkakaisa rin ng mga Pilipinong iskolar at makabayan, magkakaiba man ang kanilang
pinanggalingan at pinag-aralan, sa pagkapili ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika dahil
sinasabing tanggao at ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga Pilipino bukpd pa sa mga
pagpapatotoo ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat. Ang pagpili rin sa Tagalog
bilang batayan ng pauunlarin at kikilalaning pambansang wika ay hindi taliwas sa Batas Tydings-
McDuffie na nagtatakda sa Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralanng primarya dahil
mananatili ito.

Dahil inilabas ni Pangulong Quezon ang proklamasyon kasabay ng pagdiriwang ng ika-41


anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal, bumigkas na rin siya ng isang talumpati sa radyo
navnagbibigay-pugay sa ating bayani at nagpapaliwanag aa ipinalabas niyang kautusan. Aniya, ang
pagpapatibay ng isang pambansang wika na pinili mula sa iba't ibang wikang sinasalita sa Pilipinas,
lalo na sa Tagalog na siyang katutubong wika ni Rizal at siyang pinakamaunlad sa lahat ng umiiral
na wika sa bansa, ay nagsasakatuparan ng isa sa mga mithiin ng ating bayani.

Bilang pinakamataas na pinunong bansa, sinabi ni Pangulong Quezon na ilang ulit na siyang
nakadama ng malaking kahihiyan dahil kapag nagpupunta siya sa mga lalawigang ang unang wika
ay Ilokano, Bisaya, Kapampangan, o Bikol, kinakailangan pa niyang kumuha ng isang tagasalin
makausap lamang ang mga tao roon. Dagdag pa niyang pagtatanggol sa kapasiyahang magtalaga
ng isang pambansang wika:

PANAHON NG HAPONES

Hindi pa man nakokompleto ng Pilipinas ang 10 taong transisyonal na pamamahala ng


Pamahalaang Komonwelt na dapat sana ay magtatapos noong 1945, naantala na ito ng biglang
pagpasok ng mga pwersang Hapones bunsod ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Disyembre 7, 1941 – Binomba ng Hapon ang base-militar ng Estados Unidos sa Pearl Harbor,
Hawaii na nagpasimula ng digmaan ng dalawang bansa na bahagi ng mas malawak na
Ikalawaang Digmaang Pandaigdig.

Enero 2, 1942 – tuluyang nasakop ng Hapon ang Maynila at inilagay ang Pilipinas sa ilalim ng
Imperyong Hapones

Hulyo 10, 1943 – binuo ang bagong Saligang Batas ng Preparatory Commision for Philippine
Independence na ipinagtibay noong Setyembre 4, 1943

Oktubre 14, 1943 – pinasinayaan na ang Ikalawang Republika ng Pilipinas, itinuturing na isang
gobyernong papet na itinatatg ng Hapones na ang pangulo ay si Jose P. Laurel

Greater East Asia Co-propserity Sphere

 Ito ang tunay na layunin ng Haponsa pagpapasiklab ng Ikalawang Digmaang pandaigdig sa


Asya. Ito ay isang rehiyon ng mga bansa sa Silangang Asya na mapagkukunan ng Hapon ng
mga hilaw na sangkap at mapagluluwasan nito ng mg produkro.
 Pinamumunuan ng Imperyong Hapones
 Isang ideolohiyang naglalayong gawing nakapagsasariling rehiyon ang Silangang Asya,
nagtatamasa ng pantay na kasaganaan, at Malaya sa anumang impluwensya ng Amerika at
Europa.
 nangyari ang puspusang pag bura ng kulturang amerikano sa kamalayang pilipino

Batas Tydings McDuffie

 Paggamit ng Ingles bilang wikang panturosa mababang paaralan na pananatili mg pangulong


Quezon, unti unti namang binura ng mga puwersang hapones ang anumang im pluwensyang
wikang pamana ng estados unidos
 Ayon sa ORDINANSA MILITAR BLG.13 noong Hulyo 24, 1942 ipinalabas ng Philippines
Executive Commission na pinamunuan ni Jorge B. Vergas na ang tagalog at nipongo ang mga
magiging opisyal na wika ng pilipinas. Gagamitin lang ang ingles na pansamantalang wika
habang tumutungo ang mga pilipino sa masteri ng tagalog at nippongo
 ayon sa ARTIKULO IX. SEKSYON 2, ' daoat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan
tungo sa pag papaunlad at pag papaalaganap ng tagalog bilang pambansang wika"

 isa sa prooaganda ni pangulong Luarel na "isang watawat, isang bansa,isang wika"

 Noong ika 30 ng nobyembre 1943 inilabas ni pangulong Laurel ang kautusang
tagapagpaganap Blg.236 na natatakda ng pag tuturonh pambansang wika sa mga paaralan
publiko at pribado sa banda dahil sinaklaw na rin nito maging ng mga kolehiyo at unibersidad.

 simula taong pampaaralan 1944-1945 itinakda dito ang kagyat na pagsisimulang pagsasanay
sa mga guro sa pambansang wika

 noong Enero 3 1944 pinabukasanang isang surian ng tagalog gaya ng surian ng nippongo,
ang mga pinunong militarng puwersang Hapones ang nagingmga tagapagturon ng nippongo,
ang mga manunulat na tmdati ng nagsusulat ng ingles ay napilitang magsukat ng tagalog gaya
nina N.V.M. Gonzales, Narciso Reyes at iba pa

You might also like