You are on page 1of 2

PROBISYONG KONSTITUSYONAL SA WIKA

(1935, 1973, 1987)


Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga mananakop sa
kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo
batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4,1899.
Marami ring Pilipino ang nakinabang sa programang iskolarsip na ipinadala sa Amerika at umuwing taglay ang
kaalaman sa wikang Ingles. Noong 1935, “halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles.”
(Boras-Vega 2010)
Ngunit nagsimula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang wikang Tagalog
sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato noong 1896-97, itinatadhanang Tagalog ang
opisyal na wika.
Sa Konstitusyon ng Malolos (Enero 21, 1899), itinadhanang pansamantalang gamitin ang Espanyol bilang opisyal
na wika bagama’t noon pa ay nakita na ng mga bumuo ng konstitusyong ito ang maaaring maging papel ng Ingles sa
bansa.
Noong Marso 24, 1934, ipinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
Noong Pebrero 8, 1935, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na naritipika ng
sambayanan noong Mayo 14, 1935.
Ang probisyong pangwika ay nasa Seksyon 3, Artikulo XIII “Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang pagkalahatang pambansang wika na batay sa mga umiiral na
katutubong wika. Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting wikang
opisyal. Ang nanguna sa paggawa ng resolusyon tungkol sa wikang pambansa ay si Wenceslao Q. Vinzons, kinatawan
mula sa Camarines Norte.
Ayon sa orihinal na resolusyon, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang Wikang Pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.” Ngunit nang dumaan ang
dokumento sa Style Committee, nagkaroon ng pagbabago sa resolusyon. Ang Style Committee ang nagbibigay ng huling
pasiya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng nasabing Komite ang resolusyon at naging probisyon ito sa Seksyon 3,
Artikulo IX ng Konstitusyon ng 1935.
Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Sa paglulunsad ng Komonwelt, isa sa mga unang isinagawa
ng Administrasyon ng noon ay pangulo ng bansa na si Manuel L. Quezon ang pagpapatupad ng probisyon ukol sa
pambansang wika. Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulong Manuel L. Quezon sa Pambansang Asemblea na magtatag
ng isang ahensiya na magsasagawa ng mga pag-aaral sa paglinang ng wikang pambansa.
Bilang tugon sa nasabing panawagan, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184
noong Nobyembre 13, 1936 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP na naging Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas o LWP, at ngayo’y Komisyon sa Wikang Filipino o KWF) Ang naging tungkulin ng Surian ay gumawa ng pag-aaral
ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat batay sa
isang wikang umiiral sa bansa.
Noong Nobyembre 7, 1937, pagkaraan ng halos sampung buwan inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog
ang gawing batayan ng pambansang wika. Ipinahayag ng Surian na ang wikang Tagalog ang halos tumugon sa hinihingi
ng Batas Komonwelt Blg. 184.
Sa pagpili ng wika, kinonsidera nila ang sumusunod na mga walong (8) pangunahing wika ng bansa – Tagalog,
Ilokano, Cebuano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Pangasinense, at Kapangpangan. Hindi nag-aksaya ng panahon ang Pangulo
upang ipahiwatig ang kaniyang tagumpay sa pagpapaunlad ng isang wikang matatawag na Wikang Pambansa. Noong
anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa
Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas.
Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan ng dalawang taon matapos na maihanda at maipalimbag ang gramatika at
diksyunaryo ng Wikang Pambansa sa pagitan ng 1938-1940.
Matagal ding namayani at mamayagpag ang Tagalog. Sa pagaaplay ng trabaho, halimbawa’y titser at tagasalin sa
Pilipino, mas uunahing kunin ang nagsasalita ng Tagalog bago ang di-Tagalog. Dahil batay sa Tagalog, hindi nabigyan ng
pagkakataon ang mga di-Tagalog na maging parte sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng wikang pambansa. Hindi
matanggap ng mga di-Tagalog na hindi bahagi ng wikangpambansa ang kanilang wika at kawalang-kasiyahan ang mga di-
Tagalog sa pangunguna at pagdodomina ng iisang wika, ang Tagalog.
Noong 1959, inilabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “ kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.” Ang
paggamit ng PILIPINO ay isang hakbang tungo sa pag-alis ng rehiyonalismo at nagbubunga ng pagsasabansa ng dating
panrehiyon o diyalekto. Ito ay naging wikang interehiyonal at mabisang midyum na nag-uugnay sa mga pulo ay at iba’t
ibang pangkat linggwistiko sa Pilipinas.
Inirekomenda ng Komite na alisin ang Pilipino at palitan ng isang bagong “komon na wikang pambansang
tatawaging FILIPINO batay sa mga katutubong wika sa bansa at maging ang asimilasyon ng mga salita mula sa mga
dayuhang wika” (Tupaz 1973 sa Llamzon,1977).
Inirekomenda rin ng nasabing Komite ang pagpapatuloy ng Ingles at Kastila bilang mga wikang opisyal. Ganito
ang isinaad ng probisyong pangwika sa 1973 Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3: Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa
ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at formal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kikilalaning
Filipino.
Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang wika,
gaya ng isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas (Artikulo XIV, Seksyon 6): “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabongin at pagyamanin pa batay sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at
sa iba pang wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa mga maaaring ipasya ng kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo ng sistemang pang-edukasyon.”
Samantalang noong Marso 12,1987, sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang
Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad
na ang pambansang wika ay Filipino.
Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Sanggunian:

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., Geronimo, Jonathan V., (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Manila, Philippines. Rex Printing Company Inc.
Yenbehold (2017, April 17). Ang Wikang Filipino. Kinuha mula sa
http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/wikang-filipino.html

CHARLES VINCENT G. CARBONELL


Tagapag-ulat

You might also like