Professional Documents
Culture Documents
2
KASAYSAYAN AT PAGKABUO NG WIKANG PAMBANSA
Layunin:
• Natatalakay ang mga dahilan sa pagpili sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pilipinas
• Nakabubuo ng sariling opinyon tungkol sa pagpilii sa Tagalog bilang batayan ng pambansan wika
ng Pilipinas
BALIK TANAW
DUGTUNGAN TAYO..
• Dugtungan ang bawat pahayag sa loob ng kahon para mabuo ang diwa.
Sagot: Talagang masaya ang kuwentuhan kung nasa wikang Filipino ang usapan.
• INGLES AT ESPANYOL ang wika noong sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas.
Marso 4, 1899 - Wikang Ingles ang tanging wikang panturo batay sa rekomendayon ng
Komisyong Schurman
• 1897 - Tagalog ang itinadhanang opisyal na wika ayon sa Konstitusyong Probisyonal ng
Biak na Bato
• Enero 21, 1899 - Itinahadana naman pansamantalang gamiin ang Espanyol bilang opisyal
na wika ayon sa Konstitusyon ng Malolos.
Ngunit dumaan ang dokumento sa Style Committee, nagkaron ng pagbabago sa resolusyon. Ang
Style Committee ang nagbibigay ng huling pasiya sa borador ng Konstitusyon. Binago ng nasabing
komite ang resolusyon at naging probisyon ito sa Seksiyon 3, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng
1935.
• Oktubre 27, 1936 - ang pagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. – Ang tungkulin ng
Surian ay gumawa ng pag aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapag paunlad
at makapagtibay ng isang wikang panlahat batay sa isang wikang umiiral sa bansa.
Nobyembre 13, 1936 - Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bl.184, na nagtatag sa unang
Surian ng Wikang Pambansa. Kapangyarihan at tungkulin ng Surian:
1. Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas.
2. Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika
3. Bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo at panitikang
tinatanggap
• Enero 12, 1937 - Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa
Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185
Nobyembre 7, 1937 - Inilabas ng Surian ang resolusyon na TAGALOG ang gawing batayan ng
Pambansang Wika
• Disyembre 30, 1937 - ito ay anibersaryo ng kamatayan ni Dr Jose Rizal at lumabas ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang Wika ng Pambansang Wika ng
Pilipinas.
Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang
grupong tinatawag na “purist”. Sila ang mga nagnanais nag awing tagalog na mismo ang wikang
pambansa at hindi na batayan lamang. Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga hapon
sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang Pangasiwaang Hapon ang nag-utos
na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at gawing Tagalog ang Pambansang Wika. Sa layunin
ng mga hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-Amerikano at mawala ang
impluwensiya ng mga ito, Tagalog ang kanilang iyinaguyod. Nang, panahong iyon, Niponggo at
Tagalog ang nagging opisyal na mga wika.
Hunyo 4, 1946 – nang matapos na ang digmaan, ganap ng ipinatupad ang Batas
Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika.
Sinisimulan na ring ituro ang Wikang PAmbansa sa mga paaralan.
Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12
para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4
taon-taon. Alinsunod sa pagbibigay-puri sa kaarawan no Francisco Balagatas bilang
makata ng lahi.
Setyembre 1955 – sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 na paglilipat sa pagdiriwang ng
Linggo ng Wika sa Agosto 14 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni
Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang “AMA NG WIKANG PAMBANSA”
Noong 1959 – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng PAgtuturo ang
kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “ kailanmat tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino”.
Oktubre 24, 1967 nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng
pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino.
Marso 27, 1968 inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum
Sikular Blg. 96 na nag-aatas na ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito.
Iniuutos din ng sikular na gawin sa Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin
ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan.
Noong 1970 – naging wikang Panturo ang Pilipino sa antas ng elementary sa bisa ng
Resolusyon blg. 70.
Sa bisa ng Resolusyon Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng Edukasyon, isinam ang Ingles
at Pilipino (Pilipino pa ang tawag noon) sa kurikulum mula elementary hanggang kolehiyo,
publiko man o pribado. Ang resolusyong ito ang nagbunsod sa Patakarang Edukasyong
Bilingguwal sa bansa na nagpapagamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo
sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula elementarya
hanggang kolehiyo. Noong 1974, sinimulang ipatupad ang patakarang edukasyong
bilingguwal sa bansa.
Noong 1978, iniatas ng Kautusang Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang
pagkakaroon ng anim na unit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong
pang edukasyon n adapt kumuha naman ng 12 yunit.
Marso 12, 1987 – sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin
ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod nito ang
pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas
ay Pilipino.
TAGALOG BILANG BATAYAN NG PAMBANSANG WIKA
Bago pinagtibay ang batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936, si Pangulong
Quezon ay pinadalhan ni Noberto Romualdez, Tagapangulo ng Komite sa Pambansang
Wika ng Unang Pambansang Asamblea, ng Memorandum Sobre la Lengua Nacional, na
nagsasaad na sa lahat ng katutubong wika, Tagalog ang may pinakamaunlad na katangiang
panloob: estruktura, mekanismo, at panitikan at bukas sa pagpapayaman at pagdaragdag
ng bokabularyo.
Gayunman, hindi idineklara ang Tagalog na Pambansang wika, kundi “base sa Tagalog”
ang pambansang wika. Sa kaniyang pananalita noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni
Pangulong Manuel L. Quezon ang pagpapatibay sa adapsiyon ng Tagalog bilang basehan
ng pambansang wika ng Pilipinas at idinagdag, “and hereby declare and proclaim the
national language so based on Tagalog dialect, as the national language of the
Philippines.”
Sinabi rin ni Pangulong Quezon na sa loob ng mahigit tatlong daang taon ng pananakop ng
Espanya, Espanyol, at ang opisyal na wika ngunit hindi ito kailanman nagging wika ng
mga mamamayan. Mahigit nang isang henerasyon mula ng manakop ang mga Amerikano
at naging Ingles ang opisyal na wika at wikang panturo. Ngunit ang Ingles ay hindi nagging
pangkalahatang wika ng mga mamamayan.
Ayon kay Pamela Constantino (sinipi ni Vega 2010), dalawang konsiderasyon ang naging
batayan sa pagpili sa Tagalog: sentimentalism o paghahanap ng pambansang identidad; at
instrumental o funsiyonal o batay sa gamit ng wika sa lipunan. Tungkol naman sa
instrumental na dahilan, idinagdag ni Constantino ang dalawang pangunahing isyu: (a)
pagbubuo at pagpapadali ng komunikasyon (internal at external) na tuutlong para epektibo
at pantay na matamo ang pangangailangan at interes ng populasyon; at (b) paniniguro na
ang ibat ibang wika ay magkakaroon ng pantay na oportunidad na makilahok sa sistema.
Nagpunyagi si Pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon ng isang wikang pambansa
batay sa isang katutubong wika. Binanggit niya sa isang talumpati na mahirap sa isang
pangulo ang maging banyaga sa sariling baying pinagmulan kaya kailangan magkaroon ng
wikang pambansang magbubuklod sa mga mamamayan.
ANG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO
Noong 1987 lamang ginawang Pambansang Wika ang Filipino. Bago ito, ang pambansang
wika batay sa Tagalog. Sa Konstitusyon ng 1973, sinabi naman na ang Kongreso ay
magsasagawa ng mga hakbang upang makabuo ng pambansang wika na tatawaging
Filipino. Ngunit hindi opisyal na ginamit ang salitang Filipino bilang pambansang wika.
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay: