You are on page 1of 1

Ang mga balakid sa pagtatapos ng sekondarya: Tutuloy pa ba o hindi na?

Nalalapit na naman ang pagtatapos ng sekondarya, subalit karamiha'y hindi pa handang


sumubok sa susunod na yugto. Lahat tayo ay ay may kanya-kanyang suliranin sa pagharap sa
kolehiyo subalit nasa atin ang solusyon. Laging tatandaan kung nagnanais ng magandang buhay
sa hinaharap, kailangan mong tahakin ang kolehiyo. Bakit nga ba kailangan mong mag-kolehiyo?

Una, dahil ang labing dalawang taon na pag-aaral ay hindi sapat upang makamtan mo ang
sinasabing ginhawa. Ayon sa economist na si Joan Santos, tatlo sa sampung taong nagtapos ng K
to 12 ang naging matagumpay. Marami ring sarbey ang nagsasabing ang Kto12 ay daan o
hulmahan lamang para sa buhay kolehiyo.

Pangalawa, isa sa tanyag na suliranin kung bakit ninanais ng iba na mag-trabaho na lamang, ay
dahil sa pangpinansyal na pangangailangan. Aahin pa ang mga state colleges? Ang mga
scholarships, kung wala rin naman palang solusyon dyan. Marami na rin ang nagtapos at piniling
magkolehiyo habang nagtatrabaho. Kaya't masasabing hindi hadlang ang pang pinansyal na
suliranin. Katamaran at kawalan ng diskarte ang problema mo. Lalo pa at batas na ang libreng
tuition fee sa mga state colleges.

Pangato, ang pagpili ng kurso ay nagiging balakid, kaya't ayaw magkolehiyo, subalit ayon sa pag-
aaral hindi ito suliranin. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga taga United States, noong taong
1991 may tinatawag na 'rating scale' kung saan ikokonsider mo ang mga factors sa iyong pagpili
ng kurso. Kaya't masasabing hindi ito dahilan upang huminto.

Walang balakid sa kolehiyo, kung hahanap ka ng solusyon. Marami ang ayaw tumuloy sa
kolehiyo, ito ay hindi dahil sa suliranin kundi sa takot at katamaran. Kung minsan ang sagot ay
nasa harap na natin subalit natatakot tayo. Tandaan ang kolehiyo ang maghahatid sa iyo sa
magandang buhay na iyong inaasam.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1012266#readmore

You might also like