You are on page 1of 2

Karamihan sa mga estudyante sa panahon natin ngayon ay nag-aaral at nagtatrabaho ng sabay.

Maswerte ka na lang kung mayaman ang pamilya mo o di kaya’y andyan ang mga magulang mo na
handang tumulong sa lahat ng bagay at mga pangangailangan mo. Swerte ka rin kung may katuwang ka
sa buhay para mapagaan ang mga gatusin mo.

Bilang isang working student marami kang kailangang i-give up. Boyfriend, mga kaibigan, lakwatsa, at
minsan pati na rin ang iyong sariling pamilya matupad lamang ang iyong pangarap.

Bilang isang working student kailangan mong igugol ang iyong panahon sa trabaho at sa pag-aaral ng
iyong leksyon sa eskwela. Madalas kulang ka sa tulog pero sige pa rin sa aral at trabaho. Para sa ‘yo okay
lang yan tutal naman kapag nakatapos ka na marami kang magiging oras para sa pagtulog at sa mga
ibang bagay. Sa dami ng mga gawain sa paaralan wala ka na halos panahon para sa sarili mo. Kung
minsan nakakaligtaan mo pang maligo at magsipilyo makarating ka lamang sa paaralan sa takdang oras
para hindi ka n=mahuli sa mga leksyon. Ni hindi mo lang napansin na ultimo buhok mo ay hindi mo man
lang nasuklay.

Sa pagnanais mong makapagtapos ng iyong kurso nakalimutan mo na ring kumain sa tamang oras. Tuloy
napabayaan mo na rin pati ang iyong kalusugan.

Sa dami ng iyong pinagkakaabalahan, wala man lang natira ni katiting na panahon para sa iyong sarili.
Nakalimutan isa ka ring tao na minsan ay dapat maglibang. Pero alam mo ba na higit sa lahat, you’ve
forgotten for how to live life, to experience your youth, and do the things that a normal person should be
doing. Sa kagustuhan mong maging isang successful you’ve let the years go by without even thinking
about the present.

Problema at Solusyon: Ang Pinansyal na Problema ng mga Kolehiyala

Ang pag-aaral sa kolehiyo ay isang napakalaking bagay na pinapangarap ng mga kabataan, kahit ito ay
puno ng hamon marami parin ang sumsubok na malagpasan ito dahil ito ang tanging magdadala ng isang
magandang kinabukasan para sa ikakabuti ng buhay. Ang konsentrasyon ang isa sa mga sangkap ng pag
aaral at nararapat lang na ipokus ng isang mag-aaral ang kanyang sarili at isipan sa iisang bagay dahil sa
kaparaanang ito ay tiyak na magbibigay ng porsyentong galling sa pag-aaral. Sa kabilang dako, ang
trabaho ay isang tungkulin na dapat bigyan ng pokus sapagkat ito ang susi sa mga kapus palad na mag-
aaral para maabot ang kinakamtam na buhay.
Ang dalawang bagay na ito ay labis na magkasalungat ngunit parehong susi sa mag-aaral. Ang pag-aaral
at pagtatrabaho ay isang uri ng tungkulin na dapat gampanan ng mga kabataan. Ngunit paano kaya kung
pagsasabayin ang dalawang tungkulin na ito? Ang masipag na mag aaral na gustong maabot ang
pangarap ay siyang nagtutustos sa sarili upang makapag aral lamang, hindi lamang para sa kanyang sarili
para siya nagtatrabaho ngunit para din makatulong sa pamilya na hindi na iniisip ang kanyang pagbayad
sa eskwelahan.

Lahat naman tyo ay may sariling pangarap sa buhay na gustong matupad at iyon marahil ang isa sa mga
milyong milyong kadahilanan kung bakit may mga estudyante na mas pinili ang maging manggagawang
mag-aaral sa eskwelehang ito kaysa sa huminto sa pag-aaral. Ang buhay ng kolehiyala ay puno ng hamon,
ang pangunahing problema ng mga mag-aaral ay paghahati ng oras sa kanilang gawain kung ang normal
na estudyante ay nakakaranas nito, paano pa kaya ang maggagawang mag-aaral sa HAU? Kung iisipin
natin lubos na napakahirap ang kanilang estado na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ngunit ito
lamang ang kanilang naiisip na solusyon.

Kailangan ng sapat na kaisipan sa paghahati ng oras, kung minsan ay kailangan makiusap sa guro para
lang mabawasan ang mga trabaho mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga manggagawang mag-aaral
sapagkat nilalahad sa mga pag-aaral na ito ang saloobin tungkol sa kalagayan sa buhay at kung paanong
nagagawang pagsabayin ang mga pag-aaral at pagtatrabaho makakatulong sa mga estudyanteng hindi
nagtatrabaho at pinag aaral ng kanilang magulang sa medaling salita may kaya sa buhay, sa pamamagitan
ang mga datos na nakalap ay mabibigyan ng kaalaman tungkol sa buhay ng mga manggagawang mag-
aaral.

Sana ay maging mabuting ehemplo ang mga manggagawang mag-aaral para sa Lalo pang pagpapabuti ng
ating mga pangarap. Hindi man sila mga perpektong halimbawa, pero sana ay maging inspirasyon parin
para sa atin kahit na sila ay nadidiskrimina, sila parin ang nagpupumilit bagkus kasalungat ng marami na
makaahon sa kahirapang nararanasan nila.

You might also like