You are on page 1of 6

Kabanata 2

Epekto sa Maagang Pakikipagrelasyon ng mga Istudyante

Marami nang mga dalubhasa ang nag-aaral hinggil sa pakikipagrelasyon ng mga

kabataan. Sa kabilang banda, marami parin ang hindi nakakaunawa at nakakaintindi sa tunay

nitong kahulugan at kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Marami din sa atin

ang nagkakaroon ng miskonsepsyon sa pakikipagrelasyon.

Ayon kay Steinberg (2002), mahalaga na magkaroon ng distinksyon sa pagitan ng

sexuality at intimacy kung ito ay ginagamit sa pag-aaral ng adolescence at kapag ginagamit sa

sekswal at pisikal na aspeto. Samakatuwid, ang intimate na pakikipagrelasyon ay isang

emotional attachment sa pagitan ng dalawang tao na may pakialam sa isa’t isa; at ang

pagkakaroon ng parehong interes at mga paborito. Kung kaya, ang dalawang indibidwal ay

maaaring magkaroon ng isang intimate relationship kahit na walang sekswal na ugnayan. Sa

kabilang banda rin naman ay maaari silang magkaroon ng sekswal na ugnayan kahit na walang

intimate relationship.

Ayon kay Avelino et al. (1996), may mga bagay na dapat gawin para magkaroon ng

magandang pakikipagrelasyon.(1) kung wala kang magandang sasabihin sa iyong kasintahan,

mabuting wag ka nalang magsalita; (2) tuparin ang mga pangako; (3) igalang ang iyong

kasintahan; (4) magkaroon ng interes sa iyong partner;(5) maging masayahin; (6) maging bukas

sa mga posibilidad;(7) hayaan ang inyong sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman; (8)

huwag saktan kailanman ang iyong kasintahan;(9) panatilihin ang pagiging malambing at (10)

maging palatawa.
Ayon kay Chad Lester M. Hongco (2001), ang pagkakaroon ng relasyon ng isang

estudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadong

nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang mag-aral ng mabuti o minsan nakakalimutan na

talaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila ng oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang

sarili sa kanilang karelasyon. Dahil sa pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhang

epekto lalung lalo na sa pag-aaral.

Ang pagkakaroon ng karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kung

minsan, ikaw ay nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng

husto ang iyong pag aaral. Kung ang karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw ay

sisipag rin sa pag-aaral. Hindi naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon ay nakakasama sa

pag-aaral, sila din ang nagbibigay ng inspirasyon ay determinasyon sa isang estudyante na

galingan sa kanilang pag-aaral. Nakakatulong din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natin

ang ating sariling motibo na maipabuti ang pag-aaral.

Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999), lahat ng tao ay nangangailangan ng matibay na

pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa. Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga

problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag ng sariling opinion. Marahil na

ang pakikipagrelasyon ang nakikita ng mga kabataan para sa lubusan nilang makilala ang

kanyang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.

Ang pagkakaroon ng isang relasyon ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-aaral,

depende na ito sa estudyante kung paano niya pahalagahan ang kaniyang pag-aaral, may

karelasyon man o wala. Ang importante ay mabalanse ang oras ng pag-aaral sa iba pang gawain.
Basta kaakibat lang ang pagiging determinado at masunurin sa pag-aaral ang isang estudyante,

tiyak na wala siyang problema sa pag-aaral kahit na may karelasyon.

Ayon sa pagsusuring ginawa ng Unibersidad ng Pilipinas (2002), pababa nang pababa

ang edad ng mga kabataang pumapasok sa isang relasyon. Karamihan sa kanila ay mga

estudyante. Subalit tama ba na pagsabayin ang pag-aaral at pakikipagrelasyon? Ang pagsasabay

ng pag-aaral at pakikipagrelasyon ay mahirap. Nangangailangan ito ng matinding pagbubulay-

bulay. Lalo na kung ang estudyante ay hindi marunong mamahala sa kanyang emosyon at 'di

kayang pagsabayin ang pag-aaral sa pag-ibig. Sapagkat minsan ang pagkabigo sa pag-ibig ay

nakasisira ng pag-aaral. Sa kabilang banda mayroon din naman itong naidudulot na kabutihan--

ito ay ang inspirasyon at kaligayan sa pag-aaral. Hindi naman masama ang pumasok sa isang

relasyon subalit dapat na mas bigyang-halaga pa rin ang pag-aaral dahit dito nakasalalay ang

iyong kinabukasan. Dapat ring isaalang-alang ang pagbabalanse sa dalawa upang magkaroon ng

mas mabuting resulta. Huwag mong hayaang masira ng pakikipagrelasyon mo ang iyong pag-

aaral. Huwag mo rin namang pigilan ang sarili mong magmahal. Dapat ay maging balanse ang

dalawang ito.

Ayon kay Ramon Carlos (2008) sa kanyang blog entry, naaapektuhan lamang ng

pagiging “in a relationship” ng isang tao ang mga mahahalagang bagay na lubos niyang

kailangan sa pang-araw-araw bilang isang indibidwal. Tinukoy niya ang mga negatibong epekto

ng pagkakaroon ng lovelife sa buhay ng isang estudyante. Una sa lahat, maaapektuhan nang

malaki ang kanyang pag-aaral. Gaya nga ng nabanggit ko kanina, imbes na ituon natin ang 100%

na atensyon natin sa pag-aaral ay nalilihis tayo at mas napagtutuunan natin ng pansin ang ating

mga kasintahan. Imbes na mag-aral tayo nang mabuti at mailaan natin ang ating oras sa pag-aaral

ay mahahati ito kung sakaling may mga kasintahan tayong nangangailangan din ng ating
atensyon. Dahil dito, mahahati ang ating oras at maguguluhan ang ating isipan kung alin sa

dalawa ang uunahin.

Malaki ang posibilidad na dahil dito, mawawalan tayo ng pokus at maaaring bumaba ang

ating mga grado. Pangalawa, maaapektuhan din ang ating mga bulsa. Ang ating allowance ay

para sa ating pansariling gastos sa paaralan. Ang perang ibinibigay sa atin ay galing sa dugo’t

pawis ng ating mga magulang. Binibigyan nila tayo ng pera upang makabili ng mga

pangangailangan natin sa paaralan gaya ng mga school supplies at pagkain. Kung may

kasintahan tayo, malaki ang posibilidad na mabubutas ang ating mga bulsa lalong-lalo na para sa

mga lalake. Paano? Alam naman natin na ang karaniwang paraan upang maipakita ng isang

lalake ang kanyang pagmamahal para sa isang babae ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga

materyal na bagay gaya ng tsokolate, bulaklak, stuff toy at iba pa. Kaya nga hindi biro ang

pumasok sa isang relasyon kung alam naman natin na hindi pa handa ang ating mga bulsa.

Ang pakikipagrelasyon ay parang lesson plan: mayroong Objectives (may cognitive,

psychomotor at affective), may Subject Matter, may Procedure (preparation, review, motivation,

discussion at generalization), may Evaluation at syempre, dapat may Agreement din.

Mapapansin natin sa ating henerasyon ngayon na talamak na ang mga estudyante sa hayskul ang
mayroon ng kasintahan sa murang edad pa lamang. Baket kaya ganito? Ano nga ba ang
pakikipagrelasyon? “Ang pakikipagrelasyon ay hindi minamadali, hindi hinahanap at hindi biro”
Baket nga ba sa panahon ngayon ay uso na ang pakikipagrelasyon ng maaga? Una, dahil ito ang
nauuso ngayon ang mga kabataan sa panahon ngayon ay nakikiuso na mapa-social media, mapa-
salita, at sa mga bagay bagay, ay ginagaya na nila. At isang malaking halimbawa nga nito ay ang
pakikipagrelasyon ng maaga. Pangalawa, marahil ay nakikita nila ito sa mga kaklase o mga
kaibigan nila kaya nakikiuso sila makipagrelasyon. Pangatlo, ay ang problema. Marahil ay may
dinadala sila. Kaya minsan akala nila ang pakikipagrelasyon ang solusyon nito. At ang huli ay,
naiinggit. Gusto nilang maranasan kung ano ang nauuso ngayon. Gusto nilang maranasan kung
paano magmahal. Ngunit ang hindi nila alam maraming epekto ang pakikipagrelasyon ng maaga.
Ang pagkakaroon ng maagang relasyon ng isang estudyante ay may nakabitin na epekto sa pag-
aaral. Minsan kung ang kabataan ay masyadong nalululong sa pag-ibig nakakalimutan na nilang
mag-aral ng mabuti o minsan nakakalimutan na talaga nila ang pag-aaral. Nawawalan na sila ng
oras sa kanilang pag-aaral dahil ginugugol ang sarili sa kanilang karelasyon. Dahil sa
pagkakaroon ng karelasyon, madami tayong makukuhang epekto lalong lalo na sa pag-aaral. Isa
na rito ay ang kanilang mga pera at baon, nauubos lamang sa kaka-date sa kanilang karelasyon
sapagkat yan ang dahilan kung bakit nagiging hadlang ang isang relasyon sa pag-aaral. Ang
pagkakaroon ng karelasyon habang ikaw ay nag-aaral ay nakakabuti din. Kung minsan, ikaw ay
nagkakaroon ng inspirasyon tungo sa pag-aaral, dahil dito nagagawa mo ng husto ang pag-aaral.
Kung ang karelasyon mo ay masipag mag-aral, tiyak na ikaw ay sisipag rin sa pag-aaral. Hindi
naman sa lahat ng oras ang isang karelasyon ay nakakasama sa pag-aaral, sila din ang nagbibigay
ng inspirasyon at determinasyon sa isang estudyante na galingan sa kanilang pag-aaral.
Nakakatulong din ang isang relasyon sa paraan na maibigay natin ang ating sarili ng motibo na
maipabuti ang pag-aaral. Ang pagkakaroon ng isang relasyon o wala habang ikaw ay nag-aaral
ay hindi naman gaano nakakaapekto sa pag-aaral, depende na ito sa estudyante kung paano niya
pahalagahan ang kaniyang pag-aaral, may karelasyon man o wala. Ang importante ay mabalanse
ang oras ng pag-aaral sa iba pang gawain. Basta kaakibat lang ang pagiging determinado at
masunurin sa pag-aaral ang isang estudyante, tiyak na wala siyang problema sa pag-aaral kahit
na may karelasyon.

INTERNET

www.google.com

Pakikipagrelasyon/slideshare.com

Pakikipagrelasyon. pdf

www.abante.com.ph

https//www.google.com/amp/s/wearbeaches.wordpress.com/2015/07/10/maagang-

pakikipagrelasyon-ng-kabataa/amp/

AKLAT

 Bernales, Rolando A. et al. Pagabasa, Pagsulat, Pananaliksik. Malabon City,

Philippines: Mutya Publishing House. 2009


 Sizer-Web, Frances et al. Health: Making Life Choices. Cincinnati: West

Educational Publishing, 1999.

 Avelino, Soledad et al. Personality Development and Human Relations. Manila,

Philippines: Rex Printing Co. Inc., 1996.

 Steinberg, Laurence Adolescence: 6th Edition Boston: the McGraw-Hill

Companies, Inc., 2002.

 Lamberton, Lowell H Human Relation: Strategies for Success. Richard D. Irwin,

Inc. 1995.

JOURNALS

 Mendoza-Dayrit, Mylene. How love Improve Your Health. The Philippine Star.

February 7, 2012.

You might also like