You are on page 1of 19

1

KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH


SCHOOL SA DISTRITO NG JONES AT SAN AGUSTIN

(READING SKILLS OF SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS IN JONES


AND SAN AGUSTIN DISTRICTS)

REYNOLD B. BARTOLOME

ABSTRAK
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang kasanayan sa
pagbasa ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Distrito ng Jones at San
Agustin. Isinailalaim sa pag-aaral ang 400 na mga mag-aaral sa ika-12 baitang
ng senior hayskul. Random sampling ang ginamit sa pagpili ng mga respondent.
Ginamit ang pamaraang palarawang koreleysunal sa pananaliksik.
Batay sa isinagawang pag-aaral sa mga nagpatalang mag-aaral sa ika-12
baitang, higit na marami ang mga mag-aaral na babae kaysa sa mga lalake.
Mahigit sa kalahating bahagdan ng mga respondent ay gumagamit ng Ilokano
bilang una o katutubong wika, Higit na nakararami sa mga tagatugon ang
gumagamit ng aklat bilang kinagigiliwang babasahin. Sa mga panooring
pantelibisyon ay higit na kinagigiliwan ng mga respondent ang teleserye. Sa mga
kagamitang panteknolohiya naman, nakararami ang gumagamit ng cellphone.
Batay sa kinalabasan ng pagsusulit, kinakitaan na average o katamtaman
ang naging performans ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng salita at
batayang diskors. Kung susuriin, lumilitaw na may sapat na kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa ang mga mag-aaral.

Mga Susing Salita: Kasanayan sa Pagbasa, wastong gamit ng salita, batayang


diskors

ABSTRACT

The purpose of this study is to determine the reading skills of Senior High School
students in Jones and San Agustin Districts. The study composed of 400
respondents all in the 12th grade of senior high school. Random sampling was
used in selecting the respondents. Descriptive correlation was used in the
research methodology.

Based on the findings, there are more female respondents than male. More than
half of the respondents use Ilocano as the first or native language. Most of the
respondents use the book as a pleasure to read. In the television shows,
respondents are more interested in “teleserye”. With technological tools,
cellphones are mostly used.
2

Based on the outcome of the test, it shows that average or moderate


performances of students are based on the correct usage of word and
discourse. If reviewed, students have a good knowledge and skills to understand.

Keywords: Reading Skills, Usage of Word, Discourse

Panimula

Bahagi ng kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon, ang elementarya,


sekundarya at maging ang tersarya ang paglinang at pagpapatatag sa makrong
kasanayan ng mga mag-aaral at ito ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa na may
pag-unawa at pagsulat.

Napakarami nang mga pag-aaral ukol sa mga kasanayang ito. Patunay


lamang na sadyang napakahalaga ng mga kasanayang ito sa mga mag-aaral.
Sa mga nabanggit, ang kasanayan sa pag-unawa ang higit na dapat pag-ukulan
ng atensyon. Sinang-ayunan ito nina Villafuerte at Bernales (2008) nang kanilang
binanggit na kailangang bigyan ng prayoridad ng mga paraan sa kasanayan sa
pagbasa ang mapanuri at mataas na antas ng pag-iisip at mga kasanayang
pangkomunikasyon at interaksyong sosyal.

Sinasabing ang pagbasa na may pag-unawa ay nagbibigay daan sa


aktibong dayalogo sa pagitan ng nagbabasa at ng awtor o manunulat. Sa
pamamagitan ng episyenteng pagbabasa, mararamdaman ng tagabasa ang
saloobin ng awtor. Gayundin, nasusuri, nahahamon at nabibigyan niya ng
angkop na ebalwasyon ang nilalaman ng teksto.

Marami nang pag-aaral at pananaliksik sa pagbabasa ang naisagawa.


Marami ring pagpapakahulugan na naging bunga ng gawaing ito. Sinabi ni
Goodman (1973), na ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” na
kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang
hango sa tekstong binasa. Para sa kanay, ang gawaing ito ng pagbibigay
kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling
paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa at ibayo pang
pagpapakahulugan.

Nagbibigay si Caody (1979) ng elaborasyon sa kaisipan ni Goodman sa


pagbabasa. Ayon sa kanya, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto,
kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang
kakayahang bumuo ng mga konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso
ng mga impormasyon masasalamin sa teksto.

Ang pagbabasa ay isang komplikadong sistema ng pagbibigay kahulugan


mula sa mga nakalimbag na simbulo na kinakailangan ng mga mambabasa na
kilalanin ang kaalaman sa paksa, iugnay ang dating kaalaman o karanasan,
3

kasanayan sa pagbasa, kakayahang pangwika at ang motibasyon Filled (2003)

Inaasahan na gagamit ang mga guro ng iba’t ibang uri ng teksto sa


pagtuturo ng pagbasa upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pag-unawa. Ang iba’t ibang uri ng teksto ay makatutulong hindi lamang sa
pagpapalawak ng bokabularyo at kayarian ng wika. Nagagawa rin nitong
maitaguyod ang paglalapat ng mga mungkahing gawain upang malinang ang
kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

Ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng komprehensyon ay ang


debelopment ng mga kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa. Inaasahan na ang
gawaing ito’y makatutulong sa mga mag-aaral na makabuo, makapagpaliwanag,
makapaglapat at makapagpakahulugan nang mabisa sa mga tekstong
pasalaysay, palarawan, pangangatwiran at paglalahad na kanilang maririnig at
mababasa. Pangunahin sa tunguhin nito ay ang paglinang ng mataas na lebel ng
proseso ng pag-iisip at hindi lamang iyong simpleng paggunita ng mga
impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto.

Isinasagawa ang isang pagtataya sa antas ng pagbasang may pag-


unawa. Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng guro upang sukatin ang
paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Bukod dito, ang
isang guro ay nagbibigay ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyong
magagamit niya sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto ng
pagtuturo. Ang mga impormasyong makukuha ay magbibigay ng ilang kabatiran
hinggil sa kagalingan ng isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum.

Hinggil sa mga nakalap na impormasyon at pagsisiyasat sa pagbabasa,


ito ang nag-udyok sa mananaliksik upang tiyakin ang kasanayan sa pag-unawa
ng mga mag-aaral ng Senior High School sa distrito ng Jones at San Agustin
batay sa paggamit ng mga salita at batayang diskors sa pagbasa na ilan lamang
sa mga pinag-aaralan sa kurikulum ng K to 12.

Pamamaraan
Palarawang koreleysyunal o descriptive correlational na disenyo ang
angkop na gamitin sa pag-aaral na ito. Dito inilarawan ang propayl ng mga
tagatugon gayundin ang pagsusulit na ginamit sa pagtiyak sa antas at
kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral at titiyakin ang kaugnayan ng mga
nabanggit na baryabol.

Mga Respondent sa Pag-aaral

Ang mga piling mag-aaral mula sa ikalabindalawang baitang ng Senior


High School ng Jones Rural School, San Agustin National High School at
Dabubu High School-Main na mayroong bilang na apatnaraan (400), ang ginamit
na tagatugon ng mananaliksik. Gumamit ng random sampling upang matiyak na
4

magiging sapat ang bilang at magkaroon ng pantay na representasyon ng mga


tagatugon at nagsisilbing batayan ng kalalabasan ng pananaliksik na ito.

Pamaraan sa Pangangalap ng Datos


Personal na pinangasiwaan ng mananaliksik ang pagbibigay ng pagsusulit
gayundin ang pamamahagi at pamumudmod ng talatanungan sa mga mag-aaral.
Humingi ng pahintulot ang mananaliksik sa mga Punong Guro ng Senior High
School sa Distrito ng Jones at San Agustin gayundin sa mga nagtuturo ng
Filipino bago nagbigay ng pagsusulit at namahagi ng mga talatanungan sa mga
respondent. Ginamit ang mananaliksik ng pagsususlit nagawang guro o Teacher-
made Test upang malaman o masukat ang kasanayan sa pag-unawa ng mga
mag-aaral ng Senior High School.

Kagamitang Pang-istadistika
Isinaayos ng mananaliksik ang mga datos. Ginamit ang Inferential
Statistics at sinuri at binigyang interpretasyon ang pagbasang may pag-unawa sa
pamamagitan ng mga sumusunod na pamaraang istadistika katulad ng
Frequency Distributionna ginamit sa pagsusuri sa propayl ng mga mag-
aaral,Percentage Distribution na ginamit sa pagsusuri ng mga datos na nakalap
mula sa pagsusulit at Kendalls Tau’b upang tiyakin ang pagkakaiba ng
performance ng mga mag-aaral batay sa propayl sa resulta ng pagsusulit.

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS.

Profayl ng mga Mag-Aaral

Sa bahaging ito ng pag-aaral, tinitiyak ang propayl ng mga mag-aaral na


tagatugon batay sa kasarian, unang wika, kinagigiliwang babasahin,
kinagigiliwang panooring pantelebisyon at kinagigiliwamg kagamitang
panteknolohiya.

Makikita sa Talahanayan 1, ang profayl ng mga mag-aaral batay sa


kasarian, unang wika at mga kinagigiliwang babasahin, panooring pantelibisyon
at kagamitang panteknolohiya.

Kasarian. Batay sa kasarian ng mga tagatugon, sa kabuuang bilang na 231,


makikita na higit na nakararami ang mga tagatugong babae na may bilang na
124 or 53.68 porsyento samantalang mayroon namang 107 o 46.32 porsyento na
mga lalaki.

Unang Wika. Pinakamarami sa kanila ay may unang wika na ilokano na


may 168 o 72.73 porsyento. Ang mga mag-aaral na ang unang wika ay Tagalog
5

ay may bilang na 38 o 16.45 porsyento, habang ang Ifugao naman ay may bilang
na 11 o 4.76 poryento. May tig-lilima o 2.16 poryento sa mga mag-aaral na
may unang wika na Ingles at Itawis at 4 naman o 1.73 porsyento ay Yogad.

Mga kinagigiliwang babasahin. Sa mga kinagigiliwang babasahin, higit na


nakararami ang aklat na may bilang na 140 or 60.61 porsyento, na sinusundan
ng komiks na may bilang na 99 or 42.86, ang magasin na may bilang na 25 or
10.82 porsyento . Kinagigiliwang basahin ng mga mag-aaral ang diksyunaryo na
mayroong 25 or 10.82 porsyento. Ang pahayagan ay kinagigiliwang basahin ng
20 or 8.66 porsyento na mag-aaral at 12 0r 5.19 porsyento ang aklat.

Talahanayan 1. Profayl ng mga Mag-aaral

Frequency
Profayl Percent
n=231
Kasarian
Lalaki 107 46.32
Babae 124 53.68
Unang Wika
Ilokano 168 72.73
Tagalog 38 16.45
Ingles 5 2.16
Yogad 4 1.73
Ifugao 11 4.76
Itawis 5 2.16
Kinagigiliwang Babasahin
Aklat 140 60.61
Sanayang Wika 12 5.19
Magasin 47 20.35
Pahayagan 20 8.66
Komiks 99 42.86
Diksyunaryo 25 10.82
Kinagigiliwang Panooring Pantelebisyon
Balita 67 29.00
Teleserye 122 52.81
Sports 47 20.35
Cartoons 74 32.03
Pelikula 89 38.53
Iba pa 1 0.43
Kinagigiliwang Kagamitang Panteknolohiya.
Telebisyon 80 34.63
Cellphone 200 86.58
6

Digital Camera 15 6.49


Computer/Laptop 85 36.80
Tablet 37 16.02
Play Station 12 5.19

Kinagigiliwang Panooring Pantelebisyon. Sa mga kinagigiliwang panooring


pantelebisyon, higit na nakararami ang pagkahilig sa teleserye na may bilang na
122 o 52.81 porsyento na sinusundan ng 89 o 38.53 porsyento sa pelikula. Ang
Cartoons ay kinahihiligan ng 74 o 32.03 porsyento sa mag-aaral, habang 67 o
29.00 porsyento sa balita, 47o 20.35 porsyento sa Sports at isa or 0.43
percent ay may hilig sa panonood ng iba pa.

Kinagigiliwang kagamitang panteknolohiya.Sa mga kinagigiliwang


kagamitang panteknolohiya, makikita sa talahanayan 1 na ang cellphone ay
ginagamit ng halos lahat ng mag-aaral na may bilang na 200 or 86.58 porsyento.
Ito ay sinundan naman ng 85 o 36.80 porsyento na nahihilig sa Computer/Laptop
at 80 o 34.63 porsyento sa telebisyon. May 37 na mag-aaral o 16.02 porsyento
ang kinagigiliwan ay tablet, 15 o 6.49 porsyento ay digital camera at 12 o 5.19
porsyento ay play station.

Antas ng Pagbasang May Pang-unawa ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng mga

Salita at Batayang Diskors

Sa bahaging ito inilalahad ang antas ng pagkaunawa sa pagbasa sa


paggamit ng salita particular na ang wastong gamit, paggamit ng mga
idyomatikong pahayag, paggamit ng mga tayutay maging ang batayang diskors
sa makrong kasanayang paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at
pangangatwiran.

Paggamit ng mga Salita.Sa ilalim ng paggamit ng mga salita tiniyak ang


antas ng pagkaunawa sa wastong gamit, paggamit ng idyomatikong pahayag at
tayutay. Batay sa talahanayan, sa kabuuang bilang na 231 mga mag-aaral na
tagatugon, may 168 o 72.73 bahagdan ang nakakuha ng average o
katamtamang marka, may 33 o 14.29 ang above average o mataas sa
katamtaman at mayroon namang 30 o 12.99 ang nasa below average o mababa
sa katamtaman. Sa bahaging paggamit ng idyomatikong pahayag, may 189 0
81.82 porsyento ang nakakuha ng average o katamtaman, 27 o11.69 ang below
7

average o mababa sa katamtaman at mayroon lamang 15 o 6.49 ang nasa


above average o mataas sa katamtaman. Sa kabilang dako, may 166 o 71.86
bahagdan ang nasa average o katamtaman, 40 o 17.32 ang above average o
mataas sa katamtaman at 25 o 10.82 ang below average o mababa sa
katamtaman sa bahaging paggamit ng tayutay. Ang lahat ng kasanayan sa
paggamit ng salita ay nasa antas o lebel na average o katamtaman lamang

Talahanayan 2. Antas ng Pang-unawa ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng mga


Salita at Batayang Diskors.

Above Below
Average Mean
Area Average Average Level
Score
f % F % F %
A. Paggamit ng mga Salita
a. Wastong Gamit 33 14.29 168 72.73 30 12.99 55.76 Average
b. Paggamit ng mga
Idyomatikong
Pahayag 15 6.49 189 81.82 27 11.69 70.19 Average
c. Paggamit ng mga
Tayutay 40 17.32 166 71.86 25 10.82 50.95 Average
B. Batayang Diskors
a. Paglalarawan 48 20.78 60 25.97 123 53.25 44.55 Average
b. Pagsasalaysay 24 10.39 163 70.56 44 19.05 58.57 Average
c. Paglalahad 48 20.78 135 58.44 48 20.78 44.55 Average
d. Pangangatwiran 39 16.88 181 78.35 11 4.76 63.94 Average
Overall Performance 35 15.15 157 67.97 39 16.88 55.50 Average

Batayang Diskors. Bahagi ng pag-aaral sa kasanayan sa batayang diskors


ang mga makrong kasanayan sa paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at
pangangatwiran. Batay sa talahanayan sa bahaging paglalarawan higit na
nakararami sa mga mag-aaral ang nasa antas na below average o mababa sa
katamtaman na may bilang na 123 o 53.25 bahagdan na sinusundan ng
average o katamtaman na may bilang na 60 o 25.97 bahagdan at 48 o 20.78
bahagdan sa above average o mataas sa katamtaman. Sa kategoryang
pagsasalaysay, higit na nakararami ang may bilang na 163 o 70.56 bahagdan
ang average o katamtaman habang ang below average o mababa sa
katamtaman ang may bilang na 44 o 19.05 bahagdan. Samantala, mayroong
bilang na 24 0 10.39 bahagdan ang nasa above average o mataas sa
katamtaman. Sa bahaging paglalahad, masasalamin na higit ding nakararami
ang average o katamtaman na may bilang na 135 o 58.44 bahagdan habang
may parehong bilang na 48 o 0.78 bahagdan ang above average o mataas sa
katamtaman at below average o mababa sa katamtaman. Ang performans ng
mga mag-aaral. Higit ding nakararami sa mga mag-aaral na may bilang na 181
8

o 78.35 bahagdan ang may antas na average o katamtaman sa pagsusulit na sa


pangangatwiran. Ito ay sinundan naman ng 39 o 16.88 bahagdan na above
average o mataas sa katamtaman at 11 o 4.76 bahagdan na below average o
mababa sa katamtaman.. Sa mga nakasaad na datos batay sa nakuhang iskor
ng mga mag-aaral sa batayang diskors, ang mean score na 44.55, 58.57, 44.55
at 63.94 ay nagpapatunay na ang mga mag-aaral na isinailalaim sa pananaliksik
ay mayroon lamang katamtaman o average ang antas ng kanilang kaalaman sa
paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.

Para sa pangkalahatang performans, makikita sa Talahanayan 2 na


nangunguna ang average o katamtaman na may 157 o 67.97 bahagdan,
sinusundan ito ng below average o mababa pa sa katamtaman na may bilang na
39 o 16.88 bahagdan at ang panghuli ay ang above average o mataas sa
katamtaman na may 35 o 15.15 bahagdan. Tumanggap ang tatlong antas ng
average o katamtamang iskor lamang.

Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-Aaral at ng Kanilang Profayl

Ang ugnayan ng antas ng pagbasa at profayl ng mag-aaral ay ipinakikita sa


ikatlo hanggang ika-anim na talahanayan.

Talahanayan 3. Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-Aaral at ang


Kanilang Kasarian at Unang Wika.

Kasarian Unang Wika


Area
Corr. Sig. Corr. Sig.
A. Paggamit ng mga Salita
a. Wastong Gamit 0.07 ns 0.19 0.08 ns 0.16
b. Paggamit ng mga Idyomatikong
Pahayag 0.15* 0.01 -0.17* 0.00
c. Paggamit ng mga Tayutay 0.05 ns 0.40 -0.14* 0.01
B. Batayang Diskors
a. Paglalarawan 0.07 ns 0.23 0.03 ns 0.63
b. Pagsasalaysay 0.14* 0.02 -0.08 ns 0.12
c. Paglalahad 0.07 ns 0.23 0.03 ns 0.63
d. Pangangatwiran 0.08 ns 0.16 -0.10 ns 0.06
Overall Performance 0.14* 0.01 -0.07 ns 0.16
*Significant ns Not Significant

Makikita sa Talahanayan 3 na ang antas ng paggamit ng mga idyomatikong


pahayag ng mga mag-aaral ay may mahalagang kaugnayan sa kanilang
kasarian batay sa correlation value na 0.15 na may significance level na 0.01.
Sa batayang diskors naman, ang makrong kasanayan sa pagsasalaysay ay may
9

mahalagang kaugnayan sa kasarian ng mga respondent sa 0.14 correlation


value sa significance level na 0.02. Ang pangkalahatang performance sa
ugnayan ng antas ng pagbasa na may kinalaman sa paggamit ng salita at
batayang diskors at ng kasarian ay 0.14 correlation value sa 0.01 significance
level.

Batay pa rin sa talahanayan 3, walang mahalagang kaugnayan ang mga


kasanayan sa paggamit ng salita at batayang diskors at ang propayl sa unang
wika maliban sa paggamit ng idyomatikong pahayag na may -0.17 at ng
paggamit ng tayutay na may -0.14. Ito ay nangangahulugang negatibo o di-
tahasang magkatumbas ang paggamit ng idyomatikong pahayag at ng tayutay
sa kasarian bilang propayl ng mga tagatugon o nangangahulugang ang unang
wika ay hindi makatutulong sa pagpapataas ng antas sa pagbasang may pag-
unawa. Sinuportahan ito ng pag-aaral na isinagawa ni Alombro (2015) at Viray
(2017). Batay sa kinalabasan ng kanilang pananaliksik napatunayang sadyang
walang mahalagang pagkakaiba o insignificant ang performans ng mga
respondent sa pagsusulit na gawang guro sa pagbasang may pag-unawa batay
sa kanilang unang wika.

Sa Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-aaral at Kinagigiliwang


Babasahin na makikita sa Talahanayan 4 na may mahalagang ugnayan ang aklat
bilang kinagigiliwang babasahin at wastong gamit na may 0.15 correlation value
sa significance level na 0.01 at paggamit ng tayutay na may 0.11 correlation
value sa 0.05 significance level. Sa batayang diskors, ang makrong kasanayan
sa paglalarawan na may 0.17, pagsasalaysay sa 0.13, paglalahad na may 0.17
at pangangatwiran na may 0.13 correlation values sa significance level na 0.5
pababa ay may mahalagang kaugnayan sa aklat bilang kinagigiliwang
babasahin. Ang pangkalahatang performans sa ugnayan ng dalawang baryabol
ay 0.20 correlation value sa significance level na 0,00..

Sa ugnayan naman ng mga kasanayan sa pagbasa at paggamit ng


sanayang aklat, tanging ang makrong kasanayan sa pagsasalaysay ang may
mahalagang ugnayan sa sanayang aklat sa tinuos na 0.13 correlation value sa
0.03 significance level.

Makikita rin ang ugnayan ng makrong kasanayan sa paglalarawan at ng


kinagigiliwang babasahing magasin gayundin ng paglalahad na may parehong
tinuos na 0.14 correlation value.
10

Talahanayan 4. Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-Aaral at ng Kinagigiliwang Babasahin.

Aklat Sanayang Aklat Magasin Pahayagan Komiks Diksyunaryo


Area
Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig.
A. Paggamit ng mga Salita
a. Wastong Gamit 0.15* 0.01 -0.04 ns 0.53 -0.08 ns 0.18 0.07 ns 0.21 -0.02 ns 0.67 -0.01 ns 0.91
b. Paggamit ng mga
Idyomatikong Pahayag 0.06 ns 0.28 0.03 ns 0.54 0.03 ns 0.64 -0.02 ns 0.69 0.06 ns 0.26 -0.10 ns 0.08
c. Paggamit ng mga
Tayutay 0.11* 0.05 0.02 ns 0.71 0.04 ns 0.48 0.12* 0.04 -0.01 ns 0.80 -0.04 ns 0.49
B. Batayang Diskors
a. Paglalarawan 0.17* 0.00 -0.03 ns 0.61 0.14* 0.02 0.11 ns 0.06 -0.12* 0.03 0.08 ns 0.17
b. Pagsasalaysay 0.13* 0.02 0.13* 0.03 0.11 ns 0.06 0.13* 0.03 -0.08 ns 0.16 -0.06 ns 0.29
c. Paglalahad 0.17* 0.00 -0.03 ns 0.61 0.14* 0.02 0.11 ns 0.06 -0.12* 0.03 0.08 ns 0.17
d. Pangangatwiran 0.13* 0.02 -0.05 ns 0.39 -0.04 ns 0.45 -0.01 ns 0.82 -0.08 ns 0.17 0.07 ns 0.25
Overall Performance 0.20* 0.00 0.04 ns 0.50 0.09 ns 0.11 0.13* 0.02 -0.07 ns 0.20 0.02 ns 0.74

ns
*Significant Not Significant
11

Ang pagkahilig sa pagbasa ng pahayagan ay mayroon ding mahalagang


ugnayan sa antas ng paggamit ng mga tayutay at batayang diskors sa
pagsasalaysay. Ito ay batay sa tinuos na correlation value na 0.12 at 0.13 na
may significance level na mababa pa sa 0.05. Batay dito, habang tumitindi ang
pagkahilig ng mga mag-aaral sa pagbasa ng pahayagan ay tumataas din ang
antas ng kanilang pag-unawa sa paggamit ng tayutay at pagsasalaysay.

Batay sa tinuos na figyur , may mahalagang kaugnayan ngunit di-tahasan o


negatibo ang antas ng paglalarawan at paglalahad sa pagbasa ng komiks na
may parehong correlation na -0.12 sa significance level na 0.03. Sumakatwid,
ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa babasahing diksyunaryo ay walang
mahalagang kaugnayan sa bahaging paggamit ng mga salita at batayang diskors
bilang kinagigiliwang babasahin. Sa kabuuan, makikita na ang pagkahilig ng mga
mag-aaral sa pagbasa ng aklat, at pahayagan ay may mahalagang kaugnayan
sa antas ng pagbasa ng nga mag-aaral na may correlation value na 0.20 sa
significance level na 0.00 at correlation value na 0.13 sa significance level na
0.02. Batay dito, masasabing kapag tumitindi ang pagkahilig ng mag-aaral sa
pagbasa ng aklat at pahayagan ay siya naman ang pagtaas ng antas o
performans sa antas ng pagbasang may pag-unawa sa Filipino. Taliwas ito sa
pag-aaral ni Gomez (2014). Batay sa kinalabasan ng kanyang pananaliksik
walang mahalagang kontribusyon sa kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-
aaral ang mga kinagigiliwang babasahin.

Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-aaral at ng Kinagigiliwang Panooring


Pantelebisyon

Ipinakikita sa bahaging ito ang ugnayan sa antas ng pagbasa sa paggamit


ng mga salita at batayang diskors at ng kinagigiliwang panooring pantelebisyon
tulad ng balita, teleserye, sports, cartoons, pelikula at iba pa na makikita sa
talahanayan 5 pahina 29. Batay sa tinuos na figyur, may mahalagang kaugnayan
ang paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad sa kinagigiliwang panooring
pantelebisyon katulad ng panonood ng balita. Ito ay pinatunayan ng tinuos na
correlation values na magkaparehong 0.15 sa parehong level of significance na
0.01 sa bahaging paglalarawan at paglalahad at 0.12 sa significance level 0.03
sa bahaging pagsasalaysay.. Ito ay nangangahulugang habang tumataas ang
pagkagiliw ng mga mag-aaral sa panonood ng balita ay gayundin ang pagtaas
ng kanilang antas sa paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad.

Sa correlation value na 0.14 at 0.20 at significance levels na 0.01 at 0.00,


may mahalagang kaugnayan ang pagkagiliw ng mga mag-aaral sa panonood ng
teleserye at ng kanilang antas sa paggamit sa idyomatikong pahayag, at
pagsasalaysay. Sumakatwid, ang performans ng mga mag-aaral sa puntong ito
ay lalong tumataas dahil sa pagkagiliw nila sa panonood ng teleserye. Ang antas
ng kakayahan sa wastong gamit, paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad ng
mga mag-aaral ay mataas dahil sa pagkahilig sa panood ng cartoons. Ang
obserbasyong ito ay pinatunayan sa correlation value na 0.12, 0.14 at
12

magkaparehong 0.13 na may mga significance levels na mas mababa sa 0.05.

Sa ugnayan naman ng kasanayan sa pagbasa at pagkahilig sa panonood ng


pelikula, ang parehong correlation values na 0.17 na may 0.00 significant levels
ay nagpapatunay ng mahalagang ugnayan ng pagkahilig ng mga mag-aaral sa
panonood ng pelikula at kanilang antas ng pagbasang may pag-unawa.
Sumakatuwid, may malaking tsansa mga mag-aaral na makakuha ng mataas na
antas o perfromans sa paglalarawan at paglalahad dahil sa kanilang pagkahilig
sa panonood ng pelikula . Sa kabuuan, batay sa tinuos na figyur, masasalamin
na ang overall performans ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa ay
tumataas habang ang antas ng kanilang pagkahilig sa panonood ng balita,
teleserye, cartoons at pelikula ay tumataas din. Ito ay pinatunayan ng
magkaparehong correlation value na 0.13, 0.12 at 0.14 na may significance level
na mababa sa 0.05
13
14

Talahanayan 5. Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-Aaral at ng Kinagigiliwang Panooring Pantelebisyon.

Balita Teleserye Sports Cartoons Pelikula Iba Pa


Area
Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig.
A. Paggamit ng mga Salita
a. Wastong Gamit 0.06 ns 0.31 0.10 ns 0.09 -0.02 ns 0.76 0.12* 0.04 0.01 ns 0.88 -0.08 ns 0.15
b. Paggamit ng mga
Idyomatikong Pahayag -0.03 ns 0.65 0.14* 0.01 -0.04 ns 0.52 -0.02 ns 0.75 0.03 ns 0.64 -0.07 ns 0.25
c. Paggamit ng mga Tayutay 0.05 ns 0.41 -0.03 ns 0.65 0.03 ns 0.55 0.06 ns 0.31 0.03 ns 0.54 -0.03 ns 0.62
B. Batayang Diskors
a. Paglalarawan 0.15* 0.01 0.04 ns 0.45 0.02 ns 0.72 0.13* 0.02 0.17* 0.00 -0.01 ns 0.85
b. Pagsasalaysay 0.12* 0.03 0.20* 0.00 -0.07 ns 0.20 0.14* 0.01 0.07 ns 0.23 -0.09 ns 0.13
c. Paglalahad 0.15* 0.01 0.04 ns 0.45 0.02 ns 0.72 0.13* 0.02 0.17* 0.00 -0.01 ns 0.85
d. Pangangatwiran 0.08 ns 0.15 0.01 ns 0.83 -0.08 ns 0.17 -0.05 ns 0.40 0.05 ns 0.40 -0.02 ns 0.76
Overall Perfromance 0.13* 0.02 0.12* 0.03 -0.01 ns 0.85 0.13* 0.02 0.14* 0.01 -0.06 ns 0.24

ns
*Significant Not Significant
15

Talahanayan 6. Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-Aaral at ng Kinagigiliwang Kagamitang Panteknolohiya

Telebisyon Cellphone Digital Camera Computer/Laptop Tablet Play Satation


Area
Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig. Corr. Sig.
A. Paggamit ng mga Salita
a. Wastong Gamit 0.06 ns 0.32 0.04 ns 0.49 0.00 ns 0.95 -0.01 ns 0.90 -0.04 ns 0.48 -0.01 ns 0.88
b. Paggamit ng mga
Idyomatikong Pahayag 0.07 ns 0.24 0.15* 0.01 -0.01 ns 0.88 0.08 ns 0.16 -0.03 ns 0.63 -0.02 ns 0.69
c. Paggamit ng mga Tayutay 0.11* 0.05 0.07* 0.18 0.07 ns 0.19 0.07 ns 0.21 0.08 ns 0.15 0.00 ns 0.96
B. Batayang Diskors
a. Paglalarawan 0.08 ns 0.16 0.16* 0.01 0.08 ns 0.19 0.13* 0.03 0.09 ns 0.10 0.01 ns 0.90
b. Pagsasalaysay 0.06 ns 0.28 0.14* 0.01 -0.04 ns 0.44 0.13* 0.02 0.07 ns 0.24 -0.03 ns 0.63
c. Paglalahad 0.08 ns 0.16 0.16* 0.01 0.08 ns 0.19 0.13* 0.03 0.09 ns 0.10 0.01 ns 0.90
d. Pangangatwiran 0.02 ns 0.77 0.08 ns 0.17 -0.08 ns 0.14 0.02 ns 0.74 -0.02 ns 0.69 -0.05 ns 0.43
Overall Perfromance 0.12* 0.03 0.19* 0.00 0.04 ns 0.44 0.15* 0.00 0.08 ns 0.16 -0.01 ns 0.91
ns
*Significant Not Significant
16

Ugnayan ng Antas ng Pagbasa ng Mag-aaral at ng Kinagigiliwang Kagamitang


Panteknolohiya.

Makikita pa rin sa talahanayan 6, ang ugnayan ng antas ng pagbasang may pag-unawa at ng


kinagigiliwang kagamitang panteknolohiya tulad ng telebisyon, cellphone, digital camera,
computer/laptop, tablet at play station.

Ang correlation value na 0.11 na may significant level na 0.05 ay nagpapakita ng


mahalagang ugnayan sa pagitan ng antas ng paggamit ng tayutay ng mag-aaral at ang kanilang
pagkagiliw sa telebisyon. Masasalamin na ang mataas na pagkagiliw ng mga mag-aaral sa
telebisyon ay nakatutulong sa pagtaas ng kanilang antas o performans sa paggamit ng tayutay.

Ang mga correlation value mula 0.15, 0.07, magkaparehong 0.16 at 0.14 ay may
significance levels na mababa pa sa 0.05 ay nagpapakita ng mahalagang ugnayan ng pagbasang
may pag-unawa at ng cellphone bilang kagamitang panteknolohiya . Samakatuwid, ang antas
ng .paggamit ng mga idyomatikong pahayag, paggamit ng mga tayutay at ng batayang diskors
katulad ng paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad ay tumataas kung ang kanilang
pagkagiliw sa paggamit ng cellphone ay tumitindi.

Ang digital camera, tablet at play station bilang kagamitang panteknolohiya ay kinakitaan
ng walang kaugnayan sa antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga salita at
batayang diskors.

May mahalagang ugnayan ang antas o performans ng mga mag-aaral sa batayang diskors
katulad ng paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad at ng kanilang pagkagiliw sa paggamit ng
computer o laptop. Ito ay pinatunayan ng tinuos na magkaparehong correlation value na 0.13 sa
magkaparehong significance levels na 0.3 at 0.02 Makikita sa tinuos na figyur na kapag matindi
ang kanilang pagkahilig sa paggamit ng mga kagamitang panteknolohiya ay may malaking
tsansa na sila ay magkaroon ng mataas na antas o performans sa batayang diskors katulad ng
paglalarawan, pagsasalaysay at paglalahad.
Sa kabuuan, ang correlation value na 0.12, 0.19 at 0.15 na may significance levels na 0.03 at
0.00 ay nagpapatunay na may mahalagang ugnayan ang overall o pangkalahatang performans ng
mga mag-aaral sa pagbasa at ng kanilang pagkahilig sa kagamitang panteknolohiyang telebisyon,
cellphone at computer/laptop. Ito ay pinatunayan sa pag-aaral ni Gomez (2014). Batay sa
kinalabasan ng pananaliksik, ang kagamitang panteknolohiya ay may mahalagang kaugnayan sa
kabuuang pag-unawa ng mga bata. Ito ay nakatutulong o nakaaapekto sa pagpapabuti sa
kakayahan sa pag-unawa ng mga tagatugon. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay taliwas
naman sa pananaliksik na isinagawa ni Viray (2017). Batay sa kinalabasan ng kanyang pag-aaral,
napatunayang walang kaugnayan ang paggugol sa paggamit ng medya o kagamitang
panteknolohiya sa lawak ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pang-unawa sa araling pangwika.
17

Konklusyon
Batay sa mga datos na kinalap at sinuri, ang mga sumusunod na konklusyon ay
nabuo.
Higit na nakararami ang mga babae kaysa sa mga lalaki na nakatala sa ika-12
bilang sa ilalim ng K to 12 Basic Education Program, nakahihigit sa bilang ang mga
respondent na nagsasalita ng Ilokano bilang unang wika, kinagigiliwang babasahin ang
aklat, higit na nakararami ang teleserye sa panooring pantelebisyon, at cellphone ang
pinakagamiting panteknolohiya.

May mahalagang kaugnayan ang propayl ng mga tagatugon sa kasarian sa


paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagsasalaysay gayundin ang unang wika sa
antas ng pag-unawa sa pagbasa sa paggamit ng mga idyomatikong pahayag at
paggamit ng tayutay ngunit ito ay negatibo o di-tahasan na nanganaghulugang hindi
nakatutulong sa pagpapatas sa antas ng kasanayan sa pagbasa.Sa isang banda
naman, maaaring makapagpapababa sa antas ng pagbasa ng mga mag-aaral ang
propayl sa kasarian at unang wika sa ilang lawak ng kakayahan sa pag-unawa.

Sa pagsusulit sa antas ng pag-unawa, nasa lebel na katamtaman lamang ang


mga batang respondent.

Rekomendasyon
Sa tanglaw ng mga kinalabasan ng pananaliksik na ito, ang mga sumusunod ay
iminumungkahi.

1. Gamitin ang pagsusulit na gawang-guro para sa mga mag-aaral bilang batayan sa


pagtiyak sa kanilang kahandaan sa pag-unawa sa pagbasa. Gayundin, ang kinalabasan
sa pagsusulit ay maaaring maging batayang impormasyon sa mga kahusayan at
kahinaan ng mga mag-aaral sa antas ng pag-unawa sa paggamit ng mga salita at

batayang diskors. At maaaring alalayan sa pagbuo/paggamit ng mga epektibong


estratehiya at paggawa ng mga napapanahong kagamitang panturo.

2. Pag-iibayuhin pa ang kasanayang pagbabasa sa mga babasahin upang madebelop


ang kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral.

3. Maaaring tiyakin ang interes ng mga mag-aaral at iaangkop ang mga akda sa
kanilang kakayahan sa pagbabasa.

4. Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pagbabasa sa mga piling akdang pampanitikan


lalo na sa mga literaturang lokal, e-books at internet upang lalong mapahusay ang
kanilang kakayahan sa pagbasa.

5. Iminumungkahi rin na gumawa ng kaugnay na pag-aaral tungkol naman sa ibang


asignatura katulad ng Ingles.
18

6. Maaari ring magsagawa ng katulad na pag-aaral na isasaalang-alang naman ang


propayl ng mga magulang katulad ng propesyon, pinag-aralan at estado ng
pamumuhay.

SANGGUNIAN
Mga Aklat
Badayos, Paquito B. (1999) Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Makati City:
Grandwater Publishing and Reasearch Corporation.

Bette, Emmet A. (1984). Foundation of Reading Instruction. New York: American Book
Co.

Caroll, John C, “Words, Meaning & Concepts In Language Learning”, (New York
Harcourt, Bran & World Inc., 1966) p. 73.

Espiritu, Jose D., Masaklaw na Filipino (Quezon City, Rex printing Company, Inc., 1990
p. 36

Goodman, Kenneth S. 1967. Reading: A Psycholinguistic guessing game, Journal of


Reading specialist, 6. Reprinted in Theoretical Models and Processes of reading, ed. H.
Singer &R.B..Rudell. Hillsdale, N.J.: Lawrence Eribaum.

Lado,Robert. Linguistic Across Cultures. Ann Arbor: The University of


Michigan Press, 1961.

Villafuerte, Patrociano A. at R.A. Bernales (2008) Pagtuturo sa Filipino; Mga Teorya at


Praktika. Malabon City: Mutya Publishong House.

Mga Di-Nailathalang Tesis


Alombro, Perlita S. (2015) “Kahandaan sa Wikang Filipino sa Ilalim ng K to 12 Basic
Education Program ng mga Mag-aaral sa Ikasampong
Baitang. Di-Nalathalang Tesis, Isabela State University, Echague Isabela.

Benwag, Grace A. (2013). “Reading Comprehension of the Grades I to 3 Pupils of Phil.


Yuh Chiau School.” Di-Nalathalang Tesis, Isabela State University, Echague, Isabela.

Gomez, Erlinda L. (2014). Kakayahan sa Pag-unawa ng mga Mag-aaral sa Ikalawang


Baitang/Grado ng Kurikulum na K+12, Antas Sekundarya ng Tatlong Paaralang
Laboratoryo ng Isabela State University. Di-Nalathalang Tesis, Isabela State University,
19

Echague Isabela.

Nape, Estelita Q. (2008) “Reading Comprehension Skills of High School Students at


Infant Jesus Montessori School in Santiago City,” Di-Nalathalang Tesis, Isabela State
University, Echague, Isabela.

Panaga, Eliza S. (2012) “ Pupils’ Reading Proficiency & Teachers’ Motivational Level in
Elementary Schools of Echague Isabela”. Di-Nalathalang Tesis, Isabela State
University, Echague Isabela.

Rivero, Roldan R. (2016) “ Literary Reading Comprehension Skills of Students at


School of Saint Joseph, Naguilan Isabela”. Di-Nalathalang
Tesis, Isabela State University, Echague
Isabela.

Viray, Dhaner G. (2017) “Kahandaan sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa


Ikalabing-Isang Baitang sa Ilalim ng K to 12 Basic Education
Program”.Di-Nalathalang Tesis, Isabela State University,
Echague Isabela.

Magazine/Journal
Lalunio, Lydia P. 1984, Reading Comprehension, Predicting Outcomes & Critical
Evaluation. Modern Teacher, Manila

Mga Elektronikong Sanggunian


http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/pangangatwiran-argumentatib.html
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html

You might also like