You are on page 1of 11

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura

Tinutukoy sa bahaging ito ng kabanata ang mga kaugnay na literatura.

Mahalaga ang bahaging ito sa kadahilanang mapapalitaw nito ang kabuluhan ng pag-

aaral at ito ay nagsisilbing gabay sa pagsusuring ginawa sa pananaliksik.

Ang pagbasa ay isang napakagandang gawain na kung saan malayang

makapag-isip ang mga mag-aaral na maaaring matangay ang imahinasyon ng mga

mambabasa. Hindi makakaila na sa henerasyon ngayon, maraming mga mag-aaral

ang nahihirapang umintindi sa mga babasahing Filipino. Sa tulong ng Tugunang

Pagtatanong o Reciprocal Questioning (ReQuest) na dulog mas mapapaunlad ang

mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, pag-unawa ng binasa at paglalapat

sa tunay na buhay ng mga natutunan mula sa binasang teksto.

Ang Reciprocal Questioning (ReQuest) o Tugunang Pagtatanong ni Manzo

(1969) ay idinisenyo upang maiangat ang komprehensyon ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng reciprocal na pagtatanong ng guro at mag-aaral. Isinaalang-alang

ng dulog na ito ang pagmomonitor sa sarili hinggil sa prosesong isinasagawa sa pag-

unawa sa teksto.

Konektado ito sa inilahad ni Constantino (2008) na may ilang epektibong

atityud sa pagbasa. Una, pagiging alerto-laging inaalam kung ano ang sinasabi ng

awtor at paano sinabi; pangalawa, may fleksibilidad, may malawak na kaalaman at

kasanayan sa pagbasa at pag-iisip at nagagamit ang mga ito depende sa sinasabi ng

awtor at paano ito sinasabi at pangatlo, nakapagsasarili–nakagagawa ng sariling

pangangatwiran, pagsusuri, paghuhusga, at pagtatasa.


Sa pamamagitan ng dulog Tugunang Pagtatanong naipapahayag ng mga mag-

aaral ang kanilang nalalaman patungkol sa may-akda at sa ginawa nitong teksto sa

paraan ng pagtatanong. Kinakikitaan din ang mga mag-aaral ng kakayahang

maibagay ang kanilang naiisip sa pangyayari sa akdang binabasa na kung saan

binibigyan nila ito ng linaw sa pamamagitan ng pagtatanong sa guro. Ang apekto ng

epektibong atityud sa pagbabasa ay nakakapagtulak sa mga mag-aaral na

magkaroon ng sariling pangangatwiran sa oras na ang guro ay magtatanong. Hindi

lang basta-bastang sasagot ang mga mag-aaral sa kung ano lang ang nabasa sa akda

bagkus susuri at bibigyan ng konstraktibong pagpupuna ang akdang nabasa.

Pinagtibay ito sa iminungkahi ni Saucer (mula kay Ranco, 2002) na ang

kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay

sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi

at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga mag-aaral na

magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng kawili-

wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.

Sinabi naman nina Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal (2005) na “Habang

ang mga magaaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang

din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto” (ph.4-12)

Malaki ang katungkulan ng pagbabasa sa paglinang ng pag-uunawa ng mga

mag-aaral. Kung kaya humahanap ng iba’t ibang paraan, estratehiya o dulog ang mga

guro upang mas maging kasiya-siya ang pagtatamo ng karunungan sa binasang

teksto. Ang Tugunang Pagtatanong bilang dulog ay napakalaking tulong upang

magabayan ang guro sa pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral upang bumasa.


Magiging isang matibay na modelo ang papel ng isang guro kung gagamitin ang

dulog Tugunang Pagtatanong sapagkat dapat na maging tapat ito sa pagsasagot sa

mga katanungan ng mag-aaral upang ito rin ang gagawin sakaling ang mga mag-

aaral na ang sasagot sa mga katanungan ng guro. Habang patuloy ang pagpapalitan

ng pagtatanong ng guro at mga mag-aaral, yumayabong at umuunlad ang kaalaman

nila patungkol sa teksto.

Sa pag-aaral namang ginawa ni Sencibaugh (2007) sinabi niyang “Ang mga

mag-aaral na may mababang komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa

semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan ng pagbibigay kahulugan sa mga salita”

(ph. 6-22).

Ayon din kina Van Den Broek at Espin (2012) “Ang pagbasang may pag-

unawa ay isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at

kognitibong proseso na nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang

mental na representasyon ng isang teksto” (ph. 315).

Ang pagkakaroon ng malalalim na mga salita sa iba’t ibang Filipinong

babasahin ay hindi maiiwasan. Kung kaya ang ibang mga teksto ay may mga

sinusulat na karampatang terminong magkasingkahulugan ng malalalim na salita.

Ito ay makakapaglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral na maaaring gamitin sa

pagbuo ng mga katanungan patungkol sa teksto. Nararapat na may sapat na

kaaalaman din ang guro upang maging epektibo ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa

mahihirap na mga salita.

Sinabi ni Adler (2006) na ang pagbasa ay isang basikong instrumento sa

mabuting pamumuhay ngunit sinabi ni Martineau na bagaman at marami ang


nagbabasa, kakaunti lamang ang nag-iisip kung kaya ipinahayag ni Dalberg na

kailangang matuto hindi lamang sa pamamagitan ng pagsulat kung hindi maging ng

pagbasa.

Sinabi naman ni Toze (2012) na nagbibigay ng impormasyon at nagiging

daan sa kabatiran at karunungan ang pagbasa. Isa itong aliwan, kakayahan,

pakikipagsapalaran, pagtuklas at nagbibigay ng ibat-ibang karanasan sa buhay.

Tunay na napakaraming kaalaman ang makukuha ng tao sa pagbabasa. Maaari

siyang makatuklas ng mga bagay na makatutulong sa kanya sa kanyang pang-araw-

araw na pamumuhay. Isa itong mabisang aliwan na hindi lamang nagpapatalas ng

isipan kundi nakapagbibigay ng kasiyahan lalo na sa mga taong hilig ang pagbabasa.

Hindi magiging epektibo ang pagbabasa kung hindi ito malalapat ng

mambabasa sa tunay na pangyayari sa pamumuhay. Malaki ang gamit ng dulog

Tugunang Pagtatanong sa paglalapat ng mga natutuhang kaalaman sa teksto

sapagkat nakagagawa ng mga katanungan ang mga mag-aaral na maaaring may

kinalaman sa tekstong binasa at totoong nangyayari sa reyalidad na buhay.

Malaki ang kaugnayan ng mga pahayag ng iba’t ibang dalubhasa sa kanilang

ginawang literatura sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat dito mas nalilinaw at

nabibigyan ng katuturan ang pagiging epektibo ng Tugunang Pagtatanong bilang

dulog sa paghahasa ng kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-21 na siglo sa pagbabasa,

pag-unawa ng binasa at paglalapat sa tunay na buhay ng mga natutunan mula sa

binasang teksto.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa bahaging ito, ang mga pag-aaral ay kakikitaan ng kaugnayan sa


isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik na may kinalaman sa pagpapatunay ng

bisa ng Tugunang Pagtatanong bilang dulog sa pagpapaunawa at pagpapaunlad sa

mga kasanayan sa pagbabasa, pag-unawa sa binasa at kasanayan sa paglalapat ng

mga natutunan mula sa binasa sa tunay na buhay.

Ang kasanayan sa pagbasa ayon sa pag-aaral na ginawa ni Leo Fay, isang

edukador mula sa Reading Center ng Indiana University ay mayroong anim na

bahagdan, ngunit ang huling dalawa ay maaaring pangalawang bahagdan.

1. Pagkilala o (Perception) na ibig sabihin ito’y nangangailangan ng pagkilala sa

salita kasama ang kahulugan nito. Mahalagang nabibigkas, nababasa at

nauunawaan ang mga salita para masabing may persepsyon.

2. Pag-unawa o (Comprehension), ito ay higit pa sa pag-unawa ng salita,

pangungusap o talata, nangangahulugan ito ng pagkilala sa pagkakaugnay ng

salita sa kapwa salita sa isang pangungusap, mga pangungusap sa talata at ng

talata sa isang pahayag, kasama rito ang pagkuha ng larawang diwa hindi

lamang literal kundi ang implied o realidad.

3. Reaksyon (Reaction), maisasagawa ito sa dalawang paraan. Una ay sa

intelektwal, kung saan ang bumabasa ay nagpapasiya sa kawastuhan at lohika

ng binabasa. Ang ikalawa ay emosyonal, kung saan ang mababasa ay

humahanga sa istilo at nilalaman ng nabasa.

4. Asimilasyon (Assimilation), sa hakbanging ito, ang nakuhang kaalaman ay

iniuugnay o isinasama sa katipunan ng mga kaisipang inimbak para sa

kanyang kapakinabangan o paggamit.


5. Panahon/Reyt sa pagbasa (Rate in Reading), ito ay may kinalaman sa

panahon o oras sa pagbasa: kabagalan o kabilisan batay sa dahilan at layunin,

material na babasahin, kahirapan o kadalian ng babasahin, lengguwahe at

kasanayan, kalagayan at lawak ng kaalaman ng babasa. Mabilis o iskiming ng

pahayagan, katamtamang bilis sa mga diksyon at kabagalan sa mga

mathematical problem.

6. Kasanayan at Kaugalian sa Pagbasa (Reading habit and skills), ang

mambabasa na may mabuting sistema ng pag-aaral at consistent, mahihinuha

natin na ang limang hakbangin ay mahabang panahong nag-ugat sa tahanan,

sa kanyang mga naririnig sa kasambahay na kanyang ginagamit sa

pagsasalita.

May kaugnayan ang pag-aaral ni Fay sapagkat kapwa nagpapakita na ang

daloy ng bahagdan sa kasanayan ng pagbabasa ay nakasalalay sa kasanayan,

kaugalian at panahon ng bumabasa. Sa kasanayan, kaugalian at panahon ng pagbasa

nakaangkla ang kagalingan at kahusayan ng mag-aaral sa pag-unawa ng akdang

binasa. May kaugnayan din ang emosyonal na aspeto ng mga mag-aaral, mga

nakaimbak na kaalaman at ang kanilang pananaw sa mas mabilisang pag-unawa sa

binasang akda. Gamit ang dulog na Tugunang Pagtatanong, mailalagay ang mga mag-

aaral sa panahon na magkakaroon sila ng interes at motibasyon sa pagbabasa. Sa

tugunang pagtatanong mahahasa ang kasanayang mayroon ang mga mag-aaral sa

pagbasa at mapapaunlad ang kanilang pag-unawa.

Ito ay nakitaan ng pagsuporta sa pagsusuri ni Scott (2006), napag-alaman

niya na ang pag-uunawa ng binabasa ay nakakaimpluwensya sa antas ng kaalaman


ng mga mag-aaral tungkol sa pag-aaral ng mga salita kabilang dito ang bokabolaryo

at kasanayan sa pagbabaybay at pati na rin ang kakayahang magbigay linaw ng

salitang inilathala.

Ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga salitang babasahin ay

nagdudulot ng malaking bahagi sa pag-uunawa sa binabasa. Hindi maikakailang ang

mga mag-aaral sa ika-21 na siglo ay mas bihasa sa wikang Ingles. Sa kadahilanang

nakakaimpluwensya ang antas ng kaalaman sa wika, nagpapatunay lamang na

nahihirapan ang mga mag-aaral sa ika-21 na siglo sa pagbasa at pag-unawa ng mga

babasahing nakasulat sa wikang Filipino. Sa paglipas ng panahon, sa tulong ng dulog

na Tugunang Pagtatanong, maiuunlad ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa

binasa kasabay ng pag-unlad ng antas ng kaalaman sa wika.

Pinatibay naman ito sa pag-aaral na isinagawa ni William S. Gray, ayon sa

kanyang pag-aaral may mga hakbang sa pagbasa at ito ay ang mga sumusunod:

1. Persepsyon o Pagkilala – Ito ay ang pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo

at kakayahang mabigkas ang salita bilang isang makahulugang yunit.

2. Pag-unawa – Ito ay ang pag-unawa sa mga ideya at kaisipang ipinahahayag ng

mga simbolo o salitang nakalimbag.

3. Reaksyon – Ito ay ang pagpapasya sa kawastuhan, kahusayan at

pagpapahalaga sa mga isinulat ng awtor.

4. Integrasyon – Ito ay ang pag-uugnay-ugnay o pagsasama-sama ng mga

nakaraan at bagong karanasan.

May kaugnayan ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-aaral ng mga

mananaliksik, ang tanging kaibahan lamang ay sa kasalukuyang pag-aaral ginamitan


ito ng dulog na Tugunang Pagtatanong at hindi lamang ang mga hakbang upang

matulungan ang mga mag-aaral sa ika-21 na siglo na mapaunlad ang kanilang pag-

unawa sa binasa. Sa pag-unawa ng binasa, ito ay may prosesong tinatahak. Ito ay

nangangailangan ng masusi at masistemang pamamaraan sapagkat hindi lamang

pagbabasa ang pukos kung bakit nagbabasa ang tao, maging ang aral na napupulot

dito. Mahahasa ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan kung makikilala na ng

mga mag-aaral ang mga nakalimbag na simbolo. Ibig sabihin ipakikilala muna sa

mga mag-aaral ang wikang babasahin upang maunawaan ang mga ideya at kaisipang

inilahad sa babasahing akda. Sa puntong mauunawaan na nila ang wika,

magkakaroon na nang pagpapasiya ang mga mag-aaral at may kakayahan na sa pag-

uugnay ng kanilang karanasan at bagong natutunan.

Dagdag pa dito, ipinaliwanag nina Paynten, Bodrova at Dorty (2005) na ang

pag-uunawa ng binabasa ay isang mahirap na ensayo na may kabilang na maraming

antas ng proseso. Kanilang idinagdag na ang isa sa pinakapangunahing aspeto ng

pag-uunawa ay ang kakayahang makatuklas ng bagong salita. Hindi sapat na

magdedepende lamang sa hudyat ng nilalaman upang mahulaan ang kahulugan ng

mga hindi kilalang salita.

Nagpapatunay lamang na sa dulog ng Tugunang Pagtatanong, sabay na

matutunan ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kanilang binasa at ang pagtuklas ng

mga bagong salita. Ang mga salitang matutuklasan ay kailangang mabigyan ng

kahulugan hindi lamang sa gamit nito sa binasa. Ang magbibigay ng kaalamang ito

ay ang guro sa pamamagitan ng pagtatanong. Mula sa kanilang pagtatanong,

magkakaroon ang mga mag-aaral ng oportunidad upang malinawan sa binasa. Sa


pagtatanong makikita na ang mga mag-aaral ay may kawilihan at motibasyon sa

pagkatuto at pag-unawa sa akda. Bagama’t mahihirapan ang mga mag-aaral sa

wikang ginamit sa akda, mahahasa ang kanilang mga kasanayan.

Binigyang-diin nina Nation at Coady (1988) na nagsasaad ng negatibong

epekto sa pag-unawa ang mga salitang di-palasak. Gayunding konsepto ang sinang-

ayunan nina Marks at iba pa (1974) base sa pag-aaral nina Acierda,et al. (1999).

Karaniwan man sa ibang mga mag-aaral ngunit para sa mga mag-aaral ng ika-

21 na siglo na kung saan laganap na ang wikang Ingles ay mistulang banyaga na ang

wikang Filipino. Nahihirapan na ang mga mag-aaral na maunawaan ang mga salitang

nakasulat sa akdang babasahin. Isinasaad na ang pagkakaroon ng malawakang

kaalaman sa talasalitaan at sa wika ay isang napakahalaga sa sariling pagkatuto

upang matamo ang lubusang pag-unawa sa mga salitang hindi pa alam. Sa tulong ng

dulog na Tugunang Pagtatanong, malaki ang pagkakataon ng pagkakaroon ng mga

mag-aaral ng pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan tungo sa akdang nabasa.

Binigyang pagpapatunay naman ito ni Kolers (1987) na naibabangit sa pag-

aaral nina Becera, et. Al. (2004), mas maraming impormasyon ang ibinigay ng

bumabasa at nauunawaan niya ang binasa batay sa mga dating konsepto o iskemang

angkin na niya mula sa kanyang mga naging karanasang nag-uugnay dito.

Ibig sabihin, mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binabasa kung

ito’y mailalapat ng mga mag-aaral sa tunay na buhay. Ang kasanayan sa paglalapat

ng mga aral na natutunan sa panibagong karanasan ay isa sa mga itinutumpok ng

dulog na Tugunang Pagtatanong. Sa pagtatanong na isasagawa ng mga mag-aaral at

guro, maipadadali ang pag-unlad ng mga kasanayan ng mag-aaral. Sa dulog na ito,


mas maraming kaalaman ang makukuha ng mga mag-aaral kumpara sa mga

karaniwang pagbabasa lamang. Mayroong mga realisasyon, aral, at kasanayang

nahahasa.

Ang teorya, literatura, at mga pag-aaral na nakalap at ginamit sa pag-aaral na

ito ay may kaibahan man ngunit ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa ginawang

pagsusuri sapagkat magkatulad ang kanilang mga layunin at pukos sa pag-aaral, ang

mapaunlad ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral sa akdang binasa. Ang mga

kaugnay na literatura at pag-aaral na ito ay may malaking papel na ginagampanan sa

isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat nagsisilbi itong gabay upang

mapagtibay ang ginawang pananaliksik at mapagyaman ang kaisipan ng mga

mananaliksik hinggil sa pag-aaral.

Sanggunian:

Aragon, A. and Ril, F., 2010. Mga Estratehiya at Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng

Filipino para sa Elementarya. 1st ed. Davao City: Vibal Publishing House Inc., p. 26.

Dumayac, I., 2012. Thesis 1. [online] Academia.edu. Available at:

<https://www.academia.edu/32846824/Thesis_1> [Accessed 13 April 2021].


Ranco, (2002). Antas ng pasalitang pagbasa sa wikang Filipino ng mga piling mag-

aaral sa ikalawang baitang (Web log post). Retrived from rizal college of laguna

blogspot.com/2009/06/kabanata-1-suliranin.m=1

Yovanoff, P. D. (2005). Grade-level invariance of a theoretical causal structure

predicting reading comprehension with vocabulary and oral reading fluency.

Educational Measeurement: Issues and Practice, 4-12.

Sencibaugh, J. (20017). Meta-analysis of reading comprehension interventions for

students with learning disabilities: Strategies and implications. Reading

Improvement, 44.

Van den Broek, P. &. (2012). Connecting cognitive theory and assessment:Measuring

individual differences in reading comprehension. School Psycholoy Review, 315-325.

Barillos, L., 2010. Kabanata II KAUGNAY NA LITERATURA. [online] Academia.edu.

Available

at:<https://www.academia.edu/36988303/Kabanata_II_KAUGNAY_NA_LITERATUR

A > [Accessed 13 April 2021].

Guevarra, A., 2021. Tesis 9/9. [online] Academia.edu. Available at:

<https://www.academia.edu/5874956/Tesis_9_9> [Accessed 13 April 2021].

Quintero, J., 2021. Kabanata I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO Sanligan ng

Pag-aaral. [online] Academia.edu. Available at:

<https://www.academia.edu/24000939/Kabanata_I_ANG_SULIRANIN_AT_ANG_KA

LIGIRAN_NITO_Sanligan_ng_Pag_aaral> [Accessed 13 April 2021].

You might also like