Professional Documents
Culture Documents
Alas-onse na ngunit gising pa ang dalang si Anna. Mugto ang kanyang mga mata.
Bagamat madilim ay sanay na ito sa ganoong sitwasyon dahil patatlong buwan na silang walang
kuryente. Tahimik lamang siyang nakasubaybay sa ina niya’ng hindi parin natutulog.
Nasisilayan niya ito sa sulok dahil sa maliit na lamparang nagbibigay ng kaunting liwanag sa
maliit nilang tulugan. Hinihintay pala nito ang kanyang ama na siguro ay lango nanaman sa alak.
Walang trabaho ang magulang ni Anna at nakikitira lamang sila sa maliit na silong ng kanyang
tiyahin. Isa o dalawang beses lang silang nakakain at hindi pa iyon nakakapuno sa kumakalam
nilang sikmura sa araw-araw. Ang ina nito ay may malalang hika kaya wala itong trabaho. Isang
dakila at mapagmahal na ina ito habang ang kanyang ama ay sugal, alak at bilyards ang inatupag
sa araw araw at hindi iniisip ang apat na anak na pumapasok sa paaralan ng walang kain at baon.
Walang pangarap ang ama nito para sa kanilang magkakapatid dahilan daw na puro
babae ang mga ito at magsisipag-asawa lang sa murang edad. Ngunit si Anna ay masipag at
matalino. Gabi gabi siyang pumupwesto sa poste ng brgy upang sumilay sa liwanag at
makapagsagot ng mga takdang aralin. Dahilan niya ay mas maliwanag ito kaysa sa kanilang
lampara na nangangapa parin sa dilim ang kanilang pamilya. Nagbebenta ito ng bayabas at santol
sa paaralan at ang napagbebentahan ay ibinibili nito ng bigas. Sa edad na walo ay natutunan nito
ang hamon ng buhay na hindi kailangan umiyak kundi kailangan maging matatag. Sa hapon ng
klase ay tumutulong ito sa kanyang guro na ipagdala ng mga gamit o kaya nama’y tumulong sa
pagchecheck o pagrerecord. Ganoon siya kadesidido sa buhay. Twing sabado naman at lingo ay
tumatanggap ang kanyang ina ng labahin at tinutulungan niya ito para mabilis matapos. Nagtapos
si Anna ng sekundarya at balak na siyang pahintuin ng kanyang ina dahil naaawa na ito sa kanya.
Pinaaaral nitong mag-isa ang sarili na dapat ay magulang ang gumagawa. Nahahabag ang ina na
halos madurog ang puso. Hindi niya matulungan ito dahil maliliit pa ang kanyang mga kapatid at
pangkain lang sa araw araw ang kinikita nito. Hindi madali ang naging buhay nito sa kolehiyo.
Ilang gabi ang ginawa niyang araw. Ilang trabaho ang pinasukan nito upang makapagpadala sa
ina habang nag-aaral. Buwis buhay itong nagsasakripsyo upang mapatunayan sa kanyang ama na
may mararating ito sa buhay. Sa katalinuhan ni Anna tumatanggap siya ng mga report ng kaklase
upang ipanggawa ang mga ito para lang may pambaon siya. Mayayaman ang kaklase nito kaya
naman siya ay natutuwa dahil kapag tinatamad ang mga ito ay pinapagawa sa kanya ang mga
Gawain. Ang mahirap sa iba ay madali lang para sa kanya. Nag top sa klase si Anna, hindi ito
nawala sa honors miski noong nasa elementarya ito. Mahusay din ito sa pagtula, pag-uulat,
pagguhit, paggawa ng mga akdang pampanitikan at mahusay sa pagsasayaw. Binalewala nito
ang mga nanliligaw sa kadahilanang nais muna niyang may mapatunayan sa buhay. Hanggang sa
pagtitipid ni Anna ay nagsindi ito ng maliit na lampara sa kanyang tuluyan. Hindi ito umuuwi
para lamang may maipadala sa kanyang mga kapatid.
Sa ulpat na ilaw ng lamparang iyon ay humagulhol ang dalaga. Hindi dahil nahihirapan
na siya kundi dahil isang buwan nalamang ay magtatapos na ito. Sobrang saya ng puso ni Anna.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nararaketan niya at sa mga nagtitiwala sa kanyang mga
obra. Lalo na sa Diyos na kahit hindi niya nakikita ay nadadama niya base sa pag-iingat sa kanya
sa araw-araw. Ang paghihirap niya ay unti-unti ng nagbubunga ng maganda. Sa tulong ng
kanyang tiyahin ay nakapagtapos din ito. Napakatapang nito sa bawat pagsubok at ang init ng
luha na dumadampi sa kanyang pisngi ay hindi na dahil sa kalungkutan. Nag-aaral pa lamang si
Anna ngunit nabibigyan na niya ng masarap na pagkain ang kanyang mga kapatid. Hindi narin
pumapasok ng walang baon o almusal. Ang ina nito ay pinatigil na niya sa paglalabada. Dahil sa
kanyang pagtitiis sa kanyang maliit na tuluyan, sa araw araw na delata sa buong araw, sa mga
trabahong minsan na siyang mapasuko at sa mga araw na wala siyang maiyakan at mapagsabihan
ng problema dahil ayaw na niyang magdagdag pa ng problema sa mundo.
Kinabukasan ay graduation na ni Anna, kaarawan na din niya bukas. Ang tanging hiling
lang naman niya ay makapunta ang kanyang ina at kapatid lalo na ang kanyang ama. Wala ng
galit si Anna dito. Hindi ito nagtanim ng sama ng loob dito bagkus ginawa niya itong inspirasyon
para tumibay ang kanyang loob. Hanggang sa wala parin ang pamilya nito sa at ikatlo na siya sa
aakyat ng stage upang gawaran ng mga sertipiko at medalya. Isang kilalang boses ang sumigaw
ng “ate” na sa paglingon niya ay ang kanyang bunsong kapatid na kasama ang buo niyang
pamilya. Lumapad ang ngiti ni Anna na nagbabadya ang pagtulo ng luha. Nakita niya ang ama
nito kasabay ang pagyakap sa kanya. Napakamemorable ng araw na iyon dahil binati siya ng
ama nito ng Happy Birthday at Congratulations anak na ni minsan ay hindi niya narinig sa buong
buhay niya. Noong araw na yoon lang. Nangako ito na magpapakabuting ama at asawa sa
pamilya. Sa pagsisikap ni Anna ay nakabili ito ng bahay at lupa upang hindi na sila palayasin
palagi ng kanyang mga tiyahin. Maliit na bahay para sa pagsisimula ng masayang pamilya.