You are on page 1of 5

Turo ng Magulang

Sa Barangay ng Pinagkuartelan may pamilyang nakatira, mahirap lang sila

ngunit makikita mo sa kanila ang ngiti sa mga mukha.

Dalawang mag asawa ang nagtagaguyod sa kanilang mga anak, hirap man sa

buhay ay natuturuan naman ng magandang asal ang mga anak

Nag aaral ang tatlong anak ni Mang Jojo at Manang Daday sa baryo

Ang panganay at pangalawang anak ay nasa hayskul na at ang bunsong anak

ay nasa elementarya pa lamang

Gustong mapagtapos ng pag aaral ni Mang Jojo at Manang Daday ang

kanilang mga anak, kaya hindi sila tumitigil sa pagttrabaho para lamang sa

pang araw araw na panggastos at sa pag aaral ng mga anak

Sa tuwing baba ng kabundukan ang mga anak ni Mang at Manang ay may

nakikita silang mga matatanda mga lolo/lola, tito/tita kaya sila ay nagmamano

dahil ayun ang turo ng mga magulang, kahit nagkaroon ng pandemya, hindi

mo maaalis sa kanila ang tradisyon na nakasanayan nila, ang pagmamano at

pag sagot ng po at opo.

Napaka-gagalang ng mga anak ng mag asawa, totoo ngang naturuan ng tama

ang mga bata ng kanilang mga magulang

Natutuwa ang mga taga baryo dahil sa tuwing makikita nila ang mag

kakapatid ay lagi nalamang nag mamano.


Kapag na sa bundok ang mag kakapatid tinutulungan naman nila ang

kanilang mga magulang sa pagtatanim ng mga gulay, pagdadamo, o anumang

mga gawain sa bukid. Bata pa lamang tinuruan na ni Mang jojo ang kaniyang

mga anak sa mga gawaing bahay at sa bukid kaya ngayong mga malalaki na

sila ay hasang hasa na nila ang kanilang mga ginagawa. Kaya, hindi hirap sa

pagpapalaki ang mag asawa sa kanilang mga anak dahil sila ay mababait,

hindi pasaway, at hindi sakit ng ulo.

Kaya naman madaming tao ang natutuwa sa magkakapatid dahil sila ay

marespeto sa lahat ng tao.

Lumipas ang dalawang buwan, pasukan na ulit sa paaralan

Si Sanya ang panganay sa magkakapatid, siya ay isang maganda at

matalinong bata higit sa lahat may respeto sa lahat.

Nung papasok na siya sa paaralan may nakita siyang isang batang parang may

problema, tila may hinahanap kaya nilapitan niya ito at tinanong

Magandang umaga, may problema ka ba?

Yun pala nawawala ang kanyang pera, kaya pala sya umiiyak ay papagalitan

daw siya ng kanyang ina kaya nagdudumali syang hanapin ito, kaya

tinulungan na ni Sanya ang bata, makalipas ang ilang minuto nakita na nila

ang nawawalang pera na nahulog.

Kaya nagpapasalamat ang bata kay sanya ng lubos.

At sabay na silang pumasok.


Nakarating na si Sanya sa kanyang silid aralan kaya pumasok na ito, at

pagtungtung niya sa kanilang silid ay bumati na agad ito sa kanyang mga

kaklase "good morning po" dahil nakasanayan niya na ito na tuwing sya ay

may nakakasalumuha ay binabati nya ito.

Kaya naman gustong gusto siya ng mga kaklase niya, kapag naman hindi

maintindihan ng mga kaklase niya ang mga lesson ay tinutulungan niya itong

maintindihan.

Talaga nga namang sobrang bait ni sanya, hindi niya iniisip kung mataasan

man siya ng mga kaklase niya ang gusto niya lang ay makatulog.

Sabi nga sa kasabihan ang nagmamataas ay binababa, ang nagpapakumbaba

ay tinataas.

Ilan sa mga nagawan ng maganda ni Sanya ang isang mayamang babae na si

Ginang Perez.

Kaya laging nagkakaroon ng pagkain si Sanya na binibigay ni Ginang Perez,

kung hindi naman niya ito tatanggapin masasayang lang ito at sabi nga, kaya

tinatanggap na lang niya ito, dahil naniniwala sya sa kasabihan na huwag

tumatanggi sa grasya.

Sa halip na iuwi sa bahay nila ang mga pagkaing natanggap ay pumunta siya

sa isang kalye kung saan nandun ang mga batang kalye na walang matirhan

sapagkat sila ay mga ulila na at wala ng pamilya. Sa tuwing makakatanggap


sya galing kay Ginang Perez ng pagkain ay binibigay niya ito sa mga musmos

na bata para may makain sila.

Tuwing linggo naman ay pumupunta si Sanya at ang dalawa niyang kapatid sa

simbahan para mag silbi sa Panginoon, isa silang choir sa parokya nila. Laging

pinagdadasal ni Sanya na sana matagal pa niyang makasama ang kanilang

mga magulang at mga kapatid. Talaga nga namang may Diyos na nakikinig sa

mga panalangin niya, dahil sa edad ng kaniyang mga magulang ay ang lakas

lakas pa rin at ang tibay, walang sakit na nararamdaman.

Kaya siya ay nagpapasalamat palagi sa Panginoon.

Pagkatapos naman ng simba ay nagmamano sila sa lahat ng matandang

makikita nila rito.

Talaga nga namang naturuan ng tama ng kanilang mga magulang,

marerespeto at matulungin sa mga tao.

MELCS

EsP2PKP- Id-e – 12 - Nakapagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin at

pamantayang itinakda sa loob ng tahanan 5.1. paggising at pagkain sa tamang

oras 5.2. pagtapos ng mga gawaing bahay 5.3. paggamit ng mga kagamitan

5.4. at iba pa.


EsP2P- IIa-b – 6 - Nakapagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan

na may pagtitiwala sa mga sumusunod: 6.1. kapitbahay 6.2. kamag-anak 6.3.

kamag-aral 6.4. panauhin/ bisita 6.5. bagong kakilala 6.6. taga-ibang lugar

EsP2P- IId – 8 - Nakagagamit ng magalang na pananalita sa kapwa bata at

nakatatanda.

EsP2P- IId-9 - Nakapagpapakita ng iba’t ibang magalang na pagkilos sa

kaklase o kapwa bata.

EsP2P- IIh-i – 13 - Nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kasapi ng

paaralan at pamayanan sa iba’t ibang paraan.

You might also like