You are on page 1of 7

UNANG LARAWAN PANGALAWANG LARAWAN

Ang pamilya ni Aling Nena Noon at


Ngayon
Gabay na Tanong
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang pangunahing hanapbuhay ni Aling
Nena?
3. Ano ang hanapbuhay ng asawa ni Aling Nena?
4. Ilarawan ang buhay ni Aling Nena noon at
ngayon.
Ang pamilya ni Aling Nena Noon at Ngayon
Ang pamilya ni Aling Nena ay nakatira sa probinsya. Siya’y may
dalawang anak na babae at isang lalake. Ang pagsasaka ang tanging
hanapbuhay ng kanyang asawa, samatala si Aling Nena naman ay isang
guro sa isang pampublikong paaralan. Masaya ang pamilya ni Aling
Nena, natutugunan nito ang pangangailangan ngmga kanyang anak sa
paaralan at sa kanilang tahanan bukod pa rito ay nakakapamasyal din
sila kung saan-saan. Malayo ito sa kinalakihan niyang pamilya dahil
noong bata pa lamang si Aling Nena ay lumaki na ito sa hirap sapagkat
walang hanapbuhay ang kanyang ama’t ina kung kaya’t umaasa na
lamang siya sa tulong ng tao sa paligid nito at minsan pa nga ay
nakikilabada ito upang mayroong pambaon sa paaralan. Ngayon,nasa
maayos na kalagayan na ang pamilya ni Aling Nena.
Pangkalahatang Gawain

Panuto: Hahatiin ang klase sa dalawang


grupo. Ang bawat grupo ay kukuha ng papel
sa loob ng kahon at kinakailangan nila itong
buuin upang matukoy ang larawan na
nakapaloob rito. Pagkatapos ay sagutan ang
gabay na katanungan.
Pagtataya

PANUTO: TAMA O MALI. Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang
isinasaad sa pangungusap ay tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng hanapbuhay. Isulat naman ang MALI kung hindi.

___ 1. Malungkot ang bawat miyembro ng pamilya kung may trabaho sina nanay at tatay.

___ 2. Magkakaroon ng seguridad sa pamilya kung lahat ay may trabaho.

___ 3. Makakapag aral ang mga anak kung may sapat na kita ang magulang.

___ 4. Maraming batang mapipilitang magtrabaho kung may hanapbuhay ang bawat miyembro ng pamilya.

___ 5. Nabibili ko ang mga pangangailangan ko sa pag-aaral dahil may magandang hanapbuhay ang aking magulang
Takdang Aralin
Tumulong sa mga gawaing bahay pagkatapos
ay isulat sa malinis na kwaderno ang mga
natapos na gawain at kuhanan ng litrato ang
pagtulong sa inyong tahanan.

You might also like