You are on page 1of 21

EDUKASYONG PANTAHANAN AT

PANGKABUHAYAN 4
EPP-HOME ECO.
Aralin 11
Pagtulong ng may Pag-
iingat at Paggalang
 Kung ikaw ang estudyante,
gagawin mo ba ang
pagtulong na ginawa niya?
Paano mo gagawing
maingat at magalang ang
iyong pagtulong?
A. Isayos ang mga titik sa bawat bilang
upang mabuo ang salita na
inilalarawan ng parirala:
 g a p g a t i n i – pagkilos nang
maayos at marahan
 l a g a n g p a g – pagbibigay respeto

 g o l n p a g u t – pag- alalay
 l o n g s a g – bagong panganak
 k i t s a y a m – may karamdaman
Ang Kuwento ni Lolo Jose
Si Lolo Jose ay 80 taong gulang na
mag-isang namumuhay sa isang maliit na
kubo. Umaasa lamang siya sa kaniyang
buwanang pensiyon para mabuhay. Katabi
niya ang bahay ng mag-anak ni Aling
Cynthia at Mang Ramon na mayroong
dalawang anak na lalaki, si Marlon
sampung taong gulang na nasa ikalimang
baitang at si Manny, pitong taong gulang
na nasa ikalawang baitang.
Bago pumasok sa paaralan ang
dalawang mag-aaral ay dumadaan muna
sa bahay ni Lolo Jose para magmano at
magpaalam na sila ay papasok na sa
paaralan. Ang mag-asawang Aling Cythia
at Mang Ramon naman ay dumadaan din
sa bahay ni Lolo Jose bago pumasok sa
opisina. Ikinagagalak ito ng matanda
dahil nararamdaman niya na may pamilya
siya kahit mag-isa lang siyang
namumuhay.
Sa mga araw na walang pasok
ang mag-anak, sinisikap nilang isama
si Lolo Jose sa kanilang tahanan
upang hindi ito mangulila.
Maingat at magalang na
nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan
ang mag-anak kay Lolo Jose sa
pamamagitan ng paggamit ng po at
opo kapag sila ay nakikipag-usap, at
nagpapalitan ng kuro-kuro.
Maingat at magalang din na
ipinagpapaalam ng mag-anak kung
mayroon silang nais na gawin sa loob
ng tahanan ni Lolo Jose, tulad ng
pagtulong nila sa paglilinis at pag-
aayos ng kaniyang tahanan. Malugod
din nilang ipinagpapaalam kung
mayroon silang nais na idaragdag na
personal at pantahanan niyang mga
kagamitan.
Ang ginagawang pagtulong ng
mag-anak ni Mang Ramon at
Aling Cynthia kay Lolo Jose ay
nakatawag pansin sa mga tao sa
kanilang pamayanan. Kung kaya’t
nagawaran ng pagkilala bilang
Huwarang Pamilya ng Barangay
ang mag-anak.
A. Sagutin nang tahimik ang mga
sumusunod:

 Ano-ano ang ginagawang pagtulong


ng mag-anak ni Mang Ramon kay
Lolo Jose?

 Ano-ano ang magagandang


katangian ng mag-anak?
Ang mag-anak ni Mang Ramon at
Aling Cynthia ay tumutulong kay Lolo
Jose sa pamamagitan ng paglilinis ng
bahay, pag-aayos sa kaniyang mga
kagamitan, pagbibigay ng iba pang
kagamitan, at pagbibigay ng kanilang oras
o panahon kapag ang mag-anak ay
walang pasok.
Ilan sa magagandang katangian ng
mag-anak ay pagiging magalang,
matulungin, mabait, maunawain, at
B. Makilahok sa Gawain:
1. Bibigyan ng tiglilimang cartolina strips at
pentel pen ang bawat pangkat.
2. Batay sa maikling kuwento ni Lolo Jose,
sagutin ang tanong na: Paano naisagawa ang
pagtulong ng mag-anak ni Mang Ramon kay
Lolo Jose nang may pag-iingat at paggalang?
3. Ipaskel sa pisara o sa dingding ang sagot ng
pangkat at iulat sa klase sa loob ng tatlong
minuto.
4. Pagkatapos ng inyong gawain, ilagay o ilipat sa
wheel map ang pinakatamang sagot
Sipiin ang mga pangungusap sa
kuwaderno. Lagyan ng tsek ang
patlang bago ang bilang kung ang
ginagawang pagtulong ay may
pag-iingat at paggalang:
____ 1. Masayang ginagampanan
ang nakaatang na tungkulin sa
pamilya.
____ 2. Umaalis sa bahay nang
tahimik at walang paalam, kapag
inuutusan.
____ 3. Magiliw na
nakikipagtulungan sa mga kapatid
kapag naglilinis ng bahay.
____ 4. May kusang nagpupunas
ng mga kagamitan sa bahay sa mga
araw na walang pasok.
____ 5. Malugod na sinasamahan
ang Nanay sa pamamalengke.
____ 6. Ipinagpapaalam sa Tatay
ang mga bagay na nais gawin sa
loob ng tahanan.
____ 7. Magalang na nakikiraan
sa mga nag-uusap sa tahanan
habang nagwawalis.
____ 8. Umaawit habang maingat na
pinupunasan ang mga sofa sa bahay.
____ 9. Nag-aalaga sa nakababatang
kapatid nang tahimik.
____ 10. Magiliw na pinanonood ang
mga kasapi ng mag-anak habang
ginagampanan ang kanilang
tungkulin.
Takdang-aralin:
Sipiin sa kuwaderno at
sagutan ang mga tanong.
 Ang nakababata mong
kapatid ay nangangailangan
ng iyong tulong sa paggawa
ng kaniyang takdang-aralin o
proyekto sa paaralan. Ano
ang gagawin mo?

 Naglalaro ka at bigla kang


tinawag ng nanay mo upang
tulungan siya maglinis ng
bahay. Ano ang gagawin mo?

You might also like