You are on page 1of 23

Edukasyon sa

Pagpapakatao
WEEK 5
Honesto: Batang Matapat,
Idolo ng Lahat!
Ano ang ipinapakita ng nasa larawan?

Bilang isang batang tulad mo,


Nasubukan mo na bang maipamalas
ang mga pag-uugali na ipinakita
sa larawan?
May mga pagkakataong ikaw ay
hindi nagiging tapat sa mga
gawaing ginagawa. Napipilitang
magsinungaling dahil sa takot na
mapahiya o mapagalitan ng
nakakatanda. Nangyari na ba sa
iyo ang ganito?
Honesto: Batang Matapat, Idolo ng Lahat!

Siya si Honesto, anak nila G. at Gng. Anastacio


Castro. SIya ay labimpitong taong gulang at kasalukuyang
nasa ikalimang baitang ng Paaralang Elementarya ng Sala
sa bayan ng Cabuyao. Si Honesto ay kakaiba sa
karaniwang mga mag -aaral dahil sa murang edad ay
kinailangan na niyang maghanapbuhay upang makatulong sa
gastusin ng pamilya. Buong sipag niyang tinutulungan ang
kanyang mga magulang upang maitaguyod ang
pangangailangan nilang magkakapatid. Tunay na siya ay
isang mabait at huwarang anak at kapatid sa para kanyang
pamilya.
Isang araw habang si Gng. Anacay ay nagtuturo ay
tinawag niya si Honesto sa harap ng klase. Tila nagulat at
natakot ang bata kaya siya ay nagdalawang isip na tumayo
at lumapit sa guro. Hanggang sa siya ay lapitan na ng guro
at malugod na ipinagmalaki at ginawang halimbawa ang
mga gawi na nakasanayang gawin ni Honesto sa paaralan
at maging sa kanyang pinapasukan na trabaho.

Nagsimulang magkuwento si Gng. Anacay. “Alam niyo


ba mga bata na kayo ay mapalad na magkaroon ng isang
kamag - aral na kinagigiliwan ng maraming tao dahil sa
kanyang pagiging matapat.” nagbulungan ang mga bata at
tila nagtaka kung sino ang tinutukoy ng guro.
“Nakakwentuhan ko si Gng. Villanueva (Coordinator
ng Yes - O Club)noong isang araw, ayon sa kanya siya daw
ay humanga sa ginawa ng isa ninyong kamag - aral. Habang
siya ay abala sa pangungolekta ng mga naipong plastik na
boteay nilapitan siya ng mga bata at nag - alok ng tulong.
Agad naman siyang pumayag at tinawag ang batang ito na
aking tinutukoy upang pamunuan ang pagbebenta ng mga
naipong bote para magamit na pondo ng Yes - O Club.
Agad naman siyang tumugon sa aking ipinagawa. Makalipas
ang ilang minuto, dala - dala na niya ang pera na
napagbentahan mula sa mga plastik na bote. Agad siyang
inabutan ng guro ng pangmerienda ngunit mabilis na
tinanggihan ang alok at masiyang bumalik sa kanyang
klase. Sa hindi kalayuan napansin ni Gng. Villanueva ang
grupo ng mga bata na naiinis na nagkukuwentuhan.
“Hmp. Nakakainis talaga malaki naman ang
napagbentahan sa plastik na bote ewan ba kung bakit
ayaw niya pang bawasan.” ang wika ng isa. Agad naman
sumigunda ang isa pang mag - aaral, “Baka sumisipsip
lang paano laging liban sa klase.” Napaisip ng malalim
ang guro hinggil sa narinig na usapan ng mga bata. At
agad na ikinatuwa ang pagiging matapat na bata ng
kanyang mag - aaral.

Biglang nagtaas ng kamay si Jocelyn, “Ma,am,


Ma,am ako po ba ang tinutukoy ninyo?” lakas loob na
tanong ng bata at umalingawngaw ang tawanan sa loob
ng silid - aralan.
Agad na nagpatuloy sa pagkukwento si Gng. Anacay.
“Bilang pagpapatuloy kaninang umaga naman
nakasalubong ko papasok ng paaralan si Mang Max at
agad na kinamusta ang batang ito. Sabi ko naman
medyo dumadalas siya sa pagliban sa klase at doon ko
napagalaman na siya pala ay kasalukuyang
namamasukan sa construction upang kumita ng pera at
maipangdagdag sa kanilang pangagastos. Naantig ako
sa aking narinig at mas lalo niya pa akong pinahanga sa
mga sumunod na sinabi ni Kuya Max.
“Alam mo ba Gng. Anacay lubos akong nagagalak sa batang
iyan, noong isang araw ay umalis ako ng maaga sa site na
pinaggagawan ng aking bahay. Kinailangan ko kasing dumalo
sa miting pambarangay na ipinatawag ni Kapitan Kiko
Alimagno. Ako ay tiwala sa aking mga trabahador ngunit
noong isang araw ay binalikan ko ang mga naganap sa site
gamit ang CCTV Camera na aking inilagay sa hindi kalayuan.
Ako ay nabigla sa aking nasaksihan, noong araw na ako ay
dumalo ng miting mga alas - 4:00 hapon. Sa aking pag - alis
pala ay agad ding nag - alisan ang aking mga manggagawa
kahit hindi pa oras ng uwian ng bigla akong may narinig na
boses at nagsabing,”mga kasama maaga pa po alas - 5:00
ang ating uwian higit kumulang isang oras pa po bago tayo
maaaring umuwi,” ang mahinahon na paliwanag ng bata.
“Aba!, akala mo kung sino ka kabago - bago mo ganyan
ka.” paangil na sagot ng isa. “Oo nga atsaka wala naman
si Bossm minsan lang naman ito,” dugtong pa ng isa.
“Bahala po kayo basta ako ay uuwi ng tama sa oras
iyong itinakda ng may - ari,” mahinahon ngunit
malaman na pagpapaliwanag ng bata.
“Wow! tunay na kahanga - hanga naman talaga siya sa
kanyang mga kilos at gawi.” “Dapat siya ay kinikilala sa
flag ceremony upang tularan pa ng mga batang tulad
namin.” “Eh Ma’am sino po ba ang batang ito na dapat
naming tularan?” makulit na pagtatanong ng mga mag -
aaral ni Gng. Anacay. Dito na ipinagmalaki ng guro sa
lahat si Honesto isang batang matapat at dapat
iniidolo ng lahat. Dahil dito ay agad sa mungkahi ng
kanyang mga mag - aara ay agad na ipinatawag ni Gng.
Anacay ang mga magulang ni Honesto.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ilarawan si Honesto. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng
pagiging matapat?
2. Papaano hinangaan ni Gng. Anacay si Honesto? Isalaysay ito sa
klase.
3. Bilang isang indibidwal, paano mo maipapakita ang matapat na
paggawa sa paaralan? Sa lahat ng uri ng paggawa?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging matapat
sa iba’t - ibang mga gawaing pampaaralan at sa uri ng paggawa.
5. Sa iyong palagay, bakit gustong makaharap ng guro ang mga
magulang ni Honesto? Magbigay ng sapat na batayan.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba
para maipakita ang pagiging matapat. Ilahad ang
iyong magiging damdamin.

1. Bumili ka ng pagkain sa kantina


nang mapansin mong sobra ang sukli
na ibinigay sa iyo ng tindera.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba
para maipakita ang pagiging matapat. Ilahad ang
iyong magiging damdamin.

3. Si Romy isang working student, pumasok siya sa


paaralan na hindi nakapag -aral ng leksyon at antok na
antok pa dahil kinailangan niyang mag - overtime sa
kanyang pinapasukan. Biglang nagbigay ng pagsusulit
ang kanyang guro
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba
para maipakita ang pagiging matapat. Ilahad ang
iyong magiging damdamin.

2. May dumating na delivery ng materyales sa iyong


pinapasukang pabrika. Agad mong tiningnan ang
inventory sheet ng mga inorder ninyong materyales at
natuklasan mong may mga sumobrang materyales na
iyo namang kakailangan sa paggawa ng isang proyekto
sa paaralan.
Pangkatang Gawain:
1. Pangkatin ang klase sa lima. Papiliin ng lider ang bawat pangkat.
2. Magbahagi ng karanasan na nagpapakita ng pagiging matapat.
3. Pumili ng isang karanasan gamit ang graphic organize atr iulat ito sa
klase.
Isapuso Natin
Kaya mo bang maging matapat sa lahat ng pagkakataon?
Gumawa ng Self - Assessment Organizer gamit ang
makukualay na papel. Punan ang bawat kahon ng mga sagot
batay sa iyong natutuhan at karanasan.
Mga Gabay:

A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa araling ito.


B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay sa
nalaman mo.
C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang gawin.
D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.
E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan mo sa
araling ito.
Tandaan Natin
Ang pagiging matapat ay ugaling dapat
ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong pag -
uugali saanman at kailanman ay makakamit ang tunay na
kaligayahan at magkakaroon ng isang maayos, payapa at
maunlad na pamumuhay. Iniiwasan niyang magsinungaling
at pagtakpan ang mga maling gawi na ginawa ng iba.
Sa pagiging matapat marami kang maaaring
matapakang ibang tao lalo’t higit iyong may mga baluktot
at maling sistema sa buhay. Hindi bale ng mapahiya at
mapagalitan ng mas nakakatanda huwag lang mabalewala
ang ugali ng pagiging isang matapat na indibidwal sa
paaralan man o sa paggawa at saan mang dako pa iyan.
Isabuhay Natin
Magbigay ng dalawang karanasan na nagpapatunay na ikaw ay matapat
sa iyong mga gawain sa paaralan man o sa lahat ng uri ng paggawa. Ipaliwanag
kung paano mo ito ginawa. Gamitin ang template sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa bond paper.

Mga Ginawa Na Nagpakita Ng Pagiging


Karanasan
Matapat
1.

2.
Subukin Natin:
Iguhit ang simbolo ng puso kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong
kaisipan at bilog naman kung hindi.
______1. Ikaw ay may proyekto na dapat bayaran sa E.P.P. Agad mo itong sinabi sa iyong
nanay pati ang eksaktong halaga ng naturang halaga nito.
______2. Nalimutan ni Archie na gawin ang kanyang takdang - aralin sa Math. Biglang
nagwasto ng kuwarderno si Bb. Tan, nang tawagin niya si Archie ay sinabi niyang naiwan
niya ang kanyang takdang - aralin sa bahay.
______3. Si Ericka ay kumandidato bilang pangulo ng Supreme Pupil Government sa
kanilang paaralan. Sa mismong araw ng botohan ay may nakita siyang nakakalat na balota
na siyang gagamitin sa botohan agad - agad ay ibinalik niya ang mga ito sa gurong taga -
pangasiwa.
______4. Si Mang Aldo ay nangungupit ng mga labis na kagamitan mula sa opisina na
kanyang pinagtatrabahuhan at agad na ibinebenta sa labas ang mga kagamitang kanyang
nakuha sa mas mababang halaga.
______5. May malasakit sa mga gawain sa pabrika si Ruby nakatingin man o hindi ang
kanyang amo sa oras ng trabaho.
Thank you!
Robie Ann D. Turtosa
Grade V- Aquino

You might also like