You are on page 1of 48

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
WEEK 9 DAY 1
Ipabasa ang Tandaan:
Ang tao ay may kakayahang
magbasa at magsulat.
Ang pagbabasa at
pagsusulat ay mga paraan
Upang maragdagan ang
kaalaman.
Alamin
Ipakita ang larawan ng isang
batang nagmamano.
Ano ang ginagawa ng
bata?
Bakit kaya niya ito
ginagawa?
Ginagawa mo din ba
ito?
Paano ninyo binabati
ang inyong magulang
kung dumarating kayo
sa bahay?
Iparinig ang maikling kwento:
“Mano po, Itay, mano po, Inay,”
pagbati ni Mae pagdating niya galing sa
paaralan.
“Kaawaan ka ng Diyos. Magpapakabait
ka sana,” halos sabay na wika ng
kanyang ama at ina.
Pagkaumaga bago siya pumasok sa
paaralan ay humahalik naman siya sa
kanila habang nagpapaalam.
Ano ang ginagawa ni Mae
pagdating niya mula sa paaralan?
Ano ang sagot sa kanya ng kanyang
mga magulang?
Bago siya umalis ng bahay, ano
naman ang ginagawa niya?
Mabuti ba ang kaugaliang
ginagawa ni Mae?
Paano mo ipakikita ang
iyong paggalang sa
iyong magulang?
Tandaan:
Ang pagmamano o
paghalik ay magalang na
paraan ng pagbati na
dapat nating ugaliin.
Lutasin:
A. Dumalaw kayo sa lolo at lola mo
sa probinsiya. Sabik na sabik sila na
makita kayo. Paano mo sila
babatiin upang ipakita na
nasasabik din kayo sa kanila.
B. Nasa handaan kayo. Nakita mo
doon ang tita mo. Ano ang gagawin
mo?
Takda:
Isaulo ang tula.
Humanda sa pagtula sa harap ng klase
bukas.
Mga magulang ay batiin.
Sa umaga pagkagising.
Ang pagpapaalam
At paghalik sa kamay
Tanda ng batang
Tunay na magalang
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 9 DAY 2
Paano ninyo babatiin ang
inyong
magulang/nakatatanda?
Ano ang ginagawa ng
magkapatid?
Ginagawa mo din ba ito?
Bakit?
Iparinig ang maikling kwento:
“Kring, Kriiing,” ang narinig sa telepono. “Hello, magandang umaga .
Sino ito?
Ah, ikaw pala. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?” sagot ni Mark.
“May kaunting salu-salo sa bahay mamayang hapon pagkatapos ng
klase. Inaanyayahan kita,” wika ni Ian. “Salamat sa paanyaya mo.
Hayaan mo’t magpapaalam ako sa inay at itay ko.
Nagpaalam nga si Mark sa kanyang itay at inay. “Mag-iingat ka lamang,
Anak. Ihahatid kita at susunduin,” wika ng kanyang itay.
Sino ang tumawag sa telepono?
Ano ang pakay ng tumawag?
Ano raw ang mayroon kina Ian?
Ano ang nagging sagot ni Mark?
Ano ang masasabi mo sa ugali ng
dalawang bata?
Ikaw, nagpapaalam ka ba sa
tatay at nanay mo bago ka
umalis ng bahay?
Pangkatang Pagsasadula ng
Dayalogo.
Paano mo ipakikita ang iyong
paggalang sa iyong magulang?
Tandaan:
Magsabi/humingi ng pahintulot
kung aalis ng bahay.
Lutasin:
Kinukumbida o inaanyayahan ka ng
kaklase mo sa kanyang kaarawan.
May gawain ka pa sa bahay.
Paano ka magsasabi o hihingi ng
pahintulot kung aalis ka ng bahay?
Takda:
Isulat ang iyong sagot.
Pinababalik ka ng iyong guro sa
paaralan upang tumulong sa
paglilinis ng silid-aralan. Paano ka
magpapaalam sa iyong magulang?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 9 DAY 3
Ano ang dapat mong
gawin bago ka umalis ng
bahay? Bakit mahalaga
na magpaalam bago
umalis?
May bumibisita ba sa
inyong silid-aralan?
Ano ang ginagawa
ninyo?
Magbibigay ng sitwasyon
ang guro:
Pumasok an gating
punong-Guro:
Pumasok ang isang hindi
kilalang bisita:
Iparinig ang maikling kwento:
Isang araw, pumasok ang punungguro sa silid-aralan
ng mga batang nasa unang baitang.
Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at magalang na
nagsabi, “Magandang umaga po Gng. Salonga.”
“Magandang umaga naman,” nakangiting sagot ng
panauhin.
Gayon ang ginagawa ng mga bata kapag may
dumadating na magulang, punongbayan at iba pang
panauhin na dumadalaw sa kanila.
Sino ang pumasok sa silid-aralan?
Ano ang ginawa ng mga bata
pagkakita sa panauhin?
Natuwa kaya sa kanila ang
panauhin? Bakit?
Ano ang mabuting
kaugalian na ipinakita ng
mga mag-aaral sa unang
baitang?
Paano mo ipakikita ang iyong
paggalang sa panauhin?
Tandaan:
Tumayo bilang paggalang kung
may panauhing pumapasok s
silid-aralan.
Lutasin:
1. Abalang-abala sa pagbabasa ang mga
bata nang biglang dumating si Dr. Edna
Santos Zerrudo.Ano ang dapat gawin ng
mga bata?
2. Pinaupo sila ng panauhin . Ano kaya
ang dapat nilang sabihin?
3. Kinamusta sila. “Kumusta kayo mga
bata? Ano ang dapat nilang isagot?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 9 DAY 4
Paano mo ipakikita ang
paggalang sa panauhin na
dumadalaw sa inyong silid-
aralan?
Paano ka makipag-
usap sa matanda sa
iyo?
Iparinig ang maikling kwento:
Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa bahay nina
Liza.
“Tuloy po kayo, Aling Cely, “ paanyayang wika ni
Liza. “Salamat, Liza. Nariyan ba ang nanay mo?”
tanong ni Aling Cely.
“Opo, naroroon po sa kusina at nagluluto.
Sandali lamang po at tatawagin ko,” ang sabi ni
Liza.
“Inay! Inay! May bisita po kayo. Narito po si Aling
Cely,” ang sabi ni Liza.
Sino ang pinatuloy ni Liza?
Sino ang kailangan niya?
Ano ang ginawa ni Liza?
Anu-anong magagalang na salita ang
ginamit ni Liza?
Gayon ka rin ba kapag nakikipag-usap?
Ano ang iyong nadarama?
Ano kaya ang madarama ng iyong
kausap?
Pagbigkas sa Tula.
Ang Po at Opo
Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko
Maging magalang mamumupo ako.
Kapag kinakausap ng matandang tao
Sa lahat ng lugar sa lahat ng dako.
 
Pag ang kausap ko’y matanda sa akin,
Na dapat igalang at dapat pupuin
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin
Ang po at Opo ng buong paggiliw.
Paano mo ipakikita ang iyong
paggalang sa nakatatanda sa
iyo?
Tandaan:
Gumamit ng magagalang na
pananalita tulad ng po at opo
bilang paggalang.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “ Kumain ka na ba Kevin,” ang tanong ng lolo.
a. hindi pa bakit? b. Opo c. oo, kakain ko lang
2. Sa iyo ba ang payong na ito, Jilliane?
a. Akin yan. b. Oo nga c. Opo, akin yan
3. May kapatid ka ba, Ben?
a. wala b. Meron po. c Bakit mo tinatanong?
4. Ikaw ba ang nagtapon ng basura?
a. Opo b. Hindi c. Ako nga, bakit?
5. Tapos na ba kayong kumopya sa pisara? Tanong ng
guro.
a. Hindi pa, Ma’am b. Oo, tapos na c. Opo, Ma’am.
Takda:
Isaulo ang tula na “Po at
Opo”
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 9 DAY 5
Anong magagalang na
pananalita ang ginagamit
sa pakikipag-usap sa
nakatatanda?
Paano kang sumasagot
kung may tumatawag sa
iyo?
Iparinig ang maikling kwento:
Nasa kasarapan ang pakikipaglaro ni Jay sa
kanyang mga kaibigan. Maya-maya’y…
Jay! Jay! Nasaan ka? Kailangan kita
rito,”Tumakbo siyang pauwi. Nakita niya
ang kanyang inang abalang-abala. Sinabi
niya,
“Pasensiya na po, Inay, tutulungan ko na po
kayo, “ magalang na sabi ni Jay.
Ano ang ginagawa ni Jay nang
tawagin ng nanay niya?
Bakit siya tinatawag ng nanay?
Ano ang ginawa ni Jay?
Tama ba ang ginawa ni Jay?
Bakit?
Magkunwaring tinatawag
sa laruan ang bawat mag-
aaral.
Paano kayo sasagot?
Paano mo ipakikita ang iyong
paggalang sa iyong magulang?
Paano ka sasagot sa tawag?
Tandaan:
Sumagot sa katamtamang boses.
Kung ikaw si Jay, paano
mo ssagutin ang iyong
ina? Isagawa

You might also like