You are on page 1of 20

1

MAGPALIPAD TAYO
NG
SARANGGOLA
Maganda ang panahon. Gustong maglaro ni
Niko. Niyaya ni Niko na maglaro ang kakambal
na si Noli. Pumunta ang kambal sa labas. May
dala silang mga saranggola. Makukulay ang
mga saranggola ng kambal.

Pinalipad agad nila ang mga saranggola.


Mataas ang lipad ng saranggola ni Niko.

Napansin ni Niko si Noli. Malungkot ang mukha


ni Noli habang nakatingin kay Niko.

“Halika, tuturuan kita kung paano paliparin ang


saranggola.” sabi ni Niko.

Tumingin si Noli. Ipinakita ni Niko kay Noli


Prepared by: kung
paano magpalipad. Ilang saglit pa,
GINALYN P. QUINTOnakangiti na
si Noli. Grade III Teacher

“Salamat, Niko,” wika niya.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad


ang gawain kung nagtutulungan,” sabi niya.
Saan pumunta ang mga bata?

2
a. sa labas
b. sa paaralan
c. sa simbahan

2. Ano ang gusto nilang gawin?


a. kumain
b. maglaro
c. magpahinga

3. Anong panahon kaya magandang


magpalipad ng saranggola?
a. maaraw
b. mahangin
c. maulan

4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng


tamang paglipad si Noli?
a. Walang sariling saranggola si
Niko.
b. Nasira ang hawak na saranggola
ni Niko.
c. Hindi mapalipad ni Niko ang
saranggola niya.

5. Anong uri ng kapatid si Niko?


a. maasikaso
b. magalang
c. matulungin

3
6. Bakit napangiti na si Noli sa
katapusan ng kuwento?
a. Napalipad na niya ang
saranggola.
b. Binigyan siya ng premyo.
c. Nanalo siya sa paglalaro.

4
MALIIT NA DUHAT,
MALAKING PAKWAN
Nasa likod-bahay si Pido. Pumunta siya sa
silong ng punong duhat. Sabi niya, “Ang laki ng
punong ito, ang liit naman ng bunga.”

Nakita rin niya sa may taniman ang halaman


ng pakwan, “Ang pakwan na gumagapang
lamang sa lupa, kay laki ng bunga.” dagdag
niyang sinabi. “Mali kaya ang pagkagawa ng
Diyos?”

Habang iniisip niya ang tanong sa sarili,


biglang nalaglag ang isang bunga ng duhat.
“Aray!” sigaw niya. “Tama pala ang Diyos.
Kung kasinlaki ng pakwan ang duhat, may
bukol ang ulo ko ngayon,” pailing na sinabi ni
Pido.
1. Sino ang nasa silong ng puno?
a. Diday
b. Pandoy
c. Pido

2. Ano ang ipinagtataka ni Pido


tungkol sa puno ng duhat?
a. malaki ang puno maliit ang bunga
b. ang hugis ng prutas sa puno

5
c. ang kulay ng bunga ng punong
duhat

3. Saan nalaglag ang bunga ng duhat?


a. sa sahig
b. sa basket
c. sa ulo ni Pido

4. Ano ang naramdaman ni Pido nang


mahulugan siya ng bunga ng duhat?
a. nagalit
b. natakot
c. nasaktan

5. Ano ang mangyayari kay Pido kung


malaki ang bunga ng duhat?
a. mapipilayan
b. mabubukulan
c. magkakasakit

6. Ano ang katangian ng Diyos ang


naisip ni Pido?
a. maalalahanin
b. matalino
c. masipag

6
BAKASYON NI
HEBER
Isinama si Heber ng kanyang Tito Mar sa
Rizal upang makapagbakasyon. Masayang-
masaya siya dahil nakita niya sa unang
pagkakataon ang Pista ng mga Higantes.
Ang pistang ito ay naganap kahapon, ika-23
ng Nobyembre. Ginugunita sa pistang ito
ang patron ng mga mangingisda na si San
Clemente.

Pinakatampok sa pista ang matatangkad na


tau-tauhang yari sa papel. Dinamitan at
nilagyan ng makukulay na palamuti upang
mas maging kaakit-akit sa manonood. Ang
mga higante ay karaniwang may taas na
apat hanggang limang talampakan o sampu
hanggang labindalawang talampakan. Ang
mga deboto naman ay nakasuot ng damit-
mangingisda.

Hiniram ni Heber ang camera ni Tito Mar at


kumuha siya ng maraming litrato. Gusto
niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang
mga magulang. Ipakikita rin niya ang mga
ito sa kanyang mga kaibigan at kaklase.
Hinding hindi niya makalilimutan ang araw
na ito.
Kanino sumama si Heber upang
magbakasyon?

7
a. kay Rizal
b. kay Tito Mar
c. sa mga higante

2. Aling salita ang ginamit na ang


kahulugan ay dekorasyon?
a. kaakit-akit
b. palamuti
c. makukulay

3. Anong petsa kaya isinulat ang


kuwento?
a. Nobyembre 24
b. Nobyembre 23
c. Nobyembre 25

4. Paano inilalarawan sa kuwento ang


higante?
a. matangkad na tau-tauhang yari
sa papel
b. maitim, mahaba at magulo ang
buhok, salbahe
c. matangkad, malaki ang katawan
at malakas magsalita

5. Alin kaya sa sumusunod ang


produkto sa Rizal?
a. isda
b. palay

8
c. perlas

6. Bakit kaya gusto niyang ipakita ang


mga litrato sa kanyang mga
magulang at kaibigan?
a. Gusto niyang papuntahin sila sa
lugar na iyon.
b. Gusto niyang mainggit ang mga
ibang tao sa kanya.
c. Gusto niyang ibahagi ang
kanyang karanasan sa kanila.

9
LARUANG DYIP
Araw na ng Sabado. Kausap ni Romy ang
kaibigang si Bert. Gusto nilang maglaro, pero
pareho silang walang dalang laruan.
“Alam ko na! Gumawa tayo ng laruang
dyip,” naisip ni Rom.

“Paano?” tanong ni Bert.

“Ihanda muna natin ang mga takip ng bote o


tansan para sa gulong. Pagkatapos,
kailangan nating maghanap ng kahon ng
posporo para sa katawan. Manghingi naman
tayo ng kapirasong tela kay Nanay para sa
upuan,” paliwanag ni Rom.

“Paano kaya ito tatakbo, kahit walang


baterya?” tanong ni Bert.

“E, di talian natin at hilahin,” sagot ni Romy.


Sino ang magkaibigan? (Literal)
a. Romy at Bert
b. Remy at Betty
c. Ronald at Ben

2. Ano ang gusto nilang buuin?


(Paghinuha)
a. laruang kahon
b. laruang sasakyan

10
c. laruang telepono

3. Anong salita sa kuwento ang may


ibig sabihin na maliit na bahagi?
(Paghinuha)
a. kailangan
b. kapiraso
c. tansan

4. Bakit gusto nilang gumawa ng


laruan? (Literal)
a. Wala silang laruan.
b. Gumaya sila sa kaklase.
c. Nainggit sila sa mga kalaro.

5. Ano ang mga ginamit nila upang


buuin ang laruan? (Paghinuha)
a. mga lumang laruan
b. mga nakita nila sa halamanan
c. mga gamit na maaari nang
ibasura

6. Anong katangian ang ipinakita ni


Romy? (Pagsusuri)
a. masipag
b. malikhain
c. maalalahanin

11
SABADO NA
NAMAN
Isang Sabado, maagang gumising si
Pamela.
“Sabado na naman! Ah, tutulungan ko ang
nanay sa mga gawaing bahay. Marami pa
naman siyang ginagawa kapag galing sa
palengke,” sabi ni Pamela.

Pagkakain ng almusal, naglinis mabuti ng


bahay si Pamela. Mabilis niyang iniligpit ang
nakakalat na mga laruan sa sala. Maingat
niyang pinunasan ang mga bintana at sahig,
saka siya nagwalis. Pagkatapos maglinis ay
kinuha niya ang kanyang manika. Masigla
siyang lumabas ng bahay.

“Halika, Rosela, maglaro na tayo!,”


masayang bati ni Pamela sa kanyang
kaibigan.

Masayang
naglaro sina Pamela at Rosela.
Ano ang ginawa ni Pamela sa
kuwento?
a. Nilinis niya nang mabuti ang
bintana at sahig.
b. Iniligpit niya ang nakakalat na
manika sa sala.

12
c. Naghugas siya ng pinggan
pagkatapos ng hapunan.

2. Bakit kaya maraming ginawa si


Pamela sa bahay?
a. Nasa palengke pa si Nanay.
b. Wala siyang pasok kapag
Sabado.
c. Nais niyang makapaglaro sa
labas.

3. "Iniligpit" niya ang nakakalat na


laruan.
Ang ibig sabihin ng iniligpit ay
____________________.
a. inayos
b. itinabi
c. pinagsama

4. Anong salita ang naglalarawan kay


Pamela?
Si Pamela ay __________________ .
a. maingat
b. magalang
c. matulungin

5. Ano kaya ang naramdaman ng Nanay


sa ginawa ni Pamela?
__________________ si Nanay.
a. Nagalit

13
b. Nagtaka
c. Natuwa

6. Alin sa sumusunod ang magandang


pamagat ng kuwento?
a. Oras na para Maglaro
b. Oras na Para Tumulong
c. Araw ng Palengke ni Nanay

14
SI PARUPARO AT
ALITAPTAP
Malungkot si Alitaptap. Tatlong araw na
siyang hindi kumakain. Masakit na ang
kanyang tiyan. Kahit malakas ang ulan,
hinanap niya ang kaibigang si Paruparo.
Hihingi siya ng tulong dito.

Nabigla si Paruparo nang makita si


Alitaptap. Basa at nanghihina ito. Dali-dali
niya itong pinatuloy at pinakain. Niyakap
niya ito pagkatapos. Mahal niya ang
kaibigang si Alitaptap.

“Dalhin mo itong pagkain. Sa susunod, mag-


imbak ka ng pagkain. Sumama man ang
panahon, di ka magugutom," payo ni
Paruparo.

“Tatandaan ko, kaibigan. Salamat mu


nakangiting wika ni Alitaptap.
Masaya itong lumipad pauwi.
Bakit malungkot si Alitaptap sa
simula ng kuwento?
a. Nabasa siya ng ulan.
b. Gusto na niyang kumain.
c. Walang tumutulong sa kanya.

15
2. Mag-imbak sa susunod para may
makain ka.
Ang ibig sabihin ng mag-imbak ay
________________ .
a. maghanda
b. manghingi
c. mag-ipon

3. Anong katangian ang ipinakita ni


Paruparo?
Ipinakita ng paruparo ang pagiging
__________________ .
a. magalang
b. matalino
c. matulungin

4. Ano ang naramdaman ni Alitaptap sa


ginawa ni Paruparo?
________________ ang alitaptap.
a. Nabigla
b. Natuwa
c. Nataranta

5. Alin sa sumusunod ang isa pang


magandang pamagat ng kuwento?
a. Ang Mahalagang Bilin ng
Paruparo
b. Nang Bisitahin ni Paruparo si
Alitaptap

16
c. Ang Magkaibigang Paruparo at
Alitaptap

6. Ano ang nais ipahatid ng sumulat ng


kuwento?
a. Mainam ang nag-iimbak ng
pagkain.
b. Manghihina ang mga nababasa
sa ulan.
c. May tutulong sa atin kapag
malakas ang ulan.

17
ANG ASONG GUBAT
“Kaibigan, marami akong alam na hindi mo
alam,” pagmamalaki ng asong gubat sa pusa.

“Ang husay ko nga! Napakarami kong


paraan para makalusot sa kaaway. Madali ko
silang maliligaw.”

“Mabuti ka pa,” sagot ng pusa. “Ako, iisa lang


ang alam kong paraan.”

Dumating ang isang pangkat ng mga


mangagaso. Mabilis na umakyat sa puno
ang pusa. Ang asong gubat naman ay nag-
iisip pa kung ano ang gagawin niya.

Nakarating na ang mga mangangaso ay


natataranta pa sa pagtakas ang asong gubat.
Nahuli tuloy siya. Hinila siya patungo sa
kanyang kamatayan.
Sino ang nagmamalaki sa kuwento?
______________________ ang
nagmamalaki sa kuwento.
a. Si pusa
b. Si asong gubat
c. Ang mga mangangaso

2. Bakit hindi nakatakas sa


mangangaso si asong gubat?

18
Hindi nakatakas si asong gubat dahil
_________________ .
a. nagpaliwanag pa siya sa pusa
b. mabilis kumilos ang mangangaso
c. hindi niya alam kung ano ang
gagawin

3. Ano ang ibig sabihin ng


pangungusap sa loob ng kahon?

Hinila siya patungo sa kanyang


kamatayan.

a. Isinama siya upang siya ay


patayin.
b. Namatay siya dahil matagal
siyang hinila.
c. Kamatayan ang lugar na kanyang
pupuntahan.

4. Ano ang naramdaman ni asong


gubat nang dumating ang
mangangaso?
Si asong gubat ay ____________________.
a. nagalit
b. nagyabang
c. nataranta

5. Ano ang nais ipahatid ng sumulat


ng kuwento?

19
a. Iwasan ang pagyayabang.
b. Makaliligtas kung alam iligaw ang
kaaway.
c. Siguradong makaliligtas kung
marunong umakyat ng puno.

6. Alin sa sumusunod ang isa pang


magandang pamagat ng kuwento?
a. Ang Mahusay na Asong Gubat
b. Ang Mayabang na Asong Gubat
c. Ang Walang Awa na mga
Mangagaso

20

You might also like