You are on page 1of 44

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
WEEK 1 DAY 1
Anong bagay ang
makakatulong sa iyo para
makita ang sarili mo?
Natutuwa ka ba kapag
nakikita ang sarili mo?
Itanong: Ano ang pangalan
mo?
Bigyan ng panahon ang
mga bata na magkakilala at
magkamustahan.
Ipaawit: Kamusta Ka
Iparinig ang kwento
tungkol kay Aya at
Buboy.
Ito ang mga batang sina Aya at
Buboy.
Si Aya ay masiglang kumanta at
maglaro.
Si Buboy ay mahusay
magdrowing at sumayaw.

Masayahin sina Aya at Buboy.


Mahal sila ng kanilang mga magulang.
Pagtalakay
Anu-ano ang hilig ni
Aya?
Ano ang paboritong
gawin ni Buboy?
Bakit sila mahal ng
kanilang pamilya?
Kagaya din ba kayo ni
Aya at Buboy?
Anu-anong mga
gawain ang hilig
ninyo?
Magkaroon ng kunwa-
kunwariang Talent Search ng
mga mag-aaral. Hayaang
magpagalingan ang mga bata
sa pagpapakita ng kanilang
mga talento.
Kulayan ang mga larawan ng mga
gawaing hilig mo.
Takdang-aralin:
Gumupit ng larawan na kaya
mong gawin at idikit ito sa
iyong kwaderno.
Magpatulong sa magulang sa
paggupit
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 1 DAY 2
Anu-ano ang mga
gawaing kaya ninyong
gawin?
Gusto ninyo bang
makapanood ng isang
papet show?
Ipakilala ang papet gamit ang medyas at kamay.
Magkwento tungkol dito.

Ito Piolo. Isinali siya sa isang paligsahan sa pagtula.


Habang papunta si Piolo sa harap ng klase,
nakaramdam siya ng kaba at takot, Parang ibig na
niyang bumalik sa kanyang upuan. Para siyang
binuhusan ng malamig na tubig dahil sa
kahihiyan.Subalit ganun pa man pinilit pa rin niyang
makatula sa harap ng kanyang mga kamag-aaral.
Pagtalakay
Sino ang nakasali sa paligsahan?
Ano ang nadama niya habang
papunta sa harap ng klase?
Bakit kaya takot ang nadama ni
Piolo?
Iguhit ang mukha ni
Piolo habang siya ay
papunta sa harap
ng klase.
Lahat ba ng bata ay may
kahinaan?
Ano kaya ang mabuting
gawin upang maging
kakayahan din ito?
Pasalita
May pinaguguhit sa inyong larawan ang
inyong guro ngunit hindi mo ito kaya,
ano ang gagawin mo?
Nahihirapan ka sa takdang-aralin na
ibinigay ng inyong guro, Ano ang gagawin
mo?
Takdang-aralin:
Magtala ng mga bagay na
kayang-kaya mong gawin
at mga gawaing
nahihirapan kang gawin sa
iyong kwaderno.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 1 DAY 3
Matutulungan ka ng iba. Alin sa mga
sumusunod ang makakatulong sa iyo
upang mapahusay ang iyong nalalaman?

Nagtatanong sa nanay kapag hindi alam.


Nagtatago sa kwarto kapag nagkakamali.
Nagpapatulong sa ate o kuya kung
nahihirapan sa gawain
Naranasan ninyo na
bang mamasyal
kasama ang inyong
pamilya?
Iparinig ang kwento tungkol sa mag-anak.
Ang Masayang Mag-anak
Isang araw ng Linggo, pagkatapos magsimba
ng mag-anak ni Mang Caloy at Aling Mila, sila
ay nagtungo sa SM Mall. Namili sila ng mga
damit at gamit sa bahay. Kumain din sila sa
Jollibee. Tuwang-tuwa ang bunsong si Bobet
dahil binilhan pa siya ng bagong laruan ng
nanay.
Pagtalakay
Saan nagtungo ang mag-anak?
Ano ang ginawa nila sa mall?
Ano ang naramdaman ni Bobet ng
bilhan siya ng bagong laruan?
Ano kaya ang madarama mo sa mga
sitwasyong ito? Iguhit mo ang iyong mukha
sa loob ng bilog.
 
O Sumali ka sa paligsahan at nanalo ka.
O Malapit ka ng tawagin upang tumula.
O Hindi ka nanalo sa pag-awit.
O Dumating ang iyong pinsan, pinilit ng iyong
O nanay na sumayaw ka.
O Namatay ang alaga mong aso.
Anu-ano ang iba’t
ibang damdamin ng
tao?
Iguhit ang iyong damdamin sa mga
sumusunod na mga sitwasyon.
____Pupunta kayo sa Star City.
____Nasira ang bago mong laruan.
____Nawala ka habang namamasyal
kayo.
____Nahiwa ka habang nagbabalat ng
sibuyas.
____Mataas ang nakuha mong marka.
Takdang-aralin:

Gamit ang lumang paper plate. Gumawa


ng mukha na nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 1 DAY 4
Ipakita ang masayang mukha kung
kakayahan at malungkot na mukha
kung kahinaan.
----pag-iyak kung hindi magawa
ang gawain
__pagtugtog ng gitara nang buong
husay
Ano ang kailangang
gawin upang mas
mapahusay pa ang
iyong kakayahan?
Magkaroon ng maikling
palatuntunan.
Hayaang maipakita ng mga
bata ang kanilang
kakayahan sa pag-awit,
pagtula, pagsayaw atbp.
Ano ang nadama
mo habang
ipinakikita mo ang
iyong talento?
Anong damdamin
ang dapat mong
taglayin habang
ipinakikita ang
iyong kakayahan?
Sagutin: Tama o Mali
1. Umiyak kung makita ang maraming
taong manonood.
2. Gawin nang buong husay ang iniatas na
gawain.
3. Ipasa sa iba ang gawaing para sa iyo ay
may kahirapan.
4. Magtago para makaiwas sa pagpapakita
ng galing.
5. Maniwala sa sariling kakayahan.
Takdang-aralin:
Isaulo.
Ako ay natatangi. Ang
bawat batang katulad ko
ay may kakayahan.
Pauunlarin ko ang aking
sarili.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 1 DAY 5
Gamit ang plaskard ng mga ibat-
ibang damdamin, ipakita ang
mukha na nagsasaad ng
ipinahihiwatig na damdamin.

Kaarawan mo
Napagalitan ka ng nanay mo
Awit: Himig: The farmer in the Dell
Ano ang Kaya Mo?
Ano ang kaya mo?
Ano ang kaya mo?
Ano kaya ang kaya mo?
Ano ang kaya moi?
Kaya kong kumanta. (Ipakita ang aksyon.)
Kaya kong kumanta.
Kaya ko, oh, kaya ko,
Kakanta ako. (Palitan ang salitang-kilos.)
Ngayon ay alam mo na. Ikaw ay isang
natatanging bata. Tuklasin mo kung
ano ang kaya mong gawin. Pahusayin
mo pa ang iyong nalalaman. Kung
mayroon ka naming gustong gawin
na parang hindi mo kaya, magtanong
ka,magpatulong ka,Sa ganito,
matututo ka.
Anong uri ng bata ka?
Ano ang dapat mong tuklasin sa
iyong sarili?
Ano ang dapat mong gawin sa
mga bagay na nahihirapan kang
gawin?
Paano mo mapapahusay
ang iyong kakayahan?
Paano mo magagawa ang
mga bagay na nahihirapan
kang gawin?
Ano ang gagawin mo kung ikaw ang batang tinutukoy?
Bilugan ang letra ng kilos na iyong gagawin.
1. Mahilig kang umawit.
Nais mong iparinig ito sa iyong lolo at lola.
A. Hindi ako kakanta. Nahihiya ako.
B. Aawitan ko sila.
2. Maliksi ka sa larong takbuhan.
Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo.
A. Iiyak ako at uuwi na lang.
B. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat ako, hihingi ako ng tulong.
3. Gusto mong gumawa ng saranggola.
Pero hindi mo alam kung paano.
A. Magpapaturo ako.
B. Hindi na lang ako gagawa ng guryon.
Takdang-aralin:
Isaulo.
Ako ay natatangi. Ang bawat
batang katulad ko ay may
kakayahan. Pauunlarin ko
ang aking sarili.

You might also like