You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 4

PETSA:
ORAS:
I. Layunin
1. Nasasabi ang kahulugan at
kahalagahan ng likas kayang pag-unlad o
sustainable development
2. Nakalalahok sa mga gawaing
lumilinang sa pangangalaga at
nagsusulong ng
likas kayang pag-unlad ng mga likas
yaman ng bansa
3. Naipadarama ang pagmamahal sa
kalikasan sa pamamagitan ng paglahok
sa mga gawaing may kinalaman sa likas
kayang pag-unlad
II. Paksang Aralin
Paksa : ARALIN 11 Likas Kayang Pagunlad
Kagamitan : awit, larawan ng umiiyak na
puno, tansan, lumang tela, bote ng
1.5 L na soft drink, straw, binhi o punla,
at pambungkal ng lupa
Sanggunian : Yunit 2, Aralin 12, LM, pp.
171176 K to 12 AP4LKE-IIe-6
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Pakinggan ang awiting Kapaligiran
ng Asin.
2. Itanong sa mga bata:
a. Ano ang ibig iparating sa atin ng
awitin?
b. Sa pagmamasid mo sa ating paligid,
masasabi mo bang makatotohanan
ang mensahe ng awitin?
c. Ibigay ang iyong opinyon sa mga linya
sa awitin na hindi masama
ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng
kalikasan.
3. Tanggapin lahat ng mga sagot ng mga
bata.
4. Magpakita ng larawan ng isang
punong umiiyak.
5. Itanong ang mga sumusunod:
a. Bakit kaya umiiyak ang puno?
b. Sa palagay mo, bakit siya nasasaktan?

c. Sino ang dapat sisihin sa ganitong mga


pangyayari?
d. Ano ba ang ginagawa ng tao sa mga
puno?
e. Ano-ano ang maling ginagawa ng mga
tao sa ating mga likas na
yaman?
6. Sabihin na ang paksang tatalakayin
ngayon ay tungkol sa likas kayang
pag-unlad.
7. Ang klase ay bubuo ng suliranin mula
sa paksa.
Mga suliraning maaaring mabuo:
Ano ang likas kayang pag-unlad at
ang kahalagahan ng pagsulong
nito para sa mga likas na yaman ng
bansa?
Paano ka makalalahok sa mga
gawaing lumilinang sa pangangalaga
at nagsusulong ng likas kayang pagunlad ng mga likas na yaman
ng bansa?
B. Paglinang
1. Ipabasa sa mga bata ang bahaging
Alamin Mo sa LM, p. 171.
2. Ipasagot ang mga tanong. Tanggapin
ang lahat ng kasagutan ng mga
bata.
3. Talakayin ang aralin sa p. 172.
4. Bigyang-linaw ang aralin gamit ang
mga sagot ng mga bata sa mga
tanong.
5. Ipagawa ang bahaging Gawin Mo sa
LM, pp. 173174.
6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa
Tandaan Mo sa LM, p. 175.
IV. Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, pp.
175176.

ARALING PANLIPUNAN 4

PETSA:
ORAS:
I. Layunin
1. Natutukoy ang ilang halimbawa ng
kulturang Pilipino sa ibat ibang rehiyon
ng Pilipinas
2. Natatalakay ang kontribusyon ng ibat
ibang pangkat sa kulturang Pilipino

4. Ipagawa sa mga bata ang mga gawain


sa bahaging Gawin Mo sa LM,
pp. 188189.
5. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa
IV. Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, pp.
190191.

II. Paksang Aralin


Paksa : ARALIN 12 Kulturang Pilipino
Kagamitan : mga larawan ng ibat ibang
pangkat etniko, mapa ng Pilipinas,
manila paper, at panulat
Sanggunian : Yunit 2, Aralin 12, LM, pp.
177191
K to 12 AP4LKE-IIf-7
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magkaroon ng Walk to a Museum sa
loob ng silid-aralan.
2. Ipakikita rito ang mga larawan ng ibat
ibang pangkat etniko sa bansa.
3. Itanong sa mga bata:
a. Ano-anong pangkat etniko ang inyong
nakita sa Walk to a Museum?
b. Ano ang napansin ninyo sa kanilang
mga katangiang pisikal at
mga kasuotan?
4. Tanggapin lahat ng mga sagot ng mga
bata. Sabihin na tatalakayin sa
araling ito ang tungkol sa kulturang
Pilipino.
5. Ang klase ay bubuo ng suliranin mula
sa paksa.
Mga suliraning maaaring mabuo:
Ano ang kulturang Pilipino?
Ano-ano ang bumubuo sa kulturang
Pilipino?
B. Paglinang
1. Ipabasa sa mga bata ang bahaging
Alamin Mo sa LM, p. 177.
2. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga
tanong. Tanggapin ang lahat ng
kasagutan ng mga bata.
3. Talakayin ang nilalaman ng aralin, pp.
177187.

ARALING PANLIPUNAN 4
PETSA:

ORAS:
I. Layunin
Natutukoy ang mga pamanang pook
bilang bahagi ng pagkakakilanlan ng
kulturang Pilipino
II. Paksang Aralin
Paksa : ARALIN 13 Mga Pamanang Pook
Kagamitan : larawan, laptop, manila
paper, speakers, at metacards
Sanggunian : Modyul, Aralin 13, LM, pp.
192196
K to 12 AP4LKE-IIe-f-7
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan na may
kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Balik-aral: Ano-anong kultura ng
pangkat-etniko ang iyong hinahangaan
at bakit?
3. Pagpapakita ng video ng Tubbataha
Reef.
http://www.youtube.com/watch?
v=2apv2zAL1JA
Gabay na tanong: Ano ang naramdaman
mo nang mapanood mo ang isa
sa pinagmamalaking pamanang pook ng
ating bansa?
B. Paglinang
1. Pagpapakita ng mga larawan ng mga
pamanang pook.
2. Pagkakaroon ng malayang talakayan
ukol dito. Iugnay sa aralin.
3. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin
Mo sa LM, pp. 195196.
4. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa
Tandaan Mo sa LM, p. 196.
IV. Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko, p. 196 ng
LM.
V. Takdang Gawain
Gumupit ng limang larawan ng mga
Pilipino na naging tanyag sa kanilang
kakayahan. Ilarawan ang kanilang
talambuhay.

ARALING PANLIPUNAN 4
PETSA:
ORAS:
I. Layunin

Nakagagawa ng mga mungkahi sa


pagsusulong at pagpapaunlad ng
kulturang Pilipino
II. Paksang Aralin
Paksa : ARALIN 14 Pagsulong at Pagunlad ng Kultura
Kagamitan : larawan, laptop, manila
paper, speakers, at metacards
Sanggunian : LM, Aralin 14, pp. 197203
K to 12 AP4LKE-IIe-f-7
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Magkaroon ng balitaan na may
kaugnayan sa paksang tatalakayin.
2. Balik-aral: Paano ka makatutulong
para mapangalaagaan ang ibat
ibang pamanang pook ng ating bansa?
3. Pagpapaawit sa mga mag-aaral ng
awiting Journey ni Lea Salonga.
Gabay na tanong: Ano ang naramdaman
mo habang inaawit ang kanta
ni Lea Salonga?
Nais mo bang maging katulad niya?
Bakit?
B. Paglinang
1. Pagtalakay sa aralin, LM, pp. 197203
at pagpapakita ng mga larawan
ng mga Pilipinong naging sikat sa ibat
ibang larangan gaya ng mga
sumusunod:
a. Panitikan
b. Pagpinta
c. Paglilok o eskultura
d. Arkitektura
e. Musika
f. Sayaw
g. Tanghalan at pelikula
h. Pagandahan at palakasan
i. Agham at teknolohiya
Talakayin ang aralin habang ipakikita ang
mga larawan.
2. Ipagawa ang mga gawain sa Gawin
Mo sa LM, pp. 202203.
IV. Pagtataya
Pasagutan ang Natutuhan Ko sa LM, p.
203.

V. Takdang Gawain
Kapanayamin ang mga lolo at lola.
Itanong ang mga katangiang taglay ng
isang Pilipino. Isa-isahin at bigyan ng
paliwanag.

You might also like