You are on page 1of 2

Region I

Schools Division Office City of San Fernando


SAN FERNANDO SOUTH CENTRAL INTEGRATED SCHOOL
Tanqui, City Of San Fernando, La Union 2500
S.Y 2018-2019
LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4

December 5, 2018

I. LAYUNIN

A. Natutukoy ang iba’t ibang klima at panahon;


B. Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng Pilipinas; at
C. Nakikilala ang Pilipinas bilang isang bansang tropical
II. PAKSA

A. Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal


B. Batayang Aklat: Araling Panlipunan: Kagamitan ng mga Mag-aaral
C. Kagamitan: Chalk, Pisara, Krossita, Cartolina
D. Values: Pagpreserba sa kapaligiran
III. PAMAMARAAN

A. Pagganyak
a) Balik-aral
Itatanong:
1. Ilang pulo ang bumubuo sa Pilipinas?
2. Gaano kalawak ang Pilipinas?
B. Presentasyon
Bibigyan ng krossita ang mga mag-aaral at sasagutin ang mga tanong
sa bawat bilang.
C. Diskusyon
Ang mga sagot sa krossita ay ang iba’t ibang klima at panahon. Base sa
mga sagot, tatalakayin isa isa ang mga klima at panahon at kung ano
ang kaugnayan nito sa lokasyon ng Pilipinas.
D. Paglalahat
Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang
lugar. Ito ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo. Tropikal ang
klimang nararanasan sa bansa dahil ito ay malapit sa ekwador at nasa
mababang latitud. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa
kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito.

IV. EBALWASYON
Sagutan ang aktibidad sa libro sa pahina 25. Ilagay ito sa papel.

V. KASUNDUAN
Sa isang papel, gumawa ng isang tsart. Sa unang hanay, isulat ang mga
magagandang bagay na nararanasan sa isang bansang tropical at sa ikalawang
hanay naman ang hindi.

MGA TALA:

Naunawaan ng mga mag-aaral ang dahilan kung bakit nasabing bansang tropikal ang
Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa.

REPLEKSYON:

Mabuting naisagawa ang mga layunin ng paksa.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Roxanne Mae B. Tinaza Tessie R. Rafael


Grade 4 Chairman

You might also like