You are on page 1of 23

Araling Panlipunan

WEEK 1 DAY 4
BALIK - ARAL
Tukuyin ang apat na pangunahing
direksyon.
PAGGANYAK
Sa inyong kinatatayuan, ituro kung
nasaan ang silangan? kanluran?
hilaga? timog?
PAGLALAHAD
Pagpapakilala sa aralin.
Pangkatang Gawain
Tukuyin at magbigay ng dalawang bansa
na nasa pangalawang direksyon ng
Pilipinas gamit ang mapa ng mundo o
globo.
Pangkat I - Hilagang - Silangan
Pangkat II - Hilagang - Kanluran
Pangkat III - Timog - Silangan
Pangkat IV - Timog - Kanluran
Pag - uulat
TALAKAYAN
Sa pagitan ng mga pangunahing direksyon ay
ang mga pangalawang direksyon. Ang
direksyong nasa pagitan ng hilaga at silangan ay
ang hilagang-silangan (HS). Ang direksyon nasa
pagitan ng hilaga at kanluran ay ang hilagang-
kanluran (HK). Samantala, ang timog-kanluran
(TK) ay nasa pagitan ng timog at kanluran. At
ang timog-silangan (TS) ay nasa pagitan ng
timog at silangan.
PAGLALAHAT
Ano ang mga pangalawang
direksyon na ginamit sa
pagtukoy sa relatibong lokasyon
ng Pilipinas?
PAGLALAPAT
Gamit ang pangalawang direksyon, tukuyin at
isulat sa bawat patlang ang mga bansa na
nakapaligid sa Pilipinas batay sa kanilang
lokasyon.
PAGTATAYA
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Anong instrumento ang ginamit sa
pagtukoy ng direksyon?
A. thermometer B. compass rose
C. mapa D. globo
2. Anong bansa ang nasa hilagang-kanluran
ng Pilipinas?
B. Taiwan B. Vietnam
C. China D. Cambodia
3. Nasa anong direksyon ng Pilipinas ang
Singapore?
A. Timog - Kanluran
B. Hilagang - Kanluran
C. Timog - Silangan
D. Hilagang - Silangan
4. Ang Papua New Guinea ay nasa
_______________ ng Pilipinas?
A. Hilagang - Silangan
B. Timog - Silangan
C. Hilagang - Kanluran
D. Timog - Kanluran
5. Ang bansang nasa hilagang-silangan ng
Pilipinas ay ____________.
A. Thailand B. Indonesia
C. Singapore D. Japan
Takdang - Gawain
Magsanay sa paggamit ng pangunahin
at pangalawang direksyon sa
kinalalagyan ng Pilipinas batay sa
lokasyon ng mga karatig bansa sa tulong
ng mapa ng mundo at globo.
Maribel V. Cepillo
Sampaguita Elementary School

You might also like