You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN-4

WEEK 1, DAY 5

BALIK-ARAL
Gamit ang mapa ibigay ang mga pangunahing direksyon at ang pangalawang direksyon?
Ano ang instrumentong ginagamit sa pagsasabi ng direksyon?

a. Role Play– Travel Tour (Pangkatang Gawain)


b. Bigyan ng activity card at pinalaking larawan ng mapa ng Asia Sitwasyon: May mga batang
gustong mamasyal sa iba’t ibang panig ng Asia. Nag tanong sya sa travel agency kung anong bansa
ang magandang puntahan. Masundan mo kaya sya?
c. Lagyan ng x kapag narating ang lugar na nabangit.
d. Mula sa Pilipinas lumakad patimog hanggang marating ang nakabibighaning ganda ng bansang
Indonesia.
e Pagdating sa timog mamasyal sa naglalakihang estruktura ng bansang Vietman sa kanluran
f. Mula sa Vietman magtungo sa maunlad na bansa sa bahaging hilaga ang Taiwan
g. Itanong: Masarap bang mamasyal sa ibat ibang panig ng Asia? Anu¬-ano ang mga direksyong
nabangit?

Ngayon tutukuyin natin ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa karatig bansa
na nakapaligid dito gamit ang pangunahing at pangalawang direksyon.

Pangkat I
Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang pangunahin at pangalawang direksyon.
Pangkat II
Gamit ang mapa tukuyin ang mga bansang karatig ng Pilipinas gamit ang pangunahing direksyon
Pangkat III
Gamit ang mapa tukuyin ang mga bansang karatig ng Pilipinas gamit ang pangalawang direksyon .

Anu-ano ang mga pangunahing direksyon? pangalawang direksyon?


Ano ang pagkakaiba ng pangunahin at pangalawang direksyon?
Narito ang apat na pangunahing direksyon at apat na pangalawang direksyon Tukuyin ang bawat isa.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang bansang nasa hilahang-silangan ng Pilipinas ay ________.
a. Japan b. Malaysia
c. Taiwan d. China
2. Nasa anong pangunahing direksyon ng Pilipinas ang bansang Taiwan?
a. Timog b. Hilaga
c. Kanluran d. Silangan
3. Nasa anong direksyon ng Pilipinas ang Singapore?
A. Timog - Kanluran
B. Hilagang - Kanluran
C. Timog - Silangan
D. Hilagang - Silangan
4. Anong bansa ang nasa hilagang-kanluran ng Pilipinas?
a. China b. Malaysia
c. Cambodia d. Brunei
5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa anong pangunahing direksyon ng Taiwan
a. Hilaga b. Timog
c. Silangan d. Kanluran

Ilarawan ang klima ng ating bansa. Iulat ito sa klase sa Lunes

You might also like