You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


Marawoy, Lipa City
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

Markahan: Unang Markahan


Petsa: June 1, 2022
Oras: 4:30- 6:00 pm

I. Layunin:
Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng
Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon;
b. Nailalarawan ang mga karatig- bansa na nakapalibot sa
Pilipinas;
c. Nakasisipi ng relatibong lokasyon ng Pilipinas gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon.
AP4AAB-Ic4

II. Nilalaman
a. Paksa: Relatibong Lokasyon ng Pilipinas
b. Kagamitan: Powerpoint, biswal na materyales
c. Sanggunian: Araling Panlipunan: Pilipinas Isang Bansa
pg. 36-45

III. Pamamaraan
Mga Gawain ng Guro
A. Mga Pang- araw-araw na Gawain
1. Pagbati
Magandang araw mga bata!

Kamusta ang araw ninyo ngayon? Ayos lang ba kayo?

2. Pagdarasal
Para sa panimulang panalangin ay papanoorin ang isang bidyo na may
pamagat na“ Defender”.
https://youtu.be/TdqenA8k_GU

3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Upang maisaayos naman ang ating silid ay nais kong palagi ninyong tandaan
ang linis tsek ni G. Islin.
L- aging pulutin ang mga kalat
I- wasan ang pakikipag-usap sa katabi sa oras ng diskusyon
N-gumiti palagi at makinig ng mabuti
I- bigay ang lahat ng makakaya upang sumagot at makilahok sa talakayan
S- iguraduhing walang anumang makasasagabal sa inyong pakikinig

4. Pagtatala ng Liban
Ang guro ay nagtala ng liban sa klase.

A. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Mga bata kilala niyo ba si Mickey Mouse? Nais niyang maglakbay sa
Pilipinas.
Maaari niyo ba siyang matulungan?

Una, kinakailangan lamang na matukoy ninyo kung nasaang direksyon ba si


Mickey Mouse sa mapa.

Nasaan si Mickey Mouse?

HILAGA SILANGAN
HILAGANG KANLURAN TIMOG KANLURAN

2. Paglalahad
Natukoy na natin ang direksyon kung nasaan si Mickey Mouse ngunit hindi
namalayan ni Mickey Mouse na naiwan si Goofy sa byahe.

Maaari ba nating tulungan si Goofy


makasamang muli si Mickey Mouse at sabay silang maglakbay sa Pilipinas?

Halina’t sagutan natin ang isang aktibiti na magbibigay ng ticket ni Goofy


papuntang Pilipinas.

Panuto: Buuin ang mga salita.


SITE NG LARO
https://wordwall.net/resource/32481926
Ngayon nakuha na ni Goofy ang ticket at sabay na sila ni Mickey Mouse na
maglalakbay sa Pilipinas.

May napapansin ba kayo sa ticket ni Goofy?

Mahusay! Mayroong nakasulat na Relatibong Lokasyon ng Pilipinas at ito ang


pagtatalakayan natin ngayong araw.

3. Pagtatalakay

Saan nga ba matatagpuan ang Pilipinas?

Ano-anong mga bansa ang bumubuo sa Timog-Silangang Asya?


Ano ang Relatibong Lokasyon ng Pilipinas?

Mga Anyong-Tubig at Karatig-Bansa ng Pilipinas

Relatibong Lokasyon ng Pilipinas gamit ang Pangunahing Direksyon


Relatibong Lokasyon ng Pilipinas gamit ang Pangalawang Direksyon

4. Pangkatang Gawain

Nalaman na natin ang Relatibong Lokasyon ng Pilipinas. Oras na upang kayo


naman ang maglayag sa pamamagitan ng isang pangkatang gawain.

Buksan ang enbelop na nagmula kina Mickey Mouse at Goofy.

Unang pangkat

Ilista ang mga karatig bansang malapit sa Pilipinas sa pamamagitan ng


paggamit ng pangunahing direksyon.
Ikalawang pangkat

Ilista ang mga anyong tubig na malapit sa Pilipinas sa pamamagitan ng


paggamit ng panagalawang direksyon.

Ikatlong pangkat

Ilista ang mga bansang bumubuo sa Timog-Silangang Asya.

5. Pagsusuri
Ngayong natapos na nina Mickey Mouse at Goofy ang paglalakbay sa
Pilipinas, ito na ang araw ng pagbabalik nila sa clubhouse.

Kinakailangan lamang na sagutin ninyo ang tatlong gawain upang makalap


nila ang tamang impormasyon pabalik sa clubhouse.

Maaari niyo ba silang matulungan?

● Ano ang ibig sabihin ng relatibong lokasyon?

● Bakit mahalaga itong pag-aralan?

6. Paglalapat

Para sa ating susunod na gawain, ito ay ating tatawagin na “ Pili-direksyon”.

Panuto: Tukuyin ang direksyon ng bansa o anyong tubig ayon sa


kinalalagyan ng Pilipinas. Sabihin kung ito ba ay hilaga, silangan, kanluran o
timog.

1. Dagat Celebes
2. Vietnam
3. Dagat Timog Tsina
4. Bashi Channel
5. Indonesia
6. Karagatang Pasipiko
7. Hongkong

Sagot:
1. Timog
2. Kanluran
3. Kanluran
4. Hilaga
5. Timog
6. Silangan
7. Hilaga

7. Paglalahat

At para sa huling gawain, ito ay tatawagin nating “Kumpletuhin mo ako”.

Panuto: Punan ang kahon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa bawat
direksyon na nakapaligid sa Pilipinas.

Pangunahing Direksyon Nakapaligid na Anyong Lupa at


Anyong Tubig
Hilaga
Timog
Silangan
Kanluran
Sagot:
Pangunahing Direksyon Nakapaligid na Anyong Lupa at
Anyong Tubig
Hilaga Taiwan at Bashi Channel
Timog Brunei, Indonesia at Dagat Celebes
Silangan Karagatang Pasipiko at Guam
Kanluran Vietnam at Dagat Kanluran ng
Pilipinas

Ngayong natapos na natin ang lahat ng mga gawain, lubos na


nagpapasalamat si Mickey Mouse at Goofy na nakabalik na muli sila sa
clubhouse. Baon nila ang mga natutunan sa kanilang paglalakbay sa Pilipinas
at higit sa lahat nakasama na muli ni Mickey Mouse ang kanyang mga
kaibigan.

IV. Pagtataya

“ARAL PAGSASANAY”
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Nakatutulong sa pagbibigay ng lokasyon ng isang lugar ang pagtukoy sa


kinalalagyan ng mga katabing lugar nito. Ito ang tinatawag na_________
lokasyon.
A. pangalawang
B. pangunahing
C. relatibong
D. Isang

2. Ang Pilipinas ay bahagi ng rehiyon ng ___________ Asya.


A. Hilagang- Silangan
B. Timog-Silangan
C. Hilagang-Kanluran
D. Timog-Kanluran

3. Ang Pilipinas ay tinaguriang ___________.


A. Pintuan ng Asya
B. Pintuan ng mga Pilipino
C. Pintuan ng mga Dayuhan
D. Pintuan ng mga Kayamanan

4. Ang direksyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa gawing _________.


A. Hilaga
B. Silangan
C. Kanluran
D. Timog

5. Ang pinakamalapit na bansa sa Hilaga ng Pilipinas ay _________.


A. China
B. Taiwan
C. Hongkong
D. Japan

Sagot:
1. C
2. B
3. A
4. C
5. B

V.Takdang Aralin

Panuto: Iguhit sa isang malinis na bond paper ang mapa ng Pilipinas at


ilagay ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid dito gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon.

Inihanda ni :
CLARISSE E. MACALINTAL
Lagda ng Gurong Nagsasanay

Inihanda para kay:


MS. HAZEL S. DE CASTRO
Gurong Tagapatnubnay

You might also like