You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


Marawoy, Lipa City
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

Petsa: Mayo 24, 2022


Oras: 6:00-7:30 pm
Pangkat: Baitang 3

I. Layunin
A. Pamantayang ng Programa: Nagagamit ang malaki at maliit na letra
upang makapag-sulat ng wastong pangungusap, magamit ang angkop at
wastong letra sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o
karanasan nang may lubos na pag-unawa sa paggamit nito sa pang araw-
araw na pamumuhay.
B. Pamantayang ng Bawat Yugto: Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng
mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pagtukoy ng paggamit ng
malaki at maliit na letra sa pangungusap.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCS): Nakasusulat
ng talata nang may wastong baybay, bantas at gamit ng malaki at maliit
na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang
paksa o isyu. F3KM-IIIi-3.2

D. Kasanayan sa Pagkatuto :
 Nalalaman ang tamang paggamit ng malaki at maliit na letra sa
pangungusap o talata;
 Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaki at maliit na
letra sa isang pangugusap;
 Nakasusulat ng talata gamit ang wastong paggamit ng malaki at
maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon
sa isang paksa o isyu.
II. Paksang Aralin
Paksa/Akda: Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra
Genre: Gramatika
Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2. 2003.pp.120,133-134
Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra mula sa
https://youtube/cc2sU0ZDmE
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Komiks, Larawan
Kahalagahang Pangkatauhan: Sa ating mga tao nalalaman ang
kahalagahan ng paggamit ng maliit at malaking letra sapagkat
nakasalalay dito ang tamang pagbasa at pagsulat sa mga pangungusap
at talata.
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
● Panalangin
Mga bata bago tayo magsimula ay
magkaroon muna tayo ng isang
panalangin na pamumunuan ni Nikki.
Panginoon sa aming pag-aaral ngayon,
turuan mo kami na matutong makinig
nang mabuti sa lahat ng mga mapag-
uusapan at gagawin namin. Makiisa
kami sa mga talakayan at gawain na
ibibigay ng aming guro. Higit sa lahat,
magamit ang aming napag-aralan sa
kabutihan lamang. Ito po ang aming
dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.

● Pagbati
Isang mapagpala at magandang araw
mga bata!
Magandang araw din po ma’am!
Kamusta naman kayo? Ayos lang ba
kayo?
Opo Ma’am ayos lang po kami at
masaya po kami ngayon.

 Pagsasaayos ng Silid
Upang maisaayos naman ang ating silid
ay nais kong palaging tandaan ninyo si G.
Islin at ang kanyang Linis Tsek.

L-aging buksan ang inyong kamera


I-wasan ang pagbubukas ng mikropono
N-gumiti palagi at makinig ng mabuti
I-bigay ang isandaang porsyentong
makakaya upang sumagot at makilahok
sa talakayan
S-iguraduhing walang anumang
makasasagabal sa inyong pakikinig

 Pagtatala ng Liban
Ngayon mga bata kapag tinawag ko ang
inyong pangalan mangyaring sabihin ang
“kruu kruu” kapag kayo ay naririto.
( Magsasalita ang mga mag-aaral ng
“kruu kruu” sa oras na mabanggit ang
kanilang mga pangalan).

 Pagbabalik-aral
Bago natin kilalanin ang bagong paksa na
ating tatalakayin, atin munang balikan ang
naunang paksa na ating tinalakay
kahapon.

Ano nga ba ang ating tinalakay kahapon?


Ang paksang tinalakay natin kahapon
ay tungkol sa pandiwa.
Magaling! Ano muli ang
pagpapakahulugan natin sa pandiwa?
Ang pandiwa po ay mga salitang
nagsasaad ng kilos o galaw
halimbawana lamang po ay nagtapon,
bumili at nagsulat.
Mahusay! Batid kong naunawaan na
ninyo ang pandiwa. Ngayong araw ay
magbubukas ang panibagong yugto ng
aralin na ating pagtatalakayan.

Handa na ba kayo?
Opo, handa na po kami!

B. Aktibiti
Ngayon mga bata bago tayo magsimula
sa ating talakayan ay mayroon akong
ipapakilala sa inyong kaibigan at ang
kanyang ngalan ay “Bugs Bunny”. Sa
kasamaang palad ay mayroong problema
si Bugs Bunny. Nawawala ang kanyang
karot na pagkain. Kinuha pala ito ni Elmer
Fudd na kanyang mortal na kaaway.
Upang mabawi muli ang kanyang karot ay
kinakailangang matulungan ninyo si Bugs
Bunny na malampasan ang iba’t ibang
pagsubok.

Para sa unang pagsubok, kailangan


ninyong pumili sa dalawang pintuan at
sagutin ang mga katanungan na nasa
loob. Sa dalawang pintuang pagpipilian
isa dito ay may patibong na mukha ni
Elmer Fudd kung kaya’t kailangan
ninyong pumili ng mahusay. Kapag tama
ang pintuan na inyong napili at tama rin
ang inyong kasagutan ay magbubukas ito
at makukuha ninyo ang mga piraso ng
puzzle kung saan nagtatago si Elmer
Fudd. Ngunit kung hindi naman mayroon
pa rin kayong pag-asa na mapili ang
tamang pintuan dahil mayroon kayong
tatlong buhay.

Handa na ba kayo, mga bata?


Opo, handa na po kami.

Kung gayon ay umpisahan na natin ang


unang pagsubok.

Sino ang gustong unang pumili ng


pintuan?
(tatawag ng isang mag-aaral na pipili ng
isang pintuan).
Ngayon, anong pintuan ang iyong nais
buksan?
(Pipili ng pintuan at sasagutan ang
katanungan na nakapaloob sa pintuan).
Magbigay ng pangalan na nagsisimula sa
Kapital A.
Abby, Angelica, Annie

Mahusay tama ang iyong kasagutan


ngayon ay makukuha niyo na ang unang
piraso ng puzzle.

Sino naman ang sunod na nais pumili ng


pintuan? (tatawag ng isang mag-aaral na pipili ng
isang pintuan).

Ngayon, anong pintuan ang iyong nais


buksan? (Pipili ng pintuan at sasagutan ang
katanungan na nakapaloob sa pintuan).

Magbigay ng paboritong palabas na


napapanood mo sa telebisyon. Ang Probinsyano, Darna, Kambal
Karibal, Pangako Sayo

Magaling tama ang iyong kasagutan


ngayon ay makukuha niyo na ang
ikalawang piraso ng puzzle.

Para sa huling pagpipilian, sino ang nais


(tatawag ng isang mag-aaral na pipili ng
pumili ng pintuan?
isang pintuan).

Ngayon, anong pintuan naman ang nais


(Pipili ng pintuan at sasagutan ang
mong buksan?
katanungan na nakapaloob sa pintuan).

Magbigay ng salita na nagsisimula sa


sisiw, simbahan, supot, silid-aralan
maliit na titik s.

Mahusay ngayon ay makukuha niyo na


ang ikatlong piraso ng puzzle.

Mula sa ating ginawang aktibiti, ano sa


tingin ninyo ang paksang pagtatalakayan
Ang paksang pagtatalakayan natin
natin ngayong araw?
ngayong araw ay tungkol sa gamit ng
malaki at maliit na letra.
Mahusay! Ang paksang ating
pagtatalakayan ay patungkol sa gamit ng
malaki at maliit na letra.

C. Analisis
Gamit ng Malaki at Maliit na Letra
Ngayon ay halina at ating tuklasin ang
iba’t ibang gamit ng malaki at maliit na
letra.

Saan-saan nga ba ginagamit ang


malalaking titik o letra.

Para sa unang gamit nito, sino ang


maaaring magbasa?
Gamit ng Malaking Titik o Letra
1. Sa simula ng pangungusap

Ang unang titik sa isang pangungusap


ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:

Ang magkakaibigan ay nag-uusap.

Marami akong paboritong basahin.


Tandaan:
Ang malaki at maliit na titik ay ginagamit
natin sa magkakaibang dahilan. Ito ay
hindi basta-basta ginagamit kung kailan
lang natin gusto.

At mayroong paalala si Bugs Bunny.


Maaari niyo ba itong basahin ng sabay-
sabay? Palaging tandaan na matatagpuan ang
malaking titik sa simula ng
pangungusap at kapag magtatapos ang
pangungusap sa tuldok.

Maraming Salamat!

Sino naman ang makapagbibigay ng


sariling halimbawa ng pangungusap na
nagsisimula sa malaking titik?

Bago kayo magbigay ay ako muna ang


magbibigay ng halimbawa. Si Jojo ay
nagsimba sa Katedral. Sino ang nais
magbahagi ng kanilang sariling
pangungusap?
(Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
sagot).
Si Jennifer ay nagpunta sa palengke.

Mahusay!
Sa pangalawa naman sino ang maaaring
magbasa?
2. Sa tiyak na pangngalan (nouns)

Ang lahat na tiyak na ngalan ng TAO,


BAGAY, LUGAR, PANGYAYARI at
HAYOP ay nakasulat sa malaking titik.

Halimbawa:

Anna- TAO
Mongol- BAGAY
Bohol- LUGAR
Pasko- PANGYAYARI
Bantay- HAYOP

Maraming salamat sa pagbabasa!

Sumisilip si Bugs Bunny at mukhang


mayroon na naman siyang paalala sa
ating lahat. Maaari niyo ba itong basahin.

Ang tiyak na pangngalan o nouns sa


ingles ay palaging nagsisimula sa
malaking titik. Tinatawag din ang tiyak
na pangngalan bilang Pantangi.

Mahusay!
Sino naman ang mayroong naiisip na
tiyak na pangngalan, ibahagi ito sa ating
klase?
( Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
sagot).
Cebu, Lito, Rolex, Mingming, Araw ng
Patay
Sa ikatlong bilang, sino ang maaaring
magbasa?
3. Sa pamagat ng aklat o palabas

Ang mga aklat, ang kwento ganoon din


ang mga palabas ay ginagamitan ng
malaking titik. Ang bawat salita ay
nagsisimula sa malaking titik.

HALIMBAWA:

Ang Pagbabago sa Buhay ng Batang si


Jose- ( pamagat ng kuwento)
Ang Pluma- ( pamagat ng aklat)
Bandera- ( pamagat ng dyaryo)
Doraemon- ( palabas)
TV Patrol- (palabas)
Tandaan anumang uri ng pamagat ng
aklat, diyaryo o palabas ay nagsisimula sa
malaking titik.

Sino naman ang makapagbibigay ng


halimbawa sa pamagat ng aklat o
palabas? ( Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
kasagutan).
Ang Probinsyano, Noli Me Tangere at El

Magaling! Filibusterismo

At sa ikaapat na bilang, sino ang


maaaring magbasa? 4. Sa mga buwan (months) at araw
( days).

HALIMBAWA:

Buwan Araw

Enero Lunes Biyernes

Hunyo Martes Sabado

Setyembre Miyerkules Linggo

Disyembre Huwebes

Ang buwan at araw ay saklaw din sa


paggamit ng malaking titik.

Ngayon ay mayroong katanungan si Bugs


Bunny sa inyo at kapalit ng inyong
pagsagot ay ang gantimpala ng isang
piraso ng puzzle, maaari niyo bang isa-
isahin ang apat na gamit ng malaking titik.
Ang apat na gamit ng malaking titik ay
sa simula ng pangungusap, sa tiyak na
pangngalan, sa pamagat ng aklat o
palabas at sa mga buwan at araw.

Mahusay! Bigyan ang inyong kaklase ng


Bongbong klap.

Dadako na tayo sa paggamit ng maliit na


letra. Maari bang basahin ang susunod na
islayd.
Gamit ng Maliit na Letra
Ginagamit ito sa karaniwan o
pangkalahatang ngalan ng tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari o
pangngalang pambalana.

HALIMBAWA:
TAO BAGAY HAYOP LUGAR
pulis baso kalabaw simbahan
bata sapatos pusa bahay
ama bahay manok ospital

PANGYAYARI
kaarawan
binyag
anibersaryo
Huling paalala ni Bugs Bunny na ang
maliit na letra ay ginagamit kapag ang
salita ay pangngalang pambalana.

Kayo naman ang magbibigay ng


halimbawa ngayong nalaman niyo na ang
gamit ng maliit na letra, sino ang
maaaring makapagbigay ng ilang
(Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
halimbawa?
sagot).
panahon, bumbilya, aso, nars,
eskwelahan
Ngayon ay nagagalak si Bugs Bunny
sapagkat lubusan niyo nang nabatid ang
gamit ng malaki at maliit na letra.

D. Abstraksyon
Dahil hindi pa natin natutunton kung
nasaan na nga ba si Elmer Fudd ay
kinakailangan ninyong dumaan sa baku-
bakong daan at sagutan ang katanungan
ni Bugs Bunny para sa ikalimang piraso
ng puzzle.
Bilang isang mag-aaral, paano mo
mailalarawan ang tamang paggamit ng
malaki at maliit na letra kapag tayo ay
nagsusulat ng pangungusap o talata?
(Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
kasagutan).
Bilang isang mag-aaral ang tamang
paggamit ng malaki at maliit na letra sa
tuwing tayo ay nagsusulat at nagbabasa
ay makatutulong upang madali nating
maintindihan ang ating binabasa at
maayos ang ating isinusulat.
Mahusay dahil diyan ay narito na ang
ikalimang puzzle na inyong kailangan
para sa pagbawi ng karot ni Bugs Bunny.

E. Aplikasyon
Upang makuha na natin ang huling piraso
ng puzzle at tuluyan na nating matunton
kung nasaan si Elmer Fudd ay halina’t
ating sagutin ang mga sumusunod:

PANUTO: Iguhit ang kung tama


ang paggamit ng malaki at maliit na letra
sa pangungusap at naman kung
mali.
1. Si gng.cruz ang aking guro.
2. Pumunta kami sa Cavite.
3. Ang aking pusa ay si kitty.
4. Masaya ako tuwing araw ng pasko.
5. Bumili si Ben ng bagong Nike na
sapatos.

 Paghahalaw
1.Mula sa aktibiti ay matutukoy ng mag-
aaral ang tamang gamit ng malaki at maliit
na letra.
2.Ipaliliwanag isa-isa ang mga sagot sa
bawat bilang.
 Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating pag-aralan ang
tamang paggamit ng malaki at maliit na
letra? Kailangan nating pag-aralan ang
paggamit ng malaki at maliit na letra
upang sa gayon ay makasunod tayo sa
tamang gramatika at paraan ng
pagsulat na ating kinagisnan.
( Ang mga mag-aaral ay magbabahagi
pa ng kanilang mga kasagutan).

Ngayon ay handa na ba kayong malaman


kung nasaan ang nawawalang karot ni
Bugs Bunny?
Opo, handa na po kami.

Kung gayon ay atin nang buuin ang


puzzle.

Nasaan nga ba si Elmer Fudd?


Nasa gubat po.

At ano ang ginagawa ni Elmer Fudd sa


karot?
Ibinabaon po sa lupa.

Ngayon ay maaari na itong makuha ni


Bugs Bunny. Salamat sa inyong tulong!

 Paglalahat
Muli, ano ang tinalakay natin ngayong
araw? Ang ating tinalakay ay patungkol sa
Gamit ng Malaki at Maliit na Letra.
Sa tuwing kailan ginagamit ang malaking
titik o letra? Ginagamit ang malaking letra sa simula
ng pangungusap, sa tiyak na
pangngalan, sa pamagat ng aklat o
palabas at huli sa mga buwan at araw.

Sa tuwing kailan naman ginagamit ng


maliit na letra? Ginagamit ang maliit na letra sa
pangngalang pambalana.
IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang maling gamit ng malaki at maliit na letra sa
pangungusap.

1. hitik sa bunga ang punong mangga sa bakuran.

2. Sariwa ang Hangin sa aming nayon.

3. Mabait at Masayahin ang batang si Ben.

4. Malulusog ang kanyang mga Alagang baboy.

5. Kaysarap pagmasdan ng magagandang tanawin sa probinsiya ng albay.

6. Namasyal kami kanina sa s.m centerpoint.

7. Si jennifer ay umuwi mag-isa.

8. Sa araw ng lunes pa magbubukas ang parke.

9. Si bb. verde ang guro namin sa Filipino.

10. Lumipad na ang Ibon papunta sa puno.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng tatlong parirala at tatlong pangungusap. Gamitin ang tamang
paggamit ng malaki at maliit na letra at lagyan ng tamang bantas ang mga
pangungusap.

Pamantayan sa Pagmamarka
Tamang gamit ng malaki at maliit na letra- 5
Tamang gamit ng parirala- 5
Tamang gamit ng pangungusap- 5
Tamang gamit ng bantas- 5
___________________
Kabuuang Puntos: 20

Inihanda ni :
CLARISSE E. MACALINTAL
Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin:
JEAN D. DEL MUNDO
Guro sa Asignatura

You might also like