You are on page 1of 8

REPUBLIKA NG PILIPINAS

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS VISAYAS


ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO
LUNGSOD NG CADIZ

Detalyadong Banghay-Aralin
sa FILIPINO

Noah Mae D. Gelardez


OV II-3 BFE
Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy ang dalawang uri ng pangngalan.
2. Makakapagbigay ng halimbawa sa mga uri ng pangngalan.
3. Makikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain.
II. Paksang Aralin
A. Paksa
“Uri ng Pangngalan”
B. Sanggunian
Bagong Pilipino sa Salita at Gawa Aklat sa Wika
C. Kagamitang Pampagtuturo
Bisual (Cartolina), Bidyo, Power Point Presentation, Laptop, TV/Prodyektor
D. Pagpapahalaga
Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang kaakibat na solusyon sa mga suliraning
dumadating.
III. Pamamaraan

MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa Mga mag-aaral: Amen
ating pambungad na panalangin.

 Pagbati Mag-aaral:

Mapagpalang araw sa ating Magandang araw Bb. Noah.


lahat!
Mabuti naman po.

Kumusta kayo?
Kalihim:

 Pagtala ng Liban Kompleto po ang lahat Bb.


May liban ba sa araw na ito?
Wow! Nakakagalak naman na
walang liban sa araw na ‘to.
 Balik Aral
Bago tayo dumako sa ating
Magahud: Pang-uri po.
panibagong aralin, tayo muna ay
magbalik-aral.
Ano nga ulit ang ating pinag-
aralan noong nakaraang araw?

Cabungcag: Ang pang-uri ay salitang


Tama.
naglalarawan o nagbibigay turing sa mga
pangngalan o panghalip.
Ano baa ng kahulugan ng pang-
uri?

Mahusay! Ako’y natutuwa dahil


kayo ay may natutunan.

B. Pagganyak
Dahil tapos na tayo sa pang-uri,
ngayon naman ay pag-aaralan natin Mag-aaral: Ang Pangngalan ang tawag sa
ang tungkol sa “Uri ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
Pangngalan” pangyayari at iba pa.

Meron ba kayong ideya kung ano


ang Pangngalan?

Tumpak!

Ngayon bago tayo magsisimula sa


ating talakayan ay mayroon kayong
sasagutan na kung saan ay
susubukin ang inyong kakayahan sa
pag-unawa. (Sasagot ang mga mag-aaral)

Panuto: Isulat sa patlang ang P


kung ang Uri ng Pangngalan ay
pantangi at B kung pambalana.
___P__1. Masarap ang ginawang tinapay ni
Guila.
__B___2. Nakabili ako ng bagong damit sa
online.
__B___3. Nasira ang mukha ni Amy dahil
sa pampaganda na ginamit.
__P___4. Pangarap ko ang makapag-aral sa
Philippine Normal University-Visayas.
__P___5. Napasa ko ang pagsusulit sa 2P-
Fil 02.

Napakagaling naman ng seksyong ito.


Handa na ba kayo sa talakayan nating
ngayong araw?

C. Pagtalakay sa Paksa
Ngayong umaga, ating itatalakay
ang Uri ng Pangngalan. Ang
Pangngalan ay may dalawang
pangunahing uri.
Ito ang Pantangi at Pambalana.

1. Pantangi- Pangngalang tumutukoy


sa tiyak at tanging ngalan ng tao,
bagay, lugar, gawain at pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Hal. Philippine Normal University-
Visayas, Technology Building,
2. Pambalana- mga pangngalang
Mag-aaral:
nagsisimula sa maliit na titik na
Opo, Bb.
tumutukoy sa pangkalahatang

ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar,

pangyayari at iba pa. Taglocop: Tungkol sa Uri ng Pangngalan.

Hal. bayani, aso, pagdiriwang, pusa.

Mag-aaral:
D. Analisis Pantangi-nagsisimula sa malaking titik at
tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,
Naintindihan po ba ninyo ang ating
hayop, lugar o pangyayari.
talakayan ngayong araw?
Pambalana-nagsisimula sa maliit na titik at
tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng

Tungkol saan nga ulit ang ating tao,bagay, hayop, lugar o pangyayari.

aralin, Taglocop?

Ano ang pinagkaiba ng pangngalang

pantangi at pangngalang pambalana?

Mag-aaral: (magbibigay ng halimbawa)

Napakahusay!

Mag-aaral: (magbibigay ng halimbawa)


E. Abstraksyon

Dahil kabisado nyo na ang uri ng

pangngalan, sino sa inyo ang

makapagbibigay ng halimbawa ng

pangngalang pantangi.

Sino naman ang makapagbibigay ng

halimbawa ng pangngalang

pambalana?

Magaling! Mabuti naman at may

natutunan kayo sa ating talakayan.

May mga katanungan pa po ba

kayo?

Malinaw po ba?

F. Aplikasyon

At dahil nakinig kayo, ngayon tayo


ay magkakaroon ng laro. Ang larong
ito ay tatawagin nating “Itaas Niyo
Ang Bandera”. Sundan lamang ang
panuto sa pagsasagawa ng laro.

Panuto:
1. Ang dalawang uri ng bandera na
may kulay na pula ay
magrerepresenta bilang
Pantangi, at ang kulay asul
naman ay magrerepresenta
bilang Pambalana. Pangkatin ang
inyong sarili sa lima. Bawat
pangkat ay magkakaroon ng
dalawang uri ng bandera.
2. May mga salita akong ipapakita,
kung saan kailangan ninyong
hulaan kung anong uri ng
pangngalan ito. Itataas niyo ang
pulang bandera kung ito ba ay
pantangi at asul naman kung
pambalana.

Naintindihan niyo ba ang inyong gagawin?

Simulan na natin.

MGA SALITA
tsokolate
mall
Bench
Palabras
museo
simbahan
Adidas
restoran
Leni
24 oras

Napakagaling naman!
At bilang pagbati sa inyong ginawang
aktibidad, palakpakan ninyo ang inyong
mga sarili.
IV. Pagsusuri
Kumuha kayo ng papel at lapis at sagutan ninyo ito. Sundin lamang ang panuto.

Panuto: Iugnay sa pangngalang pambalana sa Hanay B ang pangngalan pantangi sa


bawat bilang sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
Pantangi Pambalana
1. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. a. bansa
2. San Carlos City b. teleserye
3. Philippine Normal University-Visayas c. president
4. Nike d. pintura
5. Prada e. siyudad
6. Mercedes-Benz f. sapatos
7. Pilipinas g. bag
8. Davies h. paaralan
9. Zara Basic i. sasakyan
10. VAng Probinsyano j. damit

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng 10 halimbawa ng pantangi at 10 halimbawa rin ng pambalana.
Isulat sa short bondpaper.

You might also like