You are on page 1of 6

NORTHEASTERN COLLEGE

Masusing Banghay Aralin sa FILIPINO

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) Natutukoy ang pangngalan sa anyong isahan at maramihan
b) Naipapaliwanag ang anyong isahan at maramihan
c) Nakapagbibigay ng panngalan sa anyong isahan at maramihan

II. Paksang aralin

Paksa: Mga pangngalan sa Anyong isahan at Maramihan


Sangunihan:
Kagamitan: Panturong biswal, powerpoint

III. Pamamaraan

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

A1. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po Ma’am!

Kumusta kayong lahat? okay lang naman po Ma’am


Mabuti naman kung ganon

A2. Panalangin
Manaatili muna kayong nakatayo at tayo’y Panginoon naming Diyos,patnubayan mo po kami
mananalangin. Maari bang pangunahan mo sa araw na ito. Patuloy mo po kaming gabayan
Jc ang ating panalangin? upang ang aming tungkulin ay aming magampanan.
Pagpalain mo po ang aming guro na saamin ay
matyagang nagtuturo sa amin at gayundin po ang
aming mga magulang na patuloy na sumusuporta sa
amin. Amen.
A3. Pagtala ng Lumiban

Bago kayo maupo ay ayusin muna ninyo


ang mga upuan at pulutin ang mga kalat na
nakikita niyo sa sahig.

Mayroon bang lumiban ngayon sa ating Wala po


klase?

Mabuti naman kung ganon, ikinagagalak


kong makita na kumpleto kayong lahat sa
araw na ito. Batid kong nais ninyong matuto
at alamin ang paksa na ating tatalakayin
ngayong araw.
.

B. Pagbabalik tanaw
Bago tayo dumako sa ating paksa ngayong araw, Ma’am ang atin pong tinalakay kahapon ay tungkol
sino sa inyo ang nakakaalala o makapagsasabi ng sa isa sa mga bahagi ng pananalita. At ito ay ang
ating pinag aralan kahapon? pangngalan.

Maari mo bang sabihin sa akin Janine kung ano ang Ma’am ito po ay mga salitang ngalan ng
pangngalan? tao,bagay ,lugar at hayop.

Mahusay, Janine! Ang pangngalan ay tumutukoy sa


mga salitang ngalan ng tao,bagay ,lugar at hayop.
C. Pagpapakilal sa Aralin

Handa na ba kayo sa ating aaralin ngayong araw? Opo

Kung gayon, tayo muna ay magkakaroon ng


maikling laro

Sino sa inyo ang gusting maglaro? Kami po!

UNANG GAWAIN: AYUSIN NIYO AKO!


Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo at bawat grupo
ay magkakaroon ng kahon na naglalaman ng mga
pira pirasong litrato.

Panuto: Buoin ang litrato at idikit sa tsart.


Pagkatapos maidikit ay sabihin kung ano-ano ang
mga nabuo. Ang grupo na mauuna sa pagbuo ay
magkakaroon ng 20 puntos.

Naintindihan ba mga bata? Opo

Kung gayon,bibigyan ko lamang kayo ng tatlo


hanggang 5 minuto upang buoin ang mga nasa
kahon.
Mahusay mga bata! Bigyan niyo ng sampong
palakpakang inyong mga sarili

D. Pagtatalakay sa Paksa

Mayroon akong hawak saaking kamay, ano ito? Ma’am barya po

Ma’am mga barya po

Tama! Itong nasa kaliwang kamay ko ay barya at Ma’am yung nasa kaliwa po ay iisa lang habang
ang nasa kanan naman ay mga barya. Ano sa tingin yung nasa kanan naman po ay marami
niyo ang pinagkaiba nila?

Tama! Ano na nga ulit ang tawag natin sa barya?


Ang barya ay isang halimbawa ng? Pangngalan po

Bakit natin siya natawag na pangngalan, Nalie? kase ito po ay tumutukoy sa salitang ngalan ng
bagay
Mahusay! Dahil ito ay tumutukoy sa ngalan ng
bagay.

Kaya ang barya ay halimbawa ng pangngalan. At ito


ay tinatawag nating pangngalan sa anyonmg isahan
at maramihan.

Kapag isahan, ito ay likas na nag-iisa lamang ang


bilang. Kagaya ng nasa kaliwang kamay ko, “Ang
barya”. At kapag maramihan naman ay higit sa
dalawa ang pinag uusapan. Tulad nitong nasa
kanang kamay ko, “ang mga barya”.

Napag aralan din natin kahapon na mayroong


nakakabit na pantukoy sa mga ito. Ang pantukoy na
“ti” ay katumbas ng “ang” at ang “dagiti” ay
katumbas ng ang mga.

Mayroon akong ipapakitang litrato sa inyo at


sabihin sa akin kung ano ito. Ma’am iyong una pong litrato ay sapatos habang
yung pangalawa naman po ay mga sapatos

Iyong una po ay bangka at ang pangalawa naman po


ay mga bangka

Iyong una pong litrato ay tao at ang pangalawa po


ay mga tao

Ang baboy po at ang mga baboy

Magagaling mga bata! Naintindihan ba? Opo!


E. Paglalahat

Ano nan ga ulit ang paksa natin ngayong araw? Ma’am mga pangngalan sa Anyong Isahan at
Maramihan

Ano ang pangngalan sa anyong isahan? Ma’am ito po ay tumutukoy sa ngalan ng tao,bagay
at hayop ma likas na nag iisa lamang.

Ano naman ang pangngalan sa anyong maramihan? Ma’am ito po ay tumutukoy sa ngalan ng tao,hayop
at bagay nahigit pa sa dalawa ang pinag uusapan

Mahusay! Naintindihan nga talaga Ninyo ang ating


tinalakay ngayong araw.

F. Paglalapat
PANGALAWANG GAWAIN: SHOOT MO,
PUNTOS MO!
Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo at bawat grupo
ay mayroong tig dalawang kahon na magsisilbing
mga ring. At mga litrato na magsisilbing mga bola.

Panuto: Ishoot sa tamang kahon ang litrato kung ito


ba ay pangngalan sa anyong isahan o pangngalan sa
anyong maramihan.

Kung sino mang grupo ang may piankamaraming


maishoot ay magkakaroon ng premyo.

Handa na ba kayo? Opo teacher!

Mahusay mga bata!

G. Ebalwasyon
Panuto: Isulat ang I kung isahan at M kung maramihan ang pangngalang may guhit.
1. .Si mama ay nagluto ng ulam
2. Dumaan ang mga bata sa kalye
3. Ang mga bundok ay matataas
4. Malalaki ang mga bag sa lamesa
5. Si nena naglalaro
6. Ang mansanas ay matamis
7. Ang mga pusa ay malalambing
8. Ang matanda ay masungit
9. Uminom ng tubig ang mga trabahador
10. Kumain ng mga candy ang mga bata
H. Takdang Aralin.
Panuto: gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga panngalan. Pagkatapos, isulat kung ang
panngangalan ay isahan o maramihan
Halimbawa; Lapis isahan bagong tasa ang kanyang lapis.
1.Ang manok
2. mga kaibigam
3.ang gulay
4. ang mga sapatos
5. ang puno

You might also like