You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino I

I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang magagawa ang:
a. Nahihinuha ang tamang pang-uring ginamit sa pangungusap.
b. Nagagamit sa paglalarawan,pagtutula at pag-awit ang mga pang-uri.
(F1WG-IIIc-d-4)
c. Naipapakita ang paggalang sa pagsasagot gamit ang “ opo”

II. Paksang Aralin: Pang-uri


Sanggunian: Ang Bagong Batang Pinoy, pahina 348-350
Kagamitan: Tugtugin, Saging, Bola, Ampalaya, Tsokolate, Manika,
Biswal at Papel pang-Aktibidad.
Pagpapahalaga: Pagiging Magalang
Integrasyon:MAPEH, ESP. at EPP
Lokalisasyon: Mga Gulay at Prutas sa Silang

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
- Magandang umaga mga bata. Magandang umaga rin po Maam.

2. Pangangasiwa ng silid-aralan
- Okey klas, bago tayo magsimula pulutin muna
ang mga basurang nakakalat sa inyong paligid.
Pagkatapos ay umupo nang maayos, huwag mag-
iingay at makinig sa ating tatalakayin ngayon.
Opo.
Naiintindihan po ba?

2. Balik-aral

Ngayon pipili ako ng tatlong mag-aaral at ang


mag-aaral na napili ko ay gagayahin niyo ang
ginagawa ng bata sa larawan.
Opo.
Naiintindihan po ba?
Mga Katanungan: - Si Alex po ay tumatakbo .
1. Ano ang ginagawa ng tatlong kamag-aral - Si Marco po ay kumakain.
ninyo? - Si Anna po ay kumakanta.

Magaling!
- Pandiwa po.
2. Ano ang tawag sa mga salitang kilos na
ginagamit natin sa pangungusap?

Tama!
- Ang Pandiwa po ay ang mga
3. Ano ang Pandiwa? salitang kilos.

Mahusay!
- Sumasayaw po.
4. Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng - Tumatalon po.
Pandiwa?

Magaling!

3. Pagganyak
Opo.
- Ngayon naman mga bata may kakantahin tayong
isang awitin. Alam niyo ba ang kantang “Ang
Tatlong Bibe”? ( Ang mga mag-aaral ay sasabay sa
tugtugin at gagayahin ang sayaw ng
- Okey, lahat ay tumayo para sabayan ang saliw ng
kanilang guro.)
musika kasabay ng pagsayaw.

Merong pong bibeng mataba at


mapayat.
Ngayon klas, paano inilarawan ang dalawang bibe
sa awitin para maipakita ang pagkakaiba nilang
tatlo?
Magaling!

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Ang mga bibe na `yan klas ay may


tagapangalaga. Siya ay si Aling Marta at Mang
Kanor. (Ipapakita ang larawan ng isang babae at
lalaki)
Ang kanya pong damit ay maikli.
1. Ano ang masasabi ninyo sa damit ni Aling
Marta?
- Magaling!, Si Aling Marta klas ay namili sa
palengke kasama ang kanyang asawa. Ang
pinamili ni Aling Marta ay saging, ampalaya at
manika samantalang si Mang Kanor naman ay
tsokolate at bola. (Ipapakita ng guro ang mga
pinamili ni Aling Marta at Mang Kanor)
Ang saging po ay kulay dilaw.
2. Ano ang kulay ng saging na binili ni Aling
Marta?
- Magaling! Opo.
Ang ampalaya po ay mapait.
3. Nakatikim na ba kayo ng ampalaya?
Ano ang lasa naman ampalaya?
- Tama!
Ang buhok po ng manika ay mahaba.
4. Anong masasabi niyo sa buhok ng manika?
- Tama!
Ang bola po ay hugis bilog.
5. Anong naman ang hugis ng bola?
- Mahusay!
Ang tsokolate po ay matamis.
6. Ano ang lasa naman ng tsokolate?
- Tama!

2. Pagtalakay

Ngayon mga bata , basahin natin ang mga


salitang nakasulat ng may kulay.
- dilaw - dilaw
- mapait - mapait
- bilog - bilog
- matamis - matamis
- mahaba - mahaba

Ano ang ginagampanan ng mga salita sa


Ang mga salita pong ito ang
pangungusap?
naglalarawan sa tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari.
Tama!

Alam niyo ba kung ano ang tawag sa mga


salitang naglalarawan? ( Maaaring opo o hindi)

Ano ang tawag dito?


Pang-uri po.
Magaling!

Ano ang pang-uri?


Ang pang-uri ay ang mga salitang
naglalarawan sa tao, bagay, hayop,
Napakahusay!
lugar at pangyayari.
C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
- Okey klas, ano nga ulit ang pang-uri?
- Ang pang-uri po ay ang mga
Tama! salitang naglalarawan sa
pangngalan o panghalip.
- Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng
pang-uri?
- Mataba, maganda, kulay itim ………
Magaling!

2. Paglalapat
- Ngayong alam niyo na ang pang-uri,
papangkatin ko kayo sa apat. Bawat pangkat ay
may nakatalagang aktibidad. ( Magkakaroon ng isang pangkatang
gawain ang mga mag-aaral)

Patakaran:
1. Habang pinag-uusapan ninyo ang gagawin
dapat walang mag-iingay nang malakas.
2. Lahat dapat ng miyembro ay tumutulong sa
ginagawang aktibidad.
3. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto
para mapag-usapan ang gagawin.
4. Ang grupong may pinakamaayos at tama
ang nagawa ay makakatanggap ng limang
bituin.

Para sa Unang Pangkat


- Ilalarawan ninyo ang pagkakaiba ng kapaligiran
noon at ngayon.

Sa Ikalawang Pangkat ay ….
- Bubuoin ninyo ang salitang naglalarawan sa
larawan.

Sa Ikatlong Pangkat naman ay….


- Lalapatan ninyo ng himig ang isang saknong ng
tula.
- May nakalaan ng awitin para sa inyong tula ito ay
“Ako ay may Lobo”
- Pagkatapos niyong kantahin sasabihin ninyo nang
malakas ang mga pang-uring ginamit.

At para naman sa Pang-apat na Pangkat


- Pipiliin ninyo sa kahon ang paborito niyong
pagkain o gamit. Pagkatapos magbibigay kayo ng
paglalarawan kung bakit ito ang inyong napili. Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain.
Dapat siguraduhing tahimik ang inyong pangkat.
Siguraduhing lahat ay tumutulong sa gawain.

(Tatawagin ang bawat pangkat para magpresenta


ng kanilang ginawa.)

Binabati ko kayo sa inyong ginawa, Napakahusay!


kaya tumayo ang lahat para sa pagbibigay papuri
sa inyong mga sarili.

Isa, dalawa, tatlo (padyak)


Isa,dalawa, tatlo (palakpak)
Magaling, Magaling (thumbs up)

IV. Pagtataya

A. Tukuyin at bilugan sa pangungusap ang pang-


uring ginamit.

1. Si Anna ay isang masipag na bata.


2. Kalbo ang tatay ni Anton.
3. Mabangong bulaklak ang binigay ni Anna sa akin.
4. Siya ay isang mahiyaing tao.
5. Si Alex ay bumili ng matamis na manga.

V. Takdang-aralin

Gumuhit ng paborito ninyong prutas o gulay.


Pagkatapos, magbigay ng tatlong pang-uri na
maglalarawan sa inyong napili.

You might also like