You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

H. E. A. R. T. Plan

Antas: Ika-apat na Baitang Guro: Bb. Tricia L. De Guzman

I. Paksang Aralin
 Ang Pang-uri at ang mga Uri nito
Sanggunian:

 Gintong Diwa (Batayang Aklat sa Filipino) ni Danilo V. Lem, pahina 97-107.


Kagamitan:

 Mga larawan, Laptop

II. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga pang-uri na ginagamit sa paglalarawan.
2. Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan.
3. Napapahalagahan ang wastong paglalarawan sa pamamagitan ng paggamit sa
pakikipagtalastasan.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


HOOK
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin

, pangunahan - Opo ma’am (sa Ngalan ng Ama,


mo ang ating panimulang ng Anak, at ng Espiritu Santo
panalangin sa araw na ito. Amen….)

3. Pagsasaayos ng Kapaligiran
4. Pagtala ng Liban
(Tatawagin ng guro ang class
monitor)
, may lumiban - Wala po ma’am.
ba sa araw na ito?
B. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan na
kung saan tutukuyin ng mga
mag-aaral ang katangian nito.

Halimbawa:

Tsokolate - Ito’y matamis


- Hugis parihaba
- Kulay brown

Rosas - Ito’y maganda


- Kulay pula
- Mabango

Mansanas - Matamis
- Kulay pula
- Masarap

Puno - Matanda na
- Madaming bunga
- Malaki

Aso - Cute
- Nakakatakot pag tumahol
- Bantay sa bahay

Magaling! Tama ang inyong mga sinabi.


- Naglalarawan ma’am
Anong napansin ninyo sa ating ginawa?

Tama. Ilan lamang yan sa mga bagay na


maaari nating ilarawan.

Ngayon naman, ating palalawakin ang


inyong pang-unawa sa paglalarawan.

ACQUIRE
A. Pagtatalakay

Kanina ay nagpakita ako sa inyo ng


ilang mga larawan at ito ay inyong
inilarawan.

Ang tawag sa pananalitang ginamit


ninyo kanina ay pang-uri.
Ang pang-uri ay naglalarawan o
nagbibigay turing sa mga pangngalan o
panghalip.

Natatandaan pa ba ninyo kung ano ang - Opo ma’am


pangngalan at panghalip?

Ano nga ang pangngalan? - Ito po ay salita o bahagi ng


pangungusap na tumutukoy
ngalan ng tao, bagay, hayop, o
pangyayari.

Tama. Ano naman ang panghalip? - Ito po ay ang salitang humahalili


o pamalit sa ngalan o
pangngalan na nagamit na sa
parehong oangungusap.

Magaling! Natatandaan nyo ang ating


mga napag-aralan.

Ngunit ang pang-uri ay mayroong


tatlong uri.
- Pang-uring panlarawan
- Pang-uring Pamilang
- Pang-uring Pantangi

Subalit dalawa lang ang ating pag-


aaralan ngayon.

1. Pang-uring Panlarawan
- Ito ay ang pang-uri na
naglalarawan ng kulay,
amoy, lasa, hugis, anyo,
sukat, at katangian ng
pangngalan at panghalip.

Subukan nga ninyong magbigay ng - Malayo


halimbawa ng pang-uring panlarawan. - Matamis
- Malaki
- Bilog
- Mabango
- Mahaba

Magaling! Tama lahat ng inyong mga


sinabi. Ang sunod naman ay ang:

2. Pamilang
- Ang pang-uring ginagamit ay
nagsasabi ng bilang, dami, o
halaga ng pangngalan o
panghalip.

Ngayon subukan naman ninyong


tukuyin kung alin ang pang-uring
pamilang sa pangungusap na ito:

Hal.:

- Dalawang kaing ng lansones


ang dinala sa palengke. Ang - Dalawa po
bawat kilo nito ay pitumpung - Pitumpung piso po
piso.

- Mayroon akong limang aso at - Lima po


dalawang pusa sa aming - Dalawa po
bahay.

Mahusay mga bata. Iyan nga ang pang-


uring pamilang. Wasto ang inyong
pagtukoy.

Ano nga ulit ang pang-uri? - Salitang ginagamit po sa


paglalarawan

Anong mga uri nito? - Pang-uring Panlarawan


- Pang-uring Pamilang
- Pang-uring Pantangi

Magaling! Mahusay!

ENGAGE

A. Pagtataya
( Alamin natin)

Dahil natalakay na natin ang pang-uri at


ang dalawa sa tatlong uri nito. Mayroon
naman kayong sasagutan ngayon.

REFLECT

Bakit kailangan nating matutunan ang - Upang mailarawan po ang mga


pang-uri? bagay, tao o pangyayari.
Bakit naman kailangan matutunan ang - Upang maging wasto ang pag-
mga uri ng pang-uri? gamit ng pang-uri.

Tama ang lahat ng inyong sinabi.


Kailangan matutunan ang pang-uri at
mga uri nito nang sa gayon ay magmit
natin ang mga wastong salita sa
paglalarawan ng mga pangngalan o
panghalip.

TRANSFER

Bilang inyong takdang-aralin, gagawa


kayo ng isang talata na naglalarawan
tungkol sa inyong tahanan.

You might also like