You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. masasabi ang mga salitang naglalarawan ng mga bagay ayon sa
kulay, hugis, laki, bilang at dami;
b. magagamit sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan ng
mga bagay ayon sa kulay, hugis, laki, bilang at dami;
c. bigayang halaga ang kulay, hugis, laki, bilang at dami ng mga
bagay sa kapaligiran.

II. Pagkang-aralin
Paksa: Salitang Naglalarawan ng mga Bagay Ayon sa Kulay, Hugis, Laki,
Bilang, at Dami
Sanggunian: Batayang Aklat sa Filipino pahina 106-108
(https://www.scribd.com/doc/290957175/arallin-sa-filipino-2)
Kagamitan: Mga bagay na dala ng mga mag-aaral, cartolina, tsart at
larawan.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
-Inaaanyayahan ang lahat na
tumayo at tayo’y manalangin. -Sa ngalan ng Ama, ng Anak ng
Espiritu Santo… Amen
2. Pagbati/Pagtala sa liban
-Magandang Umaga mga
bata! -Magandang Umaga po ma’am!

-Maaari na kayong umupo. -Salamat po!

-Bago tayo magsimula sa


ating aralin ngayong umaga.
Ihanda ninyo muna ang
inyong mga sarili, umupo ng
maayos, walang mag-iingay
habang nagsasalita ang guro
sa inyonng harapan, makinig
ng mabuti at kung gusto
ninyong sumagot itaas
lamang ang inyong kanang
kamay… naintindihan niyo ba -Opo ma’am!
mga bata?

3. Pagganyak
-Ngayon mga bata, ilabas
ninyo sa inyong bag ang
anumang bagay na nais
ninyong ilarawan. Ilarawan ito
ayon sa kanyang kulay,
hugis, laki, bilang, o dami.
Halimbawa, mayroon akong
payong, maganda at matibay
ito. Ito ay kulay lila at isa lang
ang payong na hawak ko.
-Ngayon, inaaanyayahan ko
ang bawat isa na mag bigay -(Subaybayan ang mga bata sa
ng inyong mga halimbawa. paglalarawan ng kanilang napiling
bagay)
-Magaling mga bata!

B. Paglalahad
-Mayroon tayong tula
nababasahin ngayon. Makinig
ang lahat at sabay-sabay
nating tuklasin kung tungkol
saan ang tula. Handa na ba Minsan isang gabi, ako’y nag-aaral,
kayo? Nang biglang namatay itong mga ilaw.
Ang sigaw ay “brown out” o kaya dilim
naman,
Malaking bintana, dagli kong
binuksan.

Aba! Anong ganda ng buwang


mabilog.
Itim na paligid wari ko kay lugod,
Maraming bituin tila alitaptap
Sa buwang iisa tanglaw ay liwanag.

-Naintindihan niyo ba ang -opo!


tula?

-Tungkol saan ang tula na -tungkol sa Brown-out


ating binasa?

-Tama! Tungkol sa Brown-


out, ano ang ginagawa ng -nag-aaral
mga bata bago magbrown-
out?

-Ano ang kanyang nakita sa -ang buwan at ang mga bituin


pagbukas niya nang bintana?

-Ano ang nagsilbing tanglaw


o liwanag sa paligid sa -buwan
panahon ng brown-out?
-Tama! Magaling mga bata!

Ngayon ating alamin ang mga


salitang naglalarawan sa mga
bagay na nabanggit sa tula. Salitang Salitang
-Anong salita ang ginamit para Nabanggit sa Naglalarawan
ilarawan ang laki ng bintana? tula
-Anu-anong salita ang ginamit Bintana Malaki
upang ilarawan ang buwan? Buwan Bilog
-Anong salita ang ginamit upang Paligid Madilim
ilarawan ang kulay nga paligid? Bituin Madami
-Anong salita ang ginamit upang
ilarawan dami ng bituin?

-Mayroon tayong iba’t-ibang


larawan ditto, sabay-sabay nating pag-
aralan ang bawat isa.

-Ano-ano ang nakikita niyo sa


larawan?
-mayroon pong mansanas
-isda
-talong
-buhok
-bola
Kaunti Marami
-lobo
-lapis

Lila Itim

Bilog Biluhaba

Isa Lima
Mataas Maliit

-talong at buhok, kulay at itim

-Tama! -lapis, malaas at maliit

-Alin sa mga bagay sa itaas ang -mansanas, kaunti at marami


naglalarawan ng kulay? Sabihin ang
mga salitang ginamit.
-bola at lobo, bilog at biluhaba

-Alin ang naglalarawan ng laki?


Anu-anong mga salita ang ginamit? -isda, isa at lima

-Anu-ano mga salitang ang


naglalarawan ng dami?

-Anu-anong mga salita ang


naglalarawan ng hugis ng mga bagay?

-Sabihin ang mga salitang


naglalarawan ng bilang ng mga bagay.

C. Paglalahat
May mga salitang naglalarawang ng bagay ayon sa kulay tulad ng itim, pula,
berde at marami pang iba, hugis tulad ng bilog, parihaba, biluhaba at marami
pang iba, laki tulad ng maliit o malaki, bilang tulad ng isa, dalawa tatlo at marami
pang iba at dami tulad ng kaunti o madami.

D. Paglalapat
Piliin at basahin ang mga salitang naglalarawan ng mga bagay.
1. Sumulat, puti, kanin, mataba
2. Takbo, papaya, bilog, parihaba
3. Maliit, kulisap, dampa, asul
4. Walo, bao, niyog, pula
5. Marami, babae, kaunti, aso
IV. PAGTATAYA
A. Piliin sa ibaba kung ano ang naglalarawan sa mga bagay ayon sa dami,
kulay, at hugis. Isulat sa isang malinis na papel ang bilang 1-6. Lagyan ng /
ang bilang na naglalarawan ng dami, X ang kulay, at ang hugis.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga larawan na nag lalarawan ng bagay ayon


sa hugis, laki, at bilang.

Halimbawa: Ako ay may payong na kulay pula.

1.
2.

3.

V. TAKDANG-ARALIN
Magtala ng sampung salitang naglalarawan ng bagay ayon sa kulay,
hugis, laki, bilang o dami. Isulat sa papel

Hinanda ni:

ARNELYN JEAN B. ARANCILLO

You might also like